webnovel

The Mermaid, the Prince and the Wizard (Tagalog)

A three-part trilogy fantasy novel. Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdigan nagkaroon ng kapayapaan sa apat na kontinente ng mundo. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tanging nais ay kilalanin ang kanyang kakayahan sa buong mundo. Isang talentadong black wizard na may pilyong pag-uugali ang pilit hahanapin ang kanyang pinagmulan. Ang tatlong buhay nila ay pagbubukludin ng kapalaran. Sa muling pagbangon ng kasamaan dulot ng muling paggising ng Dark Lord na si Hellsing, muli na namang malalagay ang mundo sa panganib. Nasa kamay ng makabaong henerasyon ang kaligtasan ng buong mundo. Magawa nga kaya nila ang kanilang misyon? Marami silang pagsubok na kakaharapin, malalakas na kalabang kakalabanin. Maraming katanungan ang sasagutin. Sa paghahangad ng tatlo ng pag-ibig, katanyagan at kapangyarihan magampanan kaya nila ang itinakdang tungkulin na iginuhit sa palad nila? A journey to a magical world full of mystery, magic and adventure.

Mai_Chii · ファンタジー
レビュー数が足りません
42 Chs

Mermaid’s Tale: Good bye for now

HABANG nakasakay sa likod ng karwaheng naghahatid ng mga tuyong damo sina Azurine at Seiffer, nakadapo naman sa ulo ni Seiffer si Knowledge.

"Ano'ng nangyari sa inyo kagabi?" pang-uusig na tanong ni Knowledge, may matalim na tingin sa dalawa.

"Ah-eh…" alanganing sagot ni Seiffer. "Wala naman, natulog lang, nyahaha!" Sabay tawa nang nakakaloko.

Lumipad sa tapat ng mukha ni Seiffer si Knowledge, hindi siya komporme sa sinabi ng binata. "Sigurado ka?" Tila kumikislap na tala ang mga matalas nitong tingin kay Seiffer.

"Oo naman! Ano bang akala mo sa akin?!"

"Isang manyak na binatang mahilig sa boobs!" pagtutuloy ni Knowledge.

"Hoy! Sobra ka naman! Hindi ako manyak, noh! Marunong lang ako kumilala ng magandang katawan ng isang babae."

"Ginoong Seiffer!" Nakakunot ang noo ni Azurine, halatang insecure siya at may pagseselos sa mga tingin.

"S-Syempre, number ang katawan mo sa lahat, Azurine! Ikaw yata ang may pinakamagandang hubog ng katawan sa lahat ng babaeng nakilala ko!" pagmamalaki pa niya.

Nabatukan tuloy siya ng kwago. "Baliw! Lumalabas tuloy na manyak ka nga talga!" Sinundan pa ng isang batok sa ulo.

"Hoy! Nakakarami ka nang kwago ka, a!"

Parang mag-amang nagtatalo ang dalawa. "Azurine, hindi naman ako gano'n 'di ba?" parang batang nagpapaamo si Seiffer sa balikat ng sirena.

Natawa nang bahagya si Azurine sa kakatuwang kilos ni Seiffer. Sa wakas, bumalik na rin ang dating masiglang Seiffer na kilala niya. Sa kaloob-looban ng sirena, masaya siya sa kabila nang nangyari sa mga nakalipas na araw.

"Maligayang pagbabalik, Ginoong Seiffer." Dinantay ni Azurine ang ulo niya sa ulo ni Seiffer habang nakayapos si Seiffer na parang bata sa braso niya.

"Hay! Halatang in love kayo sa isa't isa… nakakasuka!"

"Hoy! Sumusobra ka nang kwago ka, a! Inggit ka lang, bleh!"

"Tama na nga 'yan, kayong dalawa talaga…" pigil ni Azurine sa asaran ng dalawa.

Narinig nilang tumawa ang nagpapatakbo ng karwahe na isang magsasaka. Nagkatinginan lang sina Azurine at Seiffer sabay na natawa. Hanggang sa makarating sila sa 'di kalayuan mula sa tarangkahan ng gate ng palasyo.

"Manong! Maraming salamat po!" pasasalamat ni Seiffer.

"Walang anuman, Prinsi—ginoong Seiffer!" Inangat ng matanda ang straw-hat niya't nayuko bilang paggalang sa dating prinsipe ng Alemeth.

"Manong ito po tanggapin n'yo bilang pasasalamat." Ibinigay naman ni Azurine ang extrang tinapay at keso na dala nila. "Pasensya na po at ito lang ang nakayanan namin."

"Hahaha! Wala iyon, hija. Maraming salamat sa tinapay at keso," ngiting litanya ng matanda.

Umalis ang matanda sakay ng kanyang karwahe. Naglakad naman patungo sa palasyo sina Azurine at Seiffer. Si Knowledge naman ay pansamantalang naglaho at nagtungo sa lugar kung saan namamahinga ang mga familiar. Isa itong secret dimension ng mga familiar.

Sa paglapit nila sa mataas na tarangkahan ng palasyo, kaagad silang sinalubong ng dalawang kawal na nagbabantay dito. Nang makilala nila ang dalawa kaagad silang tinutukan ng mahabang spear.

"Teka muna—"

"Hayaan mo na, Azurine."

Nagulat si Azurine sa hindi magandang trato sa kanila ng mga kawal.

"Ipagpaumanhin n'yo, pero ang utos sa amin ay tutukan kayo ng sandata sa oras na makita namin kayo. Pumasok na kayo sa loob."

"Isang malakas na ingay ang ginawa ng isa pang sundalo. Pinatunog ang trumpetang hugis sungay, gumawa ito nang napakalakas na ingay na rinig sa buong palasyo. Pagkapasok nina Azurine at Seiffer, kaagad sumalubong sa kanila sina Zyda at Octavio.

"Prinsesa Azurine!" tumatakbong tawag ni Octavio sa kaibigan.

"Octavio!" Sasalubong sana si Azurine nang harangan siya ng dalawang kawal. Gamit ang mahaba nilang spear na ipinagdikit sa isa't isa upang hindi makalagpas si Azurine.

"Hanggang diyan lang lang kayo!" pigil na sambit ng isa sa kawal.

Nang dumating si Prinsipe Eldrich, naglakad ito patungo sa kinaroroonan nina Azurine. Tila blanko ang mukha ng prinsipe nang harapin nito si Seiffer. Nagkatitigan ang dalawa, walang sabi-sabi nang bunutin ni Prinsipe Eldrich ang kanyang espada.

"Hayaan n'yong lumapit ang takas na lalaking 'yan!" Mabigat ang tinig ni Eldrich, itinutok niya ang talim sa harap ni Seiffer. Hiningi ni Eldrich ang espada ng isang kawal at ibinigay naman ito sa isang kamay ng prinsipe. Hinagis ni Eldrich ang espada na sinalo naman ni Seiffer.

"Teka, ano'ng gagawin ko rito?" pabirong tanong ni Seiffer.

"Ano pa ba sa tingin mo?!" Biglang lumusob si Eldrich, nahiwa niya ang damit sa tagiliran ni Seiffer. "Lumaban ka!" sigaw niya.

Hinawi ni Eldrich ang espada niya sa iba't ibang dereksyon. Advantage sa laban si Elrdich dahil bihasa siya sa paggamit ng espada habang si Seiffer naman…

"S-Sandali! Papatayin mo ba ako, Eldrich?!" malokong iniiwasan ang bawat paghataw ni Eldrich ng kanyang espada.

Takbo rito, takbo roon, iwas dito, iwas doon ang ginagawa ni Seiffer. Para siyang palaka na patalon-talon habang umiiwas sa atake ni Eldrich.

"H-Hindi ako magaling sa espada!!!" Para siyang kengkoy na hawak-hawak lang ang espada pero hindi niya ito magamit dahil abala siya sa pag-iwas sa patuloy na pagsalakay ni Eldrich.

"Teka, time first! Relax ka muna, Eldrich!"

"Tumahimik ka! Lumaban ka! Huwag kang duwag!" Isang matinding pag-atake ang ginawa ni Eldrich, ginamitan niya ito ng special attack. "Slash of Justice!" Lumiwanag ang espada niya at gumawa ito ng mahabang paghiwa sa hangin na may nakakasilaw na liwanag.

Sa pagkakataong ito naging seryoso na si Seiffer. Bago pa man tumama ang atake ni Eldrich nagawa niyang ilabas ang magical scepter niya.

"Ad levare!" sambit niya sa magic spell na nagpalutang sa kanya sa ere.

Nagawa niyang iwasan nang mabilis ang special attack ni Eldrich, sa mabilis na pag-cast ng magic spell.

"Heh! Mukhang seseryosohin mo na ako ngayon, a!" Ngumisi si Eldrich, halatang nasasabik siya sa pagpapatuloy ng kanilang laban.

"Aba! Ito pala ang gusto mong istilo ng pamamaalam, Kapatid kong Prinsipe!" Gumuhit ang sarkastikong ngisi sa labi ni Seiffer.

Ngayon na lang ulit silang dalawa naglaban nang ganito. Matagal na rin nilang gustong gawin ito dahil ito lang ang paraan nila para mailabas ang kanilang saloobin sa isa't isa.

"Sabihin mo kung ano'ng plano mo ngayon, Seiffer!" sigaw ni Eldrich habang binibigyan ng buong pwersang pagsalakay si Seiffer.

"Ignis Flammae!" Nagpakawala ng apoy si Seiffer gamit ang magic spell. Napaatras si Eldrich sa pag-iwas sa mga apoy na ibinabato ni Seiffer sa kanya. "Babalik kami sa kaharian nina Azurine, kailangan siya ng pamilya niya roon. Isang mahalagang misyon ang gagawin namin, kasama na rin ang pagtanggal sa sumpa," paglalahad ni Seiffer habang nakalutang sa hangin.

Bumaba si Seiffer sa lupa, naglakad patungo kay Eldrich. Itinigil niya ang pagsalakay nang mapansin ang paghingal ni Eldrich sa kanyang pag-atake. Hinihingal din si Seiffer dahil mas nauna siyang atakihin ni Eldrich kanina ng kanyang espada.

"Gano'n ba?" Huminga nang malalim si Prinsipe Eldrich, hinawi niya muna ang espada niya sa hangin bago niya ibinalik ito sa loob ng scabbard.

Lumapit sila sa isa't isa.

"Eldrich," mahinang banggit ni Seiffer sa pangalan ng prinsipe.

"Seiffer, ingatan mo sana si Azurine at Octavio." Itinaas ni Eldrich ang kamay niya't inilapat ang palad sa harap ni Seiffer.

Kinuha ni Seiffer ang kamay ni Eldrich sabay hinatak ito patungo sa kanyang dibdib. "Kapatid ko," bulong niya sa gilid ng prinsipe.

"S-Seiffer?" Biglang nangilid ang luha ni Eldrich nang maramdaman ang pamilyar na pakiramdam na matagal na niyang hindi nararamdaman.

Ang pakiramdam niya noong sila ay mga bata pa. Si Seiffer na kanyang tinitingala bilang nakatatandang kapatid. Ang kapatid niyang palaging nagpoprotekta sa kanya noon, ang kapatid na palaging umaako ng sakit at parusa sa lahat-lahat.

Tinapik-tapik ni Seiffer ang likod ni Eldrich. "Ipinapaubaya ko na sa 'yo sina Ama at Ina, hindi ko man sila tunay na mga magulang, inaruga pa rin nila ako at ginawang prinsipe. Patawad sa mga nasabi ko noon, patawad at palagi kong ginagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Sa huli, nalaman kong… gusto ko lang talagang magpapansin dahil ayaw kong mawala kayo… pasensya kana at nagkaroon ka ng kapatid na tulad ko, Eldrich."

"Baliw ka!" Itinulak ni Eldrich nang bahagya si Seiffer palayo sa pagkakayakap. Hinawakan niya sa magkabilang braso ang itinuturing pa rin niyang kapatid. "Kahit kailan, ikaw pa rin ang tinitingala kong kapatid! Ipinagmamalaki kita sa lahat!"

"Salamat…"

Sa mga sandaling iyon, naglaho ang anumang masamang dinadamdam ng dalawa sa isa't isa.

"Patawad din sa ginawa kong pagtanim ng alaala ko sa 'yo. Natakot lang talaga akong harapin ang nararamdaman ko para kay Azurine. Sa kagustuhan kong sumaya siya sa piling ng isang prinsipe, lalo ko lang siyang nasaktan."

"Alam ko, huwag mo na lang uulitin. May sarili akong alaala, maging ikaw at sila. Harapin mo ang lahat nang buong tapang."

Tumango si Seiffer na parang batang sinermonan ng nakatatandang kapatid.

"Ginoong Seiffer, Prinsipe Eldrich," sambit ni Azurine sa pangalan ng dalawa.

Lumapit si Eldrich kay Azurine, habang hawak ang kamay ni Seiffer. "Hanggad ko ang kaligayahan ninyong dalawa." Ipinatong niya ang kamay ni Seiffer sa ibabaw ng kamay ni Azurine. "Bumalik kayo rito, ituring n'yo pa rin na tahanan ninyo ang palasyong ito."

Magkapatong ang kanilang mga kamay, sabay ngumiti sa isa't isa. Isang magandang eksena na napipinto nilang pansamantalang pag-lisan.

"Saan man kami dalhin ng aming mga paa, siguradong babalik at babalik kami rito," paniniguro ni Seiffer. "Sa ngayon, ikaw na muna ang bahala sa kaharian. Maging isang matatag at malakas kang pinuno, Eldrich."

"Oo! Ikaw din, magtino ka na at huwag mo nang sasaktan si Azurine. Ayaw ko nang makita pa siyang umiiyak nang dahil sa 'yo."

"Biro ba 'yan o pinagbabantaan mo na ako, ha?" Ngumisi nang alanganin si Seiffer sa pahayag ni Eldrich.

Natawa lang sa kanila si Azurine. "Natutuwa ako dahil okay na kayong dalawa. Kapag natapos na ang lahat ng suliranin, magsama-sama tayong muli, kasama sina Liset at Zyda. Gusto ko kayong makasama sa isang masayang salo-salo."

"Aba, masaya 'yan!" Sumali si Octavio sa kanilang tatlo.

"Dapat lang kasama kami!" Gano'n din si Zyda.

Magkapatong-patong ang mga kamay nila sabay tumawa na parang wala nang bukas.

Matapos niyon, hinarap na ni Eldrich si Seiffer sa harap ng mahal na hari at mahal na reyna. Naroon din sa bulwagan si Duke Earl na nag-aabang sa kanila.

Nang makapasok sa loob ng bulwagan, isang mabilis na pagyakap ang ginawa ni Duke Earl kay Seiffer.

"Lolo, ayos na ang lahat!"

"Seiffer? Ikaw ba talaga 'yan? Tinawag mo na akong 'Lolo'?"

Si Duke Earl Goodwill ang Lolo ni Seiffer, siya ay tunay na anak ng noon ay kilalang black wizard na si Gillheart Wisdom at anak na babae ni Duke Earl na si Leticia Goodwill.

Sa mga oras na iyon pinag-usapan nila ang mahalagang bagay at ang pansamantalang pamamaalam sa kaharian.