webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · 若者
レビュー数が足りません
50 Chs

First letter

I'm in the classroom seating right next to our window, thinking about the letter I'd wrote.

I write letters 'cause I'm preparing myself to get lost, permanently.

I'm just tired about life and everything.

"Ange!"

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ayaw kong makipag-usap sa lahat. Ayaw kong maattach sila sa'kin, kasi aalis din naman ako.

"Ange! Hoy!"

Dahil sa irita ay binalingan ko na nang tingin ang katabi kong kanina pa tawag nang tawag sa'kin.

"Bakit ba?" Iretable kong saad.

Mabait naman ang seatmate ko, but like what I'd said earlier, I don't want them to get attach on me. 'Cause I'm planning to leave them.

"Ang layo naman ng iniisip mo. Saan ka na ba nakarating?" Tanong ni Limuel.

"Wala." Tipid na sagot ko at tumingin ulit sa labas ng bintana.

In-arrange kami alphabetically and boy-girl-boy-girl.

Wala akong choice kung hindi tabihan ang lalaking 'to dahil parehas kami ng letter ng surname.

"Ang tagal naman ng teacher natin. Gusto mo maglaro ng SOS?" Aniya.

Hindi ko pa din siya pinansin. Lagi niya akong kinakausap kahit ini-ignore ko lang naman siya araw-araw.

"Eh, anong gusto mong laruin, Ange?"

"Pwede ba, don't call me at my first name." I'm glad he calls me at my first name but of course, if I will allow him baka maging feeling close pa siya sa'kin. And it will get worst.

"Grabe ka naman, Ange!" He chuckles.

Hindi ko na lang siya pinansin para hindi na magtuloy-tuloy pa ang pag-uusap namin.

"Ano kayang magandang laruin?" Ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa'kin.

"Ignore Queen ka talaga 'no?"

Hindi ko pa din siya binabalingan ng tingin. Nakatakip sa notebook ang papel na sinusulatan ko ng letter kaya hindi niya nakikita iyon.

Anyway, Limuel was the kindest guy I've known in this room. Kasi karamihan sa mga lalaki naming classmates ay nababalitaan kong nagloloko sa mga girlfriends nila. Pero, wala naman din kasing girlfriend 'to si Limuel kaya paano ko mababalitaang magloloko siya?

"Wala daw si Sir Paul kaya pwede na kayong mag break muna tapos balik na lang kayo." Anunsyo ng presidente namin.

Agad na tumayo ako at dinala ang gamit palabas ng room.

Sa Cafeteria na lang ako magsusulat ng letter para walang manggugulo sa'kin.

Dali-dali akong lumabas ng classroom at sa likod ako dumaan.

Bago pa man ako makalabas ay tinawag na ako ni Limuel.

"Ange! Sama!"

Hindi ko na lang siya pinansin at dire-diretsong lumabas ng classroom.

They are talking about me and I can't endure their fcking judgements.

One more reason kaya ini-ignore ko sila ay dahil sa kumakalat naming issue ni sir Paul.

Yeah. Kaya siguro hindi din siya pumasok dahil doon.

"Ange!" Hindi ko pa din siya nililingon. Ano bang nakain ni Limuel at sinusundan ako? Hindi naman niya dati 'to ginagawa eh.

"Ange!" Hinapit niya ang braso ko.

"Oh my gosh, girl! Ambilis mong maglakad." Hingal na saad ni Rose.

"Ay sorry hindi ko napansin." Pilit akong ngumiti. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong umiyak sa balikat niya pero pinili kong hindi gawin 'yon.

"Wala kayong klase?" Tanong niya.

"Wala si sir eh." Nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria.

Hindi niya siguro alam ang issue tungkol sa'min ni sir. That's good.

Tawa kami ng tawa habang naglalakad. Nag jojoke din ako para naman madagdagan ang kasiyahan namin. I repressed all the negative things in my mind into postive one.

Nakarating kami sa cafeteria ng masaya. Yes, I'm good at pretending. Not just good but I'm the best pretender.

Hindi ko nilalayuan ang mga kaibigan ko dahil mahahalata nilang may problema ako at baka pigilan pa nila ang balak ko.

Hindi ko din binago ang pakikitungo ko sa kanila, ako pa din ang pinaka masiyahin nilang kaibigan. Ako pa din ang pinaka matulungin nilang kaibigan. Hindi ko babaguhin 'yon dahil kilala nila ako at mahahalata nila 'yon.

"Oy si Jade oh!" Turo niya at agad niya akong hinila papunta kay Jade.

"Wala din kayong klase?" Tanong ko kay Jade  habang umupo sa tabi niya. Sa harap ko naman umupo si Rose.

"Wala, girl. May meeting ata 'yong mga teachers eh." Tango lang ang tugon ko.

Siguro wala namang kinalaman ang meeting ng mga teachers sa issue sa'min ni sir Paul. Yeah, sana.

"Chinat ko na si Faith. Papunta na daw siya." Ani Jade.

"Anong gusto niyong kainin? Nagugutom ako." Ani ko.

Nag isip sila bago sumagot.

"Mag carbonara na lang tayo. Masarap carbonara dito eh."

"Gusto ko sana mag Jollibee kaso bawal lumabas." Sabi ni Jade.

"Kaya nga eh. Sayang." Ani Rose.

"Hintayin na lang natin si Faith. Parating na 'yon." Sabi ko.

Nagsimula ng magkwento si Rose. "Alam niyo na ba 'yong issue sa section niyo, Ange?"

"Ha? Anong issue?" Inosente kong tanong.

"Hindi ko nga din alam eh. Kulang nabalitaan ko. May issue daw pero hindi naman namin alam kong anong issue 'yon." Ani Rose.

"Wala namang nakarating sa'kin. Baka fake news lang." Depensa ni Jade.

"Oo nga, madami kasing kumakalat na fake news, ewan ko ba mga tao ngayon. Mas kumakalat pa ang fake news kaysa sa mga legit na balita. Hindi nila sinusuri kong legit at reliable ba 'yong source nila." Sabat ni Faith at umupo sa tabi ni Rose.

Nagkibit-balikat na lang kami. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila 'yong issue.

"Kumain na nga lang tayo, nagugutom na ako." Ani Jade.

"Lagi ka namang gutom, Jade. Wala ng bago." Pang aasar ko.

Um-agree naman sina Faith at Rose at inasar siya.

"Pasmado kayo ha!" We chuckles.

We are friends since grade 8. Sa kanila ko nahanap ang tunay na kaibigan. Grade 10 na kami at hindi na kami magkaklase, pero nagkikita pa din kami at nagsasama araw-araw. The friendship's still there.

Hindi tulad ng iba na kapag hindi na magkakaklase ay hindi na din nagbobonding.

But, I'm not against them.

Kasi 'yong isa naming friend na si Kyla ay hindi na namin nakakasama pero nando'n pa din ang friendship.

The first letter that I wrote a while ago is for Kyla. She's the first person I run to. But, she's now with her new friends. Too seldom to be with us. Kaya wala na din ako mapagkwentuhan pero kahit papaano ay sumasama pa din siya sa'min.

Nagpapansinan pa din and such pero hindi lang talaga siya sumasama sa'min ng madalas yet we understand her.

After naming bumili ay kumain na kami. We are still talking about the issue and still pretend that I didn't know about everything.