webnovel

CHAPTER 41

 " Ang Panganib sa Dalakit "

Previously...

- Nalaman ni Tyler ang Lahat Lahat at Salamat Kay Raven. At habang sina Jenna naman ay matagumpay na nakapasok sa Mundo ng mga Engkanto.

Right now....

" Nandito na ba tayo ? " Tanong ni Jenna.

" Oo ito na nga yun Jenna Walang duda..." Sagot ni Alpia. Habang nakikita nilang Lahat ang mga taga Dalakit.

" Kakaiba ang kanilang mga itsura para silang mga Prinsepe at Prinsesa sa kaputian nila at ang tatanggos ng kanilang mga ilong.." sabi ni Ian.

" Hindi ganyan ang kanilang tunay na itsura. Wag kayong magpapalinlang... Dito tayo sa Kubong iyon." Sabi ni Alpia. At sumunod naman sila nang marating nila ang kubong sinasabi ni Alpia ay nag iwan sya ng isang Babala sakanyang mga kasama.

" Mia Halika ka nga dito..." Tinawag nya si Mia.

" Opo.." sagot ni Mia at Lumapit ito sa kanya.

" Sugatan mo ang sarili mo.." Utos ni Alpia. At sabay bigay Kay Mia ng isang napakatulis na Dahon.

" Teka sandali miss Alpia bakit..." Saway ni Theo. Di nagdalawang isip si Mia at sinugatan nya ang kanyang sarili gamit ang Dahon na kasing tulis ng patalim. At pagkatapos sugatan ni Mia ang kanyang sarili ay sinugatan naman ni Alpia ang kanyang sarili.

" Lumapit kayo saamin..." Utos ni Alpia.

" Sandali Sissy bakit nyo sinusugatan ang mga sarili nyo... " Tanong ni Jenna. Ipanahid nina Mia at Alpia ang mga dugo nila sa magkabilang Pisngi ng mga kasamahan nila.

" Ang dugo namin ang magtatakip ng katotohanan sa mga Engkantong nandito.." sabi ni Alpia habang pinapahiran nya si Jenna.

" Oo nga Katalina.. Hindi kayo mapapansin ng mga Engkanto na Isa kayong Tao. " Sabi ni Mia at pinahiran nya si Katalina sa magkabilang Pisngi ng dugo nya.

" Ngayon.. Kahit anong mangyari, Wag na Wag kayong Kakain sa Anumang Pagkain na ibibigay nila sainyo. Marami ang nilalang ng dilim ang nandito... Mga Hunyango at iba pa. " Paalala ni Alpia.

" At Isa pa, Wag kayong magpapalinlang sa mga nakikita nyo.. bigkasin lamang ang mga Salitang IRA IRA DESAI ang Ibigsabihin ng Salitang iyan ay Sugo ako ni ---- " Sabi ni Mia ng Maputol dahil may biglang sumabog sa kanilang Kinalalagyan.

" Anong nangyayari ?" Tanong ni Katalina.

" Ayus ka lang ba Hon.." sabi ni Theo Kay Katalina.

" Well Well, tingnan mo naman kung sino ang nandito... Ang Babaeng Nagmamagaling.." Sabi ng Engkantadang nakaitim ang Sout.

" Ikaw Pala Agnes...At bakit may problema ba tayo?" Sagot ni Alpia.

" Agnes Agnes ! Ang Babaeng Di naman kagandahan... At bakit ka nandito? Ito ba ang isasalubong mo saamin? May pasabog na effect ?" Dagdag na Sabi ni Mia.

" Oh., Mia Ikaw pala.. tila Di ka parin kagandahan ngayon.. at sino ang mga kasama nyo. " Sabi ni Agnes.

" Kung ako pa sayo Agnes Mind your own Business. " Sagot ni Alpia Sabay Talikud sakanya.

" At sumusobra kana Alpia.. " Sabi ni Agnes at sinugod nya si Alpia. Ngunit pinigilan sya ni Mia. Ginamit ni Mia ang kanyang Kapangyarihan. Isang malakas na Kidlat ang Lumabas sa kalanggitan at Bigla itong tumama Kay Agnes.

" Bwesit ka talaga Mia kahit Kelan... " Sabi ni Agnes habang iniinda ang sakit.

" Oops, Masakit ba.. sasusunod Kasi Pumili ka ng makakabangga mo. " Sabi ni Mia at pina-ilaw nya ang kanyang Mga kamay ng mga Maliliit na Kidlat.

" Isusumbong ko kayo sa Supremo... Mananagot kayo.. " sabi ni Agnes at Naging Paniki ito.

" Sino ba yun Sissy? " Tanong ni Jenna.

" Ah yun si Agnes isang Malaking Kontrabidang Etchusera. Hay ayuko nang Ikwento... Ma iistress ako. Mabuti pa magtungo na tayo sa Gobernador." Sabi Ni Alpia.

" Teka Madame Alpia.. Bakit Wala dito si Ofelia ?" Tanong ni Mia.

" Ha Madame ?" Gulat na reaksyon ni Ian at Katalina.

" Oo di ko nasabi sainyo. Ako ang Isa sa mga anak ng Hari. Pero hayaan nyo na. Mas gusto kung tawagin nyo ko sa pangalan ko.. " sabi ni Alpia.

" Eh si Raven ano ba sya dito at Ikaw Mia ano ang katungkulan mo dito.." Tanong ni Theo.

" Si Raven ay ang anak ng Punong Konseho, at ako naman Yours truly ako ay Isang Guro dito sa Dalakit. " Sabi ni Mia.

" Wala na tayong oras Bilisan na natin.." Sabi ni Alpia at may itinapong isang Buto si Alpia sa Lupa. Ilang Sandali pa ay nag bukas ito ng isang bagong Lagusan. At Pumasok naman sila dito .

Samantala sa Mundo ng mga tao...

Kung saan naiwan sina Tyler, Raven at Jake.

" Teka Jake sino ba yung babaeng Boksingera.

I know she's your Butler. " Tanong ni raven.

" May branch Kasi dito si Mama sa Davao so nagkataon din naman na dito na assign si Roxie. Kaya ayun hinanap ako." Sagot ni Jake.

" Sandali Jake parang may nararamdaman akong kakaiba. May sumusunod saatin.." sabi ni Raven habang paakyat sila ng Hagdan.

" Akala ko ako lang nakakaramdam.. Pero wag dito Raven makikita ng mga ang Kapangyarihan natin.. di tayo pwde gumawa ng eksena.. " sabi ni Jake at patuloy padin sila sa paglalakad. At nang nasa harapan sila ng unit ng Diwatang si Sandawa ay Mas Lumakas pa ang kakaibang enerhiya ang kanilang naramdaman.

" Pagbukas mo ng Pinto kunin mo agad si Tyler ok? " Sabi ni Raven. At inilibas ni Raven ang kanyang hair Clip.

" Teka bat may Hair Clip ka na ganyan.." Tanong ni Jake.

" Mahaba kaya buhok ko syempre inaayos ko din buhok ko. " Sabi ni Raven.

" Magpagupit kana Kasi.. " dagdag na sabi ni Jake. At agad nyang binuksan ang Pintuan sa Unit nang nagulat sila sakanilang nakita.

" Isara nyo ang pintuan.. " Sigaw ni Tyler. Agad namang pumasok ang Dalawa at Isinara ang pintuan.

" Teka Bat naging Dalawa kayo..." Sabi ni Jake. Habang nakikita nya ang Dalawang Tyler.

" Pinuno Bakit ka nandito? " Gulat na sabi ni Raven nang Makita nya si Ofelia.

" Teka Tyler anong nangyayari.. " Tanong ni Jake.

" Wag kayong magpapalinlang.. Isa sa mga Tyler nato ay ang Hunyango na sumalakay saakin.." sabi ni Ofelia.

" At bakit kayo nandito sa Unit ni Diwatang Sandawa. " Tanong ni Raven.

" Hinanap ko kayo.. dahil nais ko kayong balaan.. ngunit pagdating ko dito Dalawang Tyler na aking nakita. Nalilito ako kung sinong totoo.. " sabi ni Ofelia habang papalit-palit ng Dereksyon ang kanyang mata.

" Lagot isang Patibong ang kanilang pinuntahan.. " sabi ni Raven.

" oo nandito na saakin ang Susi at Crystalya ng Dalakit. " Sabi ni Ofelia.

" Teka Ofelia.. papano mo nakuha iyan..?" Tanong ni Jake.

" Sandali tulungan nyo akong mahanap ang Totoong Tyler.. " sabi ni Ofelia.

" Sino Sainyo si Tyler.." Tanong ni Raven. At sabay Silang Dalawa sumagot ng Ako.

" Nakakaloka na to.." sabi ni Ofelia.

" Sandali, may itatanong ako Tanging Ang Totoong Tyler ang makakasagot ng Tanong ko. " Sabi ni Jake.

" Sge !" Sabay Sabi ng Dalawang Tyler.

" Saan tayo unang nagkita? At ano ang aking Sout ng mga oras na yun... " Tanong ni Jake.

" Nagkita tayo sa Skwelahan.. doon ka din nanligaw saakin.. at ang Sout mo ay Naka Sando ka ng Black at may Sout kang Eyeglasses sa mga oras na yun.. " Sagot ng isang Tyler..

" Ikaw naman..." Tanong ni Jake.

" Unang pagkikita natin doon sa Isang Park katabi ng School namin. Muntik mo pa nga akong mabangga ng Motor mo. Kasama ko ang Dalawang matalik na Kaibigan ko noon. At ang Sout mo noon ay Naka Leather Black Jacket ka. Tapos may Shades... " Sagot ng Pangalawang Tyler.

" Ngayong Jake... Sino ang nakatama ng Sagot? " Tanong ni Raven.

" Oo nga ng maipadala ko na sa Impyerno.." sabi ni Ofelia habang may dalang Silver Knife.

" Akin na ang Silver Knife. " Sabi ni Jake.

" Pero... " Sagot ni Ofelia pero kinindatan sya ni Jake. At ibinigay nya ito. ( Tila may Plano ang Batang ito..) sabi ni Ofelia sa isip nya.

Lumapit si Jake sa Tyler na naunang sumagot at niyakap nya ito.

" Ikaw nga...natutuwa akong naalala mo pa ang Lahat ng yun." Sabi ni Jake sabay Saksak sa Huwad na Tyler.

" Ang mga yun ay sa pangalawang Araw na naming pagkikita ni Tyler. " Sabi ni Jake at ibinaon pa nya lalao sa Hunyango ang Silver Knife.

" Ngayon na Ofelia " Sigaw ni Raven. At nagdasal ng kakaibang engkantasyon si Ofelia at unti unting hinihigop ang Hunyango pabalik sa Dalakit. At samantala niyakap ni Jake ang Totoong Tyler.

" Mahal mo nga ako... " Sabi ni Jake habang titig na titig ito sa mga mata ni Tyler.

" Bakit ka umalis..." Naiiyak na sabi ni Tyler.

" Di na ako aalis.." sagot ni Jake sabay Halik sa Noo ni Tyler.

". buwang ka talaga kahit kelan... Di man lang ako inantay mag explain. " Sabi ni Tyler.

" Oo na.. buwang na kung Buwang. Baliw Kasi ako sayo..." Sabi ni Jake at niyakap nya ito ng Mahigpit.

Eeeeehhhheeemmmmmm!!!!

" Nakakaistorbo ba kami ?" Sabi ni Ofelia.

" Oo nga langgamin na kayo oh.." sabi ni Raven.

" Ay sorry.. " sabi ni Tyler.

" Salamat pare. The best ka talaga... " Sabi ni Jake.

" So ganun magkumpare na kayo.. bff na kayo?" Sabi ni Tyler.

" Syempre Pareho kaming Pogi.. Bff na kami.." tawag sabi ni Raven.

Ilang Sandali pa ay biglang nagbago ang Paligid at napunta sila Bundok Apo.

" nasaan tayo? " Tanong ni Raven.

" Parang nasa Bundok Apo ulit tayo.." sabi ni Jake.

" Oo nga natatandaan ko ang Punong mangga na yan.." sabi ni Tyler.

" Sino ang gumamit ng Salamangka?" Tanong ni Ofelia. Nang Biglang magpakita sa kanila ang Diwata ng Kamatayan.

" Magwayen " Gulat na sabi ni Ofelia.

" Kayo po Pala mahal na diwata." Sabi ni Jake at yumuko sila ni Tyler.

" Hindi nako magpapatumpik tumpik pa.. nandito ako dahil Isa sa mga kasamahan nyo ay may masasawi. " Sabi ni Magwayen.

" Sino po.." Tanong ni Raven.

" Inaantay ko ang kanyang Kalag.. " sagot ni Magwayen at agad naman itong naglaho.

" Delikado ang kanilang Lagay sa Dalakit.. " sabi ni Ofelia.

" Anong gagawin natin.. " sabi ni Tyler.

" Susundan natin sila doon upang iligtas.." sabi ni Jake.

" Pero papano si Tyler. Ang sumpa ng oroskopyo sakanya baka masaktan sya Ulit.." sabi ni Raven.

" Hindi kakayanin ko. " Sagot ni Tyler.

" Hindi mag paraan pa.. matungo tayo ng Aydendril. Hihingi tayo ng tulong sa Reyna. " Sabi ni Ofelia.

" Ngunit nakasara pa ang lagusan sa Puno ng Datiles. " Sabi ni Jake.

" May iba pang lagusan doon.. gamit ang Cryatalya ng Dalakit. " Sabi ni Ofelia.

" Tama nakausap natin si Reyna Olivia gamit ang Salamin noon.." sabi ni Raven.

" Oo nga.. " Dagdag na Sabi ni Tyler.

TO BE CONTINUE...