webnovel

THE ONE BOOK 1

KaedeRukawa450 · その他
レビュー数が足りません
20 Chs

CHAPTER 8

"Grabe naman tong babaeng toh sakin oh alam naman niyang hindi ako umihinom ng alak." Bulong ni Fujima.

"Sasama kaba o hindi aalis nako." Sabi ni Fujima, na nasa tapat na ng pinto.

"Pano ang baby namin ni Maki? Hindi ko naman pwedeng iwan toh kahit kanino kung hihiwan ko naman doon sa asawa kong palagi nalang walang ibang inutupad kundi ang pumunta kahit saan..." Sabi ni Satoya, hindi naman niyang kayang iwan ng basta basta ang anak nila ni Maki, kahit kanino.

"Diyan ka nalang muna hintayin mo ko walang magbabantay diyan sa bahay at nag order na nga pala ako ng pagkain bayarin mo nalang." Sabi ni Fujima, at umalis na sumakay siya sa sasakyan nya na bigay pa ng Daddy niya mayaman sina Fujima, hindi naman kasing yaman.

Sa bahay nila Hasegawa...

Pagkarating ni Fujima, sa bahay ni Hasegawa, ay kumatok na ito kaagad gusto sanang isama ni Fujima, si Hanagata, sa pagdalaw niya sa mga magulang niya ngunit hindi pumayag si Hanagata, kaya si Hasegawa, nalang ang isasama ni Fujima, papunta sa bahay ng mga magulang nya.

"Ikaw pala Fujima, wala ngayon si kuya, may date daw kaya hindi siya makakasama kaya tinawagan ko si Nicole, para siya nalang ang sumama sayo kaso lang may konteng problema si Nicole, ngayon nawala kase yung kuwintas na bigay sa kanyang ng mga magulang nya at hanggang ngayon hinahanap nya iyon doon sa basketball gym doon sa school baka nandoon siya ngayon at isa pa naki pag break na nga pala siya kay Hayato." Mahabang sabi ni Nancy.

"Cge aalis nako." Sabi ni Fujima, at sumakay na ulit sa sasakyan at bumalik ulit siya sa bahay nya para kunin ang susi ng gym biglang bumuhos ang malakas na ulan ng pagkarating niya sa school nakita niya si Nicole, na sumisilip sa maliit na butas.

"Nandito kaya yon? Paano ba kaseng buksan itong pinto ng gym nato basang basa nako." Naiinis na sabi ni Nicole, at natawa nalang si Fujima, ng bigla nalang sinipa ni Nicole, ang pinto ng gym at nasaktan ito sa ginawa niya.

Umiga sa sahig si Nicole at basang basa na siya sa ulan nagulat siya ng biglang nagsalita si Fujima, abang palapit ito sa kanya.

"Sa malamang masasaktan ka sipahin mopa naman ng ganon ang pinto." Sabi ni Fujima.

"Ikaw pala Fujima. Bakit nandito ka?." Takang tanong ni Nicole, at tumayo.

"Para makita ka." Sabi ni Fujima.

"Para makita ako? Paano nga pala buksan itong pinto nato hindi ko kase mabuksan kanina pako rito tignan mo basang basa nako." Inis na sabi ni Nicole, at pinipilit buksan ang pinto ng gym.

"Sagutin mo muna kase ako para mabuksan yang pinto." Sabi ni Fujima.

"Sagutin? Ganon ba yon?." Takang sabi ni Nicole, na hindi alam ang ibig sabihin ni Fujima, sa salitang sagutin.

"Cge sinasagot na kita." Sabi ni Nicole, at nagtaka ng hindi naman nabukas ang pinto ng gym. "Sabi mo sagutin kita tapos mabubuksan na itong pinto! Hindi naman eh." Sabi ni Nicole.

"Sinasagot mona ko kakasabi molang ah baka pagkatapos ng araw nato bigla mo nalang akong i break." Sabi ni Fujima, ng binuksan nya ang pinto ng gym at sabay ding tumigil ang ulan at doon palang nalaman ni Nicole, na ang ibig palang sabihin ni Fujima, sa salitang sagutin.