webnovel

CHAPTER 3

MISSING PIECE

ASH POV

October 8, 7:30 PM nang eksaktong lumapag ang eroplanong sinakyan namin ni Lenon at Mitch dito sa Manila. Tumuloy kami sa hotel na aming pina-book isang linggo bago ang naka takdang flight.

At Dahil Dalawang taon mahigit din na nawalay si Mitch sa kaniyang pamilya, pinag bigyan ko siyang makasama ang kaniyang pamilya habang narito kami sa pilipinas.

Kaya kinakailangan ko mag-adjust dahil dalawang event ang dapat kong puntahan at nakakaloka lang dahil hindi ako makapag isip ng maayos buhat kahapon hanggang ngayon.

Mabuti na lang at narito si Lenon para umalalay sa akin. Inutusan ko siya na ihatid ang mga bulaklak sa address ng simbahan kung saan magaganap ang kasalan ni Roman at Ann. Si Roman ang makiki pag kita kay Lenon para naman hindi makahalata si Ann na darating ang Made of honor niya na walang iba kundi ako.

Pansamantala ko muna pinasara ang shop. Kusang loob na rin umalis ng trabaho si Ella dahil dalawang buwan na pala siyang buntis sa italiano niyang boyfriend. Mag-isa lamang akong tumungo sa Art exhibit. Napag usapan din namin ni Miss Ramos na dito mag kita at sabay na pumunta sa Manila Cathedral Parish Church.

Ibinilin ko naman kay Roman na samahan muna si Lenon para naman hindi masayang ang biyahe niya at doon na lang kami mag kita. Tutal naman sigurado akong magkakasundo sila. Parehas silang bisexual at alam ko na maaamoy nila ang kulay ng isa't-isa.

Tatlong Masterpiece lang ang aking dinala. Bawat piyesa ay alay ko sa aking Mamá na namayapa na ngunit buhay na buhay pa rin sa aking kuwadra. Si Austine, na siyang inspirasyon ko sa pag pinta ng eiffel tower na may budbod ng kaniyang abo. Hindi ko man siya kasamang narating ang paris, sa pamamagitan ng aking pag pinta, ang Paris ang dinala ko sa kaniya. Madamdamin at mahalaga ang isang ito para sa akin. Nasa puso ko pa rin ang sakit. Napakasakit isipin na sa murang edad, naisip niyang tapusin ang laban sa gitna ng unos na aming kinaharap. Ang pinaka huli naman sa lahat ay ang larawan ng isang batang babae na may hawak na eroplanong papel, sa ilalim ng Puno ng mangga na natuyot at nalagas ang dahon.

Nilibot ko ang exhibit. Maraming mahusay at de kalidad na Guhit ang nakita ko. Paniguradong hindi mapapansin ang mga sining ko dito. Alam ko naman na walang makaka appreciate ng mga ito. Kung di lang naman dahil kay Miss Ramos, wala ako dito ngayon.

Pansamantala akong umalis para mag banyo. Nakaramdam ako ng panlalamig ng aking pantog at pamununo. Papasok pa lang sana ako sa ladies room ng makarinig ang ako ng halinghingan na nag-mumula sa mens room, na nasa tapat mismo ng main door.

"Oh God! I wanna kiss your lips! Please!" Himig ng isang babae.

"No! Please get out!" Mariing utos ng boses lalaki.

Lumingon-lingon ako sa paligid at walang ibang tao maliban sa akin. Sumilip ako sa naka uwang na pinto at doon ay nakita ko ang babaeng naka bukaka at naka upo sa ibabaw ng sink. Kahalikan ang isang nakatalikod na Lalaking naka formal attire. Ngunit halata ang kaniyang  matipunong pangangatawan.

Napatakip ako ng bibig ng makita ko ang reflection ng lalaking kahalikan ng babae. Tila may Siakol Band ang tumutugtog sa aking dibdib ng mapag tanto ko si Spencer ang kasama ng babaeng hayok na hayok sa pag siil ng halik sa leeg ni Spencer.

"Oh God! Forgive me for what I've seen!" Sambit ko habang paatras.

Bago pa man ako makalayo, nakita ko pa ang nanlaking mga mata ng babae ng makita ako. Napatakbo ako pabalik. Hindi ko na inisip kung saan man sasabog ang pantog ko basta ay huwag lamang akong makita ng maniyak na lalaking iyon!

Tumungo ako sa exclusive collection gallery, kung saan wala masyadong tao. Hinihingal akong napasalampak sa sahig. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan kami mag kikita ni Spencer.

"Paano niya nagagawa ito sa pamilya niya?" Sambit ko habang nakapikit.

Mabilis pa rin ang kabog ng aking dibdib. Nakikipag habulan pa rin ako sa aking hininga. Ultimo ihi ko ay nahiya sa kanila.

"Admit it! He's a playboy! A womanizer! He is now different--God!" Hinihingal kong sabi.

"Well now at least I know, Hindi siya kawalan! He's not worthy! For sure Beatrixie has no idea 'bout this."

"Shit!" I frustrated muttered when I closed my eyes and I can still see the image of that man with his s*x buddy.

I stood up and then took a deep breath. I was about to leave when someone tapped my shoulder. I froze. Thingking that it might be him!

"Ma'am, may buyer na po ang masterpiece niyo..."  usal ng babae.

I sigh of relief. "Ikaw lang pala!" Sambit ko saka lumakad palabas.

"May itatanong lang daw po--Spencer Vahrmaux daw--"

Napatigil ako sa pag lalakad at napakagat ng labi.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong nito sa akin.

"Am, kasi--sumama bigla yung pakiramdam ko. Ganito, tutal naman naka ear buds ka, yung tanong niya sasabihin ko sa tawag. Kasi--na--natatae ako. Parang aabutan na ako---"

"Ho?" Tila diri niyang Sambit.

"Bibigyan kita ng tip. Sasabihin mo lang kung ano ang eksaktong sasabihin ko. Okay?" Saad ko saka inabot ang three thousand cash.

"Iyon lang ba Ma'am? Sige ho ito ang number ko." Saad niya sabay alis.

Mula sa malayo, pasimple akong nakasilip sa direksiyon nila. This time, si Spencer lamang ang naroon. Naka ngiti siyang nilapitan ng babaeng napag utusan ko. Sumilip pa si Spencer sa direksiyon na pinanggalingan ng babae at tila dismayado ng hindi makita ang nais niyang makita. Sinagot ng babae ang tawag kung kaya't dinig ko ang kanilang pag uusap.

"Where is she?"

"Umalis na po."

"What? Sayang naman pala--"

"Ano po ba ang itatanong niyo? Sir?"

"This one," turo niya sa Painting na dedicated kay Austine.

This time, ako na ang sumasagot sa kaniya.

"That one, is dedicated to someone na malapit sa puso ng Artist. She can't bring that special guy sa Paris. Because, that guy was passed away already..." tila naging emotional ang himig ng babae habang nag sasalita.

Si Spencer naman ay Nananatili ang mga mata sa aking pinta.

"Yung babaeng naka tayo sa eiffel tower ang artist. At yung guy na shadow ang siyang kapatid na namayapa. Mismong Abo ng kaniyang kapatid ang ginamit para ipinta iyan... Hindi niya man nadala ang kapatid sa Paris, Dinala niya ang Paris sa kapatid sa pamamagitan ng painting na iyan..."

"Anong name ng Artist?" Tanong ni Spencer.

"Nasa mismong painting ang pangalan niya..."

"Abo? Ash? Right! Abo in english is Ash."  Dinig kong sambit ni Spencer. Tumango naman ang babaeng kausap niya.

"What about this one?" Turo niya sa pangatlong painting. "Tree of Promise"

"It's all about, memories. Na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ng batang babae sa larawan. Kasing higpit na lamang ng hawak niya sa eroplanong papel. Sa pag lipas ng panahon, unti-unti ng namamaalam ang puno pero hindi ang mga alaala na habang buhay siyang ikinulong. Mga pangako na walang kasiguruhan kung matutupad pa ba pero nananatili pa rin siyang nag hihintay."

"Bakit tila hindi tapos ang pinta? Napansin ko lang kasi yung saranggola sa likod ng babae. May tali pero walang may hawak?.."  takang tanong ni Spencer habang naka titig sa babae.

"Tsaka paano mo alam ang lahat ng ito?" Tanong niyang muli. Napahawak ang babae sa suot niyang earbuds habang sinisipat ang tinutukoy ni Spencer.

Mabilis na sinalpak ni Spencer ang earbuds sa kaniyang tainga. Medyo nagulat ako dahil sa ginawa niya. Pero ipinag patuloy ko pa rin ang pag sasalita.

"The reason why, is because the girl had thought that his man never came back for her. Pero bumalik ka. At iniwan kita..."

"Ash..."  Sambit niya habang palinga-linga sa paligid.

Sumandal ako sa division para hindi niya ako makita.

"Hindi tapos ang Obra na iyan because you are the missing piece. Spencer Pascual Vahrmaux..." Sambit ko saka siya sinilip.

Inalis niya ang earbuds. Sinisigaw ang aking pangalan, nang makahanap ako ng tamang timing, mabilis akong tumakbo palabas ng exhibit. Sakto naman at huminto ang kotse ni Miss Ramos sa aking tapat.

Hindi ko na hinayaan na bumaba pa si Miss Ramos. Tila gulat siya ng makita akong basta na lang pumasok sa kaniyang kotse. Mabilis kong sinara ang pinto at pilit na nakikipag habulan sa aking pag hinga. Bago pa man kami makita ni Spencer nakita ko pa ang patakbo niyang pag labas. Hinubad ang suot na tuxedo saka hinawi pataas ang kaniyang makintab na blonde na buhok.

Tila bumagal ang sandaling iyon. Napakagat na lamang ako sa aking labi ng makaramdam ako ng kirot sa aking puso. Hindi magandang ideya ang makita ko siyang muli. Isang malaking pag kakamali ang lahat ng ito.

"Ash, are you okay?" Tanong ni Miss Ramos.

Napalunok muna ako ng laway at pinunasan ang aking pawis sa mukha bago sumagot.

"Ayos lang po. Ahm, kumusta po ang mga bulaklak?"  Tanong ko habang nag re-retouch.

"About that, pinapasabi ni Roman na salamat. Kumusta ang exhibit? Masyado pa yatang maaga para umalis ka? Balak ko sana bumili at iregalo kay Ann at Roman--" saad ni Miss Ramos.

Medyo nahiya tuloy ako dahil naabala ko pa siya.

"Ganon po ba? Pasensya na po ma'am. Ayoko lang ma-late sa kasal." Palusot ko.

"Oh.. Siya nga pala, napaka ganda mo lalo na sa suot mong plane-white long gown."  Puri ni Miss Ramos.

"Salamat po. Mas pinili ko ang simple lang. Hindi rin naman kasi ako comfortable sa magaganda at eleganteng suotan." Saad ko.

"Oh siya, Ikaw kaya-kailan ka naman kaya ikakasal?"  Tanong niya na hindi ko inaasahan. Matapos kong mag lipstick, agad kong ibinalik iyon sa aking purse, bago sumagot.

"Mukhang matagal pa ma'am. And isa pa, masaya naman ako sa advocacy ko sa pag tulong sa mga bata."  Saad ko saka ngumiti ng tipid.

Medyo napansin niya siguro ang pag iwas ko sa topic kaya minabuti niya na lang ang tumahimik hanggang sa narating namin ang simbahan.

Mula sa labas ng simbahan, agad akong sinalubong ni Lenon at Roman ng mag kasama. Mukhang hindi ako nagkamali at mabilis nga nila naka sundo ang isa't-isa. Ilang minuto na lang ay mag sisimula na ang seremonya. Saglit pa kaming nag kuwentuhan at nag kamustahan.

Nagawa ko pa lapitan at kumustahin ang mga magulang ni Ann na dati naming manggagawa. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin, dumating ang isang panauhin na hindi ko inaasahan na makikita ko dito sa simbahan.

"Ash, anak."

Mabilis ko siyang hinarap. Na mayroong pagpapakumbaba.

"Kumusta ka?" Basag niya sa sandaling katahimikan.

Minabuti kaming iwan ng mga magulang ni Ann para makapag usap kami ng maayos ni Papá.

"Mukhang maayos ka naman. Ang taas na ng narating mo."  Maluha-luha niyang sabi.

"Maayos naman po. Ikaw? Kumusta ka Papá?"

"Nabawi ko na ang company ko. At sa tulong ni Generoso, nabawi ko ang ari-arian natin na inangkin ni Kasandra. Maging yung bahay natin sa probinsya."

"Ganon ba? Good for--you Papá."  Saad ko habang naka yuko.

Para saan pa na nabawi niya ang lahat ng kayamanan niya kung hindi na rin naman nasaksihan iyon ni Mamá? Hindi naman non maibabalik ang mga bagay na nawala na. Maging ang buhay na nawala dulot ng labis na kasakiman ng ibang tao.

"Mamá was dead. Kung narito lang siya, siguradong sasabihin niya na masaya siya para sa iyo."

"Yes. Alam kong wala na siya." Saad niya na nag pakunot sa aking noo.

"Si Ann ang nag sabi sa akin kung ano ang lagay niyo--minabuti kong huwag ng sumilip pa sa kabaong niya dahil pakiramdam ko, wala akong karapatan. Nahihiya ako sa inyo. Ash." Lumuluhang Sambit ni Papá.

"Naroon ako sa cemetery habang umuulan, nang makaalis na kayo doon ko sinamantala ang pag kakataon na makausap ang Mamá mo. Sobrang nag sisisi ako. Ash. Ang laki ng kasalanan ko sa inyo."

Napairap ako dahil sa narinig. Narinig ko na naman na nag sisi siya dahil sa may namatay na naman. Pero balewala na rin iyon. Hindi nakakarinig ang bangkay.

"Sana Ash, mapatawad mo pa ako. Patawarin mo sana ako. Hindi ako mag tatagal dito. Nabanggit sa akin ng magulang ni Ann na ikaw ang made of honor, ikaw ang sinadya ko Ash. Gusto ko lang sabihin na proud na proud ako sa iyo. Noong nagtapos ka at umakyat sa entablado, isa ako sa mga pumapalakpak sa iyo. Ash. Maraming Salamat sa lahat."

Tila nanlambot ang aking puso sa narinig. Noong araw na iyon pakiramdam ko ay kulang ako dahil wala siya. Pero naroon pala si Papá.

Akmang aalis na si Papá nang bigla akong mag salita.

"Papá, pinapasabi ni Mamá na pinapatawad ka na niya. Hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay, ikaw pa rin ang inaalala niya." Saad ko na kaniya lamang tinanguan.

Ilang sandali pa ay mabilis na nag sipasok ang mga tao papasok ng simbahan, inangkin ko ang puwesto as made of honor. Tumunog ang kampana na siyang hudyat na mag sisimula na ang seremonya ng kasal. Si Ann ay masayang nag lalakad sa gitna ng pulang carpet. Mukha siyang anghel sa kulay beige niyang gown. Napaka blooming ng kaniyang mukha. Talaga pa lang nakaka ganda sa isang babae ang ikasal? Sandali siyang napatigil nang makita ako. Umiyak at halos hindi bumitaw sa pag yakap sa akin.

Nang ihatid mag tagpo ang mag kabiyak sa altar, isang lalaki ang naupo sa aking tabi. Nahagip ko ang kaniyang mabalbon na kamay. Sobrang tapang ng kaniyang cologne at tila tumatambay sa aking ilong. Ang bango at pamilyar kaya naman sinubukan kong lingunin siya at laking gulat ko ng makita ang umiigting panga habang naka titig sa aking mga mata.

"Spencer?" Gulat kong sambit.

"You turtle! You can't run away from me now." Suwabe niyang himig saka sapilitang kinuha ang aking kamay at isinukbit sa kaniyang braso.

Muntik na sana akong kiligin ng bigla kong maalala ang pakikipag french-kiss niya sa art exhibit kanina. Isa pa, asawa na siya ng kapatid ko.