webnovel

CHAPTER 22

FLASHBACK;

CHILDHOOD MEMORIES  #2 Regalo 🌹

"Bakit naisip mong simpleng birth-day party na lang? Tsaka akala ko ba mayaman lang ang invited?" Ani Margaux.

"Oo nga? E halos lahat ng nandito cupcake children!"

Maarteng sabat ni havah na pinagmamasdan ang mga batang inimbitahan lang nila Mamá sa labas.

Ang iba naman ay mga anak ng trabahador namin.Pambahay at simpleng pananamit lang ang kanilang kasuotan. Si Margaux at Havah naman ay magarbong bistida at may suot pang ribbon. Ako naman ay naka suot ng lumang balloon red dress na ginamit ko pa noong nakaraang christmas.

"Gusto ko ng simple lang. At Hindi naman masama kung makiki party ang ibang bata. Huwag na lang natin silang pansinin." Ani ko.

Nakatayo kami sa sulok habang nag uusap. Umaangat ang kilay ni Margaux na halatang naiirita sa nakikita.

"What?" Margaux moan. "No way Natasha! Being with them is such a big mistake! This is a worse idea ever!" She muttered and rolled her eyes as they turned back against me and then they started to walk towards the gate.

"Wait! Aalis na kayo? Hindi pa tapos yung party.."

"Party? All I know is just your birthday. But a party,? I couldn't get enjoyed your special day. Happy birthday by the way." Margaux coldly spoke and then she handed me her gift.

"Oh yeah. Happy birthday! Enjoy your cupcake party ball!" Havah said before get in onto Margaux's car.

That's what my friends are. Parang epidemya ang pakiki pag kaibigan sa mga mahihirap. At pinipilit kong makiisa at maki bagay sa kanila. Dahil ayokong mabansagan na cupcake lady. Tulad na lang ng ginagawa nila kay Ann. Araw-araw walang ligtas sa pambu-bully nila at ng iba pang mayayaman na estudyante.

Bumalik na ako sa loob. Pinagmasdan ko kung paano makitungo ang mga simpleng bata sa tulad ng ganitong okasyon. Napansin ko na sobrang saya nila. At sa bawat ngiting nakikita ko sa kanilang labi, si Spencer ang naaalala ko. Dahil sa pinipilit kong maki pag sabayan kanila Margaux, nakalimutan kong maging bata.

Pero ibang usapan kapag si Spencer ang kasama ko. Kapag kasama ko siya, nagiging dalaga ako. Kanina ko pa siya hinihintay. Pero wala pa rin siya. Dumadami na ang bisita pero ni anino niya ay hindi ko pa rin nasisilayan.

Unti-unting lumulukot ang aking mukha. Humahaba na ang aking nguso kakahintay sa kaniya. Siguro ay napuyat siya sa pangingisda o di kaya, nag lako na naman siya ng panindang suka kaya wala pa siya hanggang ngayon.

Ang party na ito ay para sa kaniya. Kaya naman dalawang kaibigan lang ang pinapunta ko. Si Havah at Margaux lang na agad naman umuwi.

Kumuha ako ng kapirasong tsokolateng haba sa ibabaw ng mesa kung saan naka display ang aking mga handa. Humahaba ang aking leeg habang sinisipat ang bukana ng paradahan baka sakaling matanaw ko si Spencer.

Hindi niya maaaring makalimutan ang aking kaarawan. Tanda niya ang petsa ng kapanganakan ko at nitong nag daang linggo, siya pa ang nag papaalala sa akin na palapit na ang birthday ko.

"Amiga!" Hiyaw ni Misis Julia. Kagawad sa baranggay at kaibigan ni Papá. Kasama niya ang kaniyang anak na si Fred. Agad siyang yumakap kay Mamá.

"Buti nakarating kayo!" Ani Mamá saka yumakap pabalik kay Misis Julia.

"Puwede ba namang hindi? May regalo nga pala si Fred para kay Natasha." Maligayang sabi niya habang naka patong ang kaniyang kamay sa balikat ng anak na naka tayo sa kaniyang harap.

Walang emosyon ko naman tinignan si Fred na naka ngiti sa akin ng iabot ang regalo. Tatlong kahon iyon at medyo mabigat.

"Happy birthday Natasha!" Ani Fred.

"Thanks"

Tipid akong ngumiti ng abutin iyon.

"Siguradong matutuwa ka Natasha. Buksan mo at ng makita mo." Naka ngiting turan ni Misis Julia saka hinawakan ang aking baba.

Pilit kong kinukumbinsi ang sariling ngumiti kahit pa lumilipad ang aking isip sa labis na pag aalala kung darating pa ba si Spencer o mag hihintay ako sa wala? O baka naman umalis na sila? Umalis na nga kaya sila? Aalis ba siya ng hindi man lang nag papaalam?

"Sige na Natasha, buksan mo na!" Utos ni Mamá saka kumindat sa akin ng mapansin ang pag taas kilay ng Kagawad na si Misis Julia.

Binuksan ko ang mga regalo. Wala man lang akong nararamdamang excitement dahil hindi naman nasasaksihan ni Spencer ang lahat ng ito. At isa pa, hindi ako interesado sa mga regalo. Isa lang ang gusto ko sa araw na ito. Hindi bagay o materyal kundi ang makasama ko si Spencer. Iyon lang. Wala ng iba.

Una kong binuksan ang regalo ni Fred. Ang unang kahon ay nag lalaman ng sandals. Ang ikalawa ay Bistida at ang pinaka huli ay kuwintas.

"Nagustuhan mo ba?" Masayang tanong ni Misis Julia na bahagya pang yumuko upang pantayan ang aking level.

"Sobra! Ang ganda po!" Maligaya kong sabi kahit pa mas nangingibabaw ang lungkot sa akin.

Ayoko lang na mapahiya si Mamá kaya naman pinakita ko masaya ako sa natanggap na regalo mula kay Fred.

"Mabuti naman kung ganon..." ani Misis Julia.

"Thank you po. Thank-you din Fred." Tipid akong ngumiti sa kanila.

Agad kong binalik sa kahon ang kaniyang regalo. Binuksan na rin ni Mamá ang iba pang regalo at halos lahat ng natanggap kong regalo ay puro doll house, sandals, Giant bear, at damit.

May iilang bata ang nanonood habang isa-isang binubuksan ang aking regalo. Kita ko ang pagka inggit at lungkot sa kanilang mga mata. Ni wala sa kanila ang naka pag abot ng regalo gawa nga na biglaan lang naman silang tinawag ni Mamá habang nag lalaro. At isa pa, salat din sila sa kahirapan para mag abala pa na regaluhan ako. Galing lahat ng regalo ko mula sa aking ninong-ninang, sa mga mayayaman na kaibigan ni Papá tulad ni Misis Julia na asawa rin ng isang seaman.

"Smile!" Ani Misis Julia nang kunan kami ng larawan ni Fred na magkatabi.

Nguniti ako sa camera kahit pa gusto ko ng sugurin si Spencer dahil pinag hihintay niya ako ng ganito katagal.

"Napaka ganda talaga ni Natasha! Kamukhang-kamukha mo siya Belinda!" Ani Misis Julia.

"Sandali lang at pupuntahan ko muna si Austine. Baka kasi nagising na..." Paalam ni Mamá na mabilis din tumalikod.

Papasok na sana ako sa bahay dahil nawalan na ako ng gana. Muli akong sumulyap sa bukana ng paradahan at doon ay naaktuhan ko ang pag talikod ni Spencer.

Doon ay sumigla ako at nabuhayan ng loob.

Nanliit ang aking mata at sinasabi sa akibg sariling "Humanda kang alipin ka!"

Kumuha ako ng isa pang tsokolateng haba para sa kaniya. Malaki at mabilis ang bawat kong habang ng lumabas ng garahe. Nang tuluyan akong maka labas, doon ay napansin ko ang mabagal at mabigat niyang hakbang. Nakayuko siya at mukhang naka tuon ang pansin na kaniyang hawak.

Kahit hindi ko makita, alam kong may hawak siya. At mukhang tama nga ang hinala ko. Nag lalako pa rin siya ng suka. Ang akala ko pa naman ay mahalaga ang araw na ito para sa kaniya. Pero hindi! Dahil kinalimutan niya na birthday ko.

"Hey! Aliping kabote!" Sigaw ko na para bang may atraso siya sa akin.

Nag angat siya ng tingin ngunit nananatiling naka talikod sa akin. Hinihintay ko na harapin niya ako para mag paliwanag kung bakit hindi siya pumasok sa bahay. Pero sa halip na mag paliwanag, humakbang pa siya palayo sa akin. Mabilis na ang kaniyang hakbang na para ba'ng ayaw niyang maabutan ko siya.

Nag tigil ako at napa uwang ang aking labi sa nakita. Hindi ko inaasahan na tatalikuran niya ako na para ba'ng hindi niya ako kilala o hindi man lang niya ako nadinig.

Animoy torong umuusok ang aking ilong ng habulin ko siya upang sabayan siya sa pag lalakad.

"Spencer! Harap!" May awtoridad sa aking himig ngunit hindi siya nag abalang lumingon man lang.

Lalo lamang uminit ang aking ulo at unti-unting nauubos ang aking pasensiya. Matapos niya akong pag hintayin ng pagka tagal-tagal, ito pa ang mapapala ko sa kaniya? Mag mistulang hangin at bula?

"Kapag hindi ka lumingon, mag papagupit ako!" Banta ko saka tumigil. Hinihingal akong tumindig habang naka pamewang.

Mabilis naman siyang humarap at pailalim na tumitig sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya na agad din naman niyang tinago sa kaniyang likuran ang bagay na inakala kong suka ngunit hindi. Di ko man tiyak ngunit alam ko na hindi iyon paninda.

Napa singhal ako at napa ngisi. Dahil alam ko na hawak ko siya sa leeg. Pumipilantik pa ang aking daliri ng punasan ko ang aking noo na namawis. Tinaasan ko siya ng kilay at inangat ang aking itaas na labi saka sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri.

"Di ba birthday mo? Bakit mo 'ko sinundan dito?" Tanong niya ng naka tagilid ang ulo.

Tinikom ko ang aking bibig hanggang sa manahimik siya.

"Bakit mo 'ko pinahabol? Birthday ko tapos pinag hintay mo 'ko?" Kalmado ngunit bakas sa aking tinig ang labis na pagka inis.

Humakbang ako palapit hanggang sa kalahating metro na lang ang distansiya naming dalawa.

"Ang dami ko pa kasi masyadong ginagawa. Tsaka, hindi naman ako bata para maki birthday..." Bagot niyang sagot habang naka tingin sa kaniyang bandang kanan.

"Hindi ako bata! Dalaga na ako at ikaw pa nga ang may sabi non!" Nakatingala ako sa kaniya habang nag sasalita.

Bumaling siya ng tingin sa akin at doon ay nag tama ang aming paningin. Tila nangungusap ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako. Mukhang ako pa yata ang nakasakit ng damdamin ng sumilip ang namumuong luha sa kaniyang mapungay na mga mata.

"Bumalik ka na sa bahay niyo. May ihahatid pa akong paninda." Turan niya saka umatras at agad na tumalikod.

Napayuko ako na para bang isa akong talunan. Nangingiwi kong pinag masdan ang kaniyang likuran habang nag lalakad. Nahahati ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Napako ako sa aking kinatatayuan. Bumagsak ang aking luha dahil sa galit, tampo, at sama ng loob. Hindi ko tiyak kung ito ba ang tamang salita para ilarawan ang sakit na aking nararamdaman. Basta ang alam ko lang, labis akong nadudurog dahil sa inasal niya.

Tumalikod na ako at agad nag punas ng luha. Ilang sandali pa ay narinig ko ang aking pangalan na tinawag ni Spencer. Saglit akong tumigil sa pag hikbi saka siya hinarap ng taas noo na may kasamang tingin na mapang api.

Umiling siya bago humakbang palapit sa akin. Gamit ang kanang kamay, hinahagod niya ang aking likod na para bang paslit na pinapa-amo. Habang ang kaliwa niyang kamay ay nananatili sa kaniyang likuran.

"Happy birthday Natasha." Malumbay ngunit may tipid na ngiti sa kaniyang labi ng batiin ako.

Ang naudlot kong pag tangis ay muling nag patuloy matapos lumambot ang puso ko ng marinig ang nais kong marinig mula sa kaniya.

Pinunasan niya ang aking pisngi. Sa inis ko ay winaksi ko ang kaniyang kanang kamay saka siya tinignan ng matalim.

"Sa susunod, huwag mo na akong tatalikuran lang! Ayoko ng maulit pa ito kasi pinapasip mo yung dibdib ko!" Hirap man ay pinilit ko pa rin isumbat iyon sa kaniya habang umiiyak.

Nakakatawa para sa iba pero para sa akin, sobrang kirot. Sobrang sakit. Isang pambihirang hapdi ng dibdib na hindi ko alam kung ano ang sanhi. At kung bakit ganito na lang ako mag hinanakit sa kaniya.

"Pst! Ang bata bata mo pa naninikip na yung dibdib mo? Sorry na..." malambing niyang sabi tsaka niya hinaplos ang aking buhok na naka lugay sa aking harap.

"Habang tumatagal, nag babago ka na! Hindi ka naman ganiyan dati. Alam kong salbahe ako pag dating sa iyo! Pero mali naman yatang saktan mo 'ko dahil lang hindi ako mabuti sa iyo!" Hiyaw ko saka siya tinapak tapakan ang kaniyang paa.

Bagong bili ang tsinelas niya dahil pinalitan na iyon ni Mamá. Gawa nga ng malaman niya na hinagis ko sa ilog ang bulok at luma niyang tsinelas.

Naiinis man ako, unti-unti naman umuusbong ang ligaya sa kaniyang labi. Inakbayan niya ako ng di ako nag papaawat sa ginagawang pag tapak sa kaniyang paa. Basta galit ako. Galit ako at masakit ang dibdib ko. Hindi ko alam kung puso ko ba yung masakit o kung utak ko yung may problema. Basta masama ang naidulot sa akin ng pambabalewala ni Spencer.

Lumakad kami sa bakanteng lupain. Sa patag at madamong lupa. Naupo kami sa ilalim ng puno at doon ay sinimulan niyang basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Humarap siya sa akin at nag salita.

"Para sa akin ba iyan?" Tanong niya habang naka tingin sa hawak kong tsokolate.

"Sana. Kaya lang wala ka namang regalo." Biro ko saka binuksan ang balat ng tsokolate gamit ang aking ngipin.

Nag lihis siya ng tingin. Tumingala sa langit at tiniklop ang kaniyang tuhod. Kapansin-pansin ang kaniyang maong na pantalon. Hindi ganon kagusot at mukhang walang butas. Halata namang luma pero matino kumpara sa madalas niyang isuot. Ang kaniyang pang itaas, bagamat kupas wala naman itong mantsa o ngatngat ng bubwit.

"Pasensiya ka na kung hindi ako kasing yaman ni Fred ah. Mahirap lang kasi ako---sa ngayon."

Huminga siya ng malalim saka sumandal sa puno na aming sinisilungan. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Seryoso at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Bakit ka humihingi ng pasensiya?" Pag tataka ko saka binalik ang tingin sa hawak kong tsokolate.

"Dahil, siya may binigay pang dress. Sandals. Mayaman kasi siya." Turan niya at nag kibit balikat.

Kumirot ang puso ko ng marinig siyang humihingi ng patawad dahil mahirap siya. At sa tono ng pananalita niya, para bang isang malaking kasalanan ang maging mahirap.

"Hindi ko naman gusto lahat ng 'yon! Ikaw lang---"

"Ang saya mo! Nakita ko nga kung paano ka mag pasalamat kasi ang ganda at mukhang mamahalin yung binigay ni Fred. Papasok na sana ako kaya lang bigla akong nahiya." Mahina niyang sabi saka binunot ang damo sa kaniyang gilid at pinaglalaruan na para bang aliw na aliw siya sa bagay na iyon.

"Nakita mo yun? Ayokong mapahiya si Mamá kaya ginawa ko yun. Habang binubuksan ko nga yung regalo, ikaw ang nasa isip ko. Iniisip ko kung nag tinda ka o nangisda o baka umalis ka na ng hindi nag papaalam----"

"Inaalala mo 'ko? Wala naman ako don para alalahanin pa." Bagot niyang sabi saka niya pinunasan ang pawis gamit ang manggas ng kaniyang damit.

"Siyempre naman. Naka ilang kain na nga ako ng tsokolate sa tuwing naaalala kita. Ako na nga yata ang uubos non kung di ka pa darating. Para sa iyo talaga itong tsokolate." Inabot ko ang tsokolate hawak ng aking dalawang kamay. Ngumisi siya ng abutin iyon.

"Ayos lang kahit Wala kang iregalo sa akin." Dagdag ko habang ngumunguya siya.

"Salamat. Pero alam mo, may regalo talaga ako para sa iyo. Kaya lang hindi mamahalin. Pero pinaghirapan ko pa rin... para kahit paano, may maibigay ako sa huling birthday mo na mag kasama pa tayo." Aniya saka pinagpag ang kaniyang kamay.

"Talaga? Basta galing sa iyo, masaya na ako." Sambit ko habang sinisipat ang bagay na nasa kaniyang likuran. Kutob ko ay iyon ang regalo niya sa akin.

"Pikit ka muna." Utos niya na agad kong ginawa.

"Dilat na. Sana lang magustuhan mo..." Aniya.

Napataas ang kilay ko ng makita ang babasaging Jar na may kulay puting laman na likido. Napansin ko rin ang kaliwa niyang kamay na mayroong benda.

"Ano iyan?" Tanong ko at di pa rin iyon inaabot.

"Tawag dito, gugo. Katas ng niyog. Tulad ng sabi ko, hindi mamahalin pero pinag hirapan kong akyatin. Ako na rin ang nag piga para sa iyo." Turan niya na may pagmamalaki.

"Gugo? Para saan?" Pag tataka ko.

"Para sa buhok. Para kumintab at manatiling makapal at bagsak..." Paliwanag niya.

Napangiti ako ng marinig iyon. Inabot ko iyon saka ko pinasadahan ng tingin ang aking buhok na mistulang kumikinang sa labis na saya. Kakaibang saya dahil may isang tao na inaalagaan ang aking buhok at pinoprotektahan na para bang ayaw man lang niyang may isang hibla ang malaglag o dapuan ng kuto at pamahayan ng balakubak.

Sa buong buhay ko, ni minsan wala pa ang naka pag regalo sa akin ng ganito. Kaya naman sigurado ako na ito talaga ang pinaka tatatak sa lahat.

"At kaya ba nasugatan ka dahil sa ginawa mo?" Usisa ko.

"Oo. Pero ayos lang naman dahil mas naging espesyal iyan para sa akin. Hindi lang pawis kundi pati dugo inalay ko maibigay lang iyan sa'yo." Saad niya saka inubos ang tsokolate sa isang kainan.

"Salamat. Akala ko talaga kinalimutan mo na birthday ko. Buti na lang talaga hinabol kita!" Maluha-luha kong sabi saka siya niyakap.

"Tahan na." Pag aalu niya sa akin.

"Kapag yumaman ako, ibibigay ko sa iyo lahat ng mamahaling damit. Mula salawal hanggang saplot sa paa ay tiyak kong milyon ang halaga. Sa ngayon, ito muna. Ito lang ang kaya ko." Turan niya at inangat ang aking mukha. Muling nag tama ang aming paningin.

Dahan-dahan bumaba ang kaniyang mga kamay sa aking braso pababa sa aking mga kamay na nakalapat sa damuhan ng di nag aalis ng tingin sa aking mga mata.

"Kapag yumaman ako, dadamitan kita ng salapi. Hihiga ka sa pera at ikaw ang naman ang sasamba sa akin." Seryoso niyang sabi saka ngumisi.

Di ko na namalayan kung paano niya nagawang higpitan ang pag kakahawak ng aming mga kamay. Hindi ko magawang mag protesta dahil sinasang-ayunan ng aking katawan ang kakaibang epekto niya sa tuwing mag didikit o mag lalapit ang katawan namin sa isa't-isa.

Sa lahat ng regalo, ito ang pinaka espesyal na natanggap ko mula kay Spencer. Walang presyo ngunit may halaga. ♥

VOTE!