webnovel

CHAPTER 9

PARIS, FRANCE

Mabilis na dumaan ang panahon. October 17 Nang makabalik si Ash, Mitch, at si Lenon sa France...

"Are you okay?" Tanong ni Mitch ng mapansin ang pag-tigil ko.

"Umm.. medyo? Pagod lang siguro ako."

Tinatamad kong sagot. Mabigat na talaga ang dibdib ko buhat ng magkahiwalay kami ni Spencer sa airport. Parang may sementong naka dagan sa akin.

"Sus! Huwag ka nga mag emote. Baka mamaya madamay pa ako at maalala ko na naman yung Baby Vanessa ko." Bagot na sabi ni Lenon habang minamasahe ang paa.

"Ang tagal naman ng taxi." Nakangusong sambit ni Mitch.

I let out a sigh. Miss ko na siya agad. Pero wala akong ibang puwedeng gawin kundi magmukmok kapag naaalala siya. Six months pa ang kailangan ko para mag stayed dito sa france. Hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba akong pumirma for contract renewal. Gusto ng puso ko ang makatulong pa sana habang binubuhos ko ang oras ko sa mga obra ko na nagiging inspirayon at daan para sa kinabukasan ng mga bata.

"Oh ayan na pala!" Sambit ni Mitch saka dali daling sinukbit sa balikat ang kaniyang shoulder bag. Si Lenon naman ang nag pasok sa dala naming mga maleta.

Sa Pagod ay hindi na namin nagawa imikin ang isa't-isa. Sa halip ay naidlip ang dalawa habang ako naman ay hindi magawang ngumiti man lang dahil inaalala ko si Spencer.

Hindi na bale. Sigurado naman akong matutuwa si Spencer kapag napaaga ang balik ko sa Manila. Pero pipilitin kong makahanap ng paraan para makapunta sa kasal ni Trixie. Hindi ko na siya nagawang kumustahin pa dahil sa totoo lang ay hindi ko pa siya kayang harapin. Siguro ay dahil hindi ko pa talaga siya magawang patawarin. Hindi naman ganon kasi kadali ang patawarin siya.

Para sa akin, hindi madaling makalimutan ang sakit na dinulot niya sa akin. Sila ng mommy niya. Pero kapag naaalala ko yung sinabi ni Spencer na may dahilan kaya nangyari sa akin ang mabigat na pagsubok, iyon na lang ang iniisip ko para pilitin yung sarili ko na patawarin yung mga taong nagkasala sa akin.

Biruin mo, yung taong nanakit ng husto sa akin ay magkakaroon pa pala ng happy ending? Sa kabila ng lahat ng nangyari masuwerte pa rin si Trixie dahil minahal talaga siya ni Tyrone. Napapangisi na lang ako kapag naiisip ko na si Tyrone na anak ng school director at may ari ng GRU, ang lalaking itinakda ng Dios para kay Trixie. Si Tyrone na ilang beses akong ipinagtanggol at iniligtas sa kapahamakan. Si Tyrone na may lihim na masaklap na nakaraan ang magwawagi sa puso ni Trixie.

Siguro nga Ako at Si Spencer ay instrumento lang ng Dios para maging daan sa dalawang pusong naliligaw. At sila Kasandra, Si Papá, si Mamá, si Madam Mervie, at Ginoong Generoso ay daan para buoin ang pira-pirasong kuwento ng aming pag-iibigan ni Spencer Pascual Vahrmaux.

BEATRIXIE P.O.V  (FLASHBACK)

"Do you think may balak si Spencer na umatras sa kasalan?" Tanong ni Mom matapos kong mabanggit sa kaniya na pumunta ako sa office ni Spen at tumanggi siya na isama ako sa business trip niya sa cebu.

"Yes mom. I had this feeling na may iba na naman siyang kinababaliwan. Ouh!" Inis kong sabi habang pabalik balik sa paglalakad sa harap ni mom.

"So what's your plan?" Ungol ni mom.

Napangisi naman ako dahil sa may naisakatuparan na akong plano.

"Sinuhulan ko si Glory yung secretary niyang haliparot. Hiningi ko yung address ng hotel na tutuluyan nila. Nag pa book na rin ako at makakarating ako ng mas maaga dahil gabi pa lang ay bibiyahe na ako pa cebu." Paliwanag ko habang kinikiskis ang aking palad.

"That's my girl. Just stick on our plans. Do everything just to win him back." Sambit ni mom habang nakaupo sa side ng aking bed.

"Malapit ko ng malaman kung sino ang bagong kinababaliwan ni Spencer. This time, hindi na ako papayag ng magpakasasa pa siya dahil nalalapit na kaming ikasal."

"Yeah. Ganiyan nga Trixie. Paglaruan ka man niya, sa huli ay dapat mo siyang gawing taya."

That's mom kasandra. She always been there for me to raise me up and support me in every decision I make.

Alas siyete ng umaga ng maka-recived ako ng tambak na messages galing kay Glory. May ipinakilala raw si Spencer sa kaniyang girlfriend at Natasha Amorine ang pangalan. At first, hindi ko makuhang mag react. Hindi ako makapaniwala na ang tulad lang pala ni Natasha ang kakabaliwan ng lalaking inaasam asam ko na mapa sakin.

Sobrang luha ang ginugol ko dahil sa nalaman ko. Mas lalo ko lamang siyang kinamuhian dahil sa nadiskubre ko. Hindi ko lubos maisip kung paano sila nag simula. Kung paano sila lumalim habang ako miserable.

Saglit kong na realized yung mga bagay na napansin ko kapag pumupunta ako sa bahay ni Spencer. Knowing him, hindi siya basta lang mag papapasok ng kung sinong babae sa bahay niya. Kaya maaaring si Natasha ang may ari ng bikini under wear na nakita ko sa bathroom ni Spencer. At may dalawang toothbrush na naka display sa sink. Malamang si Ash din ang may ari non. At higit sa lahat, yung diamond necklace na nakita ko sa suitcase ni Spen ay para kay Ash at hindi para sa akin!

Walang kaalam alam si Spencer at Natasha na nasa iisang lugar lang kami. Lahat ng galaw nila ay minamanmanan ko. Nang hindi man lang nila ako napapansin. Gusto ko silang sugurin. Pakiramdam ko kasi pinagkaisahan nila ako. Gusto ko mag wala dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganito katinding selos dahil sa toy girl ni Spencer. Bakit si Ash Pa? Bakit?

Kinagabihan...

Tinawagan ko si Spencer para ipaalam na sinundan ko siya sa cebu. Ang akala niya ay kakarating ko lang. Minabuti ko na isantabi muna ang galit na nararaamdaman ko. Ayokong magalit siya sa akin at mas lalo lang lalayo ang loob niya. Kaya kahit masakit, nanahimik ako.

"Trixie!" Tawag ni Spencer sa akin.

Kasalukuyan kaming nasa bahay-kubo malapit sa paanan ng dagat. Sa station 2 hotel.

"Oh God! You came!" Sambit ko habang yakap siya."

Ramdam ko ang kaba sa kaniyang dibdib. Malikot ang kaniyang ulo na tila ba hindi mapakali.

"You're not supposed to be here. Trix"

"But I am here now!" Sagot saka ngumiti ng lapad bago siya siilin ng halik.

Hindi pa man lumalalim ang halik ko ay agad niya rin akong hinawakan sa aking braso saka pinigil sa aking ginagawa.

"Look! I told you ayoko ng distraction. Please!"   Mariin niyang bigkas.

Namuo ang luha sa aking mata. Lalo pa ngayon na alam ko na nagsisinungaling siya.

"Gusto lang naman kitang makasama..." sambit ko sa malambing na tono. Kahit pa gusto ko na siyang sumbatan, saktan, at sampalin. Kaya pala ganon na lang ang naging reaksyon niya nung binanggit ko yung buong pangalan ni Natasha Amorine.

"Kung ipagtabuyan mo 'ko parang pinandidirihan mo ko." I said with a crack voice.

"No! Hindi kita tinataboy. And isa pa, pag uwi ko pag uusapan natin yung kasal." Sambit niya saka ako niyakap.

Nahihimigan ko ang lungkot sa kaniyang tinig. May luhang nangingilid sa kaniyang mga mata. Batid ko na hindi niya nais maikasal sa akin. Dahil kaya kay Natasha?

"Really babe?" Maligaya kong sabi kahit pa gusto ko na umiyak at magmaka awa sa kaniya.

"Yes. Kaya umuwi ka na at ipapahatid kita sa staff---"

"No need. Kaya ko ang sarili ko." Nakangiti kong sabi sabay halik sa kaniyang labi.

Habang nag lalakad kami sa tabing dagat, Nakita ko si Natasha na nakatingin sa direksiyon namin. Pero nag panggap ako na hindi ko siya nakita. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag kinompronta niya ako o kinompronta ko siya, baka siya ang piliin ni Spencer at hindi ako. Ayokong maging mukhang talunan.

Ilang minuto ang lumipas, habang tumutugtog ng gitara si Spencer, hindi maawat ang aking luha sa pag takas. Naninikip na ang aking pag hinga at bumibigat ang aking dibdib. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito katindi ni Spencer. At si Natasha pa talaga ang dahilan.

Nag tagumpay ka Ash. Nagawa mo ang sinabi mong mag hihiganti ka. Pero hindi ko hahayaan na maging masaya ka!

"Trixie?" Mahinang tawag sa akin ng tinig ng isang lalaki.

Marahan ko siyang nilingon saka hinarap ng tuwid. Kita ko ang pag kaawa sa kaniyang mga mata. Lumihis ang kaniyang tingin sa direksiyon nila Spen at Ash.

"Ty?" Sambit ko. Ngumiti siya sa akin ng pait. Kasabay ng pag dampi ng kaniyang kamay sa aking pisngi.

Si Tyrone ang pinaka close ko sa lahat ng barkada ni Spencer. Minsan na rin akong nakapunta sa bahay nila sa Cagayan. Sa probinsya ni dad. Nilibot niya na ako sa GRU kung saan siya nakapag tapos at kasalukuyang Prfcessional Coach ng University. Pero pilot talaga ang propesyon niya at tulad ni Spencer, pangarap niya rin magkaroon ng sariling airport.

"How would you know na narito kami sa hotel?" Kunot noo niyang tanong.

"Don't worry. Hindi ako manggugulo. Wala na akong lakas pa--" humihikbi kong saad habang patuloy sa pag sasalita.   "Wala na akong lakas pa para doon. Pinagkaisahan niyo ko!" Sambit ko bago tuluyang humagulgol.

"I'm sorry. But you should've understand na wala ako sa lugar para mag sabi--"

"I trusted you! Ty akala ko ba kaibigan kita?" Sumbat ko habang naka tukod ang aking kamay sa tuhod na nanginginig.

"Sorry." Sambit niya saka ako niyakap.

Mabilis akong kumawala sa yakap niya. Nagpasya akong mag impake na lang at umuwi mag isa. Hindi ko makakayang matagalan ang pag stay dito. Ayokong makita silang magkasama. Hindi ko kaya.

"Trixie!" Sigaw ni tyrone habang sumusunod sa akin.

"Don't worry 'bout me. Uuwi na ako!" Sambit ko bago makapasok ng aking silid sa station 1.

"Ihahatid na kita. Hindi kita puwedeng pabayaan--"

"I said I'm okay! Narinig mo? Why you were here ba? You're not a friend so please. Get lost!" Utos ko habang nag iimpake.

"Ikaw bahala basta ihahatid kita!" Pag pupumilit niya.

Mariin kong kinagat ang aking labi. Matapos ko maalala yung nakita ko kanina sa pampang. Ang sakit sakit! Ang tagal na panahon ako umasa na matatanggap at mamahalin din ako ni Spencer ng higit pa sa kapatid. Pero hindi! Dahil si Natasha na yung kinababaliwan niya!

"Trixie? Don't cry." Sambit ni Tyrone habang hinahagod ang aking likod

"Bakit si Ash Pa? Kapatid ko pa talaga Ty?!" Hiyaw ko habang pinaghahagis lahat ng bagay na mahawakan ko.

"Trixie! Calm down. Baka ikapahamak mo pa iyan."

"So be it! Baka sakaling kapag nasa bingit ako ng kamatayan, doon lang ma-realized ni Spencer na hindi niya dapat ginagawa sa akin ito! Baka sakaling makita niya na yung halaga ko!"

"Don't worry. Kakausapin natin siy--"

"No! Please!" Ungol ko dahil may naisip na akong laro para kay Ash.

"But trix--

"Please?" Mahina kong sambit saka naupo sa side ng bed.

"Ikaw bahala. But please. Bukas ng umaga ka na lang umuwi. Magpalipas ka ng gabi at ako mismo ang maghahatid sa iyo pa Maynila." Usal niya habang inaayos yung mga damit na pinaghahagis ko.

"Galit ba sa akin ang Dios?" I sigh. "Lumaki ako ng may sakit sa puso. Hindi buo yung pamilya at--bakit ba pakiramdam ko nanlilimos ako ng pagmamahal?"

"That's not true. Don't say that trixie! You are lovely and--"

"That's True Tyrone! Hindi ko dala yung apelyido ni dad! Si Ash yung dahilan kung bakit pakiramdam ko kulang ako! Kulang ako!"

Sambit ko kasabay ng paninikip ng aking dibdib.

"You are enough. As of now, palipasin mo muna ito. Ayokong iwan ka dito ng di ka okay." Sambit niya habang nakaluhod at pinupunasan ang aking luha.

"I'm not okay! I will never be okay!" Sambit ko habang hawak ang kaniyang kamay na nakalapat sa aking pisngi.

Napabuntong hininga siya saka naupo sa aking tabi.

"Trixie, hindi makakatulong sa iyo kung isisiksik mo yung sarili mo sa taong iba yung gusto." Nakayuko niyang sabi matapos ay nagpakawala ng malalim na pag hinga.

"Pero hindi ko naman ginusto na gustuhin siya at mahalin! Ilang beses kong pinigilan pero hindi eh! Siya talaga!"

"Subukan mong mag mahal ng iba. Maging masaya ka para sa kaniya. Palayain mo na siya." Mahina niyang sambit at diretsyong nakatitig sa aking mga mata.

Medyo natauhan ako sa sinabi ni Tyrone. Ano ba ang laban ko kung una pa lang ay may nanalo na sa puso ni Spencer? At hindi ako iyon.

Nang mahimasmasan ako, agad din siyang nag paalam na babalik na sa room nila. Hindi pa man siya nakakatayo nang hatakin ko ang kaniyang kamay palapit sa akin. Dahilan para mag dikit ang aming mga katawan.

"Trixie?" Kunot noo niyang sambit.

"Kiss me." Sambit ko na nakapag pataas kilay niya.

"What? Are you out of your mind best?"  He chuckle.

"Just kiss me. Baka may maramdaman akong kakaiba. What if, your kissed can save me from this pain I felt right now?" Tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang mga mata.

"Fine. But please say you loved me." Utos niya habang nakatitig sa aking labi.

"I love you tyrone." Sambit ko na tila iba yata ang naging tibok no'n sa aking puso. Tibok na hindi ko pa nararamdaman kahit kay Spencer man lang.

Dahan-dahan niyang ipinaglapit ang aming mga labi. Dumampi iyon saglit ngunit kakaibang kuryente ang aking nadama. Pakiramdam ko ay nais kong lumalim pa ang halik niya. Ngunit tumayo na siya at akmang aalis.

"Tyrone?"

"Just  a kissed. Sleep well trixie."

"Let's spend night together here Tyrone!" Malumbay kong sambit. Huminto siya at hinarap ako. Inalis ko ang aking pang itaas saka humakbang palapit sa kaniya.

Napalunok laway siya at napa igting ang panga na tila ba naaasiwa sa aking ginaawa.

"I felt something nung hinalikan mo 'ko. Wala ka ba'ng naramdaman?" Kunot noo kong tanong.

He let out a sigh. Sunod ay dinampot niya ang aking damit saka inabot sa akin.

"Wala akong naramdaman. Mag bihis ka na--"

Hindi ko na siya pinatapos pa dahil agad ko siyang kinulong sa aking pagyakap at hinalikan ang kaniyang labi.

"Mali ito Trixie!" Sambit niya dahilan para mag tigil ako.

"Mali? Itong gusto ko o Ako mismo yung mali?"

"Trixie, naguguluhan ka lang siguro. Hindi ikaw yung klase ng babae na--please! Huwag mo naman ibaba yung sarili mo?!"  Marrin niyang bigkas nang di ako tinitignan.

"Iba ka talaga Tyrone. Palagi mong pinaparamdam sa akin na karespe-respeto ako. Sana ikaw na lang yung minahal ko. Sana ikaw na lang Si Spencer." Sambit ko kasabay ng mainit na luhang umagos sa aking pisngi.

"Loved me then! I can't be him but, I can love you bilang ako." Saad niya na kinabigla ko.

"What?" I asked.

"Hindi naman kailangan na maging ako siya para mahalin ka. Kasi kaya naman kitang mahalin ng hindi ako nagiging siya. Fine! Akala ko kaibigan lang kita. And to be honest with you, biglang nag bago yung tingin ko nang mag halikan tayo. At Oo. Naramdaman ko. Tumibok yung puso ko at --ngayon ko na lang ulit naramdaman after mawala sa akin ni Aira." Napasinghal siya at napasalat sa kabiyang sentido.

Kaya ko ba? Kaya ko ba makita na hawak na si Spencer ng ibang babae? Tanong ko sa aking sarili.

"Sorry. Ginugulo ko lang yata ang isip mo--" hindi ko na muli pa siyang pinatapos dahil mabilis ko siyang sinunggaban ng halik. Halik na lumalim dahil sa kakaibang tibok ng aking puso.

Bawat halik na binibigay ko sa kaniya ay nag hahatid sa akin ng kakaibang sensasyon. Pakiramdam ko sa haba ng panahon, nakapahinga ako dahil natagpuan ko ang kalinga at pagmamahal sa labi ni Tyrone. Walang pag dududa at protesta. Siguro nga ay ito na ang tuldok ng aming pagkakaibigan. Pero hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ba ang lugar niya sa puso ko? Ang alam ko lang ay higit na nangingibabaw sa akin ngayon ang pagkasabik kay Tyrone.

Nahiga kami sa kama habang patuloy sa pag halik. Dumampi sa akin ang mainit niyang palad na humaplos sa aking buong katawan. Sa mga oras na ito, wala akong makita ni larawan man lang ni Spencer. At ang tanging malinaw lang na nakikita ko ay ang mukha ni Tyrone. Na kahit kailan ay hindi ko inaakala na aabot kami sa ganito.

Natagpuan ko ang aking sarili na wala ng saplot. Tila bumigat ang aking talukap dahil sa namumungay kong mga mata. Matapos niyang mag hubad ay muli siyang pumantay ng lebel sa akin at siniil ako ng halik. Kasabay ng mahigpit na niyang pag yakap sa akin. Yakap na tila ba sinasabing hindi ako dapat mangamba dahil kasama ko siya.

Dama ko ang pag mamahal sa bawat niyang pag halik. Mabagal at mapang alila iyon na lumumpo sa akin. Tila nauubos ang aking lakas at nais ko na higit pa dito ang gusto ko. Bumaba ang kaniyang halik. Naririnig ko ang kaniyang pag daing sa tuwing nababaliw sa pag lalakbay sa aking katawan. Ang bawat niyang ungol ang siyang patunay na iisa ang nais naming maisakatuparan.

May pamunuo akong naramdaman sa aking pagkababae. Uminit ang aking singaw kasabay ng pagkawala ng aking halinghing ng katagpuin ng kaniyang labi ang aking dibdib. Pinagmasdan ko kung paano siya mabaliw habang nililibot ang dila at nilalamas ang aking dibdib.

Maingat ang bawat niyang pag dampi sa akin. Pakiramdam ko ay nakalaya na ako sa sakit. Ilang minuto ang nag daan, sunod niyang binaybay ang aking pagkababaeng naglalangis sa hatid niyang init.

Minsan pa siyang sumulyap sa akin bago lunurin ang sarili sa karagatan na naglalawa. Pigil hininga at tanging pag kapit ng mahigpit sa aking unan ang aking ginawa. Sa tuwing lalalim ang kaniyang dila sa aking korona, idinadaan ko sa pag daing ang sarap na dulot nito sa akin.

"Tutulungan kitang kalimutan siya. Kapag pumayag ka, itutuloy ko ito Trixie." Sambit niya habang nakaluhod sa pagitan ng aking hita.

Tumango at ngumiti ako bilang pag sang-ayon. Hinawakan niya ang aking bewang at maingat na naglayag ng sa wakas ay magkatagpo ang aming mga nagngingitngit na laman.

Sa bawat ungol ko, halik na kay tamis ang kaniyang isinusukli. Halik na minsan ay hindi ko natikman kay Spencer. Halik na lumalim at bumago sa takbo ng aming kapalaran bilang magkaibigan.

Kinaumagahan, umalis ako sa resort ng hindi nag papaalam kay Tyrone. Noong umagang iyon, nakangiti akong pinagmamasdan siya sa pag tulog. Hindi ko maramdaman na nagsisisi ako. Naisip ko na pag uwi ko sa Manila, isasakatuparan ko ang plano ko at gagamitin ko si Tyrone.

Ngunit sadyang mabuting tao si Tyrone. Hindi niya ako kinunsinte. Pero tadhana mismo ang umayon sa akin dahil matapos ang gabi na nagkaharap-harap kami sa Demetrix Resort, si Tyrone mismo ang sumaklolo kay Ash at dinala niya mismo sa bahay niya. Bagay na alam kong naging masakit para kay Spencer. Dahil ang alam niya ay may nangyari kay ash at tyrone.

Pero sinong mag aakala na sa kabila ng lahat ng pag hihiganti ko, nalagay ko sa alanganin ang buhay ng nasa sinapupunan ko? Alam ko naman na si Tyrone ang ama. Wala naman talagang naganap sa amin ni Spencer. Sinamantala ko lang naman na tabihan siya sa kama niya habang natutulog siya at lango sa alak. Naghubad ako para isipin niya na may nangyari sa amin. Pero gulong gulo ang utak ko dahil si Tyrone naman ang naiisip ko habang nasa New York ako.

Marami akong nasaktan dahil naging makasarili ako. Sa kagustuhan ko na maramdaman ni Ash yung sakit sa dibdib ko, pinagmukha ko siyang taya dahil pinalabas ko na si Spencer ang ama ng baby ko. Ang totoo, bago dumating si Tita Mervie sa hospital, na realized ko kung gaano kabuti si Ash. Habang mag isa ako, iniisip ko kung bakit siya ang minahal at pinili ni Spen at bakit hindi ako?

Siguro ay dahil sa busilak ang kalooban ni Ash. Sobra akong nadurog noong sabihin ni Spencer na Tanggap ni Ash ang baby namin. At si Ash pa mismo ang nag padala ng pagkain para sa amin ng bata. Napakabuti ni Ash. Alam ko. Kaya nga nag sakripisyo siya para sa pamilya niya. Nahihiya ako sa kaniya. Kaya naman minabuti kong tawagan si Spencer. Alam ko na magkasama sila ni Ash. Balak ko na sana ipagtapat ang totoo pero hindi sumasagot si Spencer sa tawag ko. Natatakot naman ako na sabihin kay Tita Mervie ang totoo. Kaya agad kong sinabihan si Tyrone at Marco thru text. Kaya lang bigla na lang umikot ang paningin ko. Nanikip ang aking dibdib. Kasabay ng pag lawa ng dugo sa aking higaan. Wala na akong marinig. Kundi mahinang tibok ng bata sa aking sinapupunan. Gusto ko pa mabuhay. Gusto ko pa mag bago.

Nakakainis man isipin pero kinailangan ko pa marating ang bingit ng kamatayan upang piliin ang tama. Kaya kung may pagkakataon pa, dapat mag-patawad at magsisi na. Sinubukan kong ilayo ang sarili ko kay Tyrone dahil natatakot ako na baka kamuhian niya ako. Natatakot ako na baka mag bago siya at iwan din ako. Pero hindi. At napatunayan niya iyon.

end of flashback '