webnovel

Chapter 2

I tried so many times to refresh my browser and did everything I could to fix the error—if it really was an error. But nothing changed. My account was still empty.

Nag-desisyon si Harper na pahiramin na lang muna ako ng pera. Ang bilis nga niyang napadala iyon sa 'kin. Sabi niya ay humanap na muna kami ng hotel ng mga bata. Kailangan ko raw ng maayos na tulog at hindi ko magagawa 'yon dito sa condo dahil aalalahanin ko na baka dumating si Leon. Pagod na 'ko, kaya tinanggap ko na ang tulong niya.

Bukas na namin gagawan ng paraan ang tungkol sa nawawalang pera. Pupuntahan daw niya bukas ang banko do'n para magtanong, pati ako ay tatawag din. Sa ngayon ay aalis na muna kami ng mga bata.

"Mommy, sleepy na," reklamo ni Eli.

Bakas sa mga mukha nila ang pagod. I felt so guilty, but we can't stay here tonight.

"Mommy is sorry. Promise, makakatulog na kayo agad pagdating natin do'n."

No'ng matapos silang kumain ay pinagpahinga ko muna sila. Ngayon naman ay katatapos ko lang ayusin ulit ang mga gamit nila sa bag. Mabuti na lang at hindi pa nila nalalabas lahat.

"Leo, wear your jacket. Hurry u--"

Natigilan ako nang makarinig nanaman ng katok sa pinto. Sunod-sunod iyon na para bang nagmamadali ang taong nasa likod ng pinto.

Tinignan ko ang mga bata at tinapat ang isang daliri sa labi ko.

"Balik sa room. M-may kakausapin lang si mommy. Stay there," mahina kong sabi sakanila.

Kumunot ang mga noo nila pero nakinig pa rin sila sa 'kin. Binalik ko rin sa loob ang maliliit nilang backpack.

Dali-dali akong lumapit sa pinto at sinilip sa peephole ng pinto. Umawang ang bibig ko nang makita ko siya ulit. . .  Si Leon.

"Open the door or I'll force it open," mahinahon niyang saad mula sa labas ng pinto.

I pressed my lips together as I felt hot tears filling my eyes. Ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw, papa passed away, we were thrown out, my savings are gone, and now, Leon.

Mahirap pala talagang pigilin ang luha kapag punong-puno ka na. Ilang beses akong napalunok bago ko tinuyo ang gilid ng mga mata ko. I can't break now. Mamaya na. Kapag tapos nito at tulog na ang mga bata.

Binalik ko ang tingin sa pinto. Wala akong choice, kailangan kong buksan. Kundi baka talagang pilitin niyang buksan ang pinto at matakot pa ang mga bata.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at agad na bumungad sa 'kin ang hinihingal na si Leon. Magulo pa ang buhok niya at maluwag na ang necktie na suot.

I had to hold my breath because he was looking at me intently. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Basta tinitignan niya ang mukha ko na para bang matagal na niya 'tong hinahanap.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin sa pamamagitan nang pag-yuko.

"Elaine," he sighed. "You finally showed up after disappearing on me five years ago."

"You have no business here, Leon. Leave me alone," I told him while putting up a front.

Saglit na umangat ang sulok ng labi niya. He pushed the door with only enough force to let himself in without hurting me.

Kung kanina ay hindi ko siya mabasa, ngayon ay nakikita ko ang galit sa nagsasalubong niyang kilay at malamig na titig sa'kin. Alam na ba niya ang tungkol sa mga bata?

My lips were quivering, but I also didn't take my eyes off him.

"You cried," pansin niya. "Was it Ezra?"

Umiwas ako agad ng tingin dahil sa sinabi niya. "Hindi ako umiyak," pagsisinungaling ko.

"Too bad. Gusto ko pa naman siyang tanggalan ng trabaho." He shrugged and walked into my apartment. Nilibot ng mga mata niya ang paligid bago siya umupo sa sofa.

Parehas pa kaming napatingin sa pinto ng kwarto nang makarinig kami ng ingay mula ro'n. Napalunok ako't dali-daling tumayo sa harap ng pinto.

Leon tilted his head while looking at me. Then, he gestured toward the chair beside me.

Mayroon akong maliit na lamesa at isang upuan dito sa condo para kapag kumakain ako noon. Wala akong nagawa kundi umupo na lang do'n.

"Are they inside?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko at mariing napapikit. Mukhang alam na nga niya ang tungkol sa mga bata.

"What did Ezra tell you?" tanong ko.

"He said you have my children, and you're denying it."

Napalunok ako. Kung dadalhin nila sa korte ay hindi rin naman magtatagal ang pagsisinungaling ko. Baka mas lalo pa nga mapasama, pero hindi ko rin magawang umamin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman niya.

My hands were fidgeting as I stared at the floor. Ano bang dapat kong sabihin?

"Tell me the truth, Elaine," may diin niyang saad.

His voice intimidated me, but when I looked at him, I suddenly remembered how he used me. Limang taon na pero pakiramdam ko pa rin ay naloko ako kahit wala naman kaming relasyon noon.

Wala akong karapatan magalit dahil wala lang naman ako sa kaniya at halos isang buwan pa lang kaming magkakilala no'n, kaya umalis na lang ako.

"Ano bang akala mo? Walang ibang lalaki sa buhay ko? Ikaw lang?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kapag nagka-anak ako, sa 'yo agad?"

Tila lalong nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya.

"You told me you were mine," giit niya. "Who would dare touch what's mine? Give me a name, Elaine."

"I'm not yours--"

"Give me a name," ulit niya. Nang hindi ako makasagot agad ay muli siyang nagsalita, "stop lying, it's pissing me off."

"Kahit magsinungaling ka, malalaman ko pa rin ang totoo. At kung pipiliin mo pa rin magsinungaling, hindi na 'ko magiging mabait, Elaine."

Binaba ko ang tingin dahil hindi ko na alam kung paano pa paninindigan ang mga salitang binitiwan ko. Leon is the current CEO of one of the biggest companies in Asia. He could take the kids if he wanted to, and I wouldn't be able to do anything about it.

Hindi ko nga siguro magagawang itago sa kaniya ang mga bata sa loob ng limang taon kung walang tulong ni papa at nila Harper. Nag-sisimula pa lang siya noon at kaagaw pa niya ang mga kapatid sa kompanyang pagmamay-ari na niya ngayon. Pero nahirapan pa rin akong magtago no'ng mga panahong 'yon.

Akala ko pa naman ay parte na lang ng nakaraan yun at nakalimutan na niya ko. Akala ko ay kahit magkita kami ay wala na siyang paki o hindi na niya ako makikilala.

Napansin kong tinititigan nanaman niya ako kaya hindi ako nag-angat ng tingin. Maya-maya pa ay narinig ko ang buntonghininga niya.

"I won't take them away from you if you agree to my conditions," sabi niya na parang nabasa niya ang isip ko at nalaman ang kinakatakutan ko.

Ngayon ay binalik ko na ang tingin sa kaniya at hinanda ang sarili kong makinig sa mga kondisyon na binanggit niya. Handa akong makinig kung ang katumbas no'n ay mapanatili ang mga bata sa tabi ko.

"I want the four of you to live with me," deretsahang saad niya. "And you can't disappear again."

"Live with you? Ikakasal ka na, Leon!" Talaga bang ginagawa lang niya ang gusto niya? Hindi ba niya iniisip ang ibang tao? Nakakagalit.

"Yun ang kondisyon ko. It's that or you can fight for their custody."

I won't win. Even with Harper's help, I won't win. Leon is different now, he has more power, connection, and wealth than before.

"I have the right to be in their lives, Elaine. You took that away from me for five years, sapat na siguro 'yon sayo? Dahil hindi na 'ko papayag na tanggalan mo pa 'ko ng karapatan sakanila," dagdag pa niya.

Tama naman siya at maiintindihan ko sana ang kagustuhan niya kung hindi siya si Leon Sanford. He cheated on his fiancée with me. Then, he abandoned his whole family when his half-brother was charged with tax evasion.

People said he was heartless and only his company mattered to him. Hindi siguro ako naniwala sa sinasabi ng iba kung hindi ko nalaman na ikakasal na pala siya kay Ava noon habang nasa iisang kama kami. Paano niya mamahalin ang mga anak ko kung gano'n siyang klaseng tao?

"I can't live with you. . ." wala sa sariling sambit ko. Ikakasal na siya at ayaw kong tumira kasama ng lalaking gusto ko na lang kalimutan.

Hindi ko pa nga alam kung magiging mabuti siyang ama.

Magsasalita sana siya pero parehas napunta ang atensyon namin sa pinto ng kwarto na biglang bumukas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Elijah na nakasilip.

"Eli!" Napatayo ako nang tuluyan niyang buksan ang pinto. "Go back inside please."

"But, mommy, wiwi," sabi nito habang nakanguso. Nakakunot pa ang noo nito at halatang pinigil na niya ang nararamdaman bago lumabas ng kwarto.

"O-okay, baby," saad ko at dali-sali siyang binuhat. "Sorry natagalan si mommy."

Muli kong sinarado ang pinto at agad na dinala si Eli sa banyo. Hindi ko na nagawang tignan si Leon.

Nang matapos si Eli ay muli ko siyang binuhat para sana mas mabilis kong ma-ibalik sa kwarto. Kaso nang makalabas kami ng banyo ay nakita ko si Alaine na nakatitig kay Leon.

My son tilted his head as if he was memorising Leon's face. Then, he lifted his hand and pointed at Leon.

"Who is he, mommy?" tanong ni Alaine.

Napunta ang tingin ko kay Leon pero agad ko rin iyon iniwas nang makita ang matatalim niyang tingin.

"You tried to deny that he's my son?" he asked, as if I was stüpid to think that my lie would work.

Bigla akong kinabahan nang makitang nakakunot ang noo ni Alaine na para bang iniintindi ang sinabi ni Leon.

"Is he daddy?" tanong niya.

I knew he would be quick to catch on. The boys were smart. Siguro hindi lang ang mukha ni Leon ang minana nito, pati ang talino.

Malawak ang ngiti ni Alaine habang naghihintay ng sagot ko. Parang nadurog ang puso ko para sa bata dahil matagal na nilang natatanong ang tungkol sa daddy nila. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya kaya hindi ko makasagot. I couldn't lie and break his heart, but it was too early to admit the truth.

"Alaine, later na tayo mag-usap ha?" Inabot ko ang kamay niya at akmang hahawakan 'yon nang lumapit siya kay Leon.

Pati tuloy si Elijah ay gusto na rin lumapit kay Leon. Napilitan akong i-baba ang bata.

Leon looked at me coldly. He picked up Alaine and placed the child on his lap. Nang maka-upo na nang maayos si Alaine sa isang hita niya ay si Eli naman ang tinulungan niyang makaakyat. Hanggang sa naka-upo na ang dalawa sa kaniya.

"How old are you?" Leon asked.

"Four! But soon five!" masiglang sagot ni Alaine.

"Five!" sabi naman ni Eli.

"No!" umiling si Alaine. Binalik niya ang tingin kay Leon at tinama ang sagot ni Eli, "he is four too."

Muling binalik ni Leon ang tingin sa 'kin. Parang naging mas malamig ang titig niya, siguro mas lalo siyang nagalit sa 'kin dahil sa ginawa kong pagtago sa mga bata.

"What's your work?" tanong ni Alaine nang mapansin ang necktie ni Leon.

"Gulo ng hair," komento naman ni Eli. "Suklay ko po?"

Dali-daling bumaba si Eli mula sa hita ni Leon at naghanap ng suklay. Nang makita niya ang suklay ko na nakapatong sa lamesa ay agad niyang binalikan si Leon.

"Eli, wag makulit. Alaine, stop playing with his necktie too," saway ko sa mga bata.

"No, it's okay," sabi ni Leon sa dalawa. Mas lalo lang tuloy natuwa ang mga ito.

They say he's a cold-hearted b*stard, but he's letting my sons play with his hair, mess with his necktie, and cling to his neck. . .

"Where's the other one?" tanong niya sa 'kin.

"Hindi pa 'ko pumapayag sa gusto mo, Leon," paalala ko.

"So, you want to take this to court?" Umangat ang kilay niya sa 'kin. "My sons will stay with me, and if you're so against with living with me. . . then I'll take them away," dagdag pa niya.

Oh, he truly was a cold-hearted b*stard.

"Mommy?" Narinig ko ang maliit na boses ng isa ko pang anak. Dahan-dahang lumabas si Leo galing sa kwarto, hawak niya ang kamay niya at mukhang nagdadalawang isip lumabas.

"Come here," sabi ko na lang. Nakita na rin naman ni Leon ang dalawa.

Agad na lumapit sa 'kin si Leo. Nagtago siya sa likod ko at yumakap sa binti ko.

"What's his name?" tanong ni Leon.

Hindi ako umimik. Hindi ko rin alam kung bakit ipinangalan ko ang bata kasunod sa pangalan ni Leon. I tried to think of a different name before, but that name stuck to me.

No'ng makita ko si Leo ay mas lalo ko lang nagustuhan ang pangalan niya. Wala kasi talaga siyang nakuha mula sa facial features ni Leon, sobrang kamukha ko siya at ng lolo niya. I didn't think Leon and I would cross paths like this again.

I looked at Leon, and remembered why I fell for his tricks. There was no denying that he was handsome. Even his body was perfectly sculpted. Alaine and Eli got their almond eyes from him.

"He is Leo," si Alaine na ang sumagot para sa 'kin.

Biglang naging maamo ang mga mata ni Leon nang mapunta ang tingin niya kay Leo. Mas lalo lang tuloy nagtago sa likod ko ang bata at halatang nahihiya sa kaniya.

Nagdikit nanaman ang mga kilay niya dahil sa kinilos ng anak ko. Mahiyain naman kasi talaga si Leo.

"I'll give you until tomorrow to decide," mariing saad ni Leon. Tumayo si Leon at nagpaalam sa mga bata.

"Babalik ako tomorrow," sabi niya kala Alaine at Eli. "I'll bring toys."

"Yehey!"

Nakita ko ang saglit at tipid na ngiti ni Leon sa mga bata bago siya umayos nang tayo at tumingin sa 'kin. Tapos ay napunta ang mga mata niya sa batang nasa liko ko.

"Leo?" tawag niya rito. "I'm heading out."

Tinignan lang siya ng bata at hindi man lang sumagot. Napansin ko ang lungkot sa mata ni Leon dahil do'n. . . o baka nagkakamali lang ako. Siguro ay gano'n talaga ang mga mata niya.

Bago tuluyang lumabas si Leon ay huminto siya sa gilid ko.

"No more lies tomorrow, Elle. Don't ever say that they're someone else's sons," he firmly said. "And don't try to leave again, I won't let you."