webnovel

Chapter 24

Dahil sa mensahe ni Atlas ay tila nilamig sa takot si Tyler. Hindi niya alam ang gagawin kung uunahin ba niya ang bagong panganak na baby niya o si Triana na nasa panganib.

Agad na nag madali na mag paalam si Tyler kay Vanessa na may aasikasuhin pa ito. At daling-dali ito na umalis ng hospital. Tinawagan niya si Atlas upang malaman kung nasaan ang kanyang asawa.

" H-hello, nasan kayo??" Kinakabahan na ani ni Tyler kay Atlas.

"Dito sa pinag che-check upan ni Triana, bilisan mo naman pre!!"

Habang si Atlas ay di mapakali dahil bigla nalang tumawag ang babae sa kanya dinudugo daw ito. Dahil sa message ng babae agad na umalis ng walang pag aalin langan si Atlas.

Pabalik balik ng lakad sa labas ng kwarto si Atlas, ng lumabas ang doctor. " Hi ikaw ba ang asawa? Mabuti nalang at nadala mo ang asawa mo agad sa hospital." Pag papaliwanag ng doctor kay Atlas.

" Mabuti naman po ba ang baby doc?" Nag aalalang tanong ni Atlas sa doctor. " Don't worry Mr. Okay sila pareho." Dahil don nawala ang kaba nito sa narinig.

Habang kausap ni Atlas ang doctor ay dumating naman Tyler.

" K-kamusta si Triana? At ang baby okay lang ba??" Natatarantang tanong nito sa lalaki.

Dahil sa inaasal ni Tyler ay lalong nag init ang ulo ni Atlas Kay Tyler. " G*go ka!! Kanina pa kita kino-contact, nasan ka?? Ha!! Nanganganib na ang anak mo at asawa mo." Kinwelyuhan ni Atlas si Tyler, dahil sa sobrang galit nito dito.

"Ni hindi mo man lang sinasagot tawag ko!! Pasalamat ka kung hindi ko nadala ang asawa mo baka napano na ang mag-ina mo." Dahil sa nag halo na ang inis at galit nito kay Tyler ay sinutok niya agad ito sa mukha.

Sandaling napatumba sa pagkakasuntok si Tyler, dahil sa sobrang lakas ng suntok ni Atlas. " Tarantado ka!! Deserve mo yan, kung ano-ano inaatupag mo kanina ka pa ata tinatawag ng asawa mo!! Nasan ka?? Siguro niloloko mo kaibigan ko!!"

Hindi na din naka pagpigil si Tyler at gumanti ito ng suntok kay Atlas. Dahil alerto si Atlas ay puro daplis lamang ang suntok ni Tyler kay Atlas. Halos mag pat*yan na ang dalawa sa pag bugbog.

Nang dumating ang security guard. " Mga Sir huwag po kayo dito mag eskandalo, nasa hospital po kayo. Pag di po kayo tumigil palalabasin kayong dalawa Sir." Pag sasaway sa kanila ng security guard.

Agad naman tumayo ang dalawa at nag hiwalay. Hindi pinansin muli ni Tyler si Atlas at pumasok nalang ito bigla sa kwarto kung nasaan si Triana.

Tulog pa ang babae ng pumasok si Tyler. Sa itsura ng babae ay tila sobrang pagod ito. Nagtataka naman si Tyler gayong kapag chinecheck naman niya ay maayos naman ito.

Habang hawak ni Tyler ang kamay no Triana ay gumalaw ang kamay ng babae. " A-re y-you okay?? May masakit ba??" Nag aalalang tanong nito sa asawa.

Nang matauhan si Triana kung sino ang taong nasa harap niya ay agad nito binawi ang kamay niya. "N-nasan ako??" Kinakabahan na tanong nito.

Nang marinig ni Atlas na gising na ang kaibigan ay pumasok ito agad. " Okay ka lang??" Tanong niya agad sa kaibigan. " I'm okay, wala naman na masakit. O-okay lang ba ang B-baby ko??"

Kinabahan si Triana sa kung ano man ang sagot nito sa kanya ng lalaki. " Don't worry okay si baby mo." Dahil sa narinig ay nawala ang kaba ni Triana.

Agad na bumaling si Triana kay Tyler. "Kapal naman ng mukha mo at pumunta kapa dito?" Hindi mapa kaniwala sa narinig si Tyler.

"I-i'm sorry, na busy lang ako love." Pag papaliwanag nito sa asawa.

Dahil sa paliwanag ni Triana ay tumulo ang mga luha nito.

" Alam mo ang sakit mo na mahalin Tyler. Nag bago kana may iba naba?" Umiiyak na tanong nito kay Tyler.

"No wala love, ano ba yang iniisip mo?" Biglang napataas ang salita ni Tyler. Dahil don ay aamba na sana ng sapak si Atlas.

Pero pinigilan lang ito ng babae. " Kita mo na yan, nagbago kana tinataasan mo na ako ng boses, nagtatanong lang ako pero mukhang sa naging reaksiyon mo mukhang totoo nga ang hinala ko." Tila sukong-suko na si Triana sa kanyang asawa.

Agad na hinila ni Triana ang kamay ni Atlas, upang ipabatid na paalisin na ang asawa. At nakuha naman ni Atlas ang nais sabihin ng kaibigan.

" Please lang Pre umalis kana, nakakasama to sa asawa mo lalo na ngayon." Walang emosiyon na ani ni Atlas.

Dahil wala na nagawa si Tyler ay umalis nalang ito. Bago ito lumabas ng kwarto ay narinig nito ang boses ng asawa.

"Anong nangyari sa mukha mo puro ka sugat at pasa?" Nag aalalang tanong nito, dahil don ay nasaktan ang lalaki dahil hind man lang siya nito tinanong kung okay din ba siya.

Nang makaalis si Tyler ay agad itong sumakay ng kotse. Dahil sa parang napahiya ang kanyang ego. Sa isip ni Tyler ako ang asawa pero wala ako sa tabi niya. Ngayon iba ang kasama niya doon.

Nasasaktan si Tyler sa inasal ni Triana sa kanya. Sinisisi ni Tyler ang kanyang sarili, dahil baka dinugo ang asawa ay dahil sa kakaisip nito sa kanya.

Nang makaalis na si Tyler ay nag alala naman ang babae kay Atlas. " Anong nangyari diyan sa mukha mo?" Pag tatanong nito sa kaibigan. " Tanga kasi ng asawa mo, nasa peligro kana ang tagal pa sumagot, tas kung umasta, akala mo walang asawa. Ikaw nga umamin ka sinasaktan ka ba non?" Pag tatanong nito kay Triana

Agad naman sumagot si Triana sa tanong ng kanyang asawa.

" Hindi naman niya ako sinasaktan, pero parang nagloloko ata ang asawa ko." Malungkot na ani ni Triana kay Atlas.

"G*gong yun, nagpaubaya na nga lang ako noon, tas lolokohin ka lang?" Gigil na ani ni Atlas.

"Hindi ko pa naman sure kung totoo ba ang hinala ko." Pagtatanggol ni Triana.

"Yan diyan ka kasi magaling, sa sobrang bait mo inaabuso ng asawa mo pagiging mabait mo. What if nag loloko nga?" Dahil sa tanong ni Atlas ay napaisip ang babae. What if totoo nga?

" Kapag need mo lang ng tulong, lagi akong nandito alam mo yan." Pag papaalala ni Atlas kay Triana. Napangiti ang babae dahil sa sobrang suwerte niya sa kanyang kaibigan.

Nag stay ng dalawang araw si Triana sa hospital upang masiguro na okay na talaga ang kalagayan niya.

Habang si Tyler ay binabantayan ang bagong panganak na si Vanessa.

" Papakilala mo ba ang anak mo. sa asawa mo?" Pag tatanong ni Vanessa sa lalaki. Sandaling napa baling si Tyler Kay Vanessa.

" Sa ngayon hindi muna, dahil baka mapano ang asawa ko kapag nagulat na may anak ako sayo."

Buhat ni Tyler ang bata. Pinagmamasdan ang mukha ng bata, tila wala itong namana man lang sa kanya. Sa isip ng lalaki baka ang namana ng kanyang anak ang appearance ng Ina nito.

Buhat niya ang bata na tawagin siya ni Vanessa. " Tingin ka sa camera picturan ko kayo, para may first picture kayo ni Adan." Napangiti naman ang lalaki at humarap sa camera. masaya ito dahil naluwal ng malusog, at maayos ang bata.

Kung titignan ang larawan ay masaya na naka ngiti si Tyler.

Habang si Triana ay kung ano-ano na Ang iniisip nito sa kanyang asawa. Laging wala sa sarili mas pinili nalang ni Triana na huwag nalang muna kausapin ang asawa,dahil sa pinagiisapan nito kung dapat paba ilaban ang relasyon nila.

Dahil kung kailan naman may bagong dadating sa kanila ay nagkakalabuan naman sila ng asawa niya. Iniisip ni Triana kung worth it paba na ipaglaban ang taong puro nalang pangako, pero wala naman natutupad.

Tahimik na hinahaplos ni Triana ang kanyang tiyan, at naka tanaw sa malayo iniisip niya kung dapat bang iwan niya na ang kanyang asawa niya. Mukhang sa babae niya na ito namamalagi.

Dahil balita ko kay Manang sa aming bahay ay madalas na wala ang asawa Sa kanilang bahay.

Sa tuwing pinapatawad naman niya ang asawa ay inuulit lamang nito ang mga kasalanan niya.

Habang malungkot si Triana, si Tyler naman masaya na kasama ang anak nito kay Vanessa, tila isa silang buong pamilya na masaya.

Dalawang buwan ang nakalipas...

At 2months na din ang anak ni Tyler na si Adan. Natuuon ang atensiyon nito sa anak. Nakalimutan na nito na may isa pa itong anak sa kanyang asawa. Hindi na muli kinausap ni Triana si Tyler. Ganon siguro kalala ang galit ng asawa sa kanya.

Inisip ni Tyler na baka sumuko na din ang asawa niya sa kanya. Kaya instead na isipin niya yun, ay tinuon niya ang atensiyon kay Adan.

Ni hindi man lang naalala ni Tyler na kabuwanan naman ni Triana. Dahil busy ito sa pakiki bonding sa anak.

Nasa mansion si Triana ng bigla itong makaramdam ng sakit sa kanyang tiyan.

Kahit masakit na ang tiyan ay inabot padin ng babae ang kanyang cellphone upang tawagan ang kaibigan, dahil alam niyang malapit lang ang kaibigan niya na si Atlas.

"O-ouch.. pumutok na panubigan ko A-atlas.. O-ouch.." umiiyak na saad ng babae. Agad naman na kumilos si Atlas, halos paliparin nito ang sasakyan niya upang dalhin sa hospital ang kaibigan.

"A-are you okay?? Kaya mo paba maglakad?" Natatarantang tanong nito kay Triana. Tango lamang ang sagot ng babae.

Nang makarating sa kotse ay pinaandar agad ni Atlas ang kotse.

Agad naman pinasok sa loob si Triana. Dahil sa lalabas na Ang bata.

Inawat ni Atlas ang doctor na papasok sana sa loob. " W-wait don't tell me na Ikaw ang magpapa anak?" Gulat na tanong nito sa doctor.

" Ako nga Mr. Bakit may problema ba?" Takang tanong ng doctor. "Di pwede palitan niyo ng babaeng magpapaanak." Sigaw ni Atlas.

Sumigaw nanaman sa sakit si Triana. " Ano ba Atlas, lalabas na yung baby, inaawat mo pa yung doctor." Sigaw nito sa kaibigan.

" Lalaki kasi yung doctor." Kamot nito sa kanyang ulo. Dahil don kahit masakit na ang tiyan ng babae ay napatawa parin niya ito. Napaka protective ng kaibigan kahit sa magpapa-anak sa kanya.

Hawak naman ni Triana ang kamay ni Atlas. " Hinga malalim Misis. Then push" sinunod naman ni Triana ang bilin ng doctor

Halos kurutin na ni Triana ang kamay ni Atlas.

Muntik pa mahimatay si Atlas ng lumabas na ang baby. Pagod na tumungin si Triana sa kanyang baby. Inasar pa ni Triana ang kaibigan dahil sa muntik na mahimatay.

"Lokong to mahimatay kapa ata diyan." Pagod na ani ni Triana. Dahil don ay nahiya si Atlas, dahil daig pa nito kung umarte na akala mo siya ang daddy ng bata.

Nilapitan pa ito ng nurse kung gusto ba niya daw hawakan ang baby. " Ikaw po ba ang daddy, gusto mo bang buhatin si baby?" Tanong ng nurse kay Atlas.

Sasagot na sana ang lalaki na hindi siya ang asawa ng iaabot na ang baby sa kanya. Tila takot na hawakan ni Atlas ang bata naiiyak ito dahil iniisip niya, ganto din sana ang pakiramdam niya kung nakita niya ang anak niya na hanggang ngayon ay tinago sa kanya.

Lumuluha ang lalaki habang hawak ang baby girl ni Triana.

" Ang ganda ng baby mo, nakuha niya ang mga mata mo at labi. Kaso yung iba sa ama na."

Nakatitig lamang si Triana sa kanyang kaibigan. Nararamdam niya na malungkot ito dahil hindi man lang nito nahawakan ang sariling anak. Ni hindi sure ang lalaki kung pinalalag ba ang bata o tinago lang sa kanya.

Hinayaan muna ni Triana na hawakan ni Atlas ang baby niya, dahil gusto niya na ma feel nito ano ang pakiramdam na mahawakan ang baby.

Nang umiyak na ang baby, binalik na ito kay Triana upang i breastfeed niya.

"Tatalikod ba ako?" Tanong ng lalaki sa kanya. "Bakit gusto mo ba panoorin na dumede ang baby ko?" Pag bibiro nito sa kaibigan.

" Hindi sira kaba, labas muna ako para bumili ng pagkain natin." Pag papaalam ng lalaki. Napangiti si Triana dahil napaka maasikaso ni Atlas sa kanya.

Nang makabalik na si Atlas ay tinanong nito si Triana kung anong pangalan ba ipapangalan nito sa anak.

May naisip na noon ang babae kung anong gusto nito ipangalan sa bata.

" Stella Avery Reyes." Hindi nilagay ni Triana ang apelyido ng asawa, dahil sa ayaw nito at wala naring paramdam ang asawa siguro nasa kabit na nito iyon sa isip ni Triana.

" Hindi ilalagay sa surname niya Callistar?" Tanong ng kaibigan. Sumagot naman si Triana " Hindi tutal mukhang nasa babae na niya ito ngayon. Nawalan na siya ng karapatan sa anak ko." Malungkot na ani ni Triana

" Okay support kita kung saan ka masaya. At by the way Ang ganda ng name ni baby." Nakangiting ani ni Atlas.

Habang si Tyler ay walang kaalam ito na nanganak na pala ang asawa. Ilang araw na nakalipas ng malaman nito na nag post ng picture sa social media na buhay ni Triana ang baby.

May mga comment na " nasan ang daddy?" Meron ding " wow! Congrats sa baby niyo."

Nalungkot si Tyler na hindi man lang pinaalam sa kanya na nganak na pala si Triana.

Naluluha na nakatitig sa litrato si Tyler. Sa isip ng lalaki "Ako dapat yun"

Enjoy reading.. :')))

Baddie_Cutie8