webnovel

The Last Letter (COMPLETED)

In this world, depression has no face. They tend to smile, but that doesn't mean they're not in pain. Some people pretend they are strong when infact they're broken inside. Find out the life of Angelica Samson, a girl who always display her beautiful smile, a girl who used to pretend that she's strong in order to survive in this cruel world. Buckle up as you find out how she deals with her own monster — How she deals with her own thoughts.

SoDamnGlam · 若者
レビュー数が足りません
50 Chs

Finding Stealer 13

Gabi na at nandito ako ngayon sa bahay nila Faith. Umuwi ako saglit ng bahay para kumuha ng kailangan ko, like damit, toothbrush and such.

Hindi na rin ako nakakapagsulat ng letters. Why would I? I have Paul but I don't know why I'm feeling like this. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nahahanap ang nawawalang letters ko.

I shouldn't be here. Kailangan kong liwanagin ang lahat, kaya lang may makukuha kaya akong matinong sagot mula kanya?

"Tapos na ba tayo?" Tanong ni Faith sa akin.

Ngumiti ako tsaka tumango. "Oo. Ako na bahala sa cake bukas." Pag-prisinta ko. Cake lang naman eh. Para na rin makabawas sa gastusin nila.

"Sure ka? 'Wag na, nakakahiya. Tinulungan mo na nga ako rito pati ba naman sa pag-gastos? Nakakahiya na, Ange."

"Sus. Sa akin ka pa talaga nahiya?" Bigla kong naisip na lately lang pala kami naging close.

"Tsaka, cake lang 'yon. Hindi naman mahal 'yon." I chuckles.

"Sige na nga, ikaw bahala. Basta kahit 'yong pinaka-mura okay na 'yon."

"Oo na po," I said between my laughters.

Halatang nahihiya pa nga talaga siya sa akin.

Inayos na namin ang mga kalat at tinapon ito sa basurahan. Walang kaalam-alam si Gian na may prinepare kaming celebration para sa kanya.

Wala pa rin kasi siya sa bahay nila, na-kwento na rin sa akin 'to ni Faith eh. Maski ako ay nag-aalala na. Delekado pa naman sa labas tuwing gabi, baka mapaano pa siya.

"Tawagan mo na kaya?" Sabi ko.

"Ha? Ano 'yon?" Tanong ni Faith.

"Ahhh, hindi wala." Umiiling ako.

"Alam mo, Ange, nahihiwagaan talaga ako sa 'yo." Nilapag niya ang hawak niya at lumapit sa akin.

"Pwede bang mag-kwento ka sa akin? Hindi ka kasi pala-kwento sa amin kaya wala kaming masyadong alam tungkol sa 'yo. May gusto lang akong malaman." Mariin niya akong tinitigan.

"I-ikaw ba?" Nauutal na tanong ko. Siya ba ang kumuha ng letters ko?

"Ha? Ako ba? Ang alin?" Mas lalo kong nakita ang pagtataka sa mukha niya. Dahil sa naging reaksyon niya ay naisipan kong 'wag na lang ituloy ang pagtatanong.

"Inaantok na ako." Sabi ko at humikab.

"Ange..." Nagkatitigan kami.

Alam kong may gusto siyang malaman sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya 'yon. Pero kung hindi siya ang kumuha no'ng letters ko ay wala siyang makukuhang sagot mula sa akin.

"May ulam ba diyan?" May biglang sumigaw kaya parehas kaming napatinigin sa gawing 'yon.

"Oh? Nagtatanong lang ako kung may ulam ba't ganyan kayo makatingin?" Natatawang saad ni Gian.

"Saan ka galing, Gian?" Sa pagkakataong ito, nabaling kay Gian lahat ng atensyon.

Gian's saved me.

"Wala ng ulam, malay ba naming uuwi ka ngayong gabi." Sabi ni Faith at tumayo na. Pinulot niya na ang mga basura upang ilagay sa isang plastik.

"Paglulutuan na lang kita." Tumayo at pumuntang kusina.

Narinig ko pa ang pagtatanong ni Gian tungkol sa ginawa naming decoration sa bahay nila.

Hindi ko na nagawang pakinggan ang sagot ni Faith at agad nang tumungo sa kusina nila.

Bigla akong huminto sa paglalakad. Napaisip ako. Bakit ko nga ba paglulutuan si Gian?

Bisita nga pala nila ako rito. Kailangan kong tumulong at makisama sa kanila. Masyado na akong nagiging abala sa kanila.

Tinungo ko ang ref at binuksan 'yon. May mga pagkain naman dito pero 'di ako makapili ng lulutuin.

"Hotdog at itlog."

"Ay halimaw!" Gulat na saad ko.

Muntik na akong pumasok sa ref sa gulat.

"Hindi ako halimaw ha," he chuckles.

"Mukha lang." Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

Nagulat talaga ako sa hotdog at itlog niya. Sino ba namang hindi magugulat? 'Yong seryosong-seryoso kang naghahanap ng lulutuin tapos biglang may magsasalita at sasabihing hotdog at itlog. Kulang na lang isipin kong 'yong hotdog at itlog nga ang nagsalita eh.

"Ang sabi ko, lutuan mo ako ng hotdog at itlog. Bilisan mo diyan, yaya."

"Aba! Anong yaya? Kung gusto mo ikaw na lang magluto ng kakainin mo!" Medyo tumaas ang boses ko. Biglang kumulo ang dugo ko sa kanya.

"Hindi ako marunong magluto eh." Malungkot na saad niya.

"Ipiprito mo lang 'to. Dali, tumayo ka diyan at sasabihin ko sa 'yo kung paano." Lumapit ako sa kanya.

"Tayo." Hinila ko siya mula sa pagkakaupo. Nagpahila naman siya at tumayo na.

"Alam ko na kung bakit." Sabi niya at tumawa ulit.

Kotang-kota na ako sa pagtawa niya ha.

"Ha?" Umupo ako sa kung saan siya nakaupo kanina.

"Takot ka matalsikan ng mantika 'no? Kuhanan kita ng shield, gusto mo?" Itinaas baba niya ang kilay niya.

"Baka ikaw ang may kailangan ng shield." Napangalumbaba ako. "Bilis, magluto ka na."

"Eto na, señorita." Sabi niya at kumuha ng hotdog at itlog sa ref na dapat kanina ko pang ginawa.

Kinuha niya na rin ang kawali at pinainit ito.

Pinagmamasdam ko lang ang likod niya.

Nakasuot siya ng plain black shirt. Bumaba ang tingin ko patungong paa niya. Naka-boxer na lang pala siya. Namula ako. Paa nga lang ba tinitignan ko? Yuck, manyak.

Umiling ako. Sa dami-dami kong problema, naisip ko pa talaga ang ganitong bagay? Sabagay, minsan kailangan ko ring mag rest sa mga problemang iniisip ko. Kasi one day, I will face death.

"Tadah!" Sabi niya at inilapag ang apat na hotdog at scrambled eggs.

"Akala ko ba hindi ka marunong magluto?" Tumayo ako para kumuha ng tubig sa ref. Bigla akong nainitan sa pag-iisip kanina.

"Para sa señorita, natututo ako ng mga bagay na hindi ko naman alam at hindi ko ginagawa."

Umiling lang ako. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam kung ano 'yong reaksyon niya habang sinasabi 'yon. Siguro nandidiri.

"Matutulog na ako." Humarap ako sa kanya at binitbit ang pitchel. Inilapag ko ito sa lamesa.

"Ayaw mong kumain ng hotdog at itlog ko? Kain na."

"Ha?" Dumumi ata bigla ang utak ko.

"Hindi kasi masarap kumain ng mag-isa. Isa pa, marami 'to. Hindi ko mauubos 'to."

Ahhh 'yong luto niya. Akala ko kasi... Basta.

"Sige." Umupo na ako. Hindi kasi siya sanay kumain ng mag-isa. Samantalang ako? Sanay na sanay.

Umupo ako sa tabi niya. May nakahanda na ring kubyertos sa lamesa.

Wala akong nakikita siyang kasamang babae. May girlfriend kaya siya? O wala?

"Ipapakilala mo ba sa amin ang girlfriend mo bukas?" Basag ko sa katahimikan.

"Wala akong girlfriend."

"Eh boyfriend?" Nagkatitgan kami. Isang minuto siguro 'yon bago kami sabay na humlakhak.

"Joker ka rin 'no? Straight ako." Sabi niya sa pagitan ng pagtawa.

"Single ba?" Tanong ko. Gusto ko lang malaman, 'wag sana niyang bigyan ng issue dahil may Paul na ako.

"Oo, alam mo kasi 'di ako napa-fascinate sa ganda. Ewan." Ani Gian.

"Weh? Lalaki ka ba talaga?"

"Everyone's cute. Too good in the surface. We'll never know what's beneath. Kapag nga may napapadaang magaganda, hindi talaga ako napapalingon. Hindi kasi ako tumitingin sa ganda ng isang tao. Pwera lang sa 'yo."

Hindi ko narinig 'yong huling salitang sinabi niya. Ano raw? Pero imposible! Boys are boys. Titingin at titingin sila sa kagandahan ng mga babae. Ako ngang babae nagagandahan at napapatingin sa magaganda, siya pa kaya?