webnovel

The Mermaid, the Prince and the Wizard (Tagalog)

A three-part trilogy fantasy novel. Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdigan nagkaroon ng kapayapaan sa apat na kontinente ng mundo. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tanging nais ay kilalanin ang kanyang kakayahan sa buong mundo. Isang talentadong black wizard na may pilyong pag-uugali ang pilit hahanapin ang kanyang pinagmulan. Ang tatlong buhay nila ay pagbubukludin ng kapalaran. Sa muling pagbangon ng kasamaan dulot ng muling paggising ng Dark Lord na si Hellsing, muli na namang malalagay ang mundo sa panganib. Nasa kamay ng makabaong henerasyon ang kaligtasan ng buong mundo. Magawa nga kaya nila ang kanilang misyon? Marami silang pagsubok na kakaharapin, malalakas na kalabang kakalabanin. Maraming katanungan ang sasagutin. Sa paghahangad ng tatlo ng pag-ibig, katanyagan at kapangyarihan magampanan kaya nila ang itinakdang tungkulin na iginuhit sa palad nila? A journey to a magical world full of mystery, magic and adventure.

Mai_Chii · ファンタジー
レビュー数が足りません
42 Chs

Mermaid’s Tale: Battle in Pirate Island part – 2

UMALINGAWNGAW ang mga sandata ng dalawang naglalabang panig. Ang hukbong pinamumunuan ni Prinsipe Eldrich kasama ng mga mahikero ng Oero, ilang sundalo ng Elgios at sundalo ng Sario. Kalaban nila ang mga kilabot ng karagatan, mga magnanakaw na siyang tinutugis ng mga kaharian, ang mga pirata.

Kasalukuyang nakikipagtagisan ng espada si Eldrich kay Zanaga. Pinigilan niya ang banta nitong pagpaslang sa kapatid niyang si Seiffer. Nakakuha naman ng tyempo ang ilang kawal at kanilang nabawi ang dalawang bihag.

"Tatapusin ko na rito ang kasamaan n'yo, mga pirata!!!" sigaw ni Eldrich. Gigil na gigil siya sa bawat paghataw ng espada niya na nasasalag naman ni Zanaga.

Kahit iisa na lang ang kamay ng pinuno ng pirata, malakas pa rin itong humataw gamit ang two handed sword niyang gamit. "Nagkakamali ka nang iyong inaakala! Akala n'yo naisahan n'yo kami sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga mahikero ng Oero!" Hinataw ni Zanaga sa kaliwang gilid ang bitbit niyang sandata.

Mabilis ang pagkilos ni Eldrich at kanya itong nailagan. "Alam kong may mga nagtatago pang kasamahan n'yo! Nasaan ang dalawa pang hari ng karagatang kasama mo?!!!" Nilusob ni Eldrich pasulong ang kanyang espada puntirya ang dibdib ni Zanaga.

Humawi sa hangin ang matalas na dulo ng espada ni Eldrich. Nadaplisan niya sa dibdib si Zanaga nang umatras ito nang mabilis. Pawang hinihingal ang dalawa sa laban nila. Walang gustong magpatalo at walang gustong mamatay. Nang ngumisi nang malaki si Zanaga't tumawa ito nang malakas.

"Tapos na ang oras! Aatras na kami!" Mabilis na tumalikod si Zanaga't tumakbo patungo sa pangpang kung nasaan ang barko nilang mga pirata. Sumigaw si Zanaga sa mga tauhan niyang nakikipaglaban sa ibang mga sundalo.

"Atras na!!!" mariin nitong utos.

Marami nang nalagas sa tauhan ni Zanaga, wala naman sa panig nina Eldrich ang nagtamo ng matinding pinsala o namatay. Nang magsipag-atrasan ang mga pirata patungo sa pangpang.

"Maganda ang tinig na bumabalot sa ating laban, Prinsipe!" ngumisi nang nakakaloko si Zanaga na siyang ipinagtaka ni Eldrich. "Ano'ng akala n'yo hindi namin alam? Mga duawag kayong nagtatago sa likod ng isang babae! Mga umaasa sa healing magic ng isang—"

"Boss, narito na ang lahat!" sabat ng isa sa tauhan niyang pirata.

Halos lahat ng mga naglalaban ay may naririnig na awiting nakakabighani. May dulot itong healing magic sa mga kakamping panig nina Eldrich.

Susunod pa sana si Eldrich nang pigilan siya ni Seiffer. "Eldrich, nasaan sina Azurine?!" mabilis niyang tanong.

Umiling si Eldrich. "Wala sila rito, may ipinakiusap ako kay Azurine. Isang mahalagang gawain ang gagampanan niya na inutos ko sa kanya."

"A-Ano'ng inutos mo sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Seiffer. May pagkumpirma na bumabakas sa mukha niya.

Natigil si Eldrich at ibinulong sa kanya ang mahalagang gampaning inutos niya sa dalaga.

***

(Flash Back)

(Bago ang paglalayag nila patungo sa isla ng mga pirata)

"Gusto ko ring tumulong, Prinsipe Eldrich!" sambit ni Azurine. Nasa loob sila ng silid sa loob ng barko. Tanging silang tatlo ni Octavio ang naroon.

"Delekado! Ayokong mapahamak ka. Isa pa, nasa gitna tayo ng karagatan. Sa oras mabasa ang mga paa mo ng tubig alat ng dagat babalik ang buntot mo," paliwanag ng prinsipe.

"Alam ko! Pero, sawa na akong palagi na lang akong pinagtatanggol! Gusto kong tumulong! Lalaban din ako!" matapang na pahagay ni Azurine.

Napaisip si Prinsipe Eldrich. Itinuon niya ang hinlalaking daliri sa ilalim ng baba. "Kung gano'n may isa akong ipapagawa sa 'yo na tanging ikaw lang ang may kakayahang gumawa."

"Teka muna Prinsipe, hindi ako papayag kung ilalagay mo sa panganib ang buhay ni Prinsesa Azurine." Pumagitna si Octavio. Hindi papayag ang matalik na kaibigan ni Azurine na mapahamak siya. Isa yatang sundalo sa kailaliman ng karagatan itong si Octavio. Ibinigay ang batang pugita para tingnan at protektahan ang batang sirena.

"Huwag kang mag-alala, hindi kayo sasama sa pakikipag laban." Humarap si Eldrich sa mapang nakalatag sa mesa. "Sasakay kayo sa maliit na bangka. Kayong dalawa lang. Pipilitin naming ituon ng mga pirata ang atensyon sa magaganap na labanan. Dito kayo magtatago't pupwesto. Sa malaking bato na ito. May kaunting kalayuan ito sa isla pero kung tama ang tantiya ko kayang umabot ng tinig mo sa isla. Tama ba?"

"Teka muna! Papakantahin mo si Prinsesa Azurine?!" Napahataw ni Octavio ang kamay niya sa mesa.

"Oo! Magagamit niya ang kakayahan ng tinig niya na magpagaling ng pinsala ng mga sundalo. Maging kami ay mapapagaling din niya. Isipin n'yo na lang, hindi matatalo ang buong hukbo at walang mamamatay sa panig natin!" Magkaharapan sina Eldrich at Octavio.

Hindi gusto ni Octavio ang tumatakbo sa isip ng prinsipe. Hinawakan siya sa braso ni Azurine upang pakalmahin. "Pumapayag ako. Kung makakatulong ang tinig ko upang mailigtas ang buhay nina Ginoong Seiffer at Lady Liset, gagawin ko."

"Prinsesa—"

Nilapat ni Azurine ang hintuturo niya sa labi ni Octavio upang tumahimik ito. Walang nagawa ang kaibigan niya sa kanyang desisyon. "Sabihin mo Prinsipe Eldrich kung ano pa ang dapat naming gawin."

"Wala na kayong ibang gagawin. Kapag nakita ninyo ang magic circle sa langit na gawa ng mga mahikero ng Oero, simulant mo nang kumanta." Hinawakan ni Eldrich ang kamay ni Azurine. "Pasensya kana, ikaw lang ang makakagawa nito. Walang healer sa ating panig kundi ikaw lang. Hindi naman nila maaaring malaman ang tunay mong anyo kaya kinakailangan mong magtago."

Tumango si Azurine, may kaba sa kanyang puso. Pero para sa kanyang prinsipe at ibang tao gagawin niya iyong sa tingin niya ay makakabuti. Busilak talaga ang kanyang puso. Kaya may inis sa kilos ni Octavio. Tila may kutob siyang hindi maganda na mangyayari sa labanang magaganap sa isla.

***

(Sa kinaroroonan nina Azurine at Octavio)

(Bago dumating sa kalagitnaan ng labanan nagpakawala ng magic circle sa langit ang mga mahikero na siyang naging signal ni Azurine)

PINAGMAMASDAN ni Octavio ang kaibigan niyang prinsesa habang nakaluhod ito at nakatingala sa kalangitan. Tila nanalangin dahil sa posturang magkadaop-palad at nakapikit. Taimtim itong umaawit nang buong puso. Banayad ang tubig sa dagat at tahimik silang nakakubli sa malaking batong nakausli 'di kalayuan sa isla ng mga pirata.

Wala nang nagtutungo roon gaya ng plano ni Prinsipe Eldrich. Ang tinig ni Azurine ay kumakalat na parang sound wave. Mahiwaga, mainit at masarap sa pakiramdam ang nilalabas niyang tinig mula sa kanyang bibig.

Lahla-lalilala-la la la la… lalilala-la-la… la la la la li la-lah… lah…

Nakamasid lang si Octavio sa paligid. May ilang oras na rin ang nakakaraan nang mag-umpisa si Azurine sa pag-awit. Sigurado silang marami na silang natulungang sundalo.

Sa hindi inaasahang pangyayari tatlong barko ang biglang sumulpot mula sa likuran ng kanilang sinasakyan. Mula sa makapal na hamog na kumakalat sa dagat lumitaw ang mga ito. Sakay ng dalawa sa malaking barko ang dalawa sa tatlong hari ng mga pirata ng karagatan. Sina Ashlando at Serarah.

Nanginig ang buong katawan ni Octavio nang masilayan niya ang tatlong malaking barko.

"P-Paano? Paano nila nalaman ang kinaroroonan namin?" nawiwindang na tanong ni Octavio sa kanyang isipan.

Pinalibutan ng tatlong malaking barko ang maliit nilang sinasakyang bangka. Natigil sa pagkanta si Azurine nang pamansin ang mga ito sa paligid nila.

"Octavio!" takot na sambit ni Azurine. Napayakap siya sa kaibigan. "A-Ano'ng gagawin natin?"

"Sa likod ka lang Prinsesa, poprotektahan kita."

Paano naman poprotektahan ni Octavio ang kanyang prinsesa? Gayong dalawa lamang sila at nalantad ang magandang tinig ni Azurine sa mga ito.

Lumabas ang isa sa tatlong hari ng mga pirata, si Serarah ang pirate empress. "Tingnan mo nga naman! Nakakamanghang tinig! Tunay nga ang sinabi ni Zanaga, ano sa tingin mo, Ashlando?" Napatingin siya sa kabilang barko kung nasaan nakatayo ang lalaking payat at maraming tattoo sa katawan. Ang manunubos na si Ashlando.

"Kung gano'n hindi nga isang alamat lang ang tungkol sa mga sirena. Tunay sila at may isang nagawi sa lupa. Hehehe!"

Nagkatinginan sina Azurine at Octavio. Paano nga nila nalman ang tungkol sa kanila. Inisip ni Azurine ang labanang nangyari sa Elloi pero wala. Wala siyang naalalang nagpakita siya ng kahit anong senyales na isa siyang sirena.

"Mga bata, dakpin ang dalawang 'yan at isakay sa barko!" Matigas na utos ni Serarah.

"Sandali! Paano n'yo nalaman—"

"Dahil sa espiya ni Zanaga," sabat ni Serarah. "Hindi naman kami makikipagtulungan sa kanya kung wala kaming mapapala. Pirata kami! Mga tuso!" Ngumisi si Serarah, inilabas niya ang kanyang sandatang patalim. "May nakakita sa dalampasigan ng Elloi sa sirenang 'yan. May buntot siya, karga-karga ng isa sa prinsipe ng Alemeth," paliwanag pa niya.

"Ibenenta ni Zanaga ang imporamsyong iyon kapalit ng tulong namin. Gusto niyang maghiganti sa sinapit ng braso niya. Hangal talaga ang isang iyon!" singhal ni Ashlando habang hawak naman ang sanda niyang double bladed axe.

Nagtalunan ang ilang pirata. Hindi nakakilos si Octavio kahit gusto niyang tulungan si Azurine. Pareho silang nabihag ng dalawang pinuno ng mga pirata.

"Magpapakawala na kami ng signal. Siguradong tapos nang makipaglaro si Zanaga sa mga hangal na sundalo ng inyong hukbo. Ikaw naman talaga ang pakay namin ni Serarah. Bahala na si Zanaga kung gusto pa niyang makiisa sa plano naming pagbenta sa 'yo sa malaking halaga. Ipapaalam namin sa buong mundo na may iba pang nilalang na nabubuhay sa panahong ito!" pahagay ni Ashlando.

"Sige na, simulant mo na ang pagpapalipad ng signal!" utos ni Serarah.

Nasa barko ni Serarah ang dalawa nang paliparin ng isa sa mga pirata ang kulay kahel na signal. Ito ang hudyat ng mga pirata kapag sila ay aatras na.

***

(Sa kasalukuyang sitwasyon sa isla ng mga pirata)

(Saktong oras ng pagbihag kina Azurine at Octavio)

NAKITA nina Seiffer at Eldrich ang kahel na signal sa kalangitan.

"Hindi maaari!" nangangambang sambit ni Seiffer.

Nagmamadaling umalis si Seiffer nang pigilan siya ni Eldrich. "Ano ba ang signal na 'yon?!" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi mo dapat iniwan sina Azurine! Siya ang pakay nila!"

"A-Ano? Paano?" gulo-gulong tanong pa ng prinsipe.

"May nag-ulat na espiya kay Zanaga na isang sirena si Azurine. Nakita niya tayo sa dalamapasigan ng Elloi." Tinalikuran ni Seiffer si Eldrich. "Hindi mo siya dapat hinayaang gamitin ang kapangyarihan niya!" Napaikom-palad si Seiffer, kagat-labi't nagtitimpi sa galit. "Iningatan mo siya dapat!" anas pa niya sa kapatid.

"Teka, saan ka pupunta, Seiffer!!!" sigaw na habol ni Eldrich.

"Ililigtas ko siya!" seryosong wika ng black wizard na si Seiffer Wisdom. "Volare!!!" nag-cast ng magic spell si Seiffer upang makalipad. Dahil wala ang scepter niya gumamit muna siya ng magic wand na inagaw niya sa isa sa mga mahikero. Naiwan sa lupa sina Eldrich. Nagsimula nang umalis sa isla ang mga pirata ni Zanaga.

"Seiffer!!! Hindi pa tayo tapos!!!" sigaw pa ni Zanaga na siyang narinig ni Seiffer sa kawalan.

Hindi iyon pinansin ni Seiffer patuloy lamang siya sa paglipad upang maabutan sina Azurine.

Nalaman niya ang planong iyon nang marinig niya mismo habang hawak sila nina Zanaga. Nakipag kasundo si Zanaga kina Serarah at Ashlando upang sila mismo ang makakita sa sinasabing sirena.

Batid niyang kay Azurine galing ang tinig na naririnig niya kanina sa labanan. Alalang-alala si Seiffer, maraming pwedeng mangyari sa oras na matuklasan ng buong mundo ang existence ng ibang mga nilalang tulad ng serena. Kailangan niyang magmadali.