webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
40 Chs

Twenty Nine

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

Matapos ang kataku-takot na kahihiyang inabot ng mga wrecking ball na sina Chiqui, Fruitcake at Yesha ay halos ingat na ingat na sila sa mga kilos nila, marahil dala na rin ng takot nila na muling mapahiya sa kamay ng F8.

Oo nga pala, alam na nina Ate Ayako at ni Mommy ang tungkol sa amin ni Callix at natutuwa naman ako kasi botong-boto sila kay Callix. Si Kuya Ruki naman ay masaya din para sa amin habang ang buong F8 naman ay masaya para sa aming dalawa. Pero higit ang kaligayahan ko dahil sa lalaking tunay na nagmamahal sa akin. At hinding-hindi ko maipagpapalit yun sa anumang bagay.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Physics Time)

(Physics Laboratory)

(Miyaki's POV)

Physics time namin ngayon at nasa laboratory kami para sa isang chemical analysis experiment. By pair ang mag-ri-research sa lab at kami ni Callix ang magkapartner sa lab. Habang si Monique naman ay kapartner si Leeward, while Lexie and Dennison teamed up as partners. Magka-partner din sina Misha at Marcus at si Aya naman ang kapareha ni Kuya Ruki.

Habang nag-ka-count off kami ng mga ounces ng chemicals na gagamitin namin ay laking gulat ng lahat nang sumabog ang alcohol lamp. Nagtinginan kaming lahat sa pinagmulan ng explosion at halos masiraan na naman kami ng ulo sa kakatawa nang makita naming nangingitim sa pagkakasabog ang mga mukha nina Chiqui, Fruitcake at Yesha. Tsk tsk tsk. Marahil ay may ginawa na namang kalokohan sina Monique bago ang laboratory activity namin.

Habang tawa ng tawa ang lahat ay tarantang lumapit si Sir Nico sa kanilang tatlo na kulang na lang ay maging kamukha na nila ang mga Aeta na nadiscover ni H. Otley Beyer.

"Hey girls, are you okay?" ang nag-aalalang tanong ni Sir Nico sa kanila.

Noong tignan nilang tatlo si Sir Nico ay bigla silang natulala at kalauna'y nagtititili sa sobrang kakiligang nararamdaman nila.

"Anyare?" ang tanong ni Callix sa akin.

"Sunog na nga, nakuha pang lumandi." ang sabi ni Misha na nagpatigil sa kanilang tatlo sa pagtitilian.

"Okay ba talaga kayo?" tanong ni Sir Nico sa kanila.

"Yes sir." ang kunwari pang pasimple na sabi ni Chiqui kahit na ang totoo'y inatake na naman siya ng kati ng kalandian niya.

"Sus, kunwari lang yan." ang panlalait ko naman sa kanila.

Nagtawanan ang lahat habang napahiya naman ang tatlong abandoned daughters ni Miley Cyrus. Si Sir Nico naman ay tumawag ng student assistant para samahan ang tatlong zombies sa clinic.

Nang wala na ang tatlong abandoned daughters ni Miley Cyrus ay ipinagpatuloy na namin ang laboratory activity namin sa Physics.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Corridor)

(Callix's POV)

Katatapos lang ng laboratory activity namin sa Physics at papunta na sana kami ng girlfriend ko sa cafeteria nang makita naming lumabas na ng clinic ang tatlong malanding zombie na nasabugan ng alcohol lamp kanina.

"Bah, himala! Magaling na daw sila!" ang sabi ni Miyaki habang nakatingin kami sa kanilang tatlo.

"Wag ka nang magtaka mahal ko, gumaling na sila nang dahil kay Sir Nico." at napayakap ako kay Miyaki. "Halika na, wag na nating pakialaman ang mga yan." ang sabi ko pa sabay lakad na namin ni Miyaki papuntang cafeteria nang makita naming pinagtatawanan ng mga estudyante sina Chiqui, Fruitcake at Yesha.

Wait, okay na rin naman silang tignan ah! Kakapagpa-derma pa nga lang nila kay Vicki Belo eh! (hehe...)

Lumapit kami sa mga estudyanteng nagtatawanan at nakita namin ang dahilan ng mga pinagtatawanan nila. May nakadikit palang papel sa likuran nilang tatlo na may nakasulat na......

I'M STUPID - likod ni Yesha.

I'M STUPID TOO- likod ni Fruitcake.

I'M REALLY REALLY STUPID - likod ni Chiqui.

"Anong pinagtatawanan ninyo, ha?!!" ang pasinghal na tanong sa amin ni Chiqui pero natulala siya nang makita niya kami ni Miyaki.

"Anong pinagtatawanan nila?" ang sabi ko sa kanya. "Tumalikod kayo."

"Ha?" ang sabay sabay nilang sabi sa akin.

"Talikod!!" ang pasigaw ko nang utos sa kanila. Natakot sila at kalauna'y sumunod naman sila. Nang tumalikod sila ay lalong naglakasan ang tawanan ng mga estudyante. Lumapit naman si Miyaki at nilabnot ang mga nakadikit na papel sa likod nilang tatlo.

"Ayan ang pinagtatawanan nila." sabay bigay ni Miyaki ng mga papel kina Chiqui. Binasa nila ito.

"Waaaahhhh! I'm not stupid! I'm not stupid! Hindi totoo yan, hindi totoo yan!" sabay punit ni Chiqui sa papel. Ganun din ang ginawa nina Fruitcake at Yesha.

"Oo alam namin." ang sabi ko sabay harap ko sa mga stupidyanteng nagtatawanan mula pa kanina.

"Sinong pinagtatawanan nyo?" ang tanong ko sa kanila.

"Sila!" sabay turo nila kina Chiqui.

"Anong nakakatawa?" ang tanong ko pa sa kanila.

"Wala."

"WALA NAMAN PALA EH, MAGSIALIS KAYONG LAHAT!" ang singhal ko sa mga estudyante na halatang natakot at nagsialisan sa corridor.

Nung wala nang mga estudyante sa corridor ay hinarap naman namin sila Chiqui na gulat na gulat at kalauna'y napangiti.

"Salamat Prince Callix, salamat Miss Miyaki." ang sabi nilang tatlo.

"Hoy, di namin kayo pinagtanggol ah! Nagkataon lang lahat!" ang sabi ni Miyaki pero nginitian lang nila kami.

"Ganun na din yun Miss Miyaki! Thank you talaga!" sabi pa ni Chiqui.

"Oo na. Pero wag nyong isiping hindi na kami galit sa inyo. Halika na Miya." at inakbayan ko na si Miyaki palayo sa tatlong 'to.

"Thank you talaga!" ang pahabol pa nila sa amin bago sila umalis.

Bah, marunong pa palang magpasalamat ang mga babaing yun!

Habang naglalakad kami ni Miyaki ay napapasulyap ako sa babaing mahal na mahal ko. Napakasaya ko kasi natupad na ang pangarap kong mapasaakin na ang babaing mahal na mahal ko. At wala na akong mapagsidlan pa ng aking tuwa. Sana ay magtuluy-tuloy na ang kaligayahan naming dalawa.

Sana nga......