Nang makalabas ako sa CR ay dumiretso ako sa classroom. Kahit na masakit pa rin sa 'kin ang mga nalaman ko.
Hindi pa naman din ito sigurado hangga't wala pang kumpirmasyon kay Paul. Tama, hindi pa naman 'yon sigurado.
Pumasok na ako sa classroom at umupo. Bakas pa rin ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag-iyak kaya yumuko ako upang hindi ito makita ni Limuel. Kasi kapag nakita niya ito ay siguadong kukulitin niya na naman ako.
"Ange!" Kinalabit niya ako gamit ang ballpen niya.
"Bakit?" Sabi ko habang nakayuko pa rin.
Hindi naman siya nagtataka sa ginagawa ko eh.
"Nakapag-review ka na?" Tanong niya.
Umiling ako. "Natatae pala ako."
Sabi ko na kinatawa niya. Lumabas agad ako. Hindi naman ako natatae eh. Gusto kong pumuntang rooftop. Gusto kong malaman ang totoo dahil sumasabog ang puso.
Agad kong tinext si Paul na nandito ako sa rooftop at gusto ko siyang makausap. Agad naman siyang nagtungo rito.
"Bakit gusto mo akong makausap? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang pisngi ko.
Ito, ito ang dahilan kung bakit ayaw kong mawala pa siya. Ayaw kong iwan pa niya ako at hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya dahil siya na lang ang mayroon ako.
"Totoo ba? Totoo bang may asawa ka na?" Prangkang sabi ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha ko.
Bahagya siyang nagulat at hindi nakapagsalita.
Maya-maya ay naglakad siya papalapit sa 'kin. "Wala, sa 'yo lang ako. Okay?" Sabi niya. Ewan pero hindi ako naniwala. I need more explanation.
"Are you sure? Wala kang asawa? Ayaw kong maging kabet." I emphasized. "Ayaw kong makasira ng pamilya kasi ayaw kong maramdaman nila kung gaano kasakit masira ang pamilya."
"Believe me, wala pa akong asawa. Kanino ba nanggaling 'yan?" Bigla itong nagalit. Natakot ako sa biglang pagtaas niya ng boses. Never pa niya akong nasigawan pero parang magagawa niya na ito sa 'kin ngayon.
"Hindi na mahalaga 'yon. Sorry."
Hindi niya ako pinansin. Halatang nainis siya dahil sa tanong ko. Kung hindi naman totoo 'yon, bakit siya naiinis?
"Bakit hindi mo na ako pinapansin? Siguro totoo 'yon 'no?"
Tinignan niya ako ng masama. Umiling ito at nag-walk out.
Hahabulin ko sana siya kaya lang para akong nawalan ng lakas.
Hindi pa nagpoproseso sa 'kin ang ginawa niyang pag-walk out.
Ginawa niya ba talaga 'yon sa 'kin? Bakit?
Maya-maya ay sunod-sunod ang pag-agos ng luha ko. Ang sakit. Hindi niya ako binigyan ng explanation, iniwan niya akong nag-iisip kung ano nga ba ang totoo.
Deserve ko ba ito? Sobrang mamon ko 'pag dating sa mga taong mahal ko. Kaunting gawin lang nila ay nasasaktan na ako.
Tinext ko siya. Baka sakaling magreply siya at bumalik dito. Ngunit nakakailang text na ako ay hindi pa rin siya nag-reply kaya naisipan ko siyang tawagan. Pinapatayan lang niya ako ng cellphone.
A woman worst nightmare is feeling unwanted by the guy she would do anything for.
I will do anything for him. I submit. I submit myself to him but why is he doing this to me? Why? Tangina ang sakit.
Nagpalipas ako ng ilang oras dito sa rooftop. Hindi na rin ako babalik sa classroom.
Umiyak lang ako nang umiyak. Tinext ko si Limuel na kunin 'yong bag ko at ihatid sa labas ng school.
Ang hirap. Ang sakit. Sumisikip ang dibdib ko.
Napagdesisyonan kong umalis na sa rooftop at pumuntang cafeteria para kumain. Wala namang mangyayari sa 'kin kung magmumukmok lang ako rito.
Before, when I remember rooftop I remembered happy memories with Paul. I remembered where we started, where we made our silly dreams.
"Ange!" May biglang tumawag sa 'kin. Hinanap ko ang pinanggalingan no'n pero hindi ko nakita. Bahala na nga siya. I feel so hungry and thirsty.
"Angeeeee!" Malakas na sigaw nito.
Dahil do'n ay pinagtinginan siya ng mga tao sa cafeteria dahil upang dumapo ang mata ko sa kanya.
Si Faith. What a right timing.
Lumapit ako sa kanya. "Cutting class?" Tanong ko na ikinatawa niya.
"Hindi ah. Early dismissal kami kasi pinatawag na naman ang teachers. Hindi ko nga din alam kung bakit eh."
"Ahhh." Sabi ko at umupo sa tabi niya.
"Ikaw? Cutting ka 'no?" Kantyaw niya sa 'kin na mabilis ko namang iginiit.
"Bad 'yon." Pabiro kong saad.
"Bad talaga kaya 'wag gagawin."
"I know right." Nagtawanan kami. Masarap sa feeling kapag nakikita mo 'yong mga kaibigan mong masaya. Iba 'yong feeling lalo na kung ikaw ang dahilan.
"Maiba tayo. Umiyak ka ba?" Inusisa niya ang mukha ko lalo na ang mga mata ko.
"Can you please tell me the reason behind it?" Sabi niya at umupo ng maayos.
Umiling ako. "Wala ah. Wala akong problema at okay naman ako." Pilit ang ngiti kong pinakita sa kanya.
"Ako na lang nag kukwento lagi. Come on, Ange. Maybe it's time for me to be the one who listens." Ani Faith.
"Thank you for your concern pero wala akong problema." I chuckles.
Tumatawa ako para magmukhang okay lang talaga ako.
"You, sure?" Tanong niya, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. May nag-aalala pa rin pala sa 'kin. Gusto kong maiyak pero hindi pwede. Kailangan kong maging malas sa harap niya.
Tumango ako. "Yes."
"Fine. Oo nga pala, sa bahay ka na matulog ha? Tulungan mo ako bukas magdecorate sa bahay. Bukas na rin kasi birthday ni Gian eh."
"Ay bukas na ba 'yon? Wala pa akong regalo." Sabi ko at napakamot ng ulo.
Ano kayang magandang regalo? Bibilhan ko na lang siya ng relo mamaya at cake.
"Kahit wala na eh. 'Di naman siya mahilig sa mga kung ano-ano."
Tumango lang ako. Hindi ko nga siya nakikitang may suot na accessories kaya gusto kong makita siyang may suot no'n. Para kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya.
Naiintindihan ko kasi kung saan siya nanggagaling. Naiintindihan ko kung gaano kahirap magsimula ulit. Masakit mawalan ng lola at alam kong fresh pa sa kanya 'yong wound. Kasi last year lang naman 'yon eh. Mahirap mag-move on.