webnovel

CHAPTER 20

ASH POV

@NAIA Pasay City.

--------------------------------

Pag labas ko ng NAIA, agad akong sinalubong ni Lenon ng yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit para kay Mitch.

"Ikaw lang?"  Tipid akong ngumiti habang nililingon ang pinanggalingan niya.

"May iba ka pa bang pinag sabihan? Mukhang may iba ka pa yatang gustong makita?"  May halong panunukso sa tinig ni Lenon habang nanliliit ang mata ng titigan ako.

"Uy, akala ko kasi isasama mo si Vanessa." Ani ko.

Binitbit niya ang iba kong bagahe saka isinakay sa kaniyang sasakyan na mukhang bago lang sa aking paningin.

Ipinag bukas niya ako ng pinto ng sasakyan. Sa pagod ko ay hindi na ako makapag salita. Pakiramdam ko nga ay naka ere pa rin ako. Pero hindi na ganon kasakit ang ulo ko dahil sa jet log.

"Talagang handa ka na mag settle kasama si Vanessa ah?" 

Ngumisi siya at nag kibit-balikat.

"Itong sasakyan, mukhang pinag ipunan mo ng husto..."  malapad kong ngiti habang ginagala ko ang tingin sa kaniyang sasakyan.

"Itong sasakyan, nabili ko ng ibenta ang iba kong pundar. At iyong dream house namin ni Vanessa, katas ng france."  Nahihimigan ko ang ligaya at pagka bilib ng sabihin iyon.

Buti na lang at hindi ko kasama si Mitch. Dahil alam kong masakit marinig ang bagay na iyon mula kay Lenon.

"Ibang-iba ka na talaga! Proud na proud ako sa iyo."  Gigil kong sabi sabay jab sa kaniyang naniniksik na maskuladong braso.

"Nako! Mas proud ako kay Vanessa. For sure magiging close din kayo..."  Turan niya nang di nag aalis ng tingin sa daan.

"Um. Talaga?"  Tipid kong sambit saka tumango.

"Aha! Alam mo ba na bread winner siya dati. In a relationship si Vanessa for more than eight years. Inaya na siya pakasalan ng ex-boyfriend niya pero tumanggi siya kasi gusto niya makatapos ang mga kapatid niya. So, ayon! Nag kahiwalay sila at--kapalit naman ay may magandang career ang mga kapatid niya."  Kuwento ni Lenon saka ako sinulyapan ng mag stop kami.

Napanganga na lang ako habang nakikinig. Mukhang deserving naman pala si Vanessa. At hanga ako sa kaniya dahil hindi niya inuna ang sarili para sa pamilya. At nag bunga ang sakripisyong iyon.

"Galing naman. Nakaka proud nga. Kumusta naman yung guy?"  Usisa ko saka tumingin sa mga tumatawid.

"Ayon, ikakasal na sa June. At team namin ni Vanessa ang napili nilang mag asikaso ng kasal." 

Nag tigil ako at mabilis siyang nilingon.

"Ikakasal na rin? At si Vanessa ang coordinator?"  Taas kilay kong tanong ng di nag aalis sa kaniyang mukha.

"Ganon na nga! At sa loob ng three years nilang hindi nagkita, kailan na lang ulit sila nagkausap. Iyon bang nag kapatawaran? Siyempre, sumama yung loob nila sa isa't-isa..."  medyo sumeryoso siya ng paandarin muli ang sasakyan.

Ang dami ko sanang gustong sabihin at itanong pero hindi ko na ginawa. Ayokong magulo ang isipan niya at ma-misinterpret ang sasabihin ko.

Pero napapa-isip lang ako kung mag babago kaya ang damdamin ni Vanessa at ng ex niya sa mismong araw ng kasal nung guy? O baka naman noong nag usap sila, na realized nila na hindi naman nawala yung nararamdaman nila sa isa't-isa? Kung may feelings pa si Vanessa sa guy, nakaka panghinayang naman at masakit para sa kaniya kung siya mismo ang mag pa plano sa kasalan. At isa siya sa makaka saksi kung paano ikasal ang lalaking nauna niyang minahal bago si Lenon.

"Maiba tayo, may balita ka ba kay Spencer?"

"Wala naman. Si Roman at Ann ang tanungin mo."  Sagot niya ng di ako nililingon.

Napasulyap ako sa bintana ng sasakyan. Nag dadalawang isip kung sasabihin ko ba kay Lenon ang tungkol sa dummy account na nag padala sa akin ng mga larawan. Mabuti pang sarilinin ko muna ang personal na problema namin ni Spencer.

Ipipikit ko pa lang sana ang aking mata ng biglang hinto ang sasakyan namin ni Lenon. Napakapit ako sa aking kinauupuan dahil mukhang titilapon ako sa biglang preno ni Lenon.

"Oy! Langit na ba 'to?" Sambit ko. Salat ang aking noo na tumama sa bintana.

"Is that Spencer?"  Agad akong dumilat at tumingin sa direksiyon kung saan siya naka lingon.

Kakababa lang ni Spencer sa kaniyang mustang. Nanalamin pa siya sa bintana at hinawi ang buhok gamit ang daliri. Agad itong pumasok sa Victory Mall kasunod ang kaniyang mga body guards na bumaba mula sa puting van.

"Itabi mo!" Utos ko habang tinatapik siya sa braso.

"Bawal dito. Need natin mag U-turn---"

"Puwes bababa ako!"  Mariin kong sabi saka binitbit ang aking sling bag.

"Hoy! Tek----" 

Hindi ko na pknakinggan si Lenon. Basta bumaba ako at maingat kong sinusuri ang parking lot sa tapat ng mall. Baka sakaling may iba akong hindi inaasahang makikita. Humahaba ang aking leeg at umuusok ang aking ilong sa di malamang dahilan. Biglang nawala ang aking pagod at mabilis kong inakyat ang footbridge. Ilang sandali pa ay may naririnig akong hingal at mabilis na hakbang mula sa aking likuran.

"Ash! Ayos ka lang ba?"  Tanong ni Lenon.

"Nasaan ang kotse mo?" Di ko siya nililingon dahil nakatuon lang ang aking atensiyon sa Entrance ng mall. Malikot ang aking mga mata at salitang tinitignan ang exit at entrance. Nagba baka sakali na mahagilap ko si Spencer.

"Pinark ko sa katapat na drug store. No choice."  Hinihingal niyang sagot.

Di ko na siya pinansin at agad kong binuksan ang aking bag upang hindi na maabala sa pag check ang security guard.

"Nakikita mo ba si Spencer?"  Tanong ko kay Lenon habang ginagala ang aking paningin.

"Hindi. Bakit hindi mo tawagan?"  Kunot noo niya akong pinaharap sa kaniya at tinitigan ng mapanuri.

"Mukhang may maling nangyayari..."  turan niya habang himas ang baba.

"Not now! Please!"  Mariin kong sabi saka siya hinila.

"Nasaan na siya?"  Inis kong sabi habang sabunot ang aking buhok.

"Ash? Bakit paranoid ka? You're shaking!"  Bakas ang pag aalala ni Lenon habang naka suporta ang kamay niya sa aking likod.

"I don't know. I have this feeling na may makukuha akong sagot ngayon mismo!" 

"Sagot saan? Hindi ba kayo okay?"  Nalilitong Usisa niya.

"Maghanap ka na lang! Puwede?"  Siguro nga ay desperada na akong makakuha ng sagot. Maging si Lenon ay nasisigawan ko na. Napa singhal siya ng mag lihis ng tingin. Nananatili pa rin kami ni Lenon sa First ground ng mall. Paikot ikot ako habang hinahanap si Spencer. Ilang sandali pa ay una kong nakita ang kaniyang body guard na pababa sa escalator.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Spencer na nasa likod at masayang naka tutok sa phone. Mabilis akong tumalikod saka hinila si Lenon papasok sa fast food malapit sa exit. At dahil open at visible ang labas dahil salamin, nakita ko ang napaka gandang Mga bulaklak na higit sa fifteen kinds of bouquet flowers na hawak ni Spencer at ang isang paper bag na hindi ko alam kung anong nilalaman. Ang alam ko lang ay mga pambabae iyon base sa signature brand.

"Para kanino naman kaya iyan? Para sa'yo?" Tanong ni Lenon ng pihitin ako paharap.

Imposibleng para sa akin iyon. Dahil wala namang ibang pinag sabihan si Lenon na babalik ako ngayon sa Pinas.

"Imposible. Hindi ko din alam? Basta alam kong hindi para sa akin."  May lamya at lumbay kong saad saka lumabas ng fast food.

"Alamin natin."  Ani Lenon saka kumindat.

"Ano?"

"Sundan natin."  Turan niya saka ako madalian at sapilitang hinila palabas ng mall.

Lumakas ang loob ko dahil kasama ko si Lenon. Bago pa man makapasok si Spencer sa kaniyang mustang, nahulog ang paper bag saka tumilapon ang kahon na may nilalamang necklace. Inangat niya pa iyon saka sandaling tinitigan bago sumakay sa mustang.

"Paano natin siya susudan? Nasa kabila ang kotse mo?" 

"Isipin mong mabuti kung saan siya puwedeng pumunta. O di kaya kunwari kumustahin mo. Alamin mo!"

Mabilis kaming nag lakad sa tapat ng drug store kung saan siya nag park. Sinita man kami ng guard, pinili na lang namin ang manahimik. Tulad ng sinabi ni Lenon, tinawagan ko si Spencer. Matagal muna bago niya sinagot ang tawag.

"Yung totoo nga! Okay lang ba kayo?"   May irita sa tono niya ng mag tanong.

Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko alam kung okay ba siya ako lang ang may problema o baka naman may problema naman talaga pero pinipilit kong maging okay.

Sa halip na sumagot, nag kibit-balikat na lang ako.

Nang sagutin niya iyon, sumenyas ako kay Lenon na hinaan ang boses. Pinilit kong ikinalma ang sarili kahit pa nanginginig na ako. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o sisigaw na lang.

"Sweetheart? Buti tumawag ka. Ikaw sana ang tatawagan ko."  Aniya.

Nang marinig ko ang tinig niya, tila kumalma ang galit na alon sa aking dibdib. Nanlambot ako at nabalot ng labis na saya. Dahil ang boses niya ay malapit na sa akin. Dahil nasa iisang bansa na lang kami ngayon.

Kundi pa sana ako kinurot ni Lenon sa braso, tuluyan na sana akong natameme.

"Tatawagan mo 'ko? Nasaan ka ba? Gusto lang kitang kumustahin..."  kalmado at mahinahon kong sabi.

"Ah, papunta sa office ko. May dadaanan lang ako pero pauwi na rin ako."  Sagot niya.

Humarap ako kay Lenon matapos i-mute ang speaker ay doon ko na sinabi ang dapat naming puntahan.

"Sunrise Hotel. Ikanan mo." Utos ko kay Lenon.

"Hello Ash?"

"Mukhang busy ka nitong nag daang araw. Busy ka ba masyado?"  Tanong ko upang sandaling iligaw ang usapan.

"Yes. Sorry kung bihira kitang tawagan. Ngayon pa lang kasi nagiging maayos ang problema..."

"Ganon ba. Sige na! May gagawin pa kasi ako."  Sagot ko at agad pinutol ang tawag.

"Busy? Gaano ba ka busy para hindi niya ako magawang i-message?"  Bagot kong sabi habang aligaga sa pag labas ng aking make up kit.

"Ash, nanginginig ka. Kumalma ka nga. Pati ako natataranta na dito!"  Talak ni Lenon na ngayon ay wala na sa focus sa pag drive.

Hindi ko na siya pinansin pa. Tinutok ko ang salamin sa akin saka nag retouch. Sinuklay ko ang aking nagulong buhok hanggang sa bumalik ang kintab at pag bagsak nito sa dati.

"Sasabak ka ba sa beauty pageant? May pa blush on pa si Mayora!"  Natatawa niyang sabi pero inirapan ko lang siya. Tinignan kong mabuti ang aking sarili sa salamin. Medyo napakapal nga ang blush on kaya naman dali-dali akong kumuha ng tissue saka binura iyon.

Inalis ko na ang aking coat dahil medyo mainit na. Silky V-shape backless denim dress na kulay itim ang aking suot ay ang oxford leather boots na kulay brown at may taas na four inches. Nang makaparada na kami, doon ay pinigilan ako ni Lenon.

"Bakit?"  Tanong ko.

"Abangan na lang natin. Nariyan pa naman ang sasakyan niya!"   Kalmadong sabi ni Lenon saka ngumuso sa kaniyang kaliwang gilid. Naroon nga naka parada ang sasakyn ni Spencer.

"Bakit ba natin siya sinundan dito?"  Tanong ni Lenon.

"Ikaw ang nag sabi na alamin natin kung para kanino yung bulaklak at yung gift thing right?"

"What if para sa iba? Na espesyal pala sa kaniya maliban sa family? Tapos hindi para sa iyo?"  Dahan-dahan at puno ng pag iingag ang bawat niyang bigkas sa mga salita.

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. Isipin ko pa lang na para iyon sa iba, para na akong sinaksak.

"Nakaka iyak ba yung sinabi ko?"  Nag aalalang tanong ni Lenon saka ako inaalo n parang paslit.

"Lenon, feeling ko kasi niloloko niya ako."  Pag tatapat ko kasabay ng pag tulo ng aking luha. Yumuko ako saka ipinakita ang mga kuhang larawan na ipinadala sa akin mula sa dummy account.

Napanganga si Lenon matapos iyong makita. Dumilim ang kaniyang mukha kasabay ng pag tunugan ng kaniyang tikom na kamao na naka patong sa ibabaw ng manubela.

"Stop crying. Wala ka pa naman napapatunayan. Wala pa. At ngayon na narito na tayo, malalaman mo na rin."

Muli akong humarap sa salamin. Inayos ko ang aking damit saka pinunasan ang nag kalat na oil sa aking mukha.

"Palabas na siya!"  Ani Lenon habang naka tingin sa entrance.

"Dito lang ako. Bumaba ka na. Hindi ko na dapat pa marinig ang issue niyong dalawa. Basta pag di mo na kaya, bumalik ka dito para ihatid ka na sa Hotel na tutuluyan mo..." Dagdag niya.

Ngumiti naman ako kay Lenon. Huminga ako ng malalim bago bumaba. Nakangiti ako ng humarang sa daraanan nina Spencer. Napatigil sa pag lalakad maging ang kaniyang body guards. Sandali siyang nag tigil. Napa uwang ang kaniyang bibig na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

"Ma'am Ash?" Naka ngiting sambit ni mang mario sa akin.

"Kumusta po?"  Magalang kong tanong saka sila tinitigan isa-isa.

"Ayos naman ma'am."

"Sweetheart?" Gulat na sambit ni Spencer.

Hindi ko alam kung bakit wala akong masilip na ligaya sa kaniyang mga mata. Parang hindi siya maligaya na makita ako.

"Mauna na ho ba kami Sir?" Tanong ni tacco habang salitan kaming tinitignan ni Spencer.

"Yes." Sagot ni Spencer.

Agad nila kaming iniwan habang ako naman ay sumulyap pa sa kotse ni Lenon.

"Akala ko ba sa 5 ka pa babalik?"  Nananatiling blangko ang kaniyang ekspresyon.

Gusto ko na sumabog dahil hindi naman ganito ang inaasahan kong tagpo namin. Sa halip na yakap, ito ang sumalubong sa akin.

"Hindi ka ba happy na narito ako?"  Nakanguso kong sabi saka tipid na ngumiti. Kahit pa gusto ko na maiyak dahil hindi ko pa rin maramdaman ang yakap niya.

"Ash! Sobra! Hindi ko lang inaasahan ang pag dating mo."  Malambing niyang sabi na mayroong nangingilid na luha kasunod ng yakap na sobrang init. Yakap na nag bigay tahanan sa aking mahabang pangungulila.

Tumulo na ang aking luha ng maramdaman ang mahigpit niyang pag yakap. Matagal at sobrang init na para bang wala ni-isa sa amin ang may balak na kumalas.

"Ikaw talaga Ash! Palagi mo na lang akong ginugulat."  Sambit niya habang mag kadikit ang aming mga noo.

"Gusto kitang i-surprise." Sambit ko.

Ngumiti siya saka ako hinalikan. Bumaba ang kaniyang mga kamay sa aking bewang. Hindi namin alintana ang napapatigil sa tuwing madaraanan kaming nag hahalikan. Para bang kahit sinong banal ay hindi kami mapag hihiwalay o maaawat man lang.

"Sweetheart nasa public tayo."  Nakangisi kong sabi habang hawak siya sa balikat.

"This is my territory and You're my property. So what?"  Nakangisi niyang sabi bago ako muling hinalikan.

Ginantihan ko muli iyon ng buong pag mamahal. Ilang sandali pa ay walang humpay na busina ang nag paingay sa parking lot. Nag tigil kami at napalingon sa kotse ni Lenon na umaatras na.

Ngumisi ako at kumaway sa kaniya. Marahil aabangan niya na lang ako sa hotel.

"Who's that?"

"That's Lenon. Siya ang nag sundo sa akin."

"Inabala mo pa siya. Bakit hindi na lang ako?"  Takong niya saka kumaway kay Lenon bago tuluyang maka alis.

Bago pa man ako sumagot, isang tinig ang nag patigil sa amin ni Spencer na sabay naming nilingon.

"Ash? Naka balik ka na pala?"  Di makapaniwalang tanong ni Trixie na pinasadahan pa ng tingin ang aking kasuotan.

Diretsyo akong nakatingin sa kaniyang mga mata saka sumagot.

"Ngayon lang. Kakabalik ko pa lang." Malumanay kong sabi saka ngumiti sa kaniya.

Napukaw naman ng aking atensiyon ang hawak niyang bouquet na pamilyar sa akin. Kundi ako nag kakamali, iyon din ang hawak ni Spencer kanina. Muli akong nag angat ng tingin sa kaniyang kumikinang na kuwintas. Kuwintas na kanina lang ay ipinagdarasal ko na para sa akin.

"Gosh! Matutuwa si Dad kapag nalaman niyang nakabalik ka na."  Masaya niyang sabi saka ako niyakap.

Niyakap ko rin siya pabalik kahit pa sobra na akong nahihirapang itago ang sakit na aking nararamdaman.

"May pasalubong ako para kay Austine. Dadalawin ko sana kayo sa bahay niyo. Bukas?"  Mahinahon at may kasamang pag titimpi kong sabi.

Lumapad ang kaniyang ngiti at sumang-ayon sa aking ideya. Ilang sandali pa ay di ko na napigilan ang sunod sunod na pag bagsak ng aking luha. Tuluyan na akong sumabog.

"Sweetheart ayos ka lang?"

Tumango naman ako habang pinupunasan ang aking pisngi. Nahihiya man ako sa harap ni Trixie pero hindi ko kayang pigilan ang sariling luha. Mas mahirap itago ang sakit kaysa mag panggap na masaya. Gayon pa man, ngumiti pa rin ako sa kanila. Humawak ako sa bewang ni Spencer habang diretsyong naka titig sa kaniya.

"Ash?"

Nabaling ang aking pansin kay Tyrone na ngayon ay naka akbay kay Trixie. Kung ganon narito rin si Tyrone?

"O, hello!" Sambit ko at kumaway sa kaniya.

"Buti naabutan mo pa kami. Kanina pa sana kami naka alis kaya lang nakalimutan ko yung gifts ko for my wife. Sakto naman at malapit si Spencer sa Victory Mall kaya naki suyo ako sa kaniya..."  Maligayang sabi ni Tyrone saka kumindat sa asawa.

Kung ganon, kay Tyrone galing ang bouquet at kwintas? Hindi kay Spencer?

"Ganon ba?  Anong gift naman?"  Usisa ko.

Sinalat ni Trixie ang kaniyang kwintas saka iyon inangat ng may kasamang pagmamalaki.

Parang nabunutan ako ng tinik ng malaman iyon galing mismo kay Tyrone. Abot langit ang ngiti ko ng bumaling ako ng tingin kay Spencer. Buong akala ko, galing kay Spencer ang mga iyon. And I'm so stupid para pangaraping sana para sa akin ang mga bagay na binili ni Tyrone para sa kapatid kong si Trixie.

"So, welcome back! Sana maka pag get together naman tayo minsan."  Ani Tyrone saka hinagip ang asawa papasok ng kanilang sasakyan.

"Ash I think we need to talk?"  Nanliit ang kaniyang mata ng sabihin iyon.

"Talk? Lang?"  I smiled ear to ear.

Kinagat niya ang ibabang labi saka ako binuhat papasok sa mustang.

Muli kong naalala ang huling pagkakataon na pumasok ako dito. Kailan naman kaya mauulit ang bagay na iyon?

"What are you thinking? Asa ka naman Ash!" Nakangising sabi ni Spencer bago iatras ang sasakyan.

Mukhang nabasa niya sa kilos at awra ko ang kung anumang bagay na tumatakbo sa aking isip. Napangisi naman ako dahil don. Basta ang mahalaga sa akin ngayon, kasama ko na ang lalaking naging sanhi ng bawat kong inspirasyon.

Dahil sa labis na tuwa, habang nag mamaneho siya ay hinahalikan ko siya ng walang katapusan. Hinayaan niya lamang ako sa aking ginagawa hanggang sa marating namin ang Paraiso naming dalawa...