webnovel

CHAPTER 23

CHILDHOOD MEMORIES #3Tagpuan

"Natasha?" Tawag ni Spencer.

Bakas sa kaniyang mukha ang pag tataka ng makita ako. Dala niya ay buslo na sisidlan ng kaniyang inilalakong suka.

Agad siyang lumapit sa akin saka ako hinagip sa puno upang sumilong. Sa puno na aming tambayan at mistulang tagpuan.

"Dapat nasa eskuwela ka. Hindi ka ba pumasok?" Aniya saka ibinaba ang hawak na sisidlan.

"Aba! Naubos ang paninda mo!" Turan ko sa halip na sagutin ang tanong niya.

Sumulyap siya sa sisidlan saka ngumiti. Kinapa pa niya ang bulsa at kumalantsing ang mga barya roon.

"Naubos ang paninda namin. Ang totoo kasi gandang lalaki ko ang puhunan dito.." mayabang niyang turan bago naupo.

Sumandal siya sa puno at sandaling pumikit. Tahimik naman akong naupo sa kaniyang tabi habang pinagmamasdan ang pawis na pawis niyang mukha.

Namumula ang kaniyang balat dahil sa init. Hinihingal at halatang pagod na pagod.

"Bakit hindi ka pumasok sa eskuwela?" Tanong niya, nananatiling naka pikit.

"Ayokong pumasok. Inaalala ko kasi yung pag tatalo ni Mamá at Papá kagabe.." ani ko. Lumukot ang aking mukha ng muling maalala ang pag tatalo ng magulang ko.

"Ganon ba? Gusto mo ba kantahan na lang kita?" Tanong niya saka ako sinulyapan.

"Oo Spencer. Kantahan mo ako." Utos ko saka umusod palapit sa kaniyang tabi.

Umayos siya ng upo at doon ay hinaplos niya pababa ang aking buhok na mahaba.

"Keep smiling, keep shining knowing you can always count on me, for sure. That's what friends are for..."

Mata sa mata, walang pag lagyan ang aking lungkot habang pinagnamasdan siyang umaawit. Paano na lang kaya kapag wala na siya? Paano na lang ako kapag umalis na ang bukod tanging nakikikinig at dumadamay sa akin? Baka makalimutan ko ng sumaya ulit. Natatakot ako... "Huwag naman sana."

For good times, and bad times, I'll be on your side forever more, that's what friends are for...

"Paano na lang kaya ako kung wala ka?" Wala sa sariling naisatinig.

Nag pakawala siya ng malalim na pag hinga saka hinawakan ang aking baba bago nag salita.

"Dapat matapang ka! Dapat isipin mo na habang wala ako, kaya mo. Dahil kakayanin ko para sa iyo. Malapit na Ash... hinahanap na kami ng totoo kong tatay." Bagamat masaya siya bakas naman sa kaniyang mga mata ang lungkot.

Nangingiwi at naluluha man ako, lumunok ako at ipinakita ang natitirang tapang upang hindi bumuhos ang aking luha na nais kumawala.

"Ganiyan nga Ash! Maging matapang ka para sa atin." Turan niya saka ako hinagip at niyakap.

Sa bisig niya, nais ko ng mahimlay kahit di na masilayan ang bukas. Dahil batid ko na hindi ko kakayanin ang mag daraan pang kahapon ng mag-isa na lang...

Nasanay na akong hanapin ang kasiyahan sa kaniya...

Ang hirap masanay sa bagay na hindi mag-tatagal...

"Makakalimutan mo din ako kapag nasa Maynila ka na..." sambit ko habang naka yuko.

Sinapo ng kaniyang palad ang aking mukha saka ako tinitigan ng mabuti dahil nag tama ang aming paningin.

"Hindi. Dahil pag babayarin pa kita..." Turan niya saka ngumiti.

"Maraming maganda sa maynila. Tulad na lang ng madalas kong marinig sa pag aaway nila Mamá..." Napuno ako ng poot ng mabuo ang kahalintulad na senaryo sa aking isip. Malaki ang posibilidad na hindi na sila babalik dito dahil mayaman daw ang angkan ng pamilya niya.

"Maraming maganda kahit saan pero gusto ko sa nag iisang salbahe lang." Nakangisi niyang sabi saka pinindot ang aking ilong gamit ang kaniyang hintuturo.

"Bata ka pa Natasha. Pero hihintayin kita mamulaklak bago pitasin..." bulong niya saka humalakhak.

Sa edad kong iyon, hindi ko man eksakto masabi kung ano ang kahulugan non pero pakiramdam ko na hindi maganda ang ibig niyang ipakuwari. Ang tanging nararamdaman ko ay hiya at isang nakakadiring kyuryosidad.

Yumuko ako matapos iyon marinig. Di ako makagalaw dahil sa paraan ng pag titig niyang nakakatunaw. Lalo naman siyang natatawa habang pinag mamasdan ang aking mukha. Tila ba nasisiyahan siya sa tuwing nakikita akong nahihiya.

"Bumalik ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng Mamá mo..." Aniya saka tumayo.

Inilahad niya ang kaniyang palad na akin din naman inabot. Inayos niya ang pag kakahati ng aking buhok saka inilagay sa aking harap. Kaniya pa hinawi ang alikabok sa ibabaw saka hinipan ang tuktok ng sking ulo. Sa tuwing inaayos niya ang aking buhok, pakiramdam ko mahalaga ako. Iniingatan. At kaibig-ibig.

"Umuwi ka na. Mangingisda pa ako."

Binitbit niya ang kaniyang buslo saka tumalikod. Bigla ko naman hinawakan ang kaniyang buslo at nakipag hatakan ako sa kaniya.

Tinaasan ko siya ng kilay dahilan para bitiwan niya ang buslo ng walang angal.

"Dalhin mo 'ko sa Palasyo mo Spencer Pascual!" Pakiusap ko na mayroong ngiting malapad.

Napangisi naman siya at hindi ko nakitaan ng pag tanggi. Ibinigay niya ng walang pag aalinlangan ang kaniyang kanang kamay na mabilis kong inabot.

Inagaw niya ang hawak kong buslo habang mag kahawak ang aming kamay. Masaya kami kapag nag kakatitigan. Masaya naman ako kahit siya ang kasama ko.

"Nasaan ang nanay mo?" Tanong ko habang nililibot ng tingin ang bahay nila na niluma na ng panahon.

"Baka parating o kaka alis lang?" Usal niya habang inaayos ang kaniyang tsinelas na bagong palit.

"Halika! May ipapakita ako sa iyo!" Turan niya ng hawakan ang aking palapulsuhan.

"Ano naman?" Pag tataka ko bago humakbang paakyat ng hagdan.

"Basta!" Sambit niya saka sinimulan humakbang paakyat.

Pumasok kami sa silid niya na ngayon ay hindi na gaano kakalat. Pansin ko ang mga naka impake nilang kagamitan. Mukhang nalalapit na nga ang pag alis nila.

Una niyang nilinis ang papag na nag sisilbing higaan niya. Pinagmamasdan ko lang siya ng tahimik.

"Maupo ka dito." Aniya matapos sa ginagawa.

Naupo ako sa side ng papag. Agad siyang lumuhod para punasan ang aking paa na puro buhangin. Marahan at maingat ang paraan ng pag punas niya. Para bang babasagin at mamahalin kaya di maaaring magasgasan. Sensitibo ang balat ni Spencer. Kaya madalas siyang naka pantalon ay dahil iniiwasan niya ang kagat ng lamok lalo na ang matuyuan ng pawis dahil nangangati at nag susugat ang katawan niya. At ito rin ang dahilan kung bakit ayaw niya basta na lang hihiga o sasampa sa higaan niya.

"Masyadong maliit at payat ang mga paa mo..." usal niya matapos linisin ang aking paa.

Kinuha niya ang gitara bago ako tinabihan sa papag. Ngumiti siya sa akin bago sinimulan ang pag tugtog at pag awit habang nakapikit.

"Tonight I've fallen and I can't get up, I need your loving arms to come and picked me up. And every night I missed you I can't don't go....I know the stars are holding, you holding, you holding me tonight..."

Wala akong ibang masabi o magawa kundi ang pag masdan at kabisaduhin ang kaniyang mukha. Gusto ko lang matandaan ang mukha niya at kahit na kailan, ayokong makalimutan ang itsura niya.

"Alam ko mamimiss mo 'ko." Sambit niya saka dahan-dahan na nag mulat.

Itinabi ang gitara saka niya ako hinarap. Nag kibit-balikat naman ako dahil ayokong pag usapan ang tungkol sa pag alis niya.

"Ito Natasha, pagmasdan mo kung nasaan ka ngayon..." turan niya at diretsyong naka tingin sa akin.

Inilibot ko ang aking tingin sa kaniyang silid saka muling tumitig kay Spencer ng mata sa mata.

"Hindi ka nababagay sa lugar na ito. Sirang dingding, matigas at tagpi-tagping papag, tapos mabaho at may mga bubwit pa. Dapat sa iyo humihiga sa pera..." Turan niya saka hinaplos ang aking buhok.

"Bakit naman ako hihiga sa pera? Dahil ba engineer ang Papá?..."

"Hindi. Dahil masyado kang payat para mag trabaho. At kawawa ang mapapangasawa mo dahil ikaw ang pinaka salbahe at matapobreng babae sa buong mundo!" Kutsya niya sabay sundot sa aking tagiliran.

"Hind ako mag papakasal hanggat hindi napupunta sa akin ang kalahati ng yaman ng mapapangasawa ko. Turo sa akin iyon ni Papá." Kumindat ako saka ngumiti.

"Hindi ko isusuko ang yaman ko sa iyo. Dahil hindi na ako papayag na maging alipin mo pa kapag nag kita tayo ulit!" Himig niya tila may pag hamon.

"So, sinasabi mo ba na ikaw ang mapapangasawa ko? Dahil kahit kailan, hindi ako mag aasawa ng alipin lang!" Giit ko na may kasamang pagyayabang.

"Bata ka pa nga." Sambit niya saka ngumisi.

"Pero di bale, hihigitan ko ang yaman ng pamilya Amorine. At yung sinasahod ng Papá mo, barya lang iyon kapag yumaman na ako!"

"Ipagpapalit mo ang pera kaysa sa makasama ako? Ikaw rin..." I shrugged.

"Ganon na nga!" Sagot niya saka pumwesto sa aking harap.

"Hindi mo ba ako mamimiss?" Wala sa sariling naitanong ko. Saglit ko siyang sinulyapan at agad din akong yumuko.

"Siyempre naman! Mamimiss kita. Pero hihintayin kita. Babalik ako kaya dito ka lang. Dito lang sa Cagayan..." Malumbay niyang sabi sapo ang aking pisngi.

"Hindi ko alam kung pag balik ko narito ka pa o baka naman makahanap ka na ng kasing edad mo..."

"Kaya mo ba akong iwan? Baka maging malungkot ako kapag iniwan mo na ako..." Naiiyak kong sabi at nananatiling nakayuko.

"Kailangan. Kasi pangarap ko rin yung makasama yung totoo kong tatay. Magkaroon ng pamilya tsaka gusto ko rin maranasan yung buhay na marangya..." Sagot niya saka tumayo sa aking harap.

"Hindi bale na! Kalimutan mo na lang ako. Kapag umalis ka, iwan mo na rin lahat kasama yung alaala natin dito..." Mariin kong kinagat ang labi ng maramdaman ang umuusbong na poot sa aking dibdib.

"Tignan mo 'ko Ash! Itong Spencer Pascual na nasa harap mo, tingin mo ba matatanggap ako ng babaeng magugustuhan ko? Ni hindi ako makabili ng regalong mamahalin para sa iyo. Yung tsinelas ko mabilis mapudpod at halos bilang lang damit ko. Ni isa nga walang matino maliban na lang sa mga binibili sa akin ng nanay mo na talagang bukod tangi kong babaunin papunta sa Maynila. Para naman matuwa sa akin yung tatay ko kapag nakita niya akong maayos ang lagay..." Seryoso ang kaniyang mukha at mayroong nangingilid na luha habang nag sasalita.

"Nung birthday mo, yung pantalon ko na luma, iyon lang ang pinakamatino. At yung kupas kong damit, iyon lang ang walang butas at hindi masikip sa akin..." sandali siyang tumigil at lumunok bago muling nag salita.

"Tuwing sasapit yung birthday ko, ni minsan hindi ako nakatikim ng cake. Masuwerte na ako kung may handa pa si nanay na paborito kong pakbet.." Tuluyan na ngang bumuhos ang kaniyang luha na mabilis niyang pinunasan.

Ramdam ko ang inggit at paninikip ng dibdib niya habang nag sasalita. Wala akong nagawa kundi ang pag masdan lamang siya at pakinggan.

"Kung si nanay nga lang hindi makabili ng bag o sapatos katulad ng mga bagay na pinapasalubong ng tatay mo sa nanay mo, ni regalo nga wala akong maibigay kay nanay kundi ang igawa siya ng biko na nilagyan lang ng kandila tapos ayon na! Masaya na kami sa ganon. Pag sasaluhan naming dalawa 'yon..." Garalgal na ang kaniyang boses ngunit pinilit pa rin niyang ipinapaliwanag sa akin ang lahat ng nais niyang sabihin.

"Mahirap maging ako Ash. Ayokong maranasan ng magiging anak ko yung mangisda sa oras ng pamamahinga o mamansing sa katanghaliang tapat. Bata pa lang ako ni hindi ako makabili ng laruan. At yung remote control na eroplano na binabalik-balikan ko sa tiyangge, hanggang tingin lang ako. Kaya nga dinadaan ko na lang sa pag guhit at pag gawa ng eroplanong papel. Kasi hindi ako mayaman. Kapos pa nga kami ash. Masuwerte ka Ash. Mapalad ka dahil kahit paano buo ang pamilya mo. Mayaman ka." Suminghot siya at tumalikod sa akin. Pinilas niya ang kalendaryo saka muling humarap sa akin.

Ngumiti siya ng pag masdan ang hawak na papel. Humakbang siya at naupo sa aking tabi. Sinimulan niyang tupi-tupiin ang papel hanggang sa maging eroplano na ito.

"Para hindi mo ako makalimutan, sa Tuwing nalulungkot ka gawa ka lang ng gaya nito. Malay mo kapag tumingala ka sa langit, yung eroplanong makikita mo ay ako na pala ang piloto at may ari..." Usal niya saka iyon ipinahawak sa akin.

"Balang araw, dadalhin kita sa france sakay ng sarili kong eroplano. Pangako 'yan Ash. Pangako."

Bago pa man bumagsak ang aking luha, agad na niya akong niyakap. Akin namang isinubsob ang mukha sa kaniyang dibdib saka humagulgol habang hawak ang kaniyang damit.

Dinig ko ang kaniyang pag hikbi at ramdam na ramdam ko ang pag vibrate ng kaniyang dibdib. Ito na pala...

Ang huling araw...

Na makakasama ko siya...

Kinabukasan...

Narinig ko ang pag uusap ni Mamá at Papá na ngayon na ang pag alis nina Spencer papunta sa Maynila. Wala akong sinayang na oras kaya naman agad akong tumungo sa bahay nila. Naabutan ko pa sila ng lumabas at bitbit ang iba pa nilang bagahe.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kaniya, wala ng pag lagyan ng lungkot ang aking nadarama. Walang humpay at di nag paawat ang aking luha ng tuluyan niya akong mapansin. Nang makalapit siya doon ay kita ko ang mugto niyang mga mata. Ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Maging matapang ka. Babalikan kita." Bulong niya habang haplos ang aking buhok.

"Natasha, maraming salamat sa lahat ng kabutihan niyo sa amin ng pamilya mo. Napakabait mong bata." Malambing at maluha luhang sabi ng kaniyang Ina.

Buong lakas kong tinulak si Spencer saka ako tumakbo palayo sa kaniya. Galit ako! Galit ako dahil hinanap pa siya ng tatay niya at dahil don ay mag kakalayo pa kaming dalawa.

"Natasha!" Sigaw niya na binalewa ko.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang puno na aming naging malayang tagpuan. Huminto ako at pinag masdan iyon. Bawat sulok, si Spencer ang naaalala ko.

"Natasha naman..." Ani Spencer.

Marahan ko siyang nilingon.

"Gaano ba kasi kalayo ang Maynila" Malungkot kong tanong at panay ang lunok ng aking laway.

"Hindi ko rin alam Natasha."

Malumbay niyang sagot habang hawak ang aking kamay.

Napatingala kami sa langit ng dumilim, kumulog, at kumidlat.

"Baka abutan ako ng ulan! Aalis na ako. Alipin!" Galit kong usal saka tumakbo.

Hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan ng bumuhos ang ulan.

"Natasha! Sandali!" Sigaw niya saka ako hinagip at sumilong sa puno ng mangga.

"Natasha. Masaya ako na nakilala kita... "turan niya habang hawak ang aking braso.

"Pangarap kong makasama yung totoo kong tatay. Inggit na inggit nga ako sa iyo kasi mayaman kayo taposー kumpleto ang pamilya niyo..."

Usal niya habang nananatiling naka tingin sa aking mga mata.

"Babalik ako Natasha Amorine. Kaya 'wag na 'wag kang aalis dito sa probinsya ah? Kasi kapag yumaman ako, hahanapin kita. Hahanapin kita!" Hiyaw niya habang palayo.

"Kapag umalis ka, wala ka ng babalikan! Hindi mo 'ko mahahanap!" Gigil at tangis ko.

"Spencer! Hali na at aalis na ang bus!" Sigaw ng kaniyang ina.

"Pangako pag balik ko mayaman na ako. Hahanapin kita. Kapag nangyari 'yon, IKAW naman ang magiging ALIPIN ko!"

Nangingiwi niyang sambit saka nag pahid ng sipon.

Pinapanood ko lang siya umalis palayo... habang ako, naiinis at sinusumpa ang araw na makakasama niya na ang Tatay niya.

"Babalikan kita! Pangako 'yan!" Pahabol niya kahit masyado na siyang malayo sa akin. Nagawa niya pang kumakaway sa ere. Matapos ay hinagis ang hawak niyang basang basa na eroplanong papel...

End of Flashback.