webnovel

CHAPTER 24

ASH POV

Dumiretsyo kami sa mansion nina Spencer kung saan naroon din ang kaniyang mga magulang. Sakto naman at hapunan na kaya naman pag pasok pa lang namin ay agad kaming inasikaso ng kanilang taga pag silbi.

Mula pag labas ng sasakyan, hanggang ngayon ay mag kahawak pa rin ang aming mga kamay. Walang humpay kung yakapin niya ako at ganon din ako sa kaniya.

"Natasha mabuti at naka balik ka na!" maligayang bungad ni madam Mervie habang papanaog.

kasunuran lamang niya ang asawang si Ginoong gener na naka ngiti sa amin ni Spencer.

"Mukhang napa aga yata ang balik mo hija?"  Ani madam matapos lumuwag ang pag yakap namin.

"Sinadya ko lang po talaga hindi ipaalam kay Spencer para sana i-surprise siya." Magalang kong sabi at sandaling sumulyap kay Spencer.

"Good eve po Mr. Gener--"

"Tatay na lang Natasha. O dad kung gusto mo..." Ani ng ginoo matapos kong mag mano.

"Welcome na welcome ka dito ah... Nasaan ang mga gamit mo?" Usisa ni Madam.

"Ako na ang bahala don mom. Kumain na po tayo."  Naka ngiting sabi ni Spencer.

"Pakbet?" Nakangiti kong sambit ng ilapag iyon sa aking harap.

"Yes. That's my favourite natatandaan mo?" Tanong ni Spencer habang hawak ang aking ulo.

Tumango naman ako at matamis na tinitigan ang kaniyang mapungay na mata. Masaya ako ng maaalala ang kabataan namin.

"Iyan ang madalas kong ihanda noon kapag birthday ni Spencer..." Ani Madam habang sinasalukan ang sarili ng tubig.

"Masuwerte na rin kung may biko..." Sabat ni Spencer habang sinasandukan ako ng kanin.

"Simple lang naman ang buhay sa probinsya. Kami lang talaga ang mahirap noon..." sambit ni madam mervie bago sumubo.

"Pero hindi na ngayon." Spencer snapped.

"Kahit pa naging ganon ang sitwasyon ninyo noon, hanga ako sa iyo mervie. Itinaguyod mo ang anak natin at pinalaki ng maayos. Kinaya mo kahit wala ako."  Ani ng Ginoo habang hawak ang kamay ni Madam Mervie na nasa ibabaw ng mesa.

Kay tamis ng ngiti ni madam na para bang ngayon pa lang din sila nag liligawan. Ngumiti sila sa isa't-isa bago kami muling kaharapin.

"Mom, dad," Himig ni Spencer matapos bitiwan ang kubyertos.

"I'm very blessed to have a parents like you. Thanks for everything mom." Emotional na sabi ni Spencer dahilan para mangiwi ang kaniyang mga magulang.

"Ako din po. Nag papasalamat po ako sa inyo. Sa iyo madam mervie, dahil sa kabila ng kabaitan niyo sa akin at tiwala nagawa ko pa rin iwan si Spencer noon kahit na... naki usap kayo sa akin na manatili ako sa tabi niya..." I said with moisture in my eyes.

"Ginawa mo yun mom?" Di makapaniwalang tanong ni Spencer.

Sumulyap si Madam mervie kay Ginoong Gener na ngayon ay nakatitig sa kaniya habang hinihintay ang sagot ng asawa.

"Yes. Nakiusap ako kay natasha na kahit anong mangyari mag stay siya dahil noon na lang ulit kita nakitang sumaya buhat ng mahanap mo siya. Kahit pa--dapat hindi ko ginawa dahil kay Trixie." She explained and then she let out a sigh.

"And I'm sorry for that. Kasalanan ko kung bakit humantong ang lahat sa ganon. Dahil sa pilit kong maging tapat sa sinumpaang pangako, may nasasaktan na pala akong iba..."  Naka yuko na saad ng ginoo.

"Gener, wala kang kasalanan..." Usal ni Madam, hagod ang kaniyang likod.

"Nakita ko kung paano mag mahal ang anak ko. Ipinaglaban niya ang babaeng mahal niya. Bagay na hindi ko nagawa sa dalawang babae na dumaan sa buhay ko noon..."  sandali siyang tumigil at lumunok bago muling nag salita.

"Una si Mervie na inilayo sa akin ng ama niya at ang iyong Ina na si Belinda. Kasing ganda mo siya at hindi na ako nag taka pa kung bakit ikaw ang bukod tanging tumatak sa mag-ina ko..." Turan ng ginoo.

Nakangiti at salitan naman kaming tinitignan ni Madam mervie habang tuloy sa pag kain.

"Gusto ko din po mag pasalamat sa inyo tatay..." nahihiya kong sabi.

"Tatay. I like it that sweet." Ani Spencer saka kumindat sa akin.

"Maraming salamat dahil isa po kayo sa malaking bahagi ng buhay ko. Gusto ko lang sabihin na maraming salamat at merong Spencer Pascual Vahrmaux sa buhay ko ngayon..." nangingiwi at naluluha kong saad.

"Natasha don't cry. Nasa hapag tayo."  Alu ni Spencer sabay yakap sa akin.

"Walang anuman Natasha. Hanggat masaya at mahal niyo ang isa't-isa, mag pakatatag lang kayo."  Turan ng Ginoo sabay yakap sa kaniyang asawa.

Pinunasan ko ang aking luha. Hindi ko maiwasan ang hindi maging emosyonal dahil sa ngayon na lang ako ulit nakaramdam ng kalinga at presensiya ng tunay na pamilya ang turing sa akin.

"It's okay hija. Maayos na ang lahat at dapat sa ngayon ang isipin muna natin ay ang kasalan niyo?" Saad ni Madam mervie na agad umayos ng upo.

"Tama. Para naman ng sa ganon ay masilayan at maranasan ko naman ang makipag habulan sa magiging apo ko habang malakas lakas pa ang tuhod ko!" Turan ng ginoo saka humalakhak.

Agad naman napawi ang ngiti ni Spencer ng marinig ang sinabi ng kaniyang ama. Ako naman ay ngumiti saka patagong pinisil ang kaniyang kamay.

Masayang kuwentuhan habang nag sasalo-salo kami. Natapos ang hapunan ng may galak habang tinatalakay namin ang tungkol sa kasalan. Maya't-maya ako napapasulyap sa lumang engagement ring na ibinigay sa akin ni Spencer noong unang nag proposed siya sa akin. Talagang iningatan at pinakatatago ko iyon dahil para sa akin, si Spencer ang pangit at magandang ala-ala na nangyari sa buhay ko.

"Good night mom, dad. Mauna na po kami ni Natasha." Ani Spencer sabay buhat sa akin ng walang permiso na siyang nag bigay hiya sa akin ng sulyapan ko ang kaniyang magulang.

"Good night din sa inyo." Naka ngiting sabi ng kaniyang ina.

Kagat labi at mahigpit ko siyang hinawakan sa batok habang pinag mamasdan ang kaniyang mukha.

"Oh? Hindi mo ba ako na miss?"  Taas kilay na tanong ni Spencer habang humahakbang paakyat.

Muli kong naalala yung mga kuhang larawan na ipinadala ni Ann at ng isa pang dummy account. Marami akong gustong itanong lalo na kung mag kasama kaya sila ni Trixie na umuwi sa Cagayan?

Sa halip na sagutin siya, nakipag titigan na lang ako sa kaniya.

"What?" Nanliit ang kaniyang mata ng pag masdan ako.

Nang ibaba niya ako sa tapat ng silid, saglit pa niya akong pinag masdan na para bang may nais itanong.

Pumasok naman ako sa kuwarto niya at di na siya hinintay pa.

"Natasha may problema ba?" 

Tila nababahala siya ng mapansin ang pananahimik ko.

"Parang ganon na nga?" Sagot ko nang ibagsak ang aking pag upo sa kaniyang kama.

Naka cross ang aking kamay sa dibdib at naka de kuwatro ako habang nag kukuyakoy.

"About sa sinabi ni dad? Alin don? May mali ba akong nagawa?"  Kunot noo niyang tanong habang palapit sa akin.

Kalahating metro na ang distansiya namin habang nakatingala ako sa kaniya.

"Kumusta ka habang wala ako?"  Ditesyo at seryoso kong tanong.

Humagikgik siya na para bang may nakakatawa sa narinig.

"Bored! Of course." Sagot niya.

Nag lihis ako ng tingin at agad din siyang tinitigan ng matalim.

"Bored." I echoed.

"Kaya kahit sino puwede mong halikan? Kahit alam mong Hindi naman dapat?"  Medyo tumaas ang aking tono dahil mukhang ayaw niyang umamin o mag pahuli man lang.

Napauwang ang kaniyang labi at kunot noo ng kumamot sa batok. Tila ba di niya alam ang sinasabi ko.

"Kailan ka pa nag drugs?"  Tanong niya saka lumapit sa akin. Bahagya siyang yumuko at tinukod ang kamay sa pagitan ng aking hita habang pinapantayan ako ng tingin.

Akmang hahalikan niya ako pero mabilis akong uniwas. Nilihis ko ang aking ulo at nananatili sa aking posisyon.

"Natasha, saan mo naman nakuha ang maling impormasyon na iyan?"  Bagot niyang tanong saka umirap.

"Mali?" Sambit ko saka kinuha ang aking phone. Nanginginig pa ako ng halungkatin ang photo gallery para ipakita sa kaniya lahat ng kuhang larawan na puwedeng maging basehan ng pang aakusa ko laban sa kaniya.

"Ito! Ngayon mo sabihin na mali ang impormasyon ko!" May awtoridad ang aking boses habang ipinapakita sa kaniya ang mga larawan na iyon.

Suminghal siya at umiling. Diretsyo siyang tumindig at naka pamewang ng titigan ako mata sa mata.

"Let me explain." Sambit niya saka bumuga ng hangin bago nag salita.

"If I'm not mistaken that photo was taken right before the conference. Kung titignan parang nag hahalikan kami ni Trixie. Well, mukhang may gustong sumira sa atin?" Aniya.

Hindi. Hindi ganon si Ann kaya malabong gawin siraan niya saakin si Spencer.

Muli siyang napa singhal. Mukhang nasira ang mood niya kaya ganon na lamang mangitnig ang kaniyang ngipin sa galit.

"Sweetheart, ang totoo is napuna ko lang naman yung lagpas na lipstick niya! Sinubukan niyang punasan pero lalong kumalat kaya ako yung gumawa para sa kaniya!"  Seryoso at para bang nakiki pag away na siya sa akin. Maging ang mga kamay niya ay umaakto na para bang mayroong ipinaglalaban.

"Pinunasan mo? Ang gentleman mo naman sweetheart. Wow!" Hinawi ko ang aking buhok saka pumalakpak ng dahan-dahan.

"Just a moment." Sambit niya habang kinakapa ang phone sa bulsa.

"Bakit?"  Pag tataka ko.

"Tatawagan ko ang management para hingan sila ng copy ng surveillance. At papatunayan ko sa'yo na wala kang mapapatunayan----"

"Okay! Fine!" Inis kong sabi saka tumayo at lapitan siya.

Kinuha ko ang kaniyang mga kamay at ipinuwesto sa aking bewang. Pinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok ng di nag aalis ng tingin sa kaniya.

"Ash, Kung sino man 'yan..."

"Umuwi ka ba sa province?"  Mahinahon kong tanong.

Biglang sumeryoso ang mukha niya at hindi na nagawang umimik pa. Sa kabilang banda, umaasa ako na mag sasabi siya ng totoo.

"How would you--"

"Ako lang ang mag tatanong. Umuwi ka ba sa province? With Beatrixie?"  Kalmado at puno ng pag titimpi.

Napa igting ang kaniyang panga ng mag lihis ng tingin. Humugot siya ng malalim na pag hinga at bumuga sa bibig bago ibalik sa akin ang paningin.

"Yes. At hindi mo na dapat alam yan." Mariin niyang bigkas saka pumikit kasabay ng pag tikom ng labi.

Humakbang ako paatras saka siya tinaasan ng kilay dahil sa sagot niya.

"At bakit hindi ko dapat alam? May dapat ba akong malaman?" Usisa ko na para bang inaakusahan siya sa isang krimen.

"Of course! Hindi naman dapat alam mo yung ginagawa ko at ganon ka rin---f*ck!"  He muttered.

"What? Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Wala na ba akong karapatan malaman kung anong ginagawa mo sa cagayan kasama ang kapatid ko?"

"Siya lang ba? Naroon din naman si Tyrone at ang Papá mo! Ngayon pa ba natin pag tatalunan 'to? Kakabalik mo pa lang!"

"You don't get my point. Kung kasama ka nila sa province, okay! But I want to know why! Dahil una sa lahat kung wala naman big deal don, ipapaalam mo sa akin ang dahilan kung bakit bumalik ka sa Cagayan..."

"Not now. Please! Puwede ba sa susunod na lang natin ito pag usapan? Dahil wala rin naman patutunguhan 'to. Pinag dududahan mo 'ko."  Malumbay niyang sabi na para bang siya pa ang ginawan ng kasalanan.

"Hindi kita pinag dududahan. Ikaw lang ang nag iisip niyan. Gusto ko lang marinig ang totoo galing sa iyo!"

"Then let's end this!" He spoke and then he went straight on the comfort room.

Naupo ako at sandaling nanahimik. Kilala ko si Spencer. Hindi siya basta basta mag lilihim sa akin. Anong meron sa cagayan? Bakit parang may dapat akong malaman?

Kung hindi ako makakakuha ng sagot sa kaniya, baka kay Trixie! Tama."

Mabilis kong kinuha ang aking phone at dinial ang numero ni Trixie. Sinamantala ko ang pag kakataon habang nasa banyo si Spencer.

"Yes Natasha?"

Tahimik ang lokasyon ni Trixie. Mukhang oras na ng pahinga at nagambala ko pa siya.

"Sorry kung naabala kita. Puwede ko ba malaman kung anong ginawa ni Spencer sa cagayan?"  Mahinahon kong tanong.

"Ash, wala ako sa posisyon para sagutin ka. But don't stressed yourself. Mahal na mahal ka ni Spencer kaya dapat hintayin mo na siya ang mag sabi sa iyo." Saad ni Trixie na siyang nag pakalma sa akin.

Hindi ko alam kung bakit kumalma ako matapos iyon marinig. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Sumulyap ako kay Spencer na ngayon ay naka tapis lamang ng tuwalya.

"Thank you. Bukas din dadalawin ko si Austine Elijah."  Saad ko bago binaba ang tawag.

"Who's that? Si Trixie? May sinabi ba siya?"  Tanong niya habang palapit sa akin.

"Wala! At suko na ako." Nangingisi kong sabi saka naupo sa kaniyang kama.

"Good. Dahil kahit kailan, hindi kita kayang lokohin. Wala kang dapat ipag alala..."  Turan niya saka ako hinagkan.

"Sweetheart, sorry kung napag salitaan kita o napag dudahan..." Sambit ko habang hawak ang kaniyang pisngi.

"Gusto mo ba bumawi?" Nakangisi niyang tanong habang naka tagilid ang ulo.

Agad naman siyang tumalikod at nag bukas ng wine.

Nag salin siya ng wine sa dalawang baso at inabot niya sa akin iyon.

"Kung alam ko lang na babalik ka na, sana napag handaan ko ang gabing ito." Aniya saka pinasadahan ng tingin ang aking buhok.

"Ayos lang. Ang mahalaga, magkasama na ulit tayo."  Sambit ko bago inumin ang aking wine. Hindi ko pa man napapakalahati iyon bigla ko na lang naramdaman ang pag kulo ng aking sikmura gayong busog naman ako.

"Aaaawwwr...."

Tinakpan ko ang aking bibig ng maramdaman ang bagay na nag paasim sa aking lalamunan dahilan para masuka ako.

"Ash! You okay?" Nag aalalang tanong ni Spencer. Tumayo siya at inilapag ang wine glass sa tabi ng lamp table. Pumuwesto siya sa aking harap at pinag mamasdan ako.

Pakiramdam ko ay nagugutom na naman aki gayong kakakain ko lang.

"Parang... gusto kong masuka."  Daing ko habang hawak ang aking tiyan.

"Natasha pinag aalala mo ako. Baka na food poison ka or what! Tatawagin ko si mom at dadalhin ka namin sa ospital--"

Hindi ko na siya nagawang patapusin dahil sa hindi ko na mapigilan ang aking pag suka. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo. Namamawis ako ng husto sabayan pa ng biglaang pag dilim ng aking paningin. Pakiramdam ko ay matutumba ako dahil maging ang aking tuhod ay nawalan na nga ng lakas. Sumalampak ako sa floor at doon ay maka ilang beses pa akong sumuka.

"Where is she?!"  Hiyaw ni madam mervie na halatang natataranta.

"God! Natasha you okay?"  Hinahagod ng kaniyang ina ang aking likod habang si Spencer naman ay pinunasan ang aking mukha na may bulto-bultong pawis.

"Natasha mag salita ka. Dadalhin na kita sa ospital." May awtoridad ang boses ni Spencer at bigla na lamang akong inalalayan sa pag tayo.

"Hindi na." Pag tanggi ko.

"Pero Natasha..." Ani madam.

"Sweetheart tignan mo ang sarili mo sa salamin! Ang putla mo--"

"Pagod lang talaga ako at ang totoo ay ilang gabi na rin kasi akong napuyat." Paliwanag ko.

"You sure?" Tanong ni madam.

Tumango naman ako at akmang lilinisin ang aking sukang nag kalat sa sahig ng bigla akong yakapin ni Spencer.

"Natasha..." Paulit ulit niyang sambit sa aking pangalan.

Mahigpit ang pag yakap niya sa akin at ramdam ko ang panginginig ng kaniyang braso.

Buong lakas ko siyang tinulak ng maamoy ko ang kaniyang pabango na mag mula pa noon ay kinaaadikan ko. Pero iba ang naging tugon ng aking sikmurang nag alburoto, kaya naman muli akong nasuka.

Dumidilim na ang aking paningin. Mabuti na lang at mabilis akong nasalo ni Spencer ng maramdaman ko ang panlalambot muli ng aking tuhod.

"Tubig. Tubig..." Pailit ulit kong bigkas.

Agad akong lumayo kay Spencer dahil sa ayoko talagang tumambay sa aking pang amoy ang kaniyang pabango.

"Marlyn! tubig! Hala madali kayo at mag akyat ng tubig!"  Halos lahat ay natataranta na. Pakiramdam ko tuloy ay masyado ko silang naabala.

"Huwag ka munang lumapit sa akin please! Nasusuka ako sa bulok mong pabango!"  Protesta ko ng akmang lalapit pa siya muli sa akin.

Napa uwang ang kaniyang labi at nanigas sa kinatatayuan. Salitan niya pa kaming tinignan ng kaniyang ina.

"Natasha, kakaligo ko lang at wala akong saplot!"

"Pero naaamoy ko pa rin yung pabango mo at nasusuka ako!"  Saad ko sa mataas na tono. Ilang sandali pa ay dumating na ang tubig na hinihingi ko.

Pakiramdam ko hindi sapat iyon para guminhawa ako. Parang may gusto akong kainin ngunit hindi ko matukoy kung ano.

"Natasha, may tine-take ka bang pills?" Usisa ng ginang na siyang pinag taka ko.

Nahimasmasan ako matapos uminom. Inilapag ko ang baso sa sink bago sumagot.

"Pills?"

"Oo. Slimming pills, beauty pills--"

"Wala naman po." Sagot ko.

"Natasha, go to bed and take a rest. Gusto mo ba tabihan kita or sa baba ako matutulog?"  Kalmado at natural niyang tanong.

"Siyempre gusto ko mag katabi tayo." Iritable kong sabi sa mahinang tinig.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang kontrolin ang sarili kong temperature lalo na at nasa harap namin ang kaniyang ina.

"Sige na Natasha at mag pahinga ka na. Spencer, mag usap tayo sandali sa labas."  Usal ni madam mervie na una ring lumabas ng comfort room.

"Go to bed Natasha. Ipag titimpla kita ng gatas. Okay?"  Malambing niyang sabi at di na nag tangka pa na lapitan ako.

"No need. I'm not in a mood for milk. Bukas na lang siguro? Gusto ko lang muna matulog.." Walang emosyon kong sabi at agad na gumawi sa kaniyang higaan.

Sandali pa siyang sumulyap sa akin bago pumili ng bathrobe saka lumabas.

"Hindi naman kaya---"  Sambit ko ng mabuo sa aking konklusyon ang imposibleng bagay.

"Pero posible kaya? Posible nga ba?"

Tanong sa aking isip na naisatinig habang haplos ang aking tiyan. Ilang sandali pa ay pumasok na ulit si Spencer. Seryoso ang kaniyang mukha ng maupo sa aking paanan.

"Mahiga ka na.."

"Matulog ka na. Babantayan lang kita." Saad niya saka bumaba ng tingin sa aking tiyan.

Napabungisngis naman ako dahil sa sinabi niya. Wala naman banta sa buhay ko para mag puyat siya kakabantay sa akin.

"Ang tagal kitang hindi nakasama. Gusto lang kitang pag masdan..."  Aniya.

"Ikaw bahala."  Sambit ko.

Lumalim na ang gabi at di ko na namalayan ang pag dalaw sa akin ng antok.