webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
40 Chs

Forty

(EIAS Astrodome)

(Miyaki's POV)

 

"Okay, we were now announce the new Miss EIAS of this year. Who will be the next Miss EIAS?" ang sabi ng emcee na lalong nagparami ng mga daga sa puso ko.

 

Nakita kong ibinigay na ng chief tabulator ang resulta sa emcee para i-announce.

 

"Thank you Mr. Tuazon." at binuklat na ng emcee ang papel na kinasusulatan ng results. "We will now announce the runner ups. The 4th Runner Up....is IV-Pascal!"

 

Palakpakan ng lahat nang matawag ang pangalan ni Miss IV-Pascal. Pinutungan siya ng medyo maliit na crown at sinuutan siya ng sash. Binigyan din siya ng trophy at bouquet of flowers.

 

Ako naman ay lalong dumami ang mga nagtatakbuhang daga sa puso ko, lalo na nung tinignan na ng emcee ang papel.

 

"The 3rd Runner Up.....is III-Harvey!"

 

Palakpakan din ng lahat nang matawag si Miss III-Harvey. Kinoronahan din siya ng medyo katamtamang crown na mas malaki pa sa crown ng 4th Runner Up. Binigyan din siya ng sash, trophy at bouquet of flowers.

 

"And now, the 2nd Runner Up is.....III-Adam!"

 

Malakas na palakpak ang sumalubong kay Miss III-Adam nang matanghal siyang 2nd Runner Up. Kinoronahan siya ng medyo may kataasan nang korona at binigyan din siya ng sash, trophy at bouquet of flowers.

 

"Two girls, only one will wear the crown! IV-Dalton and II-Mendel, please come forward."

 

Nanginginig naman akong nagpunta sa gitna ng stage kasama si Miss II-Mendel. Naghawak kami ng kamay habang patuloy ang pagtakbo ng mga daga sa puso ko. 

 

"Before we announce the new Miss EIAS, let me remind you, if the Miss EIAS could not fulfilled her duties for some reasons, the 1st Runner Up will take over. And the 1st Runner Up is.....II-Mendel! And the new Miss EIAS 2012 is Miss IV-Dalton, Miyaki Miyazako!"

 

Shocks....

 

Totoo ba 'to?

 

Panalo ako?

 

Panalo nga ako!

 

Nauna munang kinoronahan ang 1st Runner Up bago ang reigning queen. Noong ako na ang kokoronahan ay sumalubong sa akin ang malakas na tilian at palakpakan mula sa mga audience. Ang IV-Dalton, halos walang mapagsidlan ang kanilang tuwa. Masayang yumakap si Lexie sa akin sabay suot niya ng sash at kulay puting kapa sa akin. At lalong nagpalakpakan ang lahat nang iputong na sa akin ang korona ng Miss Eton International Academy of Science 2012. 

 

Binigyan din ako ng malaking trophy at ang mas nakakagulat pa, si Callix ang umakyat sa stage at nagbigay sa akin ng malaking bouquet ng red rose at isang malaking teddy bear.

 

"Congratulations mahal ko. Sabi ko na nga ba't ikaw ang mananalo sa gabing ito." and he gave me a kiss on my forehead. Ako naman ay napaluha sa sobrang tuwa.

 

"Salamat. Hindi ko ito magagawa na wala ang tulong ninyong lahat. Cal, I love you."

 

"And I love you too, my beautiful queen." and he claimed my lips. 

 

Palakpakan ng lahat nang masaksihan nila ang nakakakilig na eksenang iyon.

 

"Waah, Miya! Paakyat na kami dyan!" ang masayang sabi ni Misha at nagsitakbuhan na ang buong F8 paakyat ng stage. Kami naman ni Callix ay natatawang pinanood silang anim habang paakyat sila ng stage. At mas lalo akong naiyak sa tuwa nang salubungin nila ako ng yakap.

 

Thank God, I found the happiness that I want. Salamat at inilaan mo sila sa buhay ko bilang mga taong nagmamahal sa akin. 

 

Masaya na ako sa buhay ko at wala na akong mahihiling pa.

 

THE END.