webnovel

CHAPTER 52

 " Ang Pagbabalik ng mga Alala at Buhay P1"

PREVIOUSLY.....

Narating na nina Jenna, Katalina at Jake ang Kuta nina Sitan. At sa tulong ng Kalag ni Nonoy, Kapatid ni Jessel. Hinanap ni nonoy sa loob ng kuta kung saan ibinilanggo sina Theo at tyler. Samantala, Kagimbal-gimbal ang nasaksihan nina Susmihta,Raven at Jessel sa mundo ng mga tao. Maraming ari-arian ang nasira dahil sa malakas na bagyo.

Right now....

" Nasaan na ba kasi si Ian..?" Tanong ni Raven, habang wala silang makita sa kanilang paligid dahil sa sobrang lakas ng hangin.

" Mahabaging Bathala.. ang laki ng tubig baha.." Sabi ni Jessel.

" Sandali, mag iingat kayo sa mga limilipad na mga malalaking sanga ng puno. at pati na yero.." Paalala ni Susmihta. At di nga nagkamali si susmihta sakanyang tinuran, dahil may malaking sanga ng puno ang tatama kay Raven.

" ILAG!!! ravennnnn!!! " Sigaw ni Jessel ng biglang may bumalot na isang harang na gawa ng Yelo.

" Nandito na si Ian.." Sabi ni raven. at sa di kalayuan ay may dalawang lalaki ang papatungo sa kanilang kinalalagyan.

"Kilala mo ba ang lalaking kasama ni Ian?" tanong ni Jessel.

" Hindi... baka kapatid nya?" Hulang sabi ni Raven.

" Baka nga..." Dagdag na sabi ni Susmihta.

" Pasensya na kung natagalan kami.. " sabi ni Ian at agad syang gumawa ng Yelong harang sa paligid ng kanilang kinatatayuan.

" Si-sino sya ?" tanong ni Raven.

" Punong Kumpesor sya ang sinasabi ko sainyo na ginamitan ni Reyna Olivia ng Bulaklak ng narciso. " Sabi ni Ian. at tinitigan naman ito ni Susmihta ang mga mata ng kasama ni Ian.

" Papano nangyari yun? kamangha-mangha.. Nakabalik sya sakanyang katawan. " Sabi ni Susmihta.

" teka-Teka naguguluhan ako.. anong nangyayari?" Tanong ni Jessel. Agad namang nilapitan ni Susmihta ang kasama ni Ian.

" Maari ko bang hawakan ang mga kamay mo?" Sabi ni Susmihta at agad namang inaabot ni Charlie ang kamay nya kay susmihta.

FLASH BACK <<<<<<

" Nakikiramay kami sayo Ian.." Sabi ng Magkapatid sa Sirena na sina Sierra, at Lina. At ilang sandali pa ay Dumating si Olivia dala-dala ang mga bulaklak na pinitas nya sa kanyang hardin. Ngunit Naabutan ni Olivia na nagkakagulo ang lahat ng tao na nandoon. at di naman tumagal ang kaguluhang yun. Binuksan ni Jenna at kabaong ni charlie at inilagay ni Olivia ang mga bulaklak.

"Kay gaganda naman ng mga halaman mong dala Olivia.." Sabi ni Jenna.

" Tanim ito ni Ina.. nawa'y maging mapayapa ang paglalakbay ng kalag mo Charlie, isa kang bayani.. " Sabi ni Olivia sabay lagay ng bulaklak ng Narciso sa dibdib ni Charlie.

Hanggang sa Kinabukasan.. Inilibing si Charlie, at di nila alam sa sout na barong ni Charlie ay may naiwan isang hibla ng buhok at sumabit ito sa mga dahon ng bulaklak. hanggang sa kinagabihan ay umulan ng napakalakas at nabasa ang bulaklak ng tubig. at doon na pinamalas ng bulaklak ng narciso ang pagiging mahiwaga nya.. sandali pa ay nagising si Charlie sa Loob ng napakasikip na lugar.

" Nasaan ako ? " nang biglang maalala ni Charlie ang mga pangyayari sa Digmaan nila laban kay sitan.

" Patay na pala ako ? pero bat..." Sabi ni Charlie at di sya nag sayang ng oras, agad syang bumagon. itinulak nya ang takip ng kabaong ng napakalakas dahilan upang ang lupa sa ibabaw ay gumalaw at dahil na rin sa lakas ng ulan, mabilis lang nyang naiiangat ang sarili mula sa pagkakabaon. Malakas pa din ang ulan ng mga oras na yun. Nang maka labas na sya ng kabaong. agad nyang naisip ang mga kaibigan lalong lalo na si Ian.

" Matutuwa sina Theo at Tyler nito... Buhay ako! " Sabi ni Charlie at agad syang naglakad ng mabilis palabas ng sementeryo. habang patawid sya sa daan aksidente namang nabunggo sya ng isang Minivan...

" Carlos may nabangga ata tayo..." sigaw ng isang babaeng magara ang kasuotan.

" Sandali lang titingnan ko..." Sabi ng lalaking naka polo shirt halatang mayaman sila. at biglang sumigaw ang lalaki sa labas ng..

" Carlota.. Tao ang nabangga ko, Jusko! " Sigaw ni Carlos.

" Sandali Carlos lalabas ako.." Sabi ng babaeng kasama ni Carlos. At nang makita ito ni Carlota.

" Jusko, Carlos di ka nag iingat sa pagmamaneho.. kawawang bata." Sabi ni Carlota at dahil sa dating nurse ito agad nyang tiningnan kung may pulso ba si Charlie.

" Ano napatay ko ba ang binatang yan carlota?" tanong ni Carlos.

" Hindi, may pulso pa sya.. buhatin mo dadahil natin sya sa Hospital..ano kaba Carlos di ka nag iingat." Sabi ni Carlota.

At nang magising na si Charlie, nasa Ospital na ito at wala na itong maalala. Dahil na rin sa kabusilakan ng kaloob ng mag asawa ay kinupkup nila si Charlie at binigyan ng bagong pangalan. Binigyan ng bagong katauhan.. Hanggang lumipat ng apartment si Charlie at katabi lang ito ng Unit ni Ian. at doon sila ulit nagkakilala ni Ian.

Ang lahat ng yun ay nakita sa pangitain ni Susmihta.. nang mahawakan nya si Charlie.

BACK TO PRESENT <<<<<<<<<

" At yun ang nangyari, tama ba ako Charlie? " Sabi ni Susmihta.

" Basta nagising nalang ako sa ospital kasama sina Donya Carlota at Don Carlos." Sabi ni Charlie.

" Ngunit naalala mo na ba ang lahat?" Sabi ni Raven.

" Hindi..wala akong maalala, nagkakaroon ako ng panaginip tungkol sa isang labanan. ngunit pakiramdam ko kasama ako doon." sabi ni Charlie.

" Dahil kasama ka nga namin... yun ang totoo" sabi ni Ian sabay titig sa mga mata ni Charlie. Nang biglang mabasag ang Yelong harang na ginawa nya dahil sa malakas na kidlat na tumama dito. mabuti nalamang ay nakailag sila sa mga nagbabagsakang yelo.

" Kayo na yata ang sinasabi ni Sitan.. ang mga bagong tagalipon slash gabay diwata." Sabi ni Diosca habang napapalibutan ang kanyang mga binti ng maliliit na ipo-ipo. habang si Faith naman ay pilit sinusubukang kausapin sina Raven at Jessel.

" Sino ka?" Tanong ni Ian.

" Ay nako, di nyo pa kami kilala? Ako si Diosca ang Gabay diwata ni Lihangin, ang diwata ng hangin. at ito naman ang kasama ko si FAITH ang gabay diwata ni Haik. " Pakilala ni Diosca.

"Bakit nyo sinisira ang mundo natin? napakaraming tao na ang namatay dahil sa kalamidad." sabi ni Jessel. at nag usal ng kakaibang salita si Faith upang pahituin ang Ulan.

" nolite pluviam " At agad namang huminto ang ulan ngunit. Kitang kita pa din sa kalangitan ang napakalaking itim na ulap na may kasama pang kidlat at napakalakas na kulog. sinabayan naman ito ng malamig na hangin animoy na sa loob ka ng refrigerator.

( WORD OF THE DAY -- nolite pluviam Latin word means in english Stop rain. )

" Itigil nyo na ito.. dati kayong isa sa mga tagapagtanggol ng ating mundo mula kay sitan." Sabi ni Raven.,

" Wala kayong alam.. wag nyo kaming uutusan. iisang panginoon lang ang sinusunod namin. yun ay si Reyna Alice.." Sabi ni Diosca.

" Nagbago na pala ng pangalan ang piste?" sabi ni Ian.

" Lapas tangan kang tawagi ang aming panginoon ng ganyan..." Galit na sabi ni faith habang pilit na binibigyan nya ng mga senyales sina Jessel at Raven na di sya kaaway. at agad naman itong napansin ni Jessel ang kanyang pagpapahiwatig.

" Kahit ano pang gamitin nyang pangalan. sya pa din ang pisteng si SITAN!" Galit na sabi ni Ian nang marinig ito ni Charlie ay biglang may nakita syang mga imahe sa kanyang isipan at ngayon ay mas malinaw na ito.

" Aaaarrrrrraaaayyyyyyy!!! " Sigaw ni Charlie dahil sa sakit ng kanyang ulo.

" anong nangyayari sayo??" Alalang sabi ni Ian.

"Anong ginawa nyo sakanya??" Galit na sabi ni raven.

" We dont do anything ?? " sabi ni Diosca sabay taas ng kilay nya.

" Kelangan nating gamutin ang kasintahan mo Ian.. at alam ko kung papano." Sabi ni Jessel.

" Tayo na!! " sabi ni Susmihta. at agad naman silang naglaho.

" Sa ngayon FAITH, magbabalik muna tayo sa kuta ng mahal na reyna.." Sabi ni Diosca.

"Sige " sagot ni Faith at nag usal naman si FAITH ng kakaibang salita.

" Ianuae Magicae " at agad naman silang naglaho. Sumikat na ang araw sa Mundo ng mga tao, humupa na din ang baha, ngunit marami ang umiiyak dahil marami ang nawalan ng Mahal sa buhay. 

TO BE CONTINUE...