webnovel

Chapter 1.2

Akmang isasara ko ang pinto nang pigilan niya ako. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya.

"Ezra, bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya habang nakahawak pa rin sa pinto. Lagi siyang kasama ni Leon dati pero minsan lang kami mag-usap. Ang alam ko ay sa isang kompanya sila nagtatrabaho at magkaibigan din sila.

Maliit lang ang condo ko, pero may harang na naghahati sa kwarto mula sa maliit na living room at kusina. Nasa loob ng kwarto ang dalawa ko pang anak at mukhang si Alaine lang ang sumunod sa 'kin.

"I followed you. Nagkita kasi tayo sa airport pero hindi ka man lang nag-hi," sabi niya na parang biro sa kaniya ito.

"Bakit ko naman gagawin yung sinasabi mo? Hindi naman tayo close?"

"Right," pilyo niyang saad. "I'm just here to confirm that it's you. Ngayon na nagawa ko na yun, aalis na 'ko. I don't want to give Leon false hope."

Sinundan niya ba 'ko? Saglit lang naman nagtama ang tingin namin sa airport pero nakilala niya ako agad.

Sasabihin ba niya kay Leon ang tungkol sa nakita niya? Hindi pwedeng malaman ni Leon. Lalo na kung hinahanap pala niya 'ko.

Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya.

"S-saglit!" Kinagat ko ang ibabang labi bago muling mag-salita. "W-wag mong sabihin sa kan'ya."

"I can't do that, Elaine. You have his kid or uhh kids."

"Those are my kids, hindi siya ang ama! Hindi ko lang siya gustong makita ulit." I knew that my lie was hard to believe because of how much my son resembles Leon, but I couldn't say the truth.

Umangat ang kilay niya. Mas lalo lang akong kinakabahan habang tumatagal.

"Cut the bullsh*t, Elaine. Sinong ama? Long lost twin brother ni Leon?" sarkastiko niyang saad. "The kid looks exactly like how Leon used to look like when he was younger."

"Hindi niya anak ang mga bata. Tigilan niyo na 'ko, may fiancée na si Leon at mayroon ding ama ang mga batang 'to. Kaya pwede ba? Wag niyo na kaming guluhin." I-sasara ko na sana ang pinto pero pinigil niya iyon gamit ang isang kamay.

"We can take this to court, Elaine. We can request for a DNA test if you continue to be stubborn," sabi niya bago tanggalin ang kamay sa pinto. Umatras siya at tumalikod na sa 'kin.

Naiwan akong nakatulala habang nakahawak sa pinto. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. . . kukunin nila ang mga bata. Hindi pwede.

Sinarado ko ang pinto at dali-daling kinuha ang phone ko. Tinignan ko ang pera ko sa banko at itatransfer ko sana sa account ko rito sa Pilipinas upang ma-withdraw ko na. Hindi pa sapat ang pera ko, pero hindi kami pwedeng manatili rito.

"Oh, and just a piece of advice." Saglit siyang tumigil nang hindi ako nililingon. "Don't try to run, he won't let you go this time."

Mariin akong napapikit habang nag-iisip ng susunod na hakbang. Bakit kailangan sabay-sabay ang mga problema? Hindi man lang muna ako pinagpahinga. Bumuga ako ng hangin upang bawasan ang bigat ng dibdib ko. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at binalikan ang mga bata. 

Hindi inaalis ni Alaine ang tingin niya sa 'kin na para bang binabasa ako kahit hindi naman niya naintindihan ang mga narinig kanina. Tahimik lang ako habang nakatitig sa isang espasyo ng silid. Si Eli at Leo na kaninang naglalaro ay lumapit na rin sa 'kin.

"Mommy sad again?" pansin ni Leo. 

Nang mapatingin ako sa kaniya ay pinilit ko ang sariling ngumiti. Mabilis akong umiling at ginulo ang buhok ni Leo.

"Mommy, who was that?" tanong naman ni Alaine.

"An old friend," sabi ko na lang, dahil iyon lang naman ang maiintindihan nilang sagot. "Wala pa pala 'yong food kaya laro muna kayo. May gagawin lang si mommy."

Kinuha ko ang phone ko at lumabas ng kwarto. Umupo ako sa may maliit na sofa na kasya lang ay dalawang tao. Muli akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili bago tawagan ang kaibigan ko na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon. 

"Elle! Nasa Philippines na ba kayo?" tanong niya. "I'm still so mad! Paano nagawa ni Darcy na palayasin kayo nang gano'n-gano'n lang! Umuulan pa naman no'n. Kamusta 'yong mga bata? Nasaan kayo ngayon? I feel bad for Layla also, malulungkot 'yon."

Mahina akong natawa. Grabe, ang dami na niya agad nasabi.

"Nandito kami sa dati kong condo."

"Konti na lang talaga at sasahin ko na rin kay Terrence yung nangyari! Kasi eh, nag-aalala ako para sa inyo. Kayo lang nandyan, tatlo pa binabantayan mo."

"Harper, wag mo nang sabihin. Hindi niya responsibilidad ang mga bata. Baka bigla nanamang lumipad 'yon papunta rito."

Matagal ko nang kaibigan si Harper at Terrence, si Harper ang tumulong sa 'kin maka-uwi pagtapos kaming paalisin sa bahay ni papa. Nando'n din ang pamilya niya sa Amerika at nauna pa siya sa 'min do'n. Si Terrence naman, bigla na lang sumunod do'n sa 'min noong nalaman niya ang nangyari sa 'kin. Hindi siya agad nakapunta ng Amerika, kaya halos dalawang taon pa lang siya do'n. Isa pa iyon na mabilis mag-alala eh.

"Promise me you won't tell him?" tanong ko. "He's doing well, I don't want to ruin that."

"Malalaman din niyang umuwi ka at sigurado akong magagalit iyon dahil nililihim natin sa kaniya 'to."

"Ako na kakausap sa kaniya kaya wag mo na lang muna sabihin. Lalo na 'yong ginawa ni Darcy."

"Oo na!" inis niyang saad. 

"Okay. . . may sasabihin din ako." I pursed my lips as I tried to put my worries into words. "Harp, he found us."

"A-ano? He? Si Leon? Bakit? Paano? Anong gagawin mo?" sunod-sunod na tanong niya, halata rin sa boses niya na bigla siyang nataranta. 

"Nakita ako ni Ezra kanina. Yung kaibigan ni Leon. I can't explain everything in details yet kasi iniisip ko pa kung anong gagawin ko. Ezra told me not to hide again, he said Leon wouldn't let me go. But I'm trying to find a way to move the kids before Leon comes for them." Habang nagpapaliwanag kay Harper ay binuksan ko ang laptop ko na ilang taon ko nang gamit. 

I opened my back account to check my savings. I wanted to transfer them to my account here para ma-withdraw ko na sila. Hindi man sapat ang pera ko ay kailangan kong pilitin. Hindi pwedeng makita ni Leon ang mga bata.

"Naiiyak ako, Elle," Harper said. I could already hear her sniffing. "I'm so frustrated. You don't deserve this. I can't think of anything na nagawa mo para maging deserve mo 'tong nangyayari."

"Harp, tahan na. Humahanap na 'ko ng paraan."

"Don't even try to comfort me! Hindi ako sila Leo, you don't have to be strong in front of me. Ikaw ang may kailangan ng comfort, Elle."

"Tama na iyak," sabi ko na lang dahil nadadala na rin ako. Hindi ko pa nga naiiyakan si papa tapos may dumagdag nanaman. All I could do was swallow hard, hoping that it would also push my tears down. I don't have time to cry.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang kanina ko pa pinipigil pero malinaw ko pa ring nakita ang mga numero sa account ko. Bakit zero balance na ito? Anong nangyari?

"Harper, my account's empty. Nandito lahat ng inipon ko. May error lang kaya?" Tinamaan ako ng kaba pero ayaw ko namang maging negatibo agad. Hindi naman pwedeng mawawala na lang iyon nang basta-basta!