webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · 若者
レビュー数が足りません
50 Chs

Finding Stealer 19

Nandito ako ngayon sa rooftop sinasagutan ang assignment ko habang nakasalpak ang earphone ko sa tainga ko. This past few days I've been obssesed with 1D. Their songs are great, tbh. Chine-cheer up nila ang mood ko. Lalong nakakarelax dito sa rooftop.

Maganda rito tumambay dahil mahangin at maganda ang tanawin.

Dito rin kasi ang lugar kung saan kami nagkikita ng patago ni Paul.

You know what, hindi naman pala gano'n kahirap ang ginagawa namin eh. Mali pero alam mo 'yun... masaya.

Gano'n naman talaga, masayang gawin ang bawal pero dapat lagi kang handa sa consequences nito. Kahit ano pa 'yan tatanggapin ko, 'wag lang mawala si Paul sa akin. Siya na lang ang mayroon ako.

May naramdaman akong nagbukas ng pinto kaya tinanggal ko agad ang earphone ko sa pagbabakasakaling si Paul 'yon. Hindi ako nagkamali, siya nga 'yon.

"Nandito ka lang pala. Late ka na sa subject ko." Pormal na saad niya na para bang wala kaming relasyon kung hindi Student-Teacher lang.

Bakit niya ba ito pinaparamdam sa akin? Ano bang ginawa ko?

Gusto kong magtanong. Gusto kong tanungin siya kung ano na nga ba ang nangyayari sa amin ngunit wala akong lakas ng loob para tanungin siya dahil ayaw kong masira lahat ng binuo namin.

Pilit kong iniiwasan lahat ng pwedeng makasira rito. Iniingatan ko lahat ng binuo namin ni Paul.

"Sorry, hindi ko kasi napansin 'yong oras." Sagot ko na may halong pangungulila sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo na ba kaming ganito. Minsan, mas mabuti na lang talaga 'yung wala kang alam 'no? O 'yung hindi ka magtanong para iwas away, iwas ilangan, iwas hiwalayan.

"May sasabihin ako sa 'yo," aniya.

Mariin ko siyang tinitigan. Napaka-neat niyang tignan. Mas lalo ko siyang na-miss. Gustong-gusto ko na siyang yakapin kaya lang pinapakiramdam ko muna siya.

"Ano 'yun?" Saad ko tsaka tumayo at pinagpagan ang uniform na suot ko. Inayos ko na rin ang mga gamit ko.

Naiilang akong tignan siya ng matagal sa mata dahil hindi ko alam kung paano ulit siya kakausapin.

Naestatwa ako nang lumapit siya sa akin at dahang-dahang kinulong sa kanyang mga bisig.

"I'm tired. I miss you so much." Lalo niyang hinigpitan ang yakap naming dalawa. Inilubog niya ang mukha niya sa leeg ko at hinalik-halikan 'yon.

"I miss you." Pag-uulit niya. Aaminin kong kinikilig ako sa ginagawa niya. Siya kasi 'yung unang taong nagparamdam sa akin ng ganitong feeling.

Dahil doon ay niyakap ko siya pabalik. Sobrang higpit. Ayaw ko na siyang pakawalan, ayaw kong iwanan na naman. Ayaw kong magsimula ulit.

"B-baby... What if I cheated?"

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya nang sabihin niya 'yon. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan dahil sa sinabi niya. Sobrang gulo na nang isip ko at hindi na rin makapag-isip ng maayos, gano'n pa man ay nanatili akong kalmado.

"W-what? You cheated?"

Tumango lang siya bilang sagot. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito sa akin, pero manhid na ata ako. Okay lang sa aking mag-cheat siya basta sa akin siya at ako ang mahal niya.

"Don't tell me, nag-cheat ka dahil---" pinutol niya pagsasalita ko.

"Dahil hindi mo maibigay ang gusto ko." Sabi niya at tinignan ako nang may halong pagnanasa.

"No way." Kalmado pa rin ang boses ko. Hindi ko kayang ibigay sa kanya 'to. Hindi dahil ito ang unang beses ko ngunit may mas malalim na dahil na ako lang ang may alam at ako lang ang makakaintindi.

"It's okay. You can cheat. I can forgive you over and over again. I'm a martyr, I just want to pursue our planted silly dreams. I want to plan a future with you." Ngumiti ako. Ito lang naman ang kaya kong gawin sa tuwing may ganitong sitwasyon.

"I am sorry." Niyakap niya ulit ako. Pero bakit parang hindi ko nararamdaman na sincere siya?

Inihilig niya ulit ang mukha niya sa leeg ko. Gusto ko siyang yakapin pa ng matagal pero alam kong hindi pwede dahil baka hanapin kami ng mga kaklase o teachers ko.

Aalis na sana ako ngunit lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya na para bang ayaw niya akong pakawalan pa.

"Please forgive me for driving you out my life. .... I am sorry for messing up things so badly with us."

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa kanya. Masakit na nag-cheat siya pero parang okay lang dahil naging honest naman siya sa akin.

"It's okay. I love you, baby. Thank you for your honesty." Hinaplos ko ang likod niya. Iingatan ko talaga si Paul dahil ayaw ko siyang mawala.

Ayaw ko na nang iba, siya na lang talaga ang gusto ko kahit masyado pang magulo. Ayaw ko na rin pang tanungin siya dahil parang alam ko na ang sagot niya.

Siguro hindi pa talaga ako enough, siguro dahil baka hindi pa ako ready ibigay ang lahat sa kanya kaya para sa kanya, kulang ako. Siguro nga hindi pa sapat 'yung pagiging faithful ko sa kanya o lahat ng love and efforts na binibigay ko sa kanya. Baka nga ayun talaga ang kulang.

"Ange! Ange!" Parehas kaming nagulat nang biglang pumasok si Gian sa rooftop kung nasaan kami. Nakita niya na magkayakap kami ngunit parang hindi siya nagulat bagkus ay tumakbo siya papunta sa gawi namin at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Ha? Bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Paul! Paul! Walang hiya ka!" Sigaw ng babaeng bigla na lang sumulpot ilang minuto lang bago dumating si Paul.

"Siya ba? Siya ba ang babae mo?!" Sigaw niya. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Nasaktan ako sa nakita ko. Buntis 'yung babaeng sumisigaw sa harap namin.

Hindi ako nakagalaw dahil parang sumabog na ako pero sa loob lang. Gusto kong isigaw lahat.

Hindi ko na rin naramdaman na sinasabunutan ako ng babae at kinakaladlad pababa ng rooftop. Marami na ring estudyante at kahit teachers na nakiki-chismis.

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Galit? Sakit? Lahat siguro ng emosyon nasa loob ko lang pero yung mukha ko ay walang emosyon na ipinapakita sa kanila.

"Tama na po, girlfriend ko po si Ange." Kanina pang awat ni Gian sa babaeng bigla na lang sumulpot.

"Nakikita niyo 'to?" Sigaw no'ng babae habang nakasabunot pa rin siya sa akin. Nakayuko lang ako dahil sa kahihiyan. Ito na ba 'yung consequences namin?

"Etong studyante niyo, pumapatol sa teacher. Eto namang teacher niyo, pumatol sa estudyante niya. Ayan ba ang tinuturo niyo rito sa mga estudyante niyo?" Hiyang-hiya ako sa ginagawa niya. Hindi ko maitanggi dahil ayun naman ang totoo.

"At sa lahat pala ng girlfriends ni Paul sa school na 'to..." Binitawan niya ang buhok ko at itinaas ang palasingsingan niya. "Asawa ko siya at may anak kami."

Lumakas ang bulungan ngunit para akong nabingi sa mga nalaman ko.