webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
40 Chs

Thirty

(Saturday Evening)

(Miyazako's Mansion)

(Miyaki's POV)

"Ayan! Ang ganda-ganda na ng baby ko!" ang sabi ni Mommy sabay halik niya sa pisngi ko.

"Thank you Mommy." ang sabi ko naman sabay yakap ko sa kanila.

It's Saturday night at ipagdiriwang ko na sa gabing ito ang birthday party ko. Esquire party ang tema ng party at sinisiguro kong maraming mga estudyante, faculty, friends at relatives ng pamilya ko ang pupunta sa party.

Simpleng chiffon gown na kulay yellow ang suot ko para sa party dahil ayaw ko ng masyadong magarbong damit na isusuot para sa party.

Nang matapos na akong ayusan ni Mommy ay inalalayan na ako ni Ate Ayako na lumabas ng kwarto ko. 

"Haay, baka lalong ma-in-love sayo si Callix kapag nakita ka na niya!" ang kinikilig na sabi ni Ate habang magkaakbay kaming naglalakad.

"Siyempre naman, sa ganda ko ba namang 'to?" ang pagyayabang ko naman kay Ate.

"Walang duda yan, na-i-in-love na naman ako ng di oras eh."

Napalingon kami ni Ate Ayako at halos mapanganga ako sa itsura ni Callix. He looks so gorgeously. Napakaguwapo ng boyfriend ko sa gabing ito.

"Andyan na pala ang prince charming mo Miya. Sige ha, mauna na ako at baka makasagabal pa ako sa moment nyo." at kinindatan kami ni Ate Ayako bago siya tuluyang umalis papuntang Prentice Hall kung saan gaganapin ang event.

Noong wala na si Ate ay nilapitan ako ni Callix and he gave me a slow but sweet kiss.

"You're so beautiful my love." and he smiled. Ako naman ay hinawakan ang kanyang mukha and I tiptoed kissed him on his cheeks.

"You too my love. You're gorgeously handsome tonight."

"Thank you mahal ko. Tara na!" ang sabi niya sabay alok niya ng kamay niya sa akin. Agad ko namang inabot ang kamay ko sa kanya at magkasabay na kaming naglakad papuntang Prentice Hall.

(Prentice Hall)

(Miyaki's POV)

Nung makarating na kami sa Prentice Hall ay sinalubong na kami ng nananaghiling tingin ng lahat. Maraming mga babae't mga bakla ang ubod lagkit kung makatingin kay Callix habang ako naman ay pinagtitinginan ng mga lalaking nasa hall. Agad kaming sinalubong nina Monique, Misha, Lexie, Dennison at Marcus.

"Oh, here comes the lovebirds!" ang nanunuksong sabi ni Misha sa amin.

"Hey, where have you been? Antagal naming naghintay sa inyo." sabad naman ni Dennison.

"Naku! Baka naman naglambingan pa kayong dalawa bago kayo pumunta dito!" ang biro naman ni Monique.

"Guys, I kidnapped my love for a while. Bakit, masama bang magsolo kaming dalawa paminsan-minsan?" Callix said sarcastically na nagpataas ng kilay nina Monique.

"BABY SISTER KO!!!!"

Napalingon kaming lahat at nakita namin si Kuya Ruki na may kasamang dalawang magagandang mga babae na kakilala ko, mga close friends kasi sila ni Mommy.

"Oh Kuya!" sabay lapit ko sa kanila. "Wow, nandito pala sina Ate Cynthia at Elize! Mabuti naman at nakapunta kayo dito!" sabay beso-beso ko kina Ate Cynthia at Elize.

"Oo nga eh. Kahit na busy ako sa ospital, pinilit ko pa ring magkaroon ng time na pumunta dito para lang makita ko ang napakagandang kinakapatid ko. At di nga ako nabigo, you really look so beautiful!" ang humahangang sabi ni Ate Cynthia sabay halik niya sa pisngi ko.

"Thank you Ate Cynthia." ang sabi ko naman sa kanila. Si Ate Cynthia Huisgen pala ay anak ng Ninang Millicent ko kaya naman para nang ate ang turing ko sa kanya. Cancer specialist siya sa Mary Mallory General Hospital at ka-edad niya si Ate Ayako. While Ate Cynthia's cousin, Elize Huisgen Perez, is a former St. Benilde student na lumipat sa EIAS. Mabait at palakaibigan si Elize kaya naman dinadagsa siya palagi ng mga manliligaw niya.

"Ang ganda mo talaga Miya, manang-mana ka talaga kay Tita Ameru." ang sabi naman ni Elize sa akin.

"Thanks Elize." ang pasasalamat ko naman kay Elize.

"Oh siya, ako na ang bahalang umasikaso kina Ate Cynthia. I-entertain mo ang mga guests mo." ang sabi ni Kuya Ruki.

"Oo nga naman Miya. This is your night at ikaw ang natatanging babae sa pagtitipon na ito kaya sige na, i-enjoy mo ang gabing ito kasama ang knight in shining armor mo." ang sabi ni Ate Cynthia sabay kindat niya sa amin ni Callix. 

"Salamat Ate. See you around!" ang sabi ko pa sabay kaway namin nina Callix kina Ate Cynthia habang papalayo na kami sa kanila.

Naglakad pa kaming dalawa sa paligid ng hall at nakatakaw-atensyon sa aming dalawa ang isang malaking chocolate fountain sa gitna ng hall. Lumapit kami sa fountain at nakita naming may kinukuha ang mga guests na mga strawberries, melon, cornflakes at marshmallows at tsaka nila ito idini-dip sa chocolate fountain.

"Gusto mo yan mahal ko?" ang tanong niya sa akin.

"Oo. Try natin, mukhang masarap eh." ang sabi ko naman sa kanya. Ginaya namin ang ginagawa ng mga guests at noong tikman namin ay masarap ang lasa. Mukhang dito pa lang, mabubusog na ako!

"Heto mahal, tikman mo." ang sabi ko sabay subo ko kay Callix ng chocolate fondue. Habang nagsusubuan kami ay bakas sa mukha ng mga nakapaligid sa amin ang matinding inggit o di kaya'y curiosity. Siyempre naman, hindi namin pinapansin ang reaksyon ng mga guests na nakapaligid sa amin.

Pero natigil lang kami sa pagkain nang may mapatili ng malakas, dahilan para mapunta ang atensyon ng lahat sa kanya.

"Omigosh! Muntik mo na akong matapunan!"

Haay, its Chiqui again together with her two alipores. At mukhang may inaaway silang matandang babae.

"Naku sorry Ineng, hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo eh." ang apologetic namang sabi ng matanda.

"Eh sino ho ba kayo?!" ang pasigaw nang tanong ni Chiqui sa matanda.

"Ay, ako ang lola ni Misha Dayle Nordstrom at isa sa mga board of trustees ng EIAS." ang sabi naman ni Lola.

Nagtawanan ang tatlong talangka sa sinabi ng matanda.

"Really?! Hmp! Ang tanda-tanda na, poser pa!" at umalis na palayo sina Chiqui at ang kanyang dalawang bruhang alipores. Binangga pa nga nila si Lola, dahilan para madapa si Lola.

Tsk. Kahit kailan talaga, wala nang pinipiling i-bully yung tatlong wrecking ball na yun. Pati matanda, pinatulan pa. 

Lagot kayong tatlo sakin mamaya!

Nilapitan namin ni Callix si Lola at tinulungan naming makatayo si Lola.

"Salamat mga bata." ang sabi ni Lola nung makatayo na sila.

"Pagpasensyahan nyo na lang po yung tatlong yun, sadyang saksakan lang sila ng sama." ang sabi ni Callix habang pinapagpag niya ang damit ni Lola.

"Nag-aaral din ba kayo sa EIAS?" 

"Opo." ang magalang naming sabi kay Lola.

"Eh di kaklase nyo pala si Misha ko." at ngumiti si Lola.

"Opo. Kaklase po namin siya. Pero matanong lang po namin, kaanu-ano nyo po si Misha?" ang curious na tanong ko kay Lola.

"Ah apo ko siya." ang sabi ni Lola sa amin.

"Ganun po pala..." ang sabi ko naman.

"Eh yung mga malditang yun, sa EIAS din ba sila nag-aaral?"

"Opo." ang sabi naman naming dalawa.

"Naku! Dapat kong makausap sina Dr. Ameru at Ms. Ayako tungkol sa ugali ng mga batang yan! Mabuti pa kayo, nag-abala pang tulungan ako. Salamat ulit mga bata." ang sincere na pasasalamat ni Lola.

"Walang anuman po Lola." ang sabi naman namin sa kanila.

Nang tinawag na si Lola ng P.A niya ay nagpaalam na siya sa amin at sinabing pupuntahan na niya si Misha. Nang umalis na si Lola ay may kumalabit sa amin at noong lingunin namin ay si Mommy pala.

"Oh Miya, Cal, kanina pa kami hagilap ng hagilap sa inyo. Tara na sa stage at mag-uumpisa na ang party." ang sabi ni Mommy sabay haltak na niya sa amin ni Callix papuntang stage kung saan gaganapin ang party.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Prentice Hall)

(Miyaki's POV)

Noong nasa backstage na kaming dalawa ni Mommy ay nagbilin na sila na wag na kaming aalis pa ni Callix dahil ma-uumpisa na ang program.

Walang three minutes mula nang dumating na kami ni Callix sa backstage ay nag-umpisa na ang program. Si Ate Ayako ang emcee ng program at kasalukuyan na niyang pinapakilala ang mga malalapit na kamag-anak at business partners ng angkan namin. Ipinakilala rin ang lolang tinulungan namin at tama nga siya sa sinabi niya na apo niya si Misha. Naku, patay na naman sina Chiqui nito!

"And now, let us welcome our birthday celebrant together with his handsome escort, Miss Miyaki Miyazako!"

Mula sa backstage ay magkahawak-kamay kaming lumabas. Naglakad kami sa red carpet paakyat sa stage habang nagpapalakpakan ang mga tao. Magkasama kaming umakyat sa stage kung saan sinalubong ako ng yakap at halik nina Mommy, Kuya at Ate.

Nung makaupo na kaming dalawa sa malaking couch sa stage ay inumpisahan na ang program. Sinimulan na muna sa dedicating messages ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ng aming pamilya. Nagbigay din ng dedicating message ang buong F8 pati sina Mommy, Kuya at Ate. Pero ang nagpaiyak talaga sa akin sa tuwa ay nung si Callix na ang magbigay ng message niya sa akin.

"Miya, first of all, happy birthday to you. Giving me a chance to love you is the greatest gift happened in my life. Salamat at binigyan mo ako ng pag-asang mahalin mo ako. Salamat din kung naging mabuti ka pa rin sa akin kahit na niloloko na kita noon. Salamat din sa pagkakaibigang umusbong sa ating dalawa...na humantong na sa pag-iibigan. I promise you, saksi ang lahat ng mga taong nandirito, na mamahalin kita ng buong puso at kaluluwa ko. Miya, I know I'm not perfect, but I will do all my best, just to keep you happy. I love you Miya." at lumapit siya sa akin. He gave me a warm hug while I kissed him on his cheeks. Kinikilig naman ang mga tao habang nakatingin sila sa aming dalawa.

Nang matapos na ang nakakakilig na dedication speech ng boyfriend ko ay sumunod na ang blow the candle ceremony. May mga butlers na nagdala ng malaking pink chiffon cake sa stage na may mga nakatusok na doong kandila. Kinantahan ako ng lahat ng "Happy Birthday" song bago ako pumikit para mag-wish. Pagkatapos nilang kumantang lahat ay pumikit ako sandali para mag-wish. Nang masabi ko na ang wish ko ay hinipan ko na ang kandila sa pinakatuktok ng cake.

Nang mahipan ko na ang cake ay nagpalakpakan ang mga bisita. Habang sina Mommy naman ay sinalubong ako ng yakap. While Callix gave me a sweet kiss on my lips.

Nang matapos na ang blow the candle ceremony ay sinundan na ito ng pagbubukas ng ilaw sa ballroom, hudyat na sayawan na. Maraming mga bisita ang nagsipagsayawan habang kami naman ni Callix ay bumalik sa chocolate fountain para lantakang muli ang chocolate fondue. Habang busy kami sa pagkain ay nagtaka naman kami, pagkat may pinagkakaguluhan sa gilid ng hall ang mga bisita. Lumapit kami sa mga nagkakagulong mga bisita at nakita ko sina Chiqui, Fruitcake at Yesha na binubuksan ang mga regalo ko nang walang paalam. 

"Teka, ikaw dapat ang nagbubukas ng mga regalo mo at di sila!" ang gulat na sabi ni Callix habang nakatingin kami sa tatlong pakialamerang mga babaing ito.

Pinanood lang namin ang tatlong panget na 'to na pagbubuksan ang mga regalo ko at ipinagmamalaki pa nila ito sa mga bisitang nakakumpol sa kanila.

Dahil sa sobrang inis na nadarama ko ay galit akong lumapit sa kanila at ubod lakas kong sinampal si Chiqui. Gulat na gulat silang tatlo pagkakita nila sa akin.

"M-Miss Miyaki...."

"Next time, I'll ask my Ate Ayako to hire someone who can teach you about proper birthday party etiquette, na ang pagbubukas ng regalo ay ginagawa ng birthday celebrant at hindi ng mga bisita." ang mariin kong sabi sa kanila. Kita kong napahiya sila Chiqui sa mga inasal nila. "Okay, the party is over, thanks for coming." at humakbang na kami ni Callix palayo sa mga nagkakagulong mga bisita. May butler na kumuha ng mga bukas nang regalo sa ballroom.

(Miyaki's Bedroom)

(Callix's POV)

Matapos ang masaya pero nakakapagod na party ay binuhat ko na ang natutulog na prinsesa ko pahiga sa kanyang kama, pano kasi, nakatulog na siya sa sala dala na rin ng kainipan kina Tita Ameru kaya naman buhat buhat ko nang inakyat ang baby ko sa kanyang kwarto.

Nang mailapag ko na siya sa kanyang kama ay saka naman dumating ang tatlong butler na dala dala ang mga regalo ni Miyaki.

"Pakilapag na lang po dyan." ang sabi ko sa butler. Nilapag naman nila ang mga regalo sa ibabaw ng couch ni Miyaki. 

Nang wala na ang mga butlers ay inayos ko ang mga regalo ni Miyaki, may mga nabuksan na nga, dala ng pakikialam nina Chiqui kanina. Habang inaayos ko ang mga regalo ay may napansin akong regalo na isang box ng chocolate cake. Tinignan ko yun at bigla-biglang namula ang mukha ko sa galit nang mabasa ko ang pangalan ng nagpadala kay Miyaki.

From: Earl

Kinuha ko ang cake at ibinigay iyon sa katulong na kasalukuyang naglilinis sa labas ng kwarto.

"Iuwi mo sa inyo, itapon mo o ibigay mo sa mga pulubi, basta ayaw kong makita yan." ang sabi ko sa katulong na bagama't nagtataka ay agad namang tinanggap ang box ng chocolate cake. Agad ding umalis ang katulong dala ang box na yun.

Babalik na sana ako sa kwarto ni Miyaki nang mapansin kong may colored paper na nakakalat sa sahig. Pinulot ko yun at nakita kong sulat yun. Binuklat ko yun at binasa.

To: Miyaki

 

I'm so sorry....

 

I still love you.

 

-Earl-

Pinunit ko ang papel na yun at itinapon ko sa basurahang nasa labas ng kwarto.

Bumalik ako sa kwarto at napaupo ako sa gilid ng kama habang taimtim akong napapaisip.

Bumalik na kaya ang hayup na si Earl?

Sana hindi.....

Dahil kung magkataong mangyari man yun, hinding-hindi ko hahayaang maagaw niya ulit sa akin si Miyaki.

Tinitigan ko ang napakagandang mukha ni Miyaki habang natutulog siya. I touch her face and I gave her a kiss on her forehead. 

Hinding-hindi ko na hahayaang muling masaktan si Miyaki. 

Hinding-hindi na.

OVER MY DEAD BODY...