webnovel

CHAPTER 5

ASH POV

"Natasha! Hey!" 

"Sorry. Where are we?" Tanong ko habang ginugusot ang aking mata.

Dahil sa puyat at pagod, nakatulog ako sa sasakyan.

"We're here." Sagot ni Spencer saka kinalas ang seatbelt.

Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako sa kaniya. Iginala ko ang aking paningin sa buong kabahayan. Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga ibon lamang ang aking naririnig.

"Pasok na tayo. Alam kong namiss mo dito." Nakangising sabi ni Spencer bago mauna pumasok sa akin.

Pinagmasdan ko ang kaniyang pag lalakad. Hindi ko talaga magawang makita sa kaniya ang dating Spencer Pascual. Masyadong malayo sa SPV Na kaharap ko ngayon.

"Magandang tanghali sa inyo--" Di na natapos ng mayor doma ang sasabihin ng makita akong pumasok at tumabi kay Spencer.

"Milagro! Ikaw na ba iyan Natasha?" Gulat na tanong nito.

"Ako nga ho." Nakangiti kong sagot saka yumakap sa kaniya.

"Ash, excuse me. I'll just change." Paalam ni Spencer.

"Aba! At talaga palang hinanap ka ni Spencer." Maligaya niyang sabi at halatang kinikilig.

"Hinanap?" Pag tataka ko.

"Oo. Grabe nga ang lungkot ng taong yun noong malaman niya na nangibang bansa ka na. Ang sabi niya sa amin nag patuloy ka sa pag-aaral?"

"Opo. Pero hindi ko alam na alam niya na nag patuloy ako. Kasi--hindi ko na siya ginulo pa."

"Ganon ba? Kasi ang alam ko, sinuportahan niya ang desisyon mo na maka pag aral? Basta ang mahalaga ay naka balik ka na ulit. Yung ngiti niya pag pasok, iba eh. Ibang iba! Sana ay palagi ko na siyang makitang masaya." Saad ng mayor doma bago ako iniwan upang asikasuhin ang iba pang trabahador.

"Hinanap niya ako? Alam niya na nag patuloy ako sa pag-aaral?"

Umakyat ako at nag pasyang puntahan siya. Muli ko na naman nakita ang pinta sa dingding. Ang puno ng mangga sa Probinsiya. Napangiti ako ng hawakan ko iyon. Sinubukan kong igala ang paningin ko. May isa pang kuwarto ang narito sa taas. Lumakad ako patungo sa pinto. Mapalad naman dahil bukas iyon. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang sandamakmak na tsinelas at sapatos na pang eskuwela. Meyo matapang ang amoy. Mistulang warehouse ang isang ito. Pero para saan naman kaya ang mga ito?

"Ma'am?" Tawag ng isa sa mga kasam-bahay. Hindi ko siya mamukhaan kaya nginitian ko lang siya.

"Para saan ang mga ito?" Naka ngiti kong tanong.

"Para sa mga estudyante ang mga sapatos. Iyon naman mga tsinelas, araw-araw nag dadala niyan si Sir Spencer tuwing papasok. Sa tuwing may makikita siyang batang lansangan na walang tsinelas, binibigyan niya ng tsinelas. Utos din niya sa amin na kapag lalabas kami para mamalengke o mag simba, mag dala kami para sa mga batang lansangan..."

Di ko maiwasang ngumiti habang nag sasalita ang kasam-bahay. Naalala ko na naman ang itsura ni Spencer noong una kaming nag kita. May alambre ang tsinelas niya at isa bitin pa. Sa pag kaka alala ko ay parehas yatang kanan o parehas kaliwa yung tsinelas na suot niya.

"Ganon ba? Hindi ko alam na tumutulong pala siya sa ganitong paraan."

"Matagal na niya iyang ginagawa. Simula noong binata pa siya. Dito na sila tumira. Sa UST siya noon nag aaral."

"Mabuti naman at naisip niya tumulong sa iba. Mayaman na nga siya pero hindi niya pa rin nakakalimutan ang pinagmulan niya."  Nakangiti kong sabi saka nag pasyang lumabas sa silid.

"Ma'am, ito po yung mga damit ni Madam Mervie. Ipinag utos ni Sir kanina na hanapan ka ng damit. May extra pads na rin diyan. Buti na lang at may extra si Cecil." Saad niya sabay abot sa akin ng damit.

"Ganon ba? Salamat. Kasi--hindi ko expected na magkaka dalaw ako ngayon. Pasensya sa abala." Saad ko saka nag pasyang pumasok sa kuwarto ni Spencer.

Dahan dahan akong pumasok sa silid niya. Ganon pa rin. Walang nag bago. Halos ganito rin yung ayos noong unang araw ko dito. Kahit noong umalis at makabalik ako. Naririnig ko pa ang buhos ng tubig mula sa bathroom. Agad kong tinunton ang Painting na napapagitnaan ng dalawang malalaking flower vase. Painting ng dalawang tao sa gitna ng ulan. Isang alaala na tiyak ko, siyang Panahon kung saan nag sumpaan kaming dalawa na babalik siya at hahanapin ako. Bagay na natupad niya. Pero sinakripisyo ko para sa wala.

Hindi ko maiwasang pigilan ang pag bagsak ng aking luha. Nasira at nawala ang lahat lahat ng meron ako. Itinaya ko maging yung taong mahal ko. Ipinaglaban ako at iniwan ko ng ganon na lang. Gusto ko humanap ng mapag bubuntungan ng sakit. Bakit lilipas ang panahon na parang wala na lang sa kanila ang nangyari? Sila naka move on na pero ako? Heto at nabubuhay sa sakit ng nakaraan. Napag iwanan.

Bumaling ang aking tingin sa secret room ni Spencer. Inangat ko ang flower vase kung saan alam ko at tanda ko na dito naka tago ang susi. Nang matunton ko iyon, naroon pa rin ang kama na helicopter ang disenyo. May mga nag kalat na eroplanong papel at isa-isa ko silang binuklat.

"Nanaginip ako. Umiiyak si Natasha. Malungkot siya kasi miss niya na ako-- Hahanapin kita Natasha..."

"May nakilala akong babae. Althea Gayle ang name niya. Anak ng Senator. Gusto niya ako pero umiyak siya noong sinabi ko na may mahal na ako. Si Natasha."

"Masaya pala maging mayaman. Lahat ng gusto ko binibigay sa akin. Sabi ni Dad, pag ka graduate ko bibili ako ng helicopter. Sa ngayon, helicopter na bahay-bahayan muna."

"Grabe! Ang hirap pala mag english. Masungit si Ms. Cindy. Kaya mas gusto ko si Natasha na lang mag turo sa akin."

"Dumating ulit si Dad galing sa business trip sa maldives. Ang saya ko kasi ang daming chocolate. Naalala ko tuloy yung prinsesa ko."

"I'm seventeen years old now. I met Janice. Friend ni Beatrixie. First time ko maki pag sex. Si Janice naman ay beterano na. Ganon pala yung pakiramdam..."

"18th Birthday ni Natasha ngayon. Natatandaan pa niya kaya ako? Sabi ko bawal siya mag debut. Sumayaw kaya siya sa puno?...Siguro hindi. I'm sure nakalimutan niya na ako."

"Aalis na kami papunta sa UK. Iiwan na namin ang Maynila dahil may threat sa buhay namin ni Mom. Iiwan ko na si Tyrone at Marco."

"Hindi na ako nabigla ng halikan ako ni Trixie at sinabi niya na gusto niya ako. Alam ko naman mula pa noon na iba ang pag tingin niya sa akin..." ---

Hindi ko na tinapos pa basahin ang bawat nilalaman ng eroplanong papel. Yung iba kasi ay halos mabura na ang sulat. Palabas pa lang sana ako ng marinig ko ang pag tugtog ng piano. Malamang si Spencer iyon.

Music Played...

"..I need your love,

I need your time.

When everything is wrong,

You make it right.

I feel so high,

I come alive ...

I need to be free-

With you tonight.

I need your love.

I take a deep breath every-

time I pass your door,

I know you're here but,

I can't see you anymore

And that's the reason

you're in the dark

I've been a stranger

ever since we fell apart

And I feel so helpless here

Watch my eyes are filled with fear

Tell me do you feel the same

Hold me in your arms again..."

Habang patuloy siya sa pag tugtog ng awiting "I need your love", Dahan-dahan akong tumungo sa bathroom. Sinimulan kong mag half-bath. Dinig ko pa rin ang kaniyang pag tugtog. Habang ako naman ay unti-unting bumabalik sa aking nakaraan. Hanggang sa huling gabi na iniwan ko siya. Sa pag aakalang tama ang aking desisyon. Pero hindi pala.

"..I need your love,

I need your time

When everything's wrong

You make it right

I feel so high

I come alive

I need to be free with you tonight

I need your love

I need your love

Now I'm dreaming,

will ever find you now?

I walk in circles but,

I'll never figure out

What I mean to you,

do I belong

I'm trying to fight this

but I know I'm not that strong

And I feel so helpless here

Watch my eyes are filled with fear

Tell me do you feel the same.

Hold me in your arms again

I need your love

I need your time.

When everything's wrong

You make it right.

I feel so high,

I come alive

I need to be free with you tonight

I need your love..."

Matapos kong mag linis ng katawan, sunod ko naman nilabhan ang kaniyang tuxedo. Isinabay ko na rin ang aking under wear at gown. Pag labas ko ng bathroom, nakita ko si Spencer na naka upo sa side ng kaniyang bed. Habang naka tingin sa aking direksiyon. Pinasadahan niya pa ng tingin ang suot kong bistida na pag mamay ari ng kaniyang ina. Lagpas sa aking tuhod ang haba at medyo may kaluwagan.

"Are you done?" Tanong niya habang palapit sa akin.

"Yup." Tipid kong sagot saka nag lihis ng tingin.

"Good." Usal niya saka ako binuhat.

Hindi na ako pumalag pa. Bakit pa? Eh namiss ko naman siya?

Maingat niya akong ibinaba sa bed. Sunod ay yumuko siya saka kinuha ang tsinelas sa ilalim ng kama.

"Spencer, mag papaalam na rin ako sa iyo. Kailangan ko bumalik sa reception..."

Hindi pa man ako tapos mag salita nang bigla mag ring ang phone niya. Hindi ko alam kung sino ang tumawag para pumasok pa siya sa bathroom. Bigla tuloy akong napaisip kung para kanino yung "I love You" niya kanina. Baka para sa babae na kachuk-chakan niya kanina? Ganon ba ka personal yung pag uusapan nila para hindi niya iparinig sa akin?

Ganon pa man, minabuti kong samantalahin ang pagkakataon para lumabas. Napag pasyahan kong bumalik sa reception mag-isa. Ayokong mag alala sa akin si Lenon at Ann dahil sa bigla na lang akong umalis. Bumalik ako sa Hotel reception. Iilan lang naman ang bisita at mas lalong bibilang na lang ang nakikita ko. Ginagala ko ang aking paningin dahil hinahanap ko si Lenon pero bigo akong makita siya. Siguro ay mag-kasama sila ni Vanessa kung saan mang lupalop ng langit.

"Ash!" Tawag ni Roman na ngayon ay lango na sa alak.

Ala-una ng hapon ng umalis kami ni Spencer. Alas-tres y media na nang makabalik ako. Agad akong tumungo sa kinaroroonan nila kung saan may mga lalaking naka topless. Kabilang si Marco na sinasayawan si Clare na namumula sa kakatawa. Kumaway ako sa kanila nang balingan nila ako ng tingin. Lahat sila ay sabay-sabay na sinisipat ang aking likuran. Tila may inaasahan pa silang makita.

"Ash! Saan ka galing? Bigla kayong nawala ni Spencer?" Tanong ni Ann dahilan para mapukaw sakin ang atensiyon ng madla.

"Ha? Umalis si Spencer?" Maang-maangan ko bago lagukin ang whiskey na inabot sa akin ni Tyrone.

"Oo. Akala namin magkasama kayo?" Kunot noo na sabi ni Marco.

"Hindi. Mag-isa akong pumunta sa hotel para mag palit." Sagot ko ng naka ngiti.

Lahat sila ay nagkakatitigan. Ilang saglit pa narinig ko ang hagikgikan nila.

"Well, Siguro illusion lang namin to?" Usal ni Tyrone sabay pakita sa akin ng photo namin ni Spencer sa kaniyang sasakyan na naka nganga matulog habang tulo ang aking laway.

Napakagat ako sa aking labi at napasalat sa aking umiinit na pisngi dahil sa hiya.

"So, saan ka naman dinala ni Spencer? At pinag suot ka niya ng superman na tsinelas? Dito sa Hotel?" Natatawang tanong ni Tyrone.

"Saan pa ba? Eh di sa mansion ko." Sagot ng pamilyar na lalaki kasabay ng pag yakap nito mula sa aking likod habang ako ay naka upo sa sofa.

Nanlaki ang aking mata. Nang lingunin ko siya ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"What? Kaya ba--" Pinutol ko ang salita ni Marco dahil alam ko naman na iba ang tumatakbo sa isip nila.

"Kasi--namantsahan yung dress ko kanina. Kaya nag magandang loob siya na pahiramin ako ng damit ng mom niya." Paliwanag ko habang pilit na nakangiti.

"Hindi ah! Sabi mo makikisabay ka kasi wala kang masakyan. Pero bigla kang nag tulog-tulugan nung nag U-turn tayo." Saad ni Spencer saka tumabi sa akin.

"So sinasabi mo ba na sinadya yun ni Ash?" Nakangising tanong ni Clare.

"I don't know?." He shrugged.

"Ano naman ang ginawa niyo sa mansion?" Tanong ni Roman habang naka titig sa kamay ni Spencer na hinihimas ang aking hita.

"Yun din yung tanong ko eh!" Nakangising sabi ni Lenon na kanina pa pala naka tayo sa likod namin. Kung saan kayakap niya ang Prinsesa niyang si Vanessa.

"Wala naman." Sagot ko.

"Yung totoo?" Tanong ni Tyrone bago lumagok ng alak.

"Pinahiram niya lang ako ng damit. I told you namantsahan yung dress ko." Mariin kong sabi saka sinamaan ng tingin si Lenon.

"Pinahiram ka niya ng damit?" Taas kilay na tanong ni Lenon.

"Yes. Kayo saan kayo galing?" Pag ligaw ko ng topic.

Nag titigan muna sila ni Vanessa bago siya sumagot.

"Sa Langit!" Naka ngiti niyang sabi saka hinawakan ang pisngi ni Vanessa at sinunggaban ng halik.

"Woah! Eh kayo ba Ash?" Tanong ni Lenon saka simple akong siniko.

"Guys! Pinahiram lang ako ng damit!" Giit ko ng naka ngiti kahit pa naiilang na ako sa paraan ng pag titig nila sa akin.

"Spencer? Yun lang ba?" Usisa ni Marco.

"Yeah. Dinamitan ko siya." Sagot niya habang naka titig sa aking labi. "Natural pinag hubad ko siya." Sagot ni Spencer dahilan para mag hiyawan ang madla.

"What?" Sambit ko saka tumitig sa kaniya ng kasumpa-sumpa.

"Totoo naman ah? Malamang may stain yung dress mo. Binihisan kita kasi nag hubad ka. What's wrong with that?" Seryosong sabi ni Spencer saka nilagok ang whiskey.

"Ash! Nahihiya ka pa. Matatanda na tayo at nasa tamang edad para don."  Usal ni Clark habang pumapapak ng lechon.

"Guys! Hindi naman kasi ganon yung ibig niyang sabihin--"

"It's okay Ash. Naiintindihan ka namin." Natatawang sabi ni Ann na naka kandong kay Roman.

"Guys. I'm just kidding here. Nothing happened. I swear to God." Natatawang sabi ni Spencer.

"Sus! Natatakot ka lang kay Ash!" Tukso ni Marco.

Hindi ko na lang pinansin ang topic nila basta nilagok ko na lang ang alak at nakikisabay sa agos ng usapan.

"Promise. Wala talaga." Giit ni Spencer.

"Kilala kita SPV! Basta may Grasya, tutukain mo pag may pagkakataon!" Hiyaw ni Tyrone sabay hampas sa braso ni Marco na katabi niya sa sofa.

Napairap na lang ako at napasandal. Mukhang iba talaga ang naisip nila sa sinabi ni Spencer. Di ko tuloy maiwasang hindi mainis.

"Yeah! But the problem is JAPAN." Usal ni Spencer saka humagikgik.

Sandaling tumahimik ang silid. Lahat kami ay napapaisip sa sinabing iyon ni Spencer.

"JAPAN?" Halos sabay namin na ulit ni Ann.

"JAPAN? You mean, menstruation?" Taas kilay na sabi ni Clare.

Hindi na naimik pa si Spencer bagkus ay diretsyong nilagok ang bagong bukas na vodka.

"Oh my God! At paano mo naman nalaman? Don't tell me--" gulat na ungol ni Tyrone habang takip ng palad ang bibig.

"You shut up Tyrone! Baka seryosohin ni Ash--"

"Aaah! Hindi na ako natutuwa!" Inis kong sabi saka sumandal sa sofa.

"Oops! Sayaw lang ako ah!" Nakangising sabi ni Tyrone saka tumungo sa gilid para mag sayaw. Agad din sumunod sa kaniya si Marco at Lenon. Si Roman at Ann naman ay nag paalam na tutuloy na sa kanilang silid. Dito rin sa hotel. Pinatay namin ni Tyrone ang ilaw at tanging liwanag mula sa kanilang phone ang nag bibigay ilaw sa amin.

Naiwan naman kami ni Spencer sa sofa dahil si Vanessa at Clare ay nakikisaya sa kanila.

"You know what? Hindi ka dapat umiinom ng alak. Masama 'yan sa iyo. Tinutuloy mo pa ba yung reseta sa iyo ng doctor?"

Saglit akong nahimasmasan dahil sa nakaramdam ako ng kaunting malasakit.

"Hindi. Tsaka--" hindi ko na natapos ang sasabihin nang agawin ni Spencer sa akin ang wine glass.

"Please. Alagaan mo naman yung kalusugan mo. And isa pa-may --may-- JAPAN ka. Baka makasama pa ito sa iyo." Seryoso niyang sabi saka umayos ng upo at hinarap ako.

"Wow. Concern ka? Matapos mo akong ipahiya?" Inis kong sabi.

"Of course! Ash, I know hindi maganda yung simula ng pagkikita natin dahil sa--dahil sa nakita mo sa mens room. But, please. Give me a chance." 

"So sino yun? Sino yung--

"Never mind about her!" Saad niya saka hinawakan ang aking kamay.

"No! I want to know everything about her! Lahat. Buhat ng umalis ako gusto ko malaman lahat-lahat! At sa inyo ni Trixie."  Sagot ko habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

"Fine. Yung babaeng yun ay si--" napalunok laway siya at tila nag aalangan na sumagot.  "Si Janice."  Mahina niyang sabi.

Nanlaki ang aking mata at napa uwang ang bibig. Muli kong naalala ang pangalang JANICE na nabasa ko sa eroplanong papel.

"Janice? Yung modelo? Yun ba na first sex mo?" Gigil kong turan saka tumayo at tinikom ang aking nanggagalaiting kamao.

"Paano mo naman--Alam mo?" Kunot noo niyang tanong.

"Yes! Nabasa ko sa eroplanong papel. Kung alam ko lang na may JANICE pala, dapat hindi ko na kinalkal pa!"

"Nabasa mo? Hindi ko matandaan na--sinulat ko yung first sex ko? Siguro bored lang ako noon." Nakanguso niyang sabi at mukhang inosente.

"Bored ka lang?" Sambit ko saka umiling.

"Past na yun! Yung kanina--Bigla niya lang ako sinundan sa mens room!"

"At nagpapak ka naman?" Inis kong sabi.

"Please listen. After mo akong iwan, wala akong naging babae. Fine! Nagkataon lang yung kanina! Nagkataon lang na nakita mo iyon."

"Never kang naki pag s*x?" Tanong ko.

"Sa mansion yung last." Sagot niya saka lumagok muli ng alak.

"With?"

"Ikaw! Nakalimutan mo na? The same day na pumunta si Marco para sana sabihin na pinapasabi ni Tyrone na may posibilidad na siya ang ama ng baby ni Trixie. Siyang gabi rin na binalak mo akong iwan... Minutes lang natasha noong mag kita kami ni Tyrone sa labas ng building ng condo na tinutuluyan mo. Wala ka na noong masabi niya sa akin yung totoo. Ilang linggo lumabas na ang DNA Result. Si Tyrone ang ama. Hinanap kita. Pero ilang buwan ng mabalitaan ko na inamin ni Ann kay Tyrone na bumalik ka sa pag aaral, binakuran ako ng Mamá mo. Natatakot siya na makitang masaktan ka muli dahil sa akin. Sinabi niya na hintayin ko yung tamang panahon. Kaya kahit mahirap sa akin na hindi ka makasama o mahawakan man lang, tiniis ko dahil nirerespeto ko ang Mamá mo. Pero nang mabalitaan ko na nasa France ka na pala, ganon na lang yung pag sisisi ko dahil hindi ko sinabi sa iyo yung totoo. At mas lalong humina yung loob ko dahil alam ko na walang nag sabi sa iyo ng katotohanan. Nakiusap ang Mamá mo kay Ann na huwag ipaalam sa iyo ang totoo para protektahan ka. Alam kasi niya na hindi rin matatanggap ng Papá mo na makitang masaya tayo habang si Trixie miserable. Galing ako sa France last month. Nakita kita sa eiffel tower. Akala ko namalik mata lang ako. Pero ikaw ba ang may ari nito?"  Tanong niya sabay pakita sa akin ng diamond necklace na siya mismo ang nag regalo sa akin.

"Ikaw ang naka--Oh God! Akala ko talaga nawala ko na ito!"  Maluha-luha kong saad saka iyon hinawakan. Pero bigla niyang binalik sa bulsa.

"Basta mo lang itong nawala. Kung gusto mo itong mabawi, pag hirapan mo!" Usal niya sabay senyas kanila Tyrone. Tumuro siya sa pinto at kumindat. Ilang saglit pa ay kumaway na sa amin si Lenon at sumigaw ng Good luck!

"Sasamahan kita sa Hotel na tinutuluyan mo. For sure malungkot ka kung mag-isa ka lang." Saad niya bago namin tuluyang lisanin ang silid.

Nang makapasok kami sa elevator, Muli siyang nag patuloy sa pag sasalita.

"Babalik ka pa ba sa France?"

"Oo. Mamimiss ko rin ang Ampunan."

"Eh ako? Paano tayo ash?"

"Bakit? Ampon ka ba?" Mataray kong sagot.

"You abandoned me. Right?" Sagot niya saka umismid.

"Edi, magpakup-kop ka kay Janice." Bagot kong sabi.

Bumukas ang elevator at mabilis ang aking marcha palabas.

"Natasha!" Mahina niyang tawag sa akin.

"What? Maganda naman talaga ang mga babae dito sa Maynila."

"Isa pa! Pag di ka tumigil--uungol talaga ako ng malakas dito! ?Di ako nag bibiro! Kausapin mo na kasi ako ng maayos" Biro niya.

"Go! I dont care!"  Mariin kong sabi habang lumalakad sa lobby

"Ugh! Ugh! Oh Shit!"  Ungol ni Spencer dahilan para mapukaw sa amin ang atensiyon ng madla. Napatigil ako at nilingon siya na ngayon ay umaaktong namumulikat ang paa.

Napakagat ako sa aking labi sa labis na kahihiyan na dinulot niya sa akin mula pa kanina. Sobra na siya! Yung condom? Yung sinabi niyang dinamitan niya ko matapos Niya ako pag-hubarin? Okay pa eh! Pero yung uungol sa harap ng maraming tao para mapansin? KALOKA!

"Sir okay ka lang?" Tanong ng guard na lumapit sa amin.

"Ugh! Ugh! Ugh! Shit!" Mas malakas niyang ungol dahilan para mas lalong mag mukhang natataranta ang guard dahil nakaka eskandalo na siya.

"Sir! Ako na! Namulikat lang siya. Pero okay na rin naman na yata siya." Nakangiti kong sabi at nagkunwaring inalalayan si Spencer na patuloy pa rin sa pag akto.

"Sobra ka na! Nakakahiya ka talaga!" Pasimple kong bulong.

"Shh. Don't worry after five days, ikaw naman ang uungol." Biro niya saka humagalpak sa tawa ng tuluyan na kaming nakalabas ng Hotel.

"Sorry ka na lang! I'll Never gonna dance again with you." Sagot ko sa labis na inis. Bagay na sinuklian niya ng matamis na nakaw na halik.

Napasalat ako sa aking labi habang pinapanood ko siyang naglalakad papasok sa kotse.

"Fine. binabawi ko na. Lasang kasalan yung halik niya. Sabi ko nga uungol ako. Hmp!" Sabi ko sa mahinang tinig at pasimpleng ngumiti.