webnovel

The Killer App

The Killer App May kinaiinisan ka ba? Binully, pinahiya, sinaktan o pinagsamantalahan? Now is the time para makaganti ka sa kanila. Use the Killer App. Killer App is a newest Application na pwede mong magamit. Makikita nga lang ito sa isang website sa darkweb. Sa app na ito, pwede mong ilagay ang litrato ng taong gusto mong takutin, gantihan o ipapatay, kasama ang personal information nito. At kung gusto mo naman itong mamatay, pwede kang magsuggest paano mo gustong mamatay ang taong iyon. Nakadepende ang presyo ng buhay ng taong iyon sa kung paano siya pahihirapan o papatayin. This is a revenge in Z-Generation way. Download the app now!

wackymervin · アクション
レビュー数が足りません
21 Chs

The Killer App 20: The Secret

The Killer App 20: The Secret

Alas kwarto na nang madaling araw sila nakarating sa safehouse na pagmamay-ari ng Daddy ni Topaz.

"Safehouse ba ito o Palasyo?" hindi makapaniwala si Heaven na ganito kayaman ang lalaking kakilala niya.

Sa totoo lang, ang dami pa niyang hindi alam sa binata. Hindi naman kasi sila ganoong ka-close. Well, nag-uusap sila. Napakilala na niya sa kaniyang Mommy pero bilang kaibigan lang, hindi pa nga sigurado si Heaven kung kaibigan na rin ang turing sa kaniya ni Topaz. Tapos makikita niya ito, itong napaka-laking pamamahay na ito.

Nagdoorbell si Topaz at maya-maya biglang lumabas si George ang assistant niya. Matanda na si George pero kaya parin niyang pagsilbihan ang huling dugo ng mga Reyes.

"Good morning, Master Pierre." bati pa ni George sa kaniya.

Napailing nalang ito saka inabot na niya ang susi rito at sinabing.

"Sabi ko sa iyo, Topaz nalang. Hmmm, nakahanda na ba ang kwarto namin?"

saka lumapit si Emelda ang katiwala at Headmaster ng Safehouse ng mga Reyes.

"Opo, Master." sagot nito.

"Isa ka pa, Aling Emelda naman. Tara na po, namiss ko na po ang Adobo niyo!" saka niya inakbayan ang matandang babae at hinalikan ang noo nito. Naiwan namang tulala si Heaven nh minutong iyon habang nakatingin kay Topaz.

"Madame, tayo na po." saka binitbit na ni George ang gamit ni Heaven, ayaw na nga sanang ibigay ni Heaven dahil baka mabigatan pa ito pero nagpupumilit ang matanda.

Pagpasok niya sa loob ng bahay namangha siya sa laki ng chandelier na bumungad sa kaniya. Gawa ang mga ito sa swarvorski crystals at hindi na maalis ang tingin ni Heaven ng minutong iyon.

"Ganyan din ako noong una akong makarating dito." bulong pa ni Topaz sa niya nginitian ito at hinila ito papunta sa Dinning area nila.

Sobrang laki ng Dinning area nila Topaz, para sa kakaunting tao. Aakalain mong may Fiesta ng umagang iyon. Ang dami kasing nakahanda, may mga prutas at gulay, ganoon din ang iba't ibang putahe at ibat ibang side dishes. May wine at juice rin na naroon. Nalula talaga si Heaven sa kaniyang nakikita.

"Gutom ka na?" saka na sila lumapit at umupo sa hapagkainan.

"Uhm, anong mayroon?"

"Bisita."

"S-sino?"

"Ikaw."

"Grabe!"

"Bakit?" sagot ni Topaz habang naghuhugas siya ng kamay sa bowl na hawak ni Emelda ng oras na iyon.

"Salamat, Aling Emelda." pagkatapos ay naiwan na lamang silang dalawa ng oras na iyon. Lumabas na kasi si Aling Emelda at ang mga kasama nito saka niya sinarado ang pintuan.

"Kain na."

"Mamamatay na ba ako bukas?"

"Pinagsasabi mo?"

"Topaz, mamamatay na ba ako bukas?" paguulit pa niya.

"Hindi ba nga sinabi ko na hindi ka mamamatay at sinisigurado ko iyon. Akala ko ba nagtitiwala ka na sa akin?"

"Para kasing..." sabay tingin nito sa dami ng nakahaing pagkain sa kaniyang harapan. At nagets na ng binata ang nasa isip nito.

"Oa mo! Kumain ka na, baka hindi ka mamatay sa bala kundi sa gutom mo." saka ito ngumisi at nagsimula na ring kumain.

Habang kumakain ay hindi naiwasang magtanong ni Heaven kay Topaz.

"Uhm, pwedeng magtanong?"

"Sure."

"Uhm..."

"Sige na, sabihin mo na. Huwag ka nang mahiya pa." sabi pa ni Topaz ng minutong iyon habang kumakain ng Adobo na siyang paborito niya.

"Bakit ganito kayo kayaman?"

"Ayun lang ba?"

"Ayun lang muna, so ano? Bakit ka nga mayaman."

"Sa totoo lang, hindi ko naman ito kayamanan. Yaman ito ng Daddy ko. Siya. Siya iyon mayaman. Siya iyong may-ari nitong lahat at pati iyong mga negosyo at kumpanya na nasa pangalan ko na ngayon."

"You mean..."

"Oo. Ampon lang ako ng Daddy ko. Actually, ang weird nga e. Buong buhay ko, hindi ko man lang siya nakita. Ni hindi ko man lang siya nakausap, ng harap-harapan."

"Ah? Hindi ko maintindihan."

"Literal na hindi ko siya kilala. Ewan ko kay George kung nakita na niya ang mukha ni Daddy, pero ako hindi pa talaga. Hindi rin kami nag-uusap. Kapag nakapasa nga ako sa mga exams kay George ko nalang inaabot tapos kapag kumakain kami, nandito siya habang doon naman ako sa dulo nakaupo. "

"Pero alam mo, kahit na ganoon? Thankful parin ako. Kasi he saved my life."

"Saved from what?"

"Sa mga taong gustong pumatay sa akin."

"May gusto ring pumatay sa iyo noong bata ka?"

"Hindi ko alam pero, noong bata kasi ako. Pinatay ng mga armadong tao na nakamaskara ang mga tunay na mga magulang ko. Tapos, pag-gising ko, nandito na ako."

"Ah, okay."

Tapos napansin ni Heaven na tila malungkot ang mga mata ng binata habang kumakain. Pagkatapos nitong magkwento.

"Okay ka lang?" ngumiti lang si Topaz sa kaniya.

"Sorry ah, kung tinanong ko pa."

"Okay lang iyon. Tapos na rin naman iyon. Naka-move on na ako."

Hanggang sa bumuntong hininga ng malalim si Heaven at napansin ito ni Topaz.

"May isa pa pala akong gustong sabihin sa iyo." biglang napalingon si Heaven sa kaniya ng minutong iyon.

"Ano iyon?"