Ate Hazel,
Sobrang thankful po ako dahil nakilala kita. Tinuring mo akong parang isang tunay na kapatid. Salamat dahil sa maikling panahon ay naramdaman kong maging kapatid at may naging instant ate ako. Alagaan mo po sana si Faith at Gian. Alam ko pong ikaw ang tumatayong pansamantalang magulang nila dahil nasa abroad ang magulang niyo at ramdam ko rin po yung pangungulia niyo pero malalampasan niyo pa rin po lahat ng yan. Naniniwala po ako sa inyo. H'wag po kayong susuko sa buhay, gaya ng gagawin ko. H'wag po kayong ma-feel bad sa gagawin ko dahil hindi kayo kasama sa dahilan kung bakit ko gagawin ang lahat ng ito. Sana po ay makita niyo ang totoong kaligayahan niyo. Sana alagaan mo si Faith dahil sigurado akong malulungkot siya kapag iniwan ko na kayo.
-Love, Ange