webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · 若者
レビュー数が足りません
50 Chs

Finding Stealer 16

Padami na nang padami ang dumadating na bisita. Medyo hindi ako familiar sa iba maliban kay Limuel na katabi ko sa iisang lamesa. May bakanteng upuan sa kaliwa ko na espasyo sa amin ni Limuel. Nasa kanang gawi ko naman ay si Faith na nagce-cellphone lang.

Si ate Hazel ang umaasikaso sa amin. Hindi naman kalakihan ang bahay nila pero ginamit na rin nila ang kalsada dahil sa dumaraming bisita.

"May ipapakilala ako sa 'yo mamaya, Ange. Best friend namin 'to ni Gian eh. Darating daw siya ngayon." Sabi niya pero nanatiling sa cellphone na hawak niya pa rin ang atensyon niya.

"Bestfriend daw Ange oh. Kung ako sa 'yo, uunahan ko na siya kay Gian." Kantyaw ni Limuel.

Hindi ito tumalab sa akin dahil may Paul na ako. Medyo malabo man kami ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang magkakaroon din ng kalinawan ang lahat.

"Edi, unahan mo na. Alam ko namang gusto mo rin si Gian eh," ti-nap ko ang balikat niya, "okay lang 'yan. Malay mo gusto ka rin ni Gian."

Nagsimula na akong makipagbiruan sa kanya. Ganito naman talaga ako, lately lang ay ayaw kong maattach sa kanila dahil iiwan ko sila. Pero ngayon, gusto kong sulitin ang bawat oras na kasama ko sila dahil alam kong hindi ito magtatagal. Gusto kong gumawa ng masasayang memories kasama nila bago ko sila lisanin.

"Pasmado bibig ha. Do you now feel the threat?" He chuckles.

I rolled my eyes. Kung gusto naman niya kasi si Gian, wala namang problema sa akin 'yon.

"What's the word threat? I've gone too far, wala nang makakapanakot o makakapagbanta sa akin, maliban sa akin." Dahil sa sinabi ko ay tumahimik siya.

Umiling na lang ako. Sumusubo siya ng pagkain sa lamesa at doon lang nakatuon ang atensyon niyo.

"Charmaiiinneeeeeee!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ng tabi kong si Faith.

Tumayo ito at tumakbo sa gawi no'ng tinawag niyang Charmaine. Pinagmasdan ko lang ang likod ni Faith. Hindi ko pa nakikita 'yong Charmaine na bestfriend nila.

Biglang may tumabi sa kaliwa ko na kinagulat ko ngunit hindi ko nilingon.

Nakatingin lang ako kay Faith na naka-dress ngayon at may hair clip.

Samantalang ako ay naka pantalon at simpleng tshirt lang na sinamahan ko ng necklace na binigay ni Gian kanina sa Mall.

Hinawakan ko ang angel sa pendant ng necklace na nasa leeg ko.

Tinitigan ko ang dalawang babaeng paparating sa gawi ko. Nang mapatingin sila ay agad akong umiwas ng tingin at biglaang humarap sa kaliwa.

Little did I know na ang taong tumabi pala sa akin ay si Gian.

Muntik ko pang mahalikan ang pisngi niya. Shete!

Naramdaman niya naman ang hininga ko sa gilid niya ay humarap siya sa akin.

Nagkatitigan kami. Tumitingin-tingin siya sa labi ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya.

"Akala ko ba hindi nate-threat?" Inilapit ni Limuel ang mukha niya sa mukha namin. Hindi masyadong malapit pero tama lang para gisingin kami sa kahibangan.

Hindi! Mali 'to! Biglaan lang naman eh. Faithful pa rin ako kay Paul kahit anong mangyari. Siya na lang ang mayroon ako.

"Hindi nga." Iniwas ko ang mukha ko at humarap sa mga classmates ni Gian na nasa harap ko.

Nakangiti sila sa akin na halatang inaasar ako. Gosh. Ano ba kasi ang ginawa ko? Para namang ewan eh.

"Ange!" Kinalabit ako ni Faith bago umupo sa tabi ko.

Nilingon ko siya at nginitian.

"Si Charmaine nga pala." Iniwas niya ang katawan niya para 'di niya maharangan si Charmaine.

"Hi Charm! Angelica," sabi ko at ngumiti.

"Hello Angelica." Mahinhin na saad niya.

She's so cute, full of charm like her name Charmaine.

"Yo, Charm?" Pa-cool na saad ni Gian. Coopal.

"Na-miss kita Gian," tumakbo ito at niyakap si Gian.

Tinignan ko lang silang nagyayakapan. Ang sweet nila. Sana all.

Biglang may sumulpot na mukha sa gilid ni Gian at Charmaine, it's the face of Limuel. 'Yong mukha niyang nakangisi. I'm torn between being angry or laughing at him.

Itinaas at ibinaba niya ang kilay niya na kinatawa ko ng mahina. He's so funny.

Nawala ang ngisi niya na napalitan ng ngiwi dahil sa pagtawa ko. Lalo tuloy akong natawa sa kanya.

"Tss. Kailan kaya kita maiinis, Ange?" Tanong ni Limuel.

Tinignan din ng dalawa si Limuel. Naghiwalay na sila sa pagkakayakap kaya tumayo ako.

"Dito ka umupo, Charm." In-offer ko ang upuan.

"Hindi, dito ka sa tabi ko." Ani Gian.

Bakas sa mukha ni Charm ang lungkot dahil sa pagtanggi ni Gian na tabihan siya.

"May upuan sa tabi ko," singit ni Faith.

Napaisip ako ng set up para okay sa kanilang lahat.

"Tayo," pinatayo ko si Gian na agad naman niyang ginawa.

Umupo ako sa upuan niya at umupo rin siya sa upuan ko. Sa tabi ni Gian ay si Charm na katabi naman si Faith.

Maiksi ang suot ni Charm kaya hindi siya komportableng umupo.

"Kukuha lang ako ng jacket." Sabi niya kay Charm.

Gentleman naman pala. Binata na si Gian at magkaka-girlfriend na. Tumayo ito at pumasok sa bahay nila.

"Ang tagal na rin 'no, Charm?" Ani Faith.

Pinakinggan ko lang silang nag-uusap.

Kahit sinong lalaki ay magugustuhan 'tong si Charm. Ang ganda kasi talaga. Ang ganda ng suot niya na nakita ang curve ng katawan niya, ang sexy tingnan.

Nakalugay ito, 'yong ilalim na bahagi ay kinulot niya. Para rin siyang flourescent, ang puti. Ang kinis ng balat niya, ang laki ng----. Samantalang ako, flatops. Flat ang top.

Bigla tuloy akong na-insecure.

"Boto pa rin ako sa 'yo. Mas maganda ka pa rin," sabi ni Limuel na kumakain na naman.

"Anong sinasabi mo?"

"Alam mo, minsan ang bait mo. Tapos minsan ang sungit mo. Ilang katauhan ba mayroon ka?" Tanong niya.

"Sampu," I chuckles.

"Ikaw talaga gusto ko para sa kuya ko eh." Rinig kong sabi ni Faith kay Charm.

"Ouch," Limuel's commented.

"Agree ka ba, Ange?" Tanong ni Faith sa akin.

Ngumiti ako, "oo naman. Bagay talaga kayo ni Gian, walang biro."

Tumayo si Faith at tumabi sa akin. "Gusto ko rin naman 'to si Ange kaya lang hindi sila bagay. No offense meant Ange ha."

Umiling ako, "no worries. May boyfriend na naman ako eh." Pagmamalaki ko.

"Talaga? Sino 'yong boyfriend mo?"

Tumingin silang tatlo sa akin. Pare-parehong naghihintay ng sagot ko.

Hindi ko pwedeng sabihing Paul ang pangalan niya dahil na-issue na kami ni Paul.