" Hiwaga ng Baryo Lupas p2 "
Ang nakaraan....
Nalaman nina Jake at Theo na si Jessel pala ay kababata nila. Samantala, Matagumpay na nailigtas ng tatlong magkapatid si Olivia at kasalukuyan silang nagtungo sa Lihim na Kuta kung saan nandoon ang mga Kapanalig ni Olivia. Habang si Alpia naman ay inaantay padin si Raven na makarating! Nasaan na kaya si Raven ? Alright, di ko na papatagalin mga mahal heto na ang karugtung ng Kwento...
Sa Baryo Lupas.....
Pumasok na si Alpia sa Loob ng bahay kasama sina Katalina at Jenna.
" Dumating naba si Raven ?" Tanong ni Tyler.
" Hindi.. at di ko Rin maramdaman ang kanyang Enerhiya. " Sagot ni Alpia.
" Balik tayo sayo Jesjes, kung ibig sabihin lahat ng taong nandito ay natamaan ng Sumpa ng mga Mangkukulam. " Sabi ni Theo.
" Hindi Lahat Iyo, sa Baryong ito Apat nalang kaming natitira dito. Ako, si Nonoy, si Aling Marsha at si Cindy anak ni Aling Marsha. Di sila natatablan ng Sumpa dahil sa Kwentas na yan!" Sabi ni Jessel sabay turo sa Sout na kwentas ni Alpia.
" Oo nga pala salamat dito.." Sabi ni Alpia agad nyang Hinubad ang Kwentas.
" Sayo na yan Alpia, habang nasa loob tayo ng bahay Hindi tayo matatablan ng sumpa." Salaysay ni Jessel.
" Jesjes May pagkain ba kayo medyo nagugutom na ako. " Sabi ni Jake.
" Pasensya na .. magluluto lang ako. Nonoy dyan kalang samahan mo sila ate mo. " Utos ni Jessel at tumango lang ang Bata.
" Teka Jesjes, tulungan na kita.." Sabi ni Katalina.
" Sge, walang problema yun." Sagot ni Jessel.
Habang nasa Sala sina Mia, Alpia, Jake, Theo, Ian At Tyler. Di mapakali si Alpia..
" Saan kaya nag susuot si Raven.. " Sabi ni Alpia.
" Baka umuwi sya ng State ? " Sagot ni Mia.
" Hindi pwde Mia.. ang lagusan na ginamit natin ay nasaakin ang Susi. " Sabi ni Alpia.
" Ah ate Alpia.. Tila na babahala po kayo. " Sabi ni Nonoy.
" Oo nonoy, hanggang ngayon di pa dumadating si Raven kasamahan namin.." Sabi ni Alpia.
" May gamit ka po na nya ? " Tanong ng bata.
" May gamit kaba ni Raven mia ?" Tanong ni Alpia.
" Wala.. " sagot ni Mia
" Aanhin mo pala ang gamit ni raven. ?" Tanong ni Alpia.
"Hahanapin ko po sya. Susubukan ko lang!" Sagot ni Nonoy.
" Ako meron, " Sabi ni Tyler sabay Kuha ng Litrato ni Raven.
" Bat may Litrato ka ni Raven Ty?" Tanong ni Jake.di sumagot si Tyler sa Tanong ni Jake.
" Pwde na ito.. at Ate Jenna, Pwde ko bang magamit sandali ang iyong Lakas? At kuya Theo, Alam kung may basbas ka ng diwata ng Hangin. Maari mo bang takpan mo ang aking gagawing Engkantasyon. ?" Utos ni Nonoy sa kanila.
Pumikit ang bata at pinalutang sa ire ang Litrato ni Raven. Hinawakan naman sya ni Jenna upang di manghina ang Bata.
" Kuya Theo ngayon na.. Balutin mo ang paligid ko ng Hangin. " Utos ni Nonoy at yun naman ang ginawa ni Theo. Gamit ang kanyang kamay itinutok nya ito sa ire ng Sandaling may naipon na syang maliit na ipo-ipo agad nya itong pinapunta sa Kinauupuan ni Nonoy.
Ilang Sandali pa ay Humiwalay ang Kaluluwa ni Nonoy sa kanyang katawang Lupa. Kasama si Jenna.
" Astral Projection ? " Gulat na Sabi ni Jenna.
" Oo, Ate jenna. Halika hanapin natin ang kaibigan nyo. " Sabi ni Nonoy.
" Hindi ba tayo makikita ng ibang Elementong Itim sa Paligid ?" Tanong ni Jenna sa bata.
" Hindi, Dahil katulad tayo ng Hangin. Mararamdam nila ngunit di nila nakikita." Sabi ni Nonoy at agad silang Lumutang sa ire, at tumagos sa bubong ng bahay..
Samantala sa Aydendril....
Nahanap na nina Sierra, Lina, Rica at Olivia ang kuta ng mga tapat parin sa kanila..
" Mahal na Reyna Olivia, Hanggang dito nalang po ako at babalikan ko pa sa palasyo si Heneral. " Sabi ng Isang Kawal at yumuko ito sakanya.
" Sge salamat, mag iingat kayo ni Heneral. Babawiin ko ang kaharian. Pangako yan!" Sabi ni Olivia. Yumuko ulit ang Kawal sakanya at Umalis.
" Olivia, Mas mabuti pang doon kayo ng mga kapanalig nyo sa oceana.. " Sabi ni Lina.
" Hindi pwde Lina, kelangan naming bantayan ang kaharian. Isa pa. Ayukong madamay ang inyung Kaharian. " Sagot ni Olivia. Ilang sandali pa ay may sumalubong sakanila isang matandang babae.
" Mahal na Reyna Olivia? Ikaw ba yan ?" Tuwang Sabi ng matanda.
" Opo, inang... Kamusta na ho sila ? " Tanong ni Olivia sa matanda.
" Maayus naman sila ! Kung Hindi ako nagkakamali sila ang mga pinuno ng Oceana ?" Sabi ng Matanda.
" Opo inang.. sila nga!" Sagot ni Olivia.
" Masaya akong makilala kayo.. " Sabi ng matanda at Yumuko ito sa kanilang Tatlo.
" Kami din po.. ako nga pala si Lina, Ito naman si Sierra at si Rica.. " Pakilala ni Lina.
" Maraming Salamat dahil tinulungan nyo ang aming reyna.." Sabi ng matanda.
" Pumasok kayo sa Kweba... " Sabi ulit ng matanda.
Balik naman sa Baryo Lupas...
Kitang Kita ni Jenna at Pagbabagong anyo ng iilang tao sa baryo.
" Tingnan mo ate Jenna, Hindi sila naniwala saamin ni Ate. Kaya ganun. Yung iba naming Kababayan ay naging aswang, iba naman isang Halimaw. " Salaysay ni Nonoy.
" Nakakatakot ang kanilang mukha nonoy. " Sabi ni Jenna habang pinagmamasdan nya ang mga taong naging Isang mabangis na Hayop yung iba may mga pakpak ng isang Paniki.
" Hayaan mo ate jenna, malapit na namin ni ate malalaman kung papano tanggalin ang Sumpa sa baryo namin. Sa ngayon hanapin natin ang kaibigan nyo." Sabi ni Nonoy.
" Teka nonoy yung isang Halimaw nakatingin sya saatin! Sure ka bang di tayu nakikita ?" Sabi ni Jenna.
" Hindi po ate, nararamdaman lang nila pero may kasunduan na di nila ako sasaktan hanggat di pa ako aabot sa Sampung taong gulang. At sa makalawa na yun." Salaysay ni Nonoy nang biglang may nakita silang isang Uwak na nakadapo sa mga sanga ng Mangga.
" Nandito na sya ate Jenna. At tila sugatan ang inyong kasamahan.. " Sabi ni Nonoy.
" Oo nga, Sya nga yan.. " Sabi ni Jenna. Agad ginamit ni Nonoy ang kanyang kapangyarihan. Nilapitan nya ito at inihipan. Sa isang saglit pa ay agad nawala si Raven.
" Saan sya nag punta ?" Tanong ni Jenna.
" Nasa bahay na po sya.. tayo na ate !" Sagot ni Nonoy, biglang Lumakas ang hangin at ilang sandali pa ay nagising nalang si Jenna na hawak na ng bata ang uwak.
" Jenna, sis are you ok? " Pagaalalang Sabi ni Alpia.
" Oo Sis, Salamat! " Sagot ni Jenna.
" Bakit di pa rin bumabalik sa anyong tao si Raven ?" Tanong ni Mia.
" Sandali.. susubukan kung pagalingin sya." Sabi ni Tyler. Hinawakan ni Tyler ang mga maliit na pakpak ng uwak. Agad nagliwanag ang kanyang mga kamay. Habang silang lahat ay nakatingin sa ginagawang pagpapagaling kay raven.
" Bunso Okay kalang ?" Sabi ni Theo.
" Bakit nanghihina ang kapangyarihan ko?" Sabi ni Tyler. Agad namang Lumapit si Jake sakanya at inalalayan sya. Hinawakan sya ni Jake sa kanyang balikat. Nang mahawakan sya ni Jake may mga Iilang dahon ang pumalibot sa kanila.
" Subukan mo ulit Ty. " Sabi ni Jake sabay Ngumiti ito sakanya.
" Sige... " -- Tyler.
Sa pagkatataong ito ay mas Lumakas pa ang Liwanag sa mga kamay ni Tyler. At ilang sandali pa ay nag anyong tao na si Raven. At lumantad sa kanilang harapan ang Hubut hubad na katawan nito at may sugat ito sa Kanyang kanang Braso.
" Akala ko ba pag nag tatransform si Raven may instant damit na. Bakit ngayon wala. " Sabi ni Mia sabay Takip sa kanyang mga Mata gamit ang kanyang kamay.
" Nanghihina si Raven. Kaya di nya kayang mag instant transformation. " Sagot ni Alpia.
Agad tinakpan ng kumot ang katawan ni Raven. At pinagtulungan nila itong makahiga sa kama.
" Dito nyo ilagay ang kaibigan nyo.." Sabi ni Jessel.
" Ang bigat pala ni Raven.. " Sabi ni Theo.
" Sge maghahanda lang ako ng mga gamot nya.. " Sabi ni Jessel.
" Salamat po ate Jessel.." pasasalamat ni Tyler.
" Malaki kana pala Tai tai. Nung nakita kita dati nasa Limang taon kapalang noon. " Sabi ni Jessel.
" Sasamahan na kita Ate Jessel, may mga halamang gamot ako na dala. " Sabi ni Jake.
" Sge Halikana.. samahan mo na ako." Sabi ni Jessel. At nang makaalis na sina Jake at Jessel. May kakaibang naramdaman si Ian.
" Yan yan... " Tinig ng isang lalaking tumatawag kay Ian. Napaisip sandali si Ian kung kaninong Boses ang kanyang naririnig.
At sa labas ito ng Bahay.
" Tatay ?" Sabi ni Ian.
" Ian ayus ka lang ?" Tanong ni Theo.
" Hindi nyo ba naririnig ang Boses na yun.
Boses iyon ng Tatay natin.." Sabi ni Ian.
" Wala naman akong naririnig Kuya.." Sabi ni Tyler.
" Ako din Tol Wala naman akong naririnig.." dagdag na Sabi ni Theo.
" Sandali. Si Tatay talaga yun.. " Sabi ni Ian at nagmamadali itong lumabas ng kwarto. Nang makarating ito ng Sala. Nakita ni Mia at Alpia ang mga mata ni Ian.
" Ian saan ka pupunta ?" Tanong ni Alpia.
" Tinatawag ako ni Tatay. Tumabi ka dyan.!" Sabi ni Ian.
" Ian bakit ang gaspang nang pananalita mo." Sabi ni Mia.
Ilang sandali pa ay dumating si Jenna Kasama si Nonoy.
" Saan ka pupunta Ian.. Bawal tayung Lumabas.." Sabi ni Jenna. Habang sina Theo at Tyler naman ay Naririnig na din ang boses ng kanilang yumaong ama.
" Tyler... Bunso naririnig mo ba yun?" Sabi ni Theo.
" Oo kuya.. " sagot ni Tyler.
Nang tatayo na sana si Tyler. Biglang may humawak sa kanyang Kamay.
" Raven ? " Sabi ni Tyler, gulat sya ng makita nyang hinawakan sya niRaven.
" Wag kayong makinig sa boses na yan.." Sabi ni Raven habang nahihirapan sa pag salita.
" Anong ibig mong sabihin ?" Tanong ni Theo..
Samantala binalalaan na ni Jenna at Alpia si Ian.
" Paglalabas ka ng pintuang yan mapilitan kaming gamitin sayo ang kapangyarihan namin." Sabi Ni Alpia habang Hawak nya ang isang rosas na ginagamit nyang Sandata.
Habang si Jenna naman at Hawak nya ang kanyang Espada...
" Chill lang kayo guys." Awat ni Mia.
" Mia itago mo si Nonoy... " Utos ni Alpia.
" Wag kayong Haharang sa aking Daan.." Sigaw ni Ian. Habang umuusok ang kanyang kamay dahil sa kanyang kapangyarihang Yelo.
" Sis, Parang may kakaiba kay Ian. Nung nakita namin sya nag Kulay Itim ang kanyang mga mata kanina.." Sabi ni Alpia.
" May komokontrol sa kanya.. " Sabi ni Jenna.
Nang muntik na syang matamaan ng Isang yelo na kasing Talim ng mga Karayum. Mabuti nlang ay nasagga ito ni Alpia gamit ang kanyang rosas.
" Muntik na yun sissy.." Sabi ni Alpia.
" umalis kayo dyan sa pintuaaaaaannnn!!!!!" Sigaw ni Ian. Nang unti unting mag yelo ang buong sala.
Tyempo namang Pabalik na sa Sala si Katalina at nakita nyang May kakaibang nangyari kay Ian.agad syang kumumpas sakanyang mga kamay.
" Fuego istrar !" Engkantasyon ni Katalina ilang sandali pa ay napapalibutan na ng Apoy si Ian..
" Salamat Kat." Sabi niJenna.
" Ian Gumising ka !" Sigaw ni Alpia.
Alright, there you have it mga mahal. Hopefully na enjoy nyo ang kabanatang ito. Don't forget to vote. Abangan nyo ulit ang karugtung ng ating kwento. Put some comments for ur feedbacks or violent reactions.