webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
40 Chs

Twenty Two

(NAIA Terminal 3)

(Arcel's POV)

Habang nakita kong palabas na ng airport si Aya kasama si Earl ay lihim na nagdiriwang ang kalooban ko dahil sa nakita kong itsura ni Earl. 

Malapit na pala siyang mapunta sa impyerno.

Hindi na pala ako mahihirapang gantihan siya, dahil siya mismo, pinaghihigantihan na ng sarili niyang karma......mas matindi pang karma kaysa sa ginawa niya sa kapatid ko.

Malapit na siyang paglamayan ng pamilya niya.

HAH!

HE DESERVES THIS MISERABLE LIFE!

Anyways, I'm Arcel Romualdo, elder sister of Reeya. Marami akong alam sa buhay ng kapatid ko at isa na nga doon ay ang ugnayan nila ni Earl Peter Tomines na dati niyang kasintahan. 

Noong una ay hindi ako tutol sa relasyon nilang dalawa. Pero nakialam na ako nang malaman kong nakipagbalikan si Reeya kay Earl gayong may kasintahan na pala ito na anak ng founder ng school kung saan sila nag-aaral, si Miyaki Miyazako. Natakot ako para sa kapatid ko at ilang beses ko siyang binalaang makipaghiwalay na siya kay Earl pero hindi siya nakinig sa akin. Hanggang sa natuklasan na ni Miyaki ang lihim na relasyon ni Earl at ng kapatid ko. Hiniwalayan niya si Earl, but she cursed him and my sister. And after three months, nangyari nga ang sumpa. Nagkandaletse-letse na ang buhay ng kapatid ko. Nakipaghiwalay si Earl sa kanya pero nagmakaawa si Reeya sabay banta niyang magpapakamatay siya oras na totohanin ni Earl ang plano niya. Maging ako ay nakiusap na rin na wag niyang iiwan ang kapatid ko. Pero hindi nakinig si Earl at itinuloy pa rin niyang makipaghiwalay sa kapatid ko....na naging dahilan para totohanin ni Reeya ang bagay na kinakatakutan kong mangyari. Three days after the breakup, nakitang naaksidente ang kotse ni Reeya sa highway. At noong malaman namin ang nangyari kay Reeya ay halos pagsakluban na ako ng langit at lupa. Patay si Reeya sa aksidente at ang dahilan....SUICIDE. Tinotohanan nga niya ang banta niya. Masakit sa amin ng mga magulang ko ang nangyari kay Reeya, lalo pa't isa siyang mabait at mapagmahal na anak at kapatid....sadyang nabulag lang siya ng lalaking iyon na siyang nagdala sa kanya sa maagang kamatayan niya. Noong mailibing na si Reeya, isinumpa ko sa puntod niya na ipaghihiganti ko ang pagkamatay niya. Ipaghihiganti ko siya sa lalaking pumatay sa kanya. At ang lalaking yun...ay walang una kundi si Earl. Si Earl ang pumatay sa kapatid ko, kaya dapat lang na pagdusahan niya ang mga kasalanang ginawa niya sa kapatid ko...

At ngayong nandito na ulit ang hudas na si Earl, sinisiguro kong di na siya makakabalik pa ng England...

Dahil maaga pa lang, ididispatsya ko na siya.

Kinuha ko ang cellphone sa handbag ko at tinawagan ko ang private investigator ko.

"Jones, may trabaho ka na naman. Ipaiimbestiga ko sayo si Earl Peter Tomines. Yeah, the son of the Filipino business tycoon in England, Mr. Donald Tomines. Lalakihan ko ang bayad sayo, basta magawa mo ang pinagagawa ko. Understand? Good." at binabaan ko na ng linya si Jones.

Pagkatawag ko kay Jones ay nagpasya na akong lumabas ng airport. Ito na ang simula ng paghihiganti ko sayo, Earl Peter Tomines.

Ito na....