webnovel

CHAPTER 4

ASH POV

Buhat ng mag-simula hanggang matapos ang seremonya ng kasal, bigo si Spencer na makausap ako dahil iniiwasan ko ang malagay sa eskandalo ang pamilya niya. Ngayon pa lang din kami nag kaayos ni Papá at ayokong masira na naman ang tiwala niya sa akin. Hindi ko intensiyon na bumalik dito sa Pinas para sa sirain ang pamilya ni Trixie. Nang sa wakas ay nag papalitan na ng vows ang dalawa, kunwari ay kinuha ko ang aking phone at pinalabas na kinukuhanan ko ng larawan si Ann at Roman.

"I can't wait to take the groom spot." Bulong ni Spencer ng di nag aalis ng tingin sa dalawa.

Pinagpatuloy ko lang ang pag kuha ng larawan at hindi pinansin ang sinabi niya. Pero, napapa isip lang ako kung bakit niya nasabi iyon. Marahil ikakasal na siya. So, hindi pa pala sila kinakasal ni Beatrixie?.

Hindi ko maiwasang hindi maging emotional sa nakikita ko. Di ko maiwasang maluha dahil nakikita ko sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Medyo nakaka inggit. Ano nga kaya ang pakiramdam ng ikasal?

"She's pretty. what will you say?" tanong niya habang naka titig kay Ann.

Dahil don ay nakuha niya ang atensiyon ko. Muli ko na naman naalala ang kabataan namin ni Ann. Siya ang kauna-unahan kong pinag selosan dahil iginuhit niya ang mukha ni Spencer Pascual.

"Ann is a great woman. A perfect wife, and a good artist. Naalala ko lang, siya yung batang babae na hinatian ako ng chocolate cake noong birthday ni Austine. Nagawa niya akong i guhit. At nag selos ka pa noon." Natatawa niyang saad saka sumulyap sandali sa akin.

Medyo nakaramdam ako ng hiya pero dinaan ko na lang sa tawa.

"I bet Trixie is completely a perfect wife material, as what the way you've seen her. I guess." Saad ko saka itinago ang aking phone.

Sa halip na sumagot, humagikgik lang siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

Natapos na ang seremonya at agad siyang dinumog ng mga tao. Hindi ko na nagawang mag papicture o mag paalam man lang dahil muli ko na naman naramdaman ang paninigas ng aking pantog. Buhat kasi kanina sa art exhibit ay ngayon na lang ulit ako naiihi. Napasulyap ako kay Spencer na ngayon ay hindi maalis ang tingin sa akin kahit may iba pa siyang kausap sa telepono.

"Yeah. Thank you. please tell her I love her too." Dinig ko pa na sabi niya. Nag lihis naman ako agad ng tingin. Ayoko naman na lumabas na nakiki usisa ako sa personal niyang buhay. Gayon pa man, palakpakan naman para sa puso kong hindi naka ilag sa sakit dahil sa I love You niya na hindi para sa akin.

"Ash!" Tawag ni Lenon sabay hila sa akin sa braso.

"I have something to tell you." Masaya niyang sabi habang hawak ang aking mga braso.

"About?" tanong ko.

"Abou--" hindi pa man tapos si Lenon sa pag sasalita ng marinig namin ang pag ismid ni Spencer. Dahilan para mag-tigil siya.

"Oh! sorry. who is that guy? did I just--disturb you?" utal na tanong ni Lenon habang salitan kaming tinitignan ni Spencer.

Napabitiw si Lenon sa pag kakahawak niya sa akin habang hinihintay ang aking sagot.

"No! I--I don't know him. Babe. Ss--samahan mo muna ako sa comfort room " sagot ko saka iniwan si Spencer na napakunot ang noo at wala ng nagawa pa kundi ang panoorin ang pag lakad namin palayo sa kaniya ni Lenon. Habang si Lenon naman ay halos masuka dahil sa tinawag ko siyang babe sa harap ni Spencer.

"Kalerki ang level mo girl! Bakit tinawag mo akong babe sa harap ng guy?" Inis na sabi ni Lenon habang kinakamot ang brasong naka cross sa dibdib.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong ko bago pumasok sa ladies room.

"Si Roman! Siya yung guy na kinukuwento ko sa iyo na naging jowa ko dahil sa neargroup!" Kinikilig niyang sabi saka tumili ng malakas. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagka bigla. Paano nangyaring nasa iisang lugar ang dalawang mag ex ng hindi naman pinagkaloob na pag tagpuin noong panahong puwede at malaya pa sila?

Naikuwento lang kasi sa akin ni Lenon na may naging karelasyon siyang Pinoy habang nasa France. Hindi sila nag tagal dahil na realized nila na hindi nila kayang panindigan ang ldr.

"Tologo bo? Pero, umayos ka! Best friend ko si Ann!" Mariin kong sabi saka siya hinampas sa braso.

"Yeah. But, I'm happy for him. At isa pa I think nahanap ko na rin ang babaeng kukompleto sa pagkalalaki ko---di ko akalain--dito lang pala..." Maluha-luha niyang sabi at halatang seryoso.

"Oh? Ss--sino?" Usisa ko.

Ngumiti muna siya saka hinawakan ang aking kabilaang pisngi. Humakbang palapit sa akin saka tumitig sa aking labi.

"Ikaw." Sagot niya na ikinabigla ko.

"JOKE!" Bawi niya saka humagalpak ng malakas na tawa.

"Sira ulo! muntik na akong maniwala--"

"As if naman na papatulan kita. Pero seryoso, may na meet akong babae kanina. Ipinakilala lang sa akin ni Roman. Ayon! sinubukan kong kausapin and luckily, binigay niya sa akin social media account niya!" Kinikilig na sabi ni Roman habang nag i scroll sa phone na agad niyang pinakita sa akin.

"ito siya Oh! Si Vanessa Joy Alindayu"

"Woah! she's kinda cute. ilang taon na? twenty-two? twenty-four?"

"Twenty-eight. ka-edad ko lang. coordinator siya mismo sa kasal ni Roman..." Saad niya sabay halik sa screen ng kaniyang phone.

"Tsk! Si Vanessa o Paris? Kaya mo ba iwan ang Paris para lang makasama siya? Don't take the risk kung hindi mo kayang panindigan. Parehas lang kayong masasaktan." Saad ko bago pumasok ng ladies room.

Nang matapos ako ay nanatili muna ako sa harap ng salamin. Tulala habang inaaalala yung mukha ni Ann at Roman. Kung gaano sila kasaya, kitang-kita naman kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Matapos kong bumuga ng malalim na pag hinga, lumakad na ako palabas ng biglang mahulog ang aking phone mula sa purse ko na naka bukas. Napasigaw ako ng makita ko na may basag ang screen.

"Aaaaah!" Sigaw ko.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Lenon. Napalakas ang sipa niya at mas nagulat ako sa itsura niya na biglang superman ang datingan.

"What happened?" Gulat niyang tanong sa himig ng isang totoong lalaki.

Kusang sumara ang pinto. Napakunot ang aking noo dahil sa asta niya na tila sasabak sa giyera.

"Nabasag yung phone ko!" Sagot ko saka lumuhod para kunin iyon.

"Shit!"  Sambit ni Lenon at napasalat ang palad sa kaniyang noo nang makita ang aking phone.

"Nako! Paano na ito? Hindi ma-touch! Tumatawag si Miss Ramos!" Hiyaw ko.

"Ash! I think may mas matindi pa tayong problema." Usal ni Lenon na naka hawak sa doorknob.

"Seriously?"

"Na-trapped tayo." Mahina niyang sambit saka mariing kinagat ang labi.

"What? Paano na? Hh--hindi ko alam kung paano sila mako-contact! Hindi ko alam kung saan ang reception!"  Hiyaw ko habang napapa-padyak sa pagka inis.

"Easy. Susubukan kong sumigaw. Baka may makarinig sa atin." Kalmadong sabi ni Lenon saka sumigaw ng SAKLOLO!

"Saklolo? Baka mamaya isipin nila nag papatayan tayo!"  Natatawa kong sabi.

"Mas okay na isipin nila na nag papatayan tayo kaysa naman---"  hindi na niya natapos ang sasabihin sa halip ay tumitig siya sa aking ulo pababa sa aking paa. Inilig ang ulo at muling sinubukan na buksan ang pinto.

Natameme ako dahil sa nabasa ko ang malisyang nais niyang ipakahulugan. Bigla ko na naman naalala yung eksena sa art exhibit. Yung pakikipag french-kiss ni Spencer sa kung sino man.

Hindi ko pa pala nababanggit kay Lenon ang tungkol sa kaniya. Well, mas okay na rin na wala siyang alam.

"Sa inis ni Lenon ay buong lakas niyang sinipa ang locked dahilan para matumba siya.

"Aaaah! Shit!" Hiyaw niya na ngayon ay namimilipit sa sakit.

"Masakit ba?" Nag aalala kong tanong.

"Sarap! Try mo kaya! Sarap!" Maluha luha niyang sambit.

"Akin na yung phone mo. Wala na tayong choice. We need to ask for others help or else, aabutin tayo ng mag damag dito."  Sabi ko habang kinakapkapan ang bulsa niya.

"Aah! Shit!" Hiyaw niya ng matapakan ko ang kaniyang kanang paa.

"Sorry!"

"Aaaah! Please careful!" Usal niya habang sinusubukan ko humanap ng puwedeng ma-contact sa phone calls, Nang bigla naman bumukas ang pinto at tila may malakas na hanging ibinuga iyon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang batang sakristan at si Spencer na umaangat ang dibdib habang nakikipag habulan sa pag hinga.

"What the hell you two were doing in this fvcking room?!" Hiyaw niya saka niliuwagan ang kurbata.

"Nag mumura pala ang Pari?" Bulong ni Lenon bago bumangon.

Nag mukhang Pari si Spencer dahil sa kaniyang puting long sleeve polo. Marahil hindi rin siya nakilala ni Lenon dahil hindi na niya suot ang tuxedo nito. Idagdag mo pa na may kasama siyang sakristan. Napa uwang ang bibig ni Spencer dahil sa sinabi ni Lenon. Sumisigaw ng P*tang*na ang pag titig niya kay Lenon. Habang si Lenon naman ay nag tataka sa paraan ng pag titig sa kaniya ng inaakala niyang Priest.

Umaayos ako ng tayo saka ipinagpag ang aking long dress.

"Don't worry we were just having--fun." Sagot ko dahilan para mapataas ang kilay ni Lenon. Si Lenon naman ay itinaas ang mga kamay na para bang nakarinig ng "Holdap to!" At umiling iling na parang inosenteng binata. Napatitig din siya sa hawak ni Spencer na tuxedo. Kita ko pa ang pagkabigla sa mukha ni Lenon.

"Let's go Babe!" Usal ko saka hinila ang kamay ni Lenon palabas ng comfort room nang bigla naman siyang bumitiw sa aking pagkakahawak. Napahinto ako at nang lingunin ko siya ay bitbit na ni Spencer ang kaniyang kuwelyo.

"Alam niyo, gusto ko lang naman makasama si Vanessa eh. Kung may issue kayong dalawa, I think labas na ako. Baka naman puwedeng pag usapan niyo na lang--?" Mahinang saad ni Lenon habang salitan kaming tinitignan ni Spencer.

Napakagat ako sa aking labi. Hindi niya ako puwedeng ipahiya kay Spencer!

"Please--let me go!" Pakiusap ni Lenon habang naka pikit.

"You're not Ash's boyfriend?"  Nakangising tanong ni Spencer habang naka titig sa akin.

"Yes. Ewan ko ba sa Gag*ng 'to kung bakit tinatawag akong Babe. Hh--hindi ko nga kilala 'yan eh!"  Usal ni Lenon dahilan para bitiwan siya ni Spencer.

"Oh! Vanessa! Wait for me My baby! "  hiyaw ni Lenon habang palayo.

Napakamot ako sa aking noo dahil sa kahihiyan. Hindi ako matitigan ni Lenon ng diretsyo habang lumalakad palapit sa akin. Sumenyas siya ng Peace bago ako tuluyang iwan. Kasama niyang lumabas ang sakristan ako naman ay kasunod lamang nila.

Mabilis ang aking bawat pag hakbang. Taas noo at hindi ko siya nililingon man lang. Malinis na ang church at isa-isa ng nag sisipag alisan ang mga naka paradang sasakyan. Sinubukan kong hanapin si Lenon pero nakita ko na sumakay siya sa kotse ng kausap niyang babae. Marahil iyon ang coordinator at siya si Vanessa.

Kinuha ko ang aking phone para sana tumawag ng Uber pero nadismaya ako ng makitang basag na pala ito. Si Spencer naman ay parang tuta na nakatayo sa aking gilid. Nakapamulsa at naka ngisi. Hindi ko siya pinansin. Medyo lumayo ako ng kaunti para mag panggap na tumatawag ako for booking.

"Ah yes. Yes. Pakibilisan." Nakangiti kong sabi saka ibinalik ang aking phone sa bag.

Maya-maya pa ay may kotse na huminto sa aking tapat. Naka nguso ako habang sinisipat kung bakante ang loob para naman makisabay na lang ako. Bumaba ang bintana at walang ibang tao sa loob. Lulan lamang nito ay ang driver na naka suot ng white polo-shirt.

"Oh iyan na pala ang sundo ko." Seryoso kong sabi na talagang ipinarinig ko pa kay Spencer. Naupo ako sa likod at akmang isasara ang pinto nang bigla naman sumakay si Spencer.

"What?" Nakangising tanong ni Spencer habang inaayos ang seatbelt.

"Excuse me? Ako ang nauna. Makakababa ka na." Mataray kong sabi.

"Seriously? Turtle?" He chuckle.

"Pinapababa mo ako sa sarili kong sasakyan?" Natatawa niyang tanong habang naka turo sa sarili.

My eyes blink twice. As if I couldn't get believe in what he have said.

"But no worries. You can stay here." Seryoso niyang sabi saka inayos ang aking seatbelt.

"Saan pala ang reception?" Tanong ko habang naka dungaw sa bintana. Gusto ko maging propesyonal. Ayokong mahalata niya ang pag iwas o awkward feels between us.

"So, galing ka pala sa France?" How long?" Tanong niya sa halip na sagutin ang aking tanong.

"Walang nag bago sa Pilipinas. Ganon pa rin noong umalis ako."  Usal ko sa halip na sagutin ang kaniyang tanong.

Sandaling tumahimik ang sasakyan bago siya mag salita.

"I loved it. I loved your works."  Saad niya nang di nag aalis ng tingin sa daan.

"I never thought na magkakaroon ka ng interest sa arts." Sambit niya na tinanguan ko lang.

"Ikaw din. Nag aral ka pala ng arts sa Scotland? And, nag majored ng economics sa University of United Kingdom." 

Nakangiti kong sabi habang diretsyong naka titig sa kaniya.

"That's confidential. How would you--where did you get that such information?" Tanong niya habang naniningkit ang mga mata.

"SPV means, Spencer Pascual Vahrmaux. Wow!" Sambit ko saka mabagal na pumalakpak.

"Alright. Siguro nga mayaman ka na ulit. Afford mo na mag hired ng personal agent." Usal niya saka isinuot ang tuxedo nang marating namin ang reception. Ipinag bukas niya ako ng pinto.

"Thanks." Sambit ko at diretsyong pumasok sa reception.

"That's it? After all I've done?" 

"Bakit ano ba ang gusto mo?" Mahina kong tanong ng di siya nililingon.

"You know what I want." Sambit niya saka tinanggal ang tali ng aking buhok. Napahinto at Napatitig sa kaniya. Naka ngiti naman siyang pinag mamasdan ang aking mahabang buhok na isinasayaw ng malakas na hangin.

"Mas maganda ka kapag nakalugay ka."  Saad niya saka ibinulsa ang aking pony.

"I know." Naka ngiti kong sagot.

"Ash!" Tawag ni Ann sa akin na naka upo sa mahabang mesa kasama ang kaniyang asawa. Naupo ako sa tapat nila kung saan katabi ko si Lenon at ang babaeng Vanessa ang pangalan.

"I was really surprised ng makita kita kanina! Kailan ka pa naka balik?"

"Kahapon pa Ann. Congrats uh." Tipid kong sabi habang naka titig sa kumikinang niyang mga mata.

"Oh! Ash! Is that you?!"  Gulat na tanong ni Tyrone na kakarating lang kasama si Marco at Spencer.

"Yes. Kk-kumusta? Tsaka bakit narito kayo?" Pag tataka ko.

"Malamang! Pinsan ko si Ann. I'm with my friends." Paliwanag niya.

Oo nga pala mag pinsan sila.

"You look great Ash. Anong pinagkaka abalahan mo?" Tanong ni Marco na naupo sa tabi ni Tyrone kung saan nasa gilid niya naka upo si Spencer.

"Ah, I'm with Lenon. My--friend. Kasama ko siya sa France." Paliwanag ko habang naka titig kay Spencer.

"Oh! Sa iisang bahay?" Tanong ni Tyrone na salitan kaming tinitignan ni Lenon.

Kita ko pa ang pag sulyap sa akin ni Vanessa at ngumuso. Sasagot pa lang sana ako ng mag salita si Lenon.

"Yes. Apat kaming naka tira sa bahay. May mga kaniya-kaniyang trabaho kami at--Si Ash ang pinaka angat sa amin." Saad ni Lenon saka kumindat sa akin.

"What? Nakatira kayo sa iisang bahay?"  Tanong ni Spencer bago sipsipin ang lemon sa inuming vodka.

"Yes." Sagot ko saka ininom ang ladies drink na inabot ni Ann.

"Siya yung lalaki na pinag buksan tayo sa banyo di ba?" Usal ni Lenon dahilan para mapatitig sa amin ang kasama namin sa hapag.

"Magkasama kayo sa banyo?" Usisa ni Vanessa.

"Ah- Yes. Na trapped kasi kami." Sagot ko.

"Tapos?" Pahabol niyang tanong habang sinisipat ang aking mukha dahil napapagitnaan namin si Lenon.

"Sumigaw kasi ako nung nabasag yung phone ko. Akala niya siguro kung ano na ang nangyari."  Paliwanag ko.

"Yeah." Sambit ni Lenon saka hinawakan ang kaliwag kamay ni Vanessa na nakalapat sa ibabaw ng mesa.

"So, kuwento ka naman about sa iyo Ma'am Ash." Biro ni Roman.

"Sira! Ash na lang."  Saad ko bago nag patuloy.

"Tinapos ko yung pag aaral ko. After ko maka graduate, iniwan na rin ako ng Mamá. Nang minsan na sinubukan ko mag paint, nagustuhan ni Miss Ramos. Pinost niya at ito na! Madalas laman ng exhibit ang mga gawa ko. Nag stay ako sa france at nag tayo ng business. Mahaba habang proseso din dahil hindi naman ako citizen pa sa france kung tutuusin. May mga tumulong din sa akin kaya nakapag patayo ako ng flower shop." 

"Wow. That's great Ash. So, single ka pa rin ba?" Usisa ni Tyrone na sumulyap pa kay Spencer na ngayon ay nakatitig sa akin.

"No!" Sabat ni Lenon.

"Ha? So may boyfriend ka na?" Utal na tanong ni Ann.

"Ah-- hindi naman." Sambit ko saka tinaasan ng kilay si Lenon.

"Ang ibig sabihin ni Lenon is, hindi ako nag papaligaw." Saad ko saka ngumiti.

"Bakit naman kaya?" Tanong ni Spencer habang naka ngisi.

"Wala naman. Busy ako at ayoko ng sakit sa ulo."  Sagot ko bago lumagok ng alak.

"Sure? Parang hindi naman yata iyan ang sinasabi ng mga mata mo?" 

"Ikaw Spencer? Busy ka siguro ngayon sa pakikipag laro?"  Taas kilay kong tanong na nakapag paigting panga sa kaniya.

"Yes. Lalo na at may mga nadagdag na responsibilities..." saad niya saka nag punas ng bibig gamit ang tissue.

"So Kumusta naman si Trixie?"

Tanong ko kay Spencer.

"She's--"

"She's better now." Sabat ni Tyrone.

"Good to hear. Where is she?" Usisa ko.

Binitiwan ni Spencer ang kubyertos saka ngumiti sa akin. Akmang sasagot pa lang sana siya ng bigla na naman sumabat si Tyrone.

"As usual. Motherhood stage." Sagot ni Tyrone. Nag titigan sila ni Spencer saka humagikgik.

"Um. By the way next month na pala ang kasal ni Trixie. Inaasahan niya na darating ka."  Saad ni Tyrone na siyang kinabigla ko.

Napatitig ako kay Spencer. Tila nahirapan ako sa pag lunok ng gumuhit ang mapait na lasa sa aking lalamunan. Ikakasal na sila?

So it means, ayon pala ang kahulugan ng sinabi ni Spencer kanina?

"Really? Parang ang hirap naman yata paniwalaan na invited at welcome ako sa kasal niya."  Bagot kong sabi saka diretsyong nilagok ang alak ni Lenon.

"Sayang naman Ash. Sa aming apat kasi si Fourth at Spencer na lang ang hindi pa ikinakasal."  Naka ngising sabi ni Tyrone.

"Oh God! Spencer? Siya pala si Spencer?" Bulong ni Lenon.

"What do you mean Tyrone? Next month ikakasal na si Trixie at Spencer, si Fourth na lang pala ang maiiwan. Tsaka kailan pa kayo ikinasal ni Marco?" Nalilito kong tanong.

"Ash, Kasal na ako. Kay Clare Bustamante. Iyon Oh! Yung babaeng kausap ni Miss Ramos." Turo ni Marco sa babaeng short hair na mala koreana ang beauty. Habang palapit siya sa amin ay unti-unti kong naaalala ang itsura niya.

"What? Siya! Nagkakilala na tayo before." Saad ko nang tuluyan itong yumapos sa leeg ni Marco.

"Ikaw? Yeah! Ako nga ito! Si Clark. Yung call center agent na nag bigay sa iyo ng jacket!" Maligaya niyang saad na nagpagulat sa akin.

"Wow! Small world." Sambit ko at napatitig sa kamay niya na may suot na singsing.

"Clark. So it's you?" Usal ni Spencer.

"Yes. Why?"

"What? Yung jacket na hinahanap ko sa iyo?" Kunot noo na tanong ni Marco.

"Yes. That night nag kita kami ni Marco. Nakikipag ayos siya sa akin. Pero akala ko kaya ko na di pa pala." Saad ni Clare.

"Si Marco pala yung tinutukoy mo noon?" Tanong ko.

"Siya nga."

"Wait! Yung jacket ba noong napunta sa iyo may condom?" Tanong ni Marco na ikinagulat ko.

"Condom?" Kunot noong tanong ni Clare.

"Kasi--nilagyan ko iyon ng condom. Sinadya ko para magpapansin." Kinikilig na sabi ni Marco saka humalik sa pisngi ni Clare.

Napako naman ang tingin ko kay Spencer nang makita ang pag litaw ng kaniyang lubog na dimple. Lalo siyang gumanda sa aking paningin. Ayoko na kumurap o pumikit man lang kasi baka mawala siya sa paningin ko ng tuluyan.

"So ano nangyari sa condom?" Tanong ni Lenon habang salitan kaming tinitignan ni Spencer.

Nilakihan ko siya ng mata at sinamaan ng tingin. Maging sila ann ay naiintriga sa tanong ni Tyrone.

Dapat ba talagang itanong pa iyon sa harap ko? Lalo na ngayon na ikakasal na si Spencer sa kapatid ko.

"Ash, ano nangyari sa condom?" Ulit ni Marco.

"Ah, iyon ba?--" Hindi pa man ako tapos mag salita ng biglang sumabat si Spencer.

"Tinapon ko." Sagot ni Spencer na nakatitig sa aking dibdib.

"Tinapon mo?" Kunot noo na ulit ni Tyrone.

Tumango naman ako saka ngumiti.

"Tinapon ko pagkatapos." Sagot ni Spencer dahilan para mag hiyawan ang mga kasama naming nakarinig.

Napakagat ako sa aking labi. Pakiramdam ko ay nais ko na lang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan.

Pasimple pa akong kiniliti sa tagiliran ni Lenon at halos matunaw ako sa titig sa akin ni Spencer na may halong panunukso.

"You're the man!" Natatawang sabi ni Tyrone sabay tapik sa balikat ni Spencer.

"So kailan pala ang kasal niyo ni Trixie?" Tanong ko kay Spencer.

"November 5, sana makarating ka. Minsan naman dalawin mo ang pamangkin mo." Saad ni Tyrone sabay pakita ng kaniyang wallpaper.

Napataas ang aking kilay ng makita ang larawan ni Trixie at Tyrone kasama ang isang sanggol.

"What's that?" Mahina kong sambit.

"Family picture. Aasahan kita sa kasal namin ni Trixie. Palagi niya nababanggit sa akin na siguradong matutuwa ka kapag nakita mo ang pamangkin mong si Austine Elijah."  Saad ni Tyrone.

Napatitig ako kay Spencer. Kung ganon, si Tyrone ang ama ng bata? Ikakasal si Trixie kay Tyrone? Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng aking dugo sa ulo. Nakaramdam ako ng panghihinayang sa kabila ng aking sakripisyo na nauwi sa wala dahil nag sakripisyo ako sa isang malaking kasinungalingan?

"Si Trixie ang nag bigay ng name sa baby namin. Kung sakaling babae, Ashley sana ang gusto niyang ipangalan." Dugtong nito.

Nanahimik ang hapag. Nabalot kami ng sandaling pag iisip. Bakit nagawa sa akin ito ni Trixie? Alam kaya ni Papá lahat-lahat?

"Hindi na ba siya babalik sa pag rampa?" Tanong ko.

"Ayaw niya na. Mas gusto niya mag focus sa anak namin. Iyon din naman ang gusto ko. Tsaka, isa pa ayaw niya ma exposed ang tahi niya dahil nag undergo siya sa cs. Gawa nga na may sakit siya sa puso."

"Ganon pala. Siguro bago ako bumalik ng france, dadalawin ko sila." Saad ko saka uminom ng tubig baka sakaling mahimasmasan ako sa aking mga nalaman.

"Ash, I think, marami kang dapat sabihin sa akin." Bulong ni Lenon.

"Spencer, anak ka pala ni madam Mervie. Hindi kita makilala noong naging judge ka sa Cosmetic competition. Suki niyo ang nanay ko sa suka."  Usal ni Ann na ngayon ay naka yakap kay Roman.

"Yes. Ako din yung binata noon na hinatian mo ng cake. Ako din yung iginuhit mo." Saad ni Spencer saka ngumiti.

"Talaga? Kababayan mo siya?" Gulat na sambit ni Roman.

"Yes. Naaalala ko nga."

"Hindi rin kita nakilala. Pero ang natatandaan ko lang is pinag selosan ka ni Ash dahil akala niya gusto mo ako." Saad ni Spencer saka humagikgik.

Nag tigil lamang si Spencer ng marinig ang pag ismid ni Roman na mukhang nag selos dahil sa sinabi ni Spencer.

"Ah, hindi ah! Walang ganon." Tipid na sabi ni Ann saka sumandal sa dibdib ni Roman.

"So, alam niya na pala?" Tanong ni Marco.

"Yes. Na ako si Spencer Pascual Vahrmaux. Yung shota niya na inalipin niya. Yung bubog sa buhay niya." Saad niya na nag patigil sa akin.

Medyo nabibigla ako sa mga kaganapan at sa mga bagay na aking nalaman. Matapos marinig ang sinabi niya, para akong bumalik sa nakaraan. Binitiwan ko ang aking kubyertos saka tinitigan ang aking palad. Wala ng sugat. Wala ng sakit. Pero parang may kulang pa rin.

"Excuse me. Ann, Roman best wishes for you. Labas lang ako sandali." Saad ko saka bumeso kay Vanessa at pinisil ang kamay ni Lenon bago umalis.

Sakto naman at tumugtog. Mabilis na dinala ni Roman si Ann sa gitna para isayaw. Gayon din si Lenon at Vanessa. Hindi rin nag pahuli si Marco at Clare. Ako naman ay napako sa aking kinatatayuan. Saglit na pinanood ang sayawan sa gitna. Nangangarap na sana ay maranasan ko rin ang ganitong eksena.

Ilang hakbang pa lang ay nakarinig na ako ng malutong na mura mula sa aking likod. Tiyak ko na si Spencer ang aking kasunod. Hindi ako nagkamali. Bigla na lamang niya akong niyakap mula sa aking likuran. Yakap na umubos ng aking lakas. Hindi sumusunod ang aking katawan sa nais ng aking isip. Naramdaman ko na lamang ang kuryente na dumaloy sa aking buong sistema. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya at pakiramdam ko ano mang oras ay bibigay na ang aking tuhod.

"Layas." Kalmado kong sabi.

"Don't move. Just walk and you'll see after this, pasasalamatan mo 'ko. Dalaga."  Bulong niya sa aking tainga saka humagikgik.

Finished na! Ayoko ng kumalas pa. Marupok ka talaga Ash! Nakakainis.

Maingat niya akong pinag bukas ng pinto. Hinubad ang tuxedo saka itinali sa aking bewang.

"Sabi ko naman sa iyo, matuto kang gumamit ng pasador. Ayan tuloy!" Saad niya nang di ako tinitignan. Naka pamewang siya matapos akong sermonan na parang bata.

Pasimple kong hinawi ang kaniyang tuxedo at doon ay napag tanto ko na merong blood stain. Hindi ko ineexpect dahil first time ko lang maranasan na mag karoon ng dalaw sa magkasunod na buwan. Madalas kasi every three months ako ulit bago magkaroon.

"Thank you." Mataray kong sabi.

"Ash, Sorry. Sa nakita mo kanina sa art exhibit." Usal niya habang naka yuko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pag sisinungaling ko.

"You do. And You left this earing na nasa labas ng mens room. Kaya ba iniiwasan mo ako? Sorry. Wala lang yun."

"So? Kahit ano mo pa siya I don't care. Kahit ano pa ang ginawa niyo, so what? I'm not your girlfriend tho." Natatawa kong sabi kahit pa naiinis ako. Sabay kuha ng hikaw ko na hindi ko man lang namalayan na nahulog pala. Epic fail.

"Ash! I know you still loved me. I feel."

Fine! Given na hindi siya ang mapapangasawa ni Trixie. But the point is, yung nakita ko! Ano na nangyari sa sinabi niyang "I still find ways to have you--take you back---blablabla?

"Sorry. But I have to go." Sambit ko nang bigla niya akong isandal sa kotse.

"Fine. Aalis ka lang kapag hinalikan mo ako." Hamon niya habang naka titig sa aking labi.

"Matapos mong makipag laplapan sa ibang babae gusto mo halikan kita?"

"Fine. Huwag mo na akong halikan. Ako na lang ang hahalik sa iyo."

And--without any warning, he claimed my lips like a predator that found his food in my lips. I froze. Finding myself giving my very best to catch a breath.

"You may go now." Sambit niya matapos tumigil.

Ngayon pa ba? Parang ayoko na umalis. Ayokong mawala ang lasa niya sa bibig ko.

"Yeah. But, I realized wala akong masasakyan. Bak--puwede makisabay."  Saad ko sabay kagat ng mariin sa ibaba ng aking labi.

Kita ko pa ang malapad niyang ngiti nang pag buksan ako ng pinto. Tila ba nag tagumpay sa isang sugal.

"Manong? Sa Mansion tayo."  Nakangiti  na sabi ni Spencer sa driver.

Napalunok laway ako ng biglang tumakbo sa aking isip ang posibilidad na mangyayari sa loob ng Mansion.

"I miss you. Natasha. My slave."