webnovel

Curiosity

Chapter 1

liliana anghelita delapaz

napabalikwas ako ng maramdaman kong meroong nakatingin saakin sa bandang paanan ko,malakas ang aking pakiramdam kaya madali lamang ako maka-ramdam ng kakaiba.

nang idiliat ko ang mga mata ko ay isang lalaking naka itim ang nakita ko.para itong kampon nang kadiliman dahil sa perpektong itim ang kanyang suot,mula ulo hanggang paa.bahagya pa itong naka yuko kaya naman tinawga ko ito.

"mawalang galang napo,ngunit sino kaya ginoo?,anong sadya ninyo rito?paano kayo naka pasok sa bahay ko?"sunod sunod na tanong ko rito.ngunit ni isang sagot ay wala akong nakuha galing dito.kaya minabuti kong kalabitin ito,bahagya akong napaatras nang bigla nitong ini-angat ang kanyang ulo at tinitigan ako ng diretso sa aking mga mata.bigla nalamang nag-tayuan ang aking mga balahibo dahil sa titig nito saakin.

"g-inoo,ano po ang inyong nais?"kinakabahan kong tanong dito.napaatras ako ng bigla itong lumapit saakin at ngumiti,

"naniniwala kaba na mayroong isang mahiwagang kaharian sa ilalalim ng balong nasa inyong bakuran?"tanong nito na nag-pakaba saakin,hindi ko alam kung bakit tila nag-sitayuan ang aking mga balahibo,napaka-misteryoso nang nilalang na ito.ang lalaking nasa harapan ko.umiling ako dito bilang sagot.hindi ako naniniwalang meroong kaharian sa ibaba nang talon na iyan,hindi kapani-paniwala iyon.humalakhak ito at umiling iling saakin.

"pa pa-ano kung ipakita ko sayo ang kahariang iyon?.maniniwala ka naba saakin?"tanong nito habang nakangisi,ano bang nais nang isang ito?kanina pa ako nag tataka kung bakit siya narito saaking bahay,ano ba ang kanyang sadya?.

"ginoo,kung inyong mamarapatin,nais ko po sanang kayo ay lumisan na saaking tahanan,kung ayaw ninyong ireklamo ko kayo sa nakakataas.isang kamalian ang inyong pag-pasok ng walang pahintulot saaking tahanan."matapang na wika ko dito,ngunit napa-palakpak ito at tumango tango pa na tila ba namamangha sa aking inasal at saaking SINABI.napaka wirdo ng isang ito.

"isa kang matapang na binibini,karapat dapat ka saaming kaharian.sa kahariang ubod ng ganda,sa kahariang napaka payapa at maganda ang mga lugar at tanawin.gusto mo bang sumama saakin?.."tanong nito saakin.napabunting hininga nalamang ako at tiningnan ng diretso ang mata ng istrangherong ginoo na misteryoso.

"mawalang galang na ginoo,ngunit inyo sanang maintindihan,ayokong sumama sa iyo,makakalis kana.

"bueno,bueno,marahil ay nabibigla ka lamang sa ngayon at naguguluhan.hayaan mo at bibigyan kita ng 5 araw para maka-pag isip.tuwing sasapit ang ala singko ng dapit hapon ay babalik ako dito upang itanong ang iyong naging desisyon,sige ako'y lilisan na.magandang gabi,binibining liliana angelita."pagka bigkas nito ng aking pangalan ay kinuha niya ang aking palad at hinalingan iyon.bahagya akong nagulat kaya naman binwi ko agad ang aking mga palad mula sakanya..napaka pusok ng isnag ito..bago ito umalis ay humalakhak ito at sa isang iglap ay naglaho na ito na mistulang parang bula...napaka misteryosong tao.sino siya?.ano ang kanyang nais?kaharian sa ilalim ng balon?ito ba'y totoo?o ako'y nililinlang niya lamang?....