webnovel

CHAPTER 31

 " Ang Aydendril... "

Ang Nakaraan...

Nagtagumpay silang maibalik sa dating ganda ang Baryo Lupas. At nagapi na din nila ang dating tagalipon na si Lula.

Right now....

Binati ni Mariang Sinukuan ang mga tagalipon at itinakda sa kanilang tagumpay. Ngunit may masamang balita silang natanggap galing sa Aydendril.

" Binabati ko kayo. Maraming Salamat sainyung tulong. Ngayon ay maayus na ang Baryo Lupas. Ngunit may mahalagang balita akong ibibigay sainyo. " Sabi ni Mariang Sinukuan sabay abot sa kanila ng sinaunang Sulat. At kinuha naman ito ni Jenna upang basahin.

" Maraming Salamat mahal na diwata ngunit.. papano kami makakapunta sa Aydendril kung ang lagusan doon ay Sarado na. " Sabi ni Jenna.

" Kelangan nyong magpunta sa Kan-laon.upang humihingi ng payo kay bulan tungkol dyan ." Sagot ni Mariang Sinukuan sabay kumpas ng kanyang mga kamay at biglang may isang lagusang nag bukas.

" Bilisan nyo, dahil Hindi lang sa aydendril may suliranin kundi pati sa mga kaanib nating Mundo. " Sabi ni Mariang Sinukuan. At agad silang pumasok sa Lagusang ginawa ni Mariang Sinukuan.

Samantala sa Aydendril naman...

Handa na ang Hukbong ginawa ni Olivia upang sugurin ang mananakop. Ngunit pinigilan sila ng Diwatang si Gassia. Gamit ang isang Dahon naririnig ng mga nagtatago sa kweba ang boses ng diwata.

" Olivia, Wag nyong itutuloy ang pagsalakay. Mauubos lang ang mga natitira mong kawal. Hindi man kami maka punta dyan. Asahan mong pupunta sina Tyler at Theo at iba pang kasamahan nya. Upang bawiin ang inyong kaharian. " Sabi ni Diwatang si Gassia.

" So, papano makakapunta sina Tyler at Theo dito sa Aydendril ? Sarado na ang lagusan papuntang dito.." Sabi ni Rica.

" Kamusta na kaya ang oceana ? " Pag aalalang Sabi ni Sierra.

" Wag kang mag alala Sierra, nakausap ko si Paolo kanina at si tita maayus pa naman ang kaharian. Sa tulong ni Diwatang si Lindagat. Manalig tayo na mag tagumpay tayo sa pagbawi ng Aydendril." Sabi ni Lina.

" May alam akong lagusan.. pero Hindi ko Alam kung maari pa bang makatawid ang Kahit sino doon. " Sabi ni Olivia.

" Saan Olivia.. " Tanong nina Sierra at Rica.

" Sa lumang kastilyo sa Kakahuyan. Ang alam ko, Isinara na ito ni Tatay noon. Pero nais ko pa ding tingnan iyon." Sabi ni Olivia.

" Maari ka naming samahan Olivia.. " Sabi ni Rica.

" Ako din.. " sabay Sabi nina Sierra at Lina.

" Hindi maiiwan kayo dito Lina at Sierra upang Kahit papano may pinuno ang ating hanay. Isa pa hinahanap tayo ng mga kawal sa palasyo. " Sabi ni Olivia.

" Masusunod mahal na reyna.." sagot nina Sierra at Lina.

" Bilisan na natin Olivia.. " Sabi ni rica.

" Humawak ka sakin Rica.." Sabi ni Olivia. At agad silang naglahong Dalawa.

Balik sa Kan-laon...

Pagdating nila, ay agad silang sumalubong ng Diwatang si Makiling at Lalahon upang batiin.

" Tunay ngat lumakas kayo. " Sabi ni Makiling.

" Well except for me I'm still not good." Sabi ni Raven.

" Anong ibig mong sabihin Raven ?" Tanong ni Lalahon.

" Gumagamit ang batang yan ng banyagang Lenguahe. Nakakaintindi ako ng konti dahil sa mga itinituro ni Gassia sa amin ni Magayon. " Salaysay ni Makiling.

" Katulad ng Chermelo ?" Sabi ni Lalahon. At agad syang pinagtawanan ng lahat.

" Bat kayo na tatawa? Mali ba ang aking pag bigkas ? " Sabi ni Lalahon.

" Tama naman mahal na diwata kaso isa yan sa mga kalokohang salita ang itiniru ni Gassia sayo.." Sabi ni Ian.

" Ay nako hali na kayo.. pumasok na kayo at doon nag bantay na kaming mga diwata.." Sabi ni Makiling.

Pagkapasok nila sa silid. Ay nagulat silang lahat sa kanilang nakita. Ibat ibat Uri ng diwata ang kanilang nakita at nanggaling sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.

" Nandito pala si Maria Cacao ng Cebu.." Sabi ni Jenna.

" Pati ang dyosang si Sandawa at ang kanyang anak na si Magindara.. " Sabi ni Jake.

" Mukhang seryuso ang pag uusapan ngayon kuya.." Sabi ni tyler.

" Kay laki ng abala ang ginawa ni Sitan sa ating lahat. " Sabi ni Jake.

" I agree Sayo jake. "Sambit ni Mia.

At umupo sila sa mga bakanteng upuan na para sa kanila.

" Mga kasamahan kung diwata.. sila ang mga itinakda at tagalipon. " Pagpapakilala ni Bulan sa kanila.

" Ang may kapangyarihan ng Lupa at basbas ng Diwatang si Gassia. Siya si Jake.." pakilala ni Bulan. At agad namang tumayo si Jake.

" Ang Susunod, si Tyler at Theo, ang anak ng yumaong kaibigan natin at dating Tagalipon ng mga oroskopyo. Si Tyler at Theo ay may dugong diwata na nangagaling kay Lakambini. si Tyler may kapangyarihan ng Tubig at Gabay diwata nya si Makiling samantalang si Theo Naman ay may kapangyarihan ng hangin.Gabay diwata nya ay Si Magayon. " Pakilala ni Bulan sa kanila.

" Kasunod naman ay sina Katalina, Ian at Jenna.. Si Jenna.. ay may taglay ng kapangyarihan ng mga bantog na mga babaylan. Siya ang Tagapayo ng Grupo. Si Katalina, ang butihing asawa ni Theo. Ang nagtataglay ng Kapangyarihan ng Apoy. Gabay diwata nya si Lalahon. At ang panghuli sa hanay ng mga Tagalipon ay si Ian. Kapatid sa ama nina Theo at Tyler. May taglay na kapangyarihan ng Yelo. Nakuha nya ang kanyang kapangyarihan sa Oroskopyong nag alaga sa kanya. " Pakilala ni Bulan sa mga kasamahan nya.

" Ako naman ang magpapakilala sa kanila umbo. " Sabi ni Haliya.

( Umbo, sinaunang salita na ginagamit ng ating mga katutubo na ang ibig sabihin ay Kapatid. )

" Mula sa hanay ng mga kahalahating Engkanto at tao.. Sina Alpia, Raven at Mia..

Si mia ay maykakayahang utusan ang mga anumang Uri ng hayop na lumalangoy o lumilipad. Taglay nya ang dugo ng isang mandirigma. Kasunod.. si Alpia, katulad ni Jake ang kapangyarihan nya ay ang lupa. Ngunit mas kaya nyang utusan ang mga Bulaklak at kayang gayahin ang anyo ng mga hayop sa lupa. Panghuli ay si Raven.. isang engkanto na kayang gayahin ang wangis nang mga ibon. Sila ang mga itinakdang Engkanto. " Pagpapakilala ni Haliya sakanila.

" Sila ang ating Sugo na sinang ayunan ng ating bathala. " Sabi ni Bulan. At agad namang nag si tayuan ang mga diwata sa loob ng silid na yun.

" Ngunit papano sila makakarating sa Aydendril at nasa panganib oa ang Tatlong reyna ng Oceana. " Sabi ni Alunsina.

" May iba pang lagusan.. ngunit nasa Mundo ito ng mga Dalakitnon. Sainyong mga engkanto." Sagot ni Bulan.

TO BE CONTINUE...