webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
40 Chs

Twenty Seven

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

(Next day.....)

Maaga pa lang ay nasa school na ako. Agad hinanap ng mga mata ko si Callix at nakita ko siya na nakaabang na sa akin sa school building.

"Good morning mahal." ang malambing na bati niya sa akin.

"Good morning din sayo mahal." sabay yakap ko sa mokong na 'to. Grabe, namimiss ko tuloy yung nangyari sa amin kahapon, parang ang sarap ulitin... (hehe...)

"Na-miss kita mahal. Hindi nga ako nakatulog sa kakaisip ko sayo eh." ang sabi niya habang yakap-yakap niya ako.

"Ikaw nga din mahal eh. Na-miss talaga kita, lalo na yung storage moment natin kahapon...namimiss ko." ang wala sa sariling sabi ko pero nabigla ako at tinakpan ko ang bibig ko. Habang si Callix naman ay tawa ng tawa sa narinig niya.

"Really? You miss my abs?" ang panunukso niya sa akin pero binatukan ko siya.

"Tse! Oo na! Namimiss ko nang kainin yang pandesal mo! Penge nga!" at akmang dudukutin ko na ang damit niya para hubarin nang kilitiin niya ako sa tagiliran ko.

"Waaaaaahhhhhhh! Mahal, nakikiliti ako! Nakikiliti ako!" ang halos mapatili ko nang sabi habang si Callix naman ay patuloy ang pagkiliti sa akin.

Kiniliti niya ako nang kiniliti hanggang sa manlambot na ako at kamuntikan na akong madapa pero nasalo naman agad ako ni Callix.

"Wahaha! Nakakapagod. Nakakapagod." ang sabi ko habang yakap-yakap ako ni Callix.

"Oo nga eh." ang sabi naman niya. Pero natigil kami sa aming paglalandian este paglalambingan nang makita naming papasok na sa school building ang tatlong most wanted criminals of the campus na sina Chiqui, Fruitcake at Yesha. Nagkindatan kami ni Callix at nag-umpisa na kaming magparinig sa kanila.

"Uy mahal, mukhang may ma-ga-guidance na mga kaklase natin ah!"

Napatingin silang tatlo sa amin habang kami naman ay patuloy lang sa paglalandian habang nagpaparinig kaming dalawa.

"Talaga mahal? Sino sila?"

"Basta mga kaklase natin. Tatlo sila, at puro pa mga babae."

"Grabe mahal, nakakahiya sila. Naturingan pa naman silang mga taga-IV Dalton tapos ang ugali nila, mga ugaling squatter? Wow, how cheap ha!" ang pagpapatama ko sa tatlong anak ni Miley Cyrus na halatang natamaan dahil muli ay natatakot na naman sila sa aming dalawa.

"Tapos kung makaasta sila dito, akala nila eh sila na ang pinakasikat!"

"Pero wag ka! Nagkamali sila ng kinalaban mahal! Biruin mo, sa dinami-rami ba naman ng pwede nilang banggain, eh tayo pa! Tayo pa talaga ha! Nakakalimutan ba nila na mga member ng Famous Eight ang kinalaban nila?! Hindi ba nila alam na matinding peligro ang kakaharapin nila oras na banggain nila tayo!" and Callix gave them a warning look.

"Oo nga noh mahal, wala na kasi silang pinipili eh. Feeling nila, lahat ng estudyante dito, kaya nilang api-apihin!"

Kitang-kita namin ang matinding takot sa mga mukha nila habang kami naman ay ang tataas ng mga kilay namin sa kanila.

"Omigosh Chiqui, remember the incident yesterday....... yung binully natin si bakla..." ang takot na takot na sabi ni Yesha sa dalawang kasama niya.

"Yes....I still remember it. At kitang-kita ko kung pano tinanggal ni bakla yung disguise niya." ang nangangatog namang sabi ni Chiqui.

"Yung baklang yun ay si Prince Callix. Meaning...."

"F8 ang kinalaban natin." at lalo silang nangatog sa takot nang sumalubong sa kanila ang napakasamang tingin ni Callix sa kanila. 

"Omigosh, pumasok na tayo sa room." at mabilis silang naglakad papasok sa school building. Sumunod lang kami ni Callix sa kanila pero laking gulat nilang tatlo nang makita nila sa hallway ang malaking tarpaulin na may nakasulat na.....

PREPARE TO DIE.

"C-CHIQUI..." ang halos mangatog na sa takot na sabi ni Fruitcake habang nakatingin sila sa malaking tarpaulin na nakasabit sa hallway ng school.

Pinagtitinginan na sila ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanila habang kami naman ni Callix ay nagpatuloy sa pagpaparinig.

"Naku, may nakabandera pang 'prepare to die'! Siguro malaking-malaki talaga ang kasalanan nila sa atin!"

"Oo nga noh, and wow! Specialized pa! Di ba, sa locker lang yan nilalagay?"

"Oo nga. Hala...lagot kayong tatlo!" ang pananakot na naming dalawa sa kanila na nagtilian na at nagtakbuhan sa sobrang takot.

Kami naman ay sinundan sila hanggang sa makarating sila sa locker room ng IV-Dalton, IV-Pascal at IV-Curie.

Dali-dali nilang binuksan ang locker room nila at halos mahimatay na sila sa matinding takot dahil may nakalagay na red card sa loob ng locker nila na may nakasulat ding "prepare to die."

"Chiqui! D-delikado yata tayo ngayon, umalis na tayo dito! Wag na tayong pumasok!" ang takot na takot nang sabi ni Yesha sabay hila niya sa dalawang kasama niya palabas pero laking gulat nila nang humarang na kaming dalawa ni Callix.

"Hey girls, where are you going? Di ba kayo nag-e-enjoy sa palabas namin?" ang sarkastikong tanong ni Callix sa kanila.

"P-prince Callix....." ang takut na takot na sabi nila nang makita nila ang mukha ng boyfriend ko.

"Oo nga. Ansaya diba?" and I rolled my eyes on them.

"Pwes, hindi pa kami tapos sa inyo! Guys!"

Mas natakot silang tatlo nang sumulpot na sina Misha, Lexie, Monique, Kuya Ruki, Dennison at Marcus. All of their eyes are on them.

"Hello Chiqui, Fruitcake and Yesha, kamusta na kayo? Nag-eenjoy ba kayo sa palabas namin?" Monique said sarcastically.

"Halatang nag-eenjoy sila oh! Tignan mo mga mukha nila, takut na takot!" sabad naman ni Marcus.

"Siguro naman alam ninyo kung bakit kami nandito." ang sabi ni Misha sabay sabunot sa buhok ni Chiqui.

"Because it's time to revenge!" sabay hila ni Lexie kina Fruitcake at Yesha palabas ng locker room habang si Chiqui naman ay kinaladkad ni Misha palabas ng locker room.

Habang hila-hila nila ang tatlong wrecking ball na ito ay maraming mga estudyante ang nakikiusyoso sa amin. At lahat sila ay alam na alam na ang mangyayari kina Bubuyog Queen and her stinging alipores.

"Naku, lagot silang tatlo! Tiyak na mapaparusahan sila ng F8."

"Malupit pa namang magparusa ang F8."

 

"Ano kayang mangyayari sa kanila?"

At habang naglalakad kami papuntang gymnasium ay nagsisunuran ang mga estudyante sa amin. Noong makarating kami sa gym ay pakaladkad na hinila nina Misha at Lexie sina Chiqui, Fruitcake at Yesha papuntang stage ng gymnasium.

Nung makaakyat na kami sa stage ay lumapit si Monique kina Chiqui at laking gulat ng lahat nang biglang sinampal ni Monique si Chiqui. 

"This is for my Kuya!" at sinampal pa niya sa kabilang pisngi si Chiqui. "This is for Miyaki!" sabay sampal niya sa kabila pang pisngi ni Chiqui. "This is for Miss Lanie!" at sinampal pa ni Monique si Chiqui sa nasampal na nitong pisngi. "And this is for all of the students you bullied!" at sinampal ni Monique si Chiqui ng back to back hanggang sa mamula na ang kamay ni Monique sa kasasampal kay Chiqui.

"Maling-mali na kaming mga F8 ang mga kinalaban ninyo. Alam nyo bang matinding peligro ang kakaharapin ninyo magmula sa araw na ito?!" Misha shouted.

"F8 already have an agreement na kapag nang-api kayo ng estudyante dito sa EIAS, may katumbas kayong parusa! Masaya yun di ba?" ang sabi ni Lexie na lalong nagpamutla kina Chiqui sa sobrang takot.

"Oo nga. Hindi lang kayo involved sa agreement na ito, kundi pati ang buong EIAS!" sabi naman ni Kuya Ruki.

"Okay, students." and I faced the audiences. "Famous 8 and Miss Ayako Miyazako will agreed that if some student bullying the other student in this school, there's a punishment. Ang sinumang estudyante na mam-bu-bully sa kanyang teacher, employees o kapwa niya estudyante ay papatawan ng parusa na mas malala pa sa ginawa niya. Nakikita nyo ba ang tatlong ito?" sabay harap ko kina Chiqui, Fruitcake at Yesha sa mga estudyante.

"Sila ang mga bastos na mga walang manners na taga squatter na nambully sa isang junior student kahapon na si Calla Flores. This Timbuktu girls feels that they are so superior, even though their not! Ang kakapal talaga ng mga mukha noh! Alam ninyo kung anong dapat gawin sa mga babaing ito, tinuturuan ng leksyon!" sabay kaladkad ko kina Chiqui pababa ng stage. Nagsisunuran naman ang F8 sa akin.

Nung makababa na kami ay sumalubong na kina Chiqui si Ate Ayako kasama ang guidance counselor.

"Mag-usap tayo sa guidance office." ang utos ni Ate Ayako sa kanila.

"M-Ma'am......" ang halos maiyak na sa takot na sabi nila pero mas natakot sila nang sigawan sila ni Ate.

"NOOOOOOWWWWWW!!!!!!!!!!!!!!" ang ubod lakas na sigaw ni Ate sa kanila, dahilan para magsisunuran sila kina Ate maging sa guidance counselor.

Habang naglalakad palabas ng gym ang tatlong convicted na wrecking ball ay pinagtitinginan sila ng mga estudyante at bakas sa mukha ng tatlong anak ni Miley Cyrus ang matinding pagkapahiya at pagsisisi.

Nang wala na ang tatlong convict ay magsisialisan na sana ang mga estudyante nang kinuha ni Callix ang mic kay Monique.

"Students, may sinabi ba kaming umalis na kayo?"

Agad nagsibalikan ang mga estudyante sa gymnasium.

"Anong meron at ayaw mo pa silang paalisin? Tapos na ang announcement natin kanina." ang nagtatakang tanong ni Monique sa kanya.

"Basta, may sasabihin ako." sabay kindat niya sa akin.

"Bah, at kakuntsaba mo pa si Miyaki ha! Ano ba yang sasabihin mo?" ang tila curious na tanong ni Misha.

"Just listen Mish." at ginalaw-galaw niya muna ang microphone bago siya nagsalita.

"Okay students, I just wanted to tell you, all of you, that I'm already taken."

Nagulantang ang buong studentry sa mga narinig nila habang ako naman ay ngingiti-ngiti lang. At ang F8 naman, tila alam na yata ang tungkol sa relasyon namin ni Callix dahil halos hindi na nila maitago pa ang mga kakiligang nadarama nila. Nagpatuloy sa pagsasalita si Callix.

"At ang babaing bumingwit sa puso ko, ay member ng F8." sabay lapit niya sa akin at hawak niya sa kamay ko. Sina Misha, Monique at Lexie ay di na napigilan pang mapatili habang halos himatayin na si Kuya Ruki sa matinding gulat. At sina Dennison at Marcus, hayun at tuwang-tuwa.

"This beautiful and lovely girl, Miyaki Miyazako, is my girlfriend." and Callix smiles at me.

Halos mapanganga ang lahat sa sinabi ni Callix habang halos magsabunutan na sila Monique, Misha at Lexie sa sobrang kilig nila. 

"O-M-G...." ang sabi ni Kuya Ruki at nagulat kami nang bigla siyang himatayin, mabuti na lang at agad siyang nasalo nina Dennison at Marcus.

"Since Miya is my girlfriend, alam kong may mga obsessed na gustong siraan siya o pagtangkaan siya. Subukan nyo lang na saktan, takutin o apihin ang girlfriend ko, ipadadala ko ang pangahas na yun sa hell." ang tila warning na babala ni Callix na agad sinang-ayunan ng lahat.

"Okay, so that's all, makakaalis na kayo." ang sabi ni Callix tsaka na niya ibinaba ang mic na hawak niya. Nagsialisan na ang mga estudyante sa gym habang wala pa ring tigil sa katitili sina Monique, Misha at Lexie.

"Hoy tama na, para kayong mga sira." ang awat ni Callix sa kanila. Nagsitigil na sila sa katitili.

"Waaaaahhhh!!!!!!! Omigosh! Kailan pa naging kayo?!" ang kinikilig na tanong ni Misha sa amin.

"Kahapon lang." ang sabi ko naman na lalong nagpatili kina Monique.

"Shocks, nakakakilig talaga kayong dalawa! Sana may lalaki ring magkalakas-loob na ipakilala ako sa lahat! Miyaki, you're so lucky for having my Kuya in your life! You already!" sabay kurot ni Monique sa beywang ko.

"Antaray talaga ng peg mo Miya! Talagang ang lakas-lakas ng tama ni Callix sayo!" pakikisabay pa ni Lexie sa kakiligang nadarama naming apat.

"Aminin, kinilig ka noh! Uuy! Kinikilig ang lola mo!" ang panunukso pa ni Misha sa amin.

"Sus, slight lang." ang sabi ko sa kanila pero ang totoo, nagulat ako sa ginawa ni Callix kanina, and at the same time, natutuwa ako dahil hindi siya nag-alinlangang sabihin sa lahat ang tungkol sa aming dalawa. At sinabi niya iyon ng buong kaligayahan at walang pag-aalinlangan. At halos napakilig niya ako ng mga touching words niya to the extend na nagliliwanag ang mga fireworks display sa puso ko. Doon ko na lang napagtanto ang katotohanan na talagang mahal ko na nga ang lalaking ito. Mahal na mahal ko na nga siya.

"I'm sure, lalo kang na-in-love sa ginawa ni Callix kanina! Aminin!" at nagtilian sila Lexie at Misha.

"Oo. I really love him." at nakangiti akong napatingin kay Callix na ngiting-ngiti sa mga sinabi ko.

"Waaahh!! Look at him! He's smiling! Meaning, kinikilig siya!" ang panunukso naman ni Misha kay Callix.

"Uuy Kuya!" ang pakikisabad na ni Monique sa panunukso nila kay Callix.

"Tigilan nyo na nga kami, humanap kayo ng kausap ninyo." sabay akbay sa akin ni Callix. "Halika na mahal ko, balik na tayo sa classroom." ang sabi pa niya sa akin na agad ko namang sinang-ayunan sabay lakad na namin palabas ng gym. Habang ang buong F8 naman ay kinikilig at masayang-masaya para sa aming dalawa.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(IV-Dalton Classroom)

(Aya's POV)

Habang nasa classroom ako at nag-re-review para sa unit test namin sa Physics ay nakita kong nagsibalikan na sa loob ang mga classmates ko.

"Omigosh! Ang swerte naman ni Miss Miyaki, girlfriend siya ni Prince Callix!"

"Oo nga! Nakakainggit! Sana ako na lang siya..."

 

"Oh, I think I'm gonna be die if I am Miss Miyaki! Waah! I really dreamed Prince Callix! Ever since!"

 

"Me too...."

 

"Pero malas naman nila Chiqui, Fruitcake at Yesha. Mukhang pinarusahan talaga sila!"

 

"Hmp, dapat lang sa kanila yun noh! Akala mo kung sino."

 

"Mga queen bee na trying hard copy cat!"

 

"Sinabi mo pa!"

Hindi na ako nabigla pa sa mga pinag-uusapan ng mga kaklase ko dahil expected ko nang mangyayari yun. Alam kong hahantong at hahantong sila Callix at Miyaki sa isang relasyong panigurado kong aalagaan at mamahalin ni Callix. Masaya ako para sa kanila. Masaya ako dahil natupad na ang pangarap ni Callix. Masaya na ako para sa lalaking mahal ko.

At yung tungkol sa kahihiyang sinapit ng tatlong mga maldita kong kaklase, karma na nila yan sa pang-aapi nila sa mga estudyante maging sa mga teachers dito. Sana naman ay nadala na sila sa mga pinagagagawa nila.

Natigil nga lang ako sa pagbabasa nang makita kong nagsipasok na sa classroom ang buong F8. Nakaakbay si Callix kay Miyaki habang hawak niya ang shoulder bag at mga libro ni Miyaki habang nakasunod naman sa kanila sina Monique, Misha, Lexie, Ruki, Dennison at Marcus. Halos hindi maalis ang mata ng mga estudyante sa kanilang lahat, lalo na kina Callix at Miyaki.

"Mahal ko, maupo ka na." ang sabi ni Callix sabay alalay niya kay Miyaki paupo sa armchair nito.

"Thank you mahal ko." ang masaya namang pasasalamat ni Miyaki.

"Ayiee! Talagang may endearment pa kayo sa isa't isa ha!" ang pang-aasar nina Dennison sa kanila.

"Kayo na! Kayo na ang pinaka-sweet na couple sa balat ng lupa!" sabad naman ni Marcus.

"Shut up." Callix said sabay yakap niya kay Miyaki.

"Hoy, ipinangangalandakan nyo talaga ha!" biro ni Misha sa kanila.

"Bayaan mo na, trip nila yan eh!" sabi naman ni Lexie.

Natigil lang ang F8 sa pagbibiruan nang dumating ang tatlong mga maldita galing sa guidance office.

"Oh, ayan na pala ang mga wrecking ball!" ang sabi ni Miyaki sabay turo niya kina Chiqui.

Nagkindatan sila Monique at Lexie, mukhang may balak silang gawin sa tatlong 'to.

Walang imik na umupo sa mga armchairs nila sina Chiqui, Fruitcake at Yesha nang bigla itong hilahin nina Monique at Lexie, dahilan para mapaupo sila sa sahig. Umugong ang malakas na tawanan sa loob ng classroom.

"Whoa! Kita mo yun mahal ko? Napaupo sila sa sahig!" ang sabi ni Callix sabay tawa ng malakas.

"Oo nga eh! Masakit siguro sa pwet nila yun!" ang sabi naman ni Miyaki na lalong ikinahagalpak ng tawa ng lahat.

Nagulat kami nang tumayo si Chiqui.

"Sumosobra ka na Miss Miyaki!!" at susugurin na sana ni Chiqui si Miyaki pero itinulak siya ni Callix, dahilan para mapasubsob siya sa sahig at mas pagtawanan siya ng lahat.

"Don't you dare touch my girlfriend!" ang galit na sabi ni Callix habang yakap niya si Miyaki.

Halatang nagulat si Chiqui sa sinabi ni Callix.

"What?! G-girlfriend mo siya Prince Callix?!"

 

"Oo! Girlfriend ako ng Prince Callix ninyo! May angal ka?!" ang mataray na singhal ni Miyaki sa kanya.

Hindi nakaimik si Chiqui at agad-agad siyang naupo sa armchair niya. Habang ang dalawang kasama niya ay nagsiupo na rin sa mga armchair nila. 

"Okay ka lang ba Miyaki? Sinaktan ka ba niya?" he worriedly asked Miyaki.

"Oo. Okay lang ako. Pero siya, mukhang hindi na eh. May sayad na yata ang utak niya." ang nanlalait na sabi ni Miyaki.

"Kayo talaga Monique, ang pipilya nyo!" sabi naman ni Misha kina Monique.

"Sorry! Ganyan talaga kami ni Lexie kapag nagagalit kami sa mga mortal enemies ng group natin." ang sabi ni Monique habang nakataas ang kilay niya kina Chiqui na halos hindi na makatitig pa sa kanila ng diretso.

"Oh siya siya, tahimik na tayo at baka parating na si Ma'am." ang sabi ni Misha sabay go signal niya sa buong klase para tumahimik na. Nanahimik naman ang buong klase hanggang sa dumating na si Miss Leila para sa klase namin sa Math.