webnovel

The Holocaust

amibluechan · ファンタジー
レビュー数が足りません
22 Chs

Kabanata 8

"Maraming mga Bellator at Virago sa Alhesia, at dito tayo lahat nakatira sa kapatagan. Nakikita mo ba 'yon?" tanong sa akin ni Dexter do'n sa bukid, tumango na lamang ako bilang tugon. "Sa kabilang bukid na 'yan nakatira ang pinuno."

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ang layo-layo naman kasi! Diba kapag pinuno ka, dapat medyo malapit ka lang sa mga tao mo para hindi kayo mag-create ng gap sa isa't-isa? Well, 'yan ang opinyon ko.

"So, kailangan pa palang lumakbay nang malayo ang mga tao rito para lang makausap nila ang pinuno. Ilang araw ba ang byahe? Ano ang sinasakyan nila?" tanong ko kay Dashiell, nilingon niya ako habang nakangisi nang nakakaloko. Ano na naman ba ang nangyari sa lalaking 'to?

"Nakalimutan mo 'ata kung nasaan ka, Ally. Nandito ka ngayon sa Alhesia, hindi normal ang mga tao rito, hindi tayo normal, baka nakakalimutan mo." Napasapo na lang ako sa aking noo. Oo nga pala, mabilis kaming tumakbo, aabot lamang kami ng ilang minuto para makapunta kami d'on sa kabilang bukid, unlike sa normal lamang na tao.

"I almost forgot about that."

Nagkibit-balikat na lamang si Dashiell at muling lumakad, sumunod ako sa kan'ya. Napunta kami sa isang napakalawak na lupain, naalala ko tuloy 'yung probinsya namin, kasing lawak kasi nito ang mga palayan d'on.

May nakita akong iilang Bellator at Virago na naglalabanan, may mga gumagamit ng lupa, at may iba ring gumagamit ng tubig. May nag-e-ensayo para mapalakas ang force fields nila, sa kabilang dako naman ay 'yung mga nag-e-ensayo gamit ang kanilang mga Telums, siguro sila 'yung sinabi sa akin noon ni Dashiell na mga regulars. Ang tanging kaya lang nilang gawin ay ang pag-summon ng kanilang mga Telums.

"Gagawin mo rin 'yan, mas malala nga lang ang gagawin mo." Gulat akong napalingon sa kan'ya, d*mn, may plano ba siyang pahirapan ako nang todo?

"What are you planning to do with me?" tanong ko sa kan'ya, tiningnan niya ako at kinindatan. Walang kwentang kausap, tinatanong nang maayos tapos hindi man lang ako sasagutin ng matinong sagot.

"Sikreto," maikli niyang sabi at nagsimula na namang lumakad papunta kung saan, hindi na lang ako nagreklamo at sumunod na sa kan'ya, alam ko kasing kahit anong pagpipilit pa ang gawin ko, hindi niya rin naman 'yon sasabihin sa 'kin. Well, he's a man of his words.

Habang naglalakad kami, lagi akong napapalingon sa gilid-gilid, nabibighani ako sa ganda ng mga nilalang dito sa Alhesia. Masyado silang kakaiba, may mga ibon na may iba-ibang kulay, may mga aso na kasing laki na ng tao, at may mga leon din na triple pa sa laki ng tao! The heck, safe pa ba 'to?

Mukhang safe naman, hindi naman nila kami inaatake e.

"Para kang batang nakawala sa hawla," narinig kong komento ni Dashiell, tiningnan ko naman siya habang nakataas ang isa kong kilay. What does he mean by that? Natural lang 'yon kasi first time kong makapunta rito sa Alhesia.

"Bakit? Nang unang beses kang makapunta sa mundo namin, hindi ka man lang ba namangha?" Sinulyapan niya ako tsaka ngumisi.

"Hindi. Wala namang kamangha-mangha sa mundo ninyo, mausok, maraming masasamang tao, maingay, at madumi. Ano ang kamangha-mangha d'on?"

Grabe naman maka-bash ang lalaking 'to, pero tama naman talaga siya sa part na 'yon, dumadami na kasi ang populasyon ng tao sa mundo kaya hindi naman nakakagulat na gano'n ang hitsura nito ngayon. Nakakalungkot lang dahil may iilang taong hindi marunong magpahalaga sa kalikasan, at kailangang asahan ng mga tao na 'yon na balang araw, babalik ang mga ginagawa nila sa lahat ng tao sa mundo.

"Alam mo kasi, gano'n talaga ang mundo namin, pero kung titingnan mo, sobrang ganda d'on. You just have to appreciate everything, lahat naman may purpose, diba? Kahit na magulo, masaya pa ring kasama ang mga taong naninirahan do'n. At bakit ka hindi mamamangha? Nando'n ako, kaya dapat mamangha ka, lalo na sa kagandahan ko."

Napalingon siya sa 'kin habang nakataas ang isa niyang kilay, umangat naman ang isang sulok ng labi ko. Huwag niyang subukang tumanggi, alam ko namang maganda ako, kaya sigurado akong nabighani na siya sa 'kin sa una pa lamang naming pagkikita.

Gano'n dapat, 100% lagi ang confidence level.

"Alam mo? Kasing lakas ng kahanginan mo ang hangin ng bagyo," matamlay niyang sabi at nagsimula uling lumakad.

The hell? Hindi porque gwapo siya, may karapatan na siyang tanggihan ang kagandahan ko.

"Kapag ikaw, nagkagusto sa 'kin. Who you ka!" sigaw ko habang binibilisan ang paglakad ko, narinig ko pa ang mga tawa niya na lalong nagpainis sa 'kin.

'Yung mga dahon na lang ng puno ang pinagbubuntungan ko ng galit, letse rin kasi ang lalaking 'to.

Pakalipas ng ilang minutong paglalakad, narinig ko na ang agos ng tubig, napunta kami sa napakalinaw na ilog. Lumapit ako rito at pinagmasdan 'yung kumikintab na tubig, literal na kumikintab ito. Parang may mga glitters!

"Ito ang ilog ng Alhesia, kapag sinundan mo ang agos nito, mapupunta tayo sa isang napakalaking talon. Gusto mo bang pumunta d'on?" tanong niya sa 'kin, umiling na lang ako, gusto ko munang pagmasdan 'tong ilog, nakakatuwa kasi dahil may nakita akong mga isda na lumalangoy. May maliliit at may malalaki rin.

Kung pwede lang akong kumuha rito at mag-ihaw, kaso lang mukhang matalim ang paningin sa akin ngayon ni Dashiell. Alam niya na 'ata kung ano ang nasa isip ko ngayon.

"H'wag mo nang subukan 'yang iniisip mo, Ally. Hindi mo sila pwedeng kainin." Pumameywang ako at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit naman hindi? Masarap kaya ang isda, tingnan mo oh, iba-iba pa ang kulay nila, mukhang masarap silang prituhin, o kaya ihawin, pwede ring sinabawan na may-aray! Ano ba!"

Hinimas-himas ko ang taenga kong pinitik niya. Tiningnan ko siya nang masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ano bang problema mo? Ayaw mo ba silang kainin?" tanong ko habang diretsong nakatingin sa kan'ya, napahinga na lang siya nang malalim at umiling-iling.

"Akin na ang kamay mo." Lumapit ako sa kan'ya at inilahad sa kan'ya ang kamay ko, magsasalita pa sana ako pero hindi ko na 'yon naituloy nang bigla niyang inilabas ang Telum niya.

"What the f*ck are you doing?!" naiiyak kong sabi, hindi basta-basta ang sakit no'n dahil hindi lang naman ito normal na sandata. D*mn! Telum 'to ng A-rank!

"Shh, tumahimik ka, baka wala akong madakip na isda." Pinipigilan ko ang pagbuhos ng dugo mula sa kamay ko habang siya naman ay nagmumukha ng ewan dahil sa pagdakip niya ng isda.

"Bilisan mo na nga! Baka maubusan na ako ng dugo, kapag namatay talaga ako ngayon dahil sa ginawa mo, mumultuhin kita habang buhay," pagbabanta ko sa kan'ya, imbes na magmadali siya, tinawanan niya pa ako. Akala niya siguro hindi ako seryoso sa pagmumulto ko sa kan'ya. Letse siya.

"Ito na, ito na." Lumapit siya sa akin habang hawak-hawak 'yung kulay ginto na isda, ipinatong niya ito sa kamay ko. Biglang may lumabas na liwanag at sa isang iglap, nawala na ang sakit na nararamdaman ko, pati na rin ang sugat ko sa kamay. Pinakawalan na ni Dashiell ang isda kaya muli itong nagpatuloy sa paglangoy. "Kaya nilang gamutin ang kahit na anong malubhang sakit gamit ang mga kaliskis nila, kay huwag na huwag mong subukan na ihawin ang mga isdang ito. 'Yung kulay gray lang ang pwede nating kainin, at ang mga 'yon ay nasa talon."

Napasimangot na lamang ako at tumango. Iba rin pala 'to magturo, kailangan application muna bago explanation.

"Oh, tara na. H'wag ka nang magsimangot diyan, kailangan nating mas bilisan ang takbo natin ngayon. Kaya mo na ba?" tanong niya sa akin, nagkibit-balikat naman ako bilang tugon.

"Hindi ko alam kung kaya ko na ba makipagsabayan, pero gusto kong matuto. Paano ba?" Ipinikit niya ang kan'yang mga mata at pakalipas ng ilang segundo, muli niya itong minulat. Naging kulay turquoise uli ang mga mata niya, hindi pa rin ako nagsasawa sa ganda ng mga ito.

"Una, kailangan mo munang ilabas ang Imperium mo, unti-unti lang, h'wag mong biglain dahil maaaring hindi mo ma-control ang kapangyarihan mo."

Itinatak ko sa isip ko ang mga sinabi niya bago ko pinikit ang mga mata ko, ayokong mangyari uli ang nangyari kahapon. Ayoko nang manakit.

Huminga ako nang malalim at hindi na pinansin ang ingay sa paligid, unti-unti kong nararamdaman ang init sa aking dibdib at dumadaloy ito papunta sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Binuksan ko na ang aking mga mata at tumambad nga sa 'kin ang mukha ni Dashiell, nagulat ako dahil sobrang lapit niya kaya natulak ko siya na naging dahilan kung bakit natumba siya sa lupa.

"Fudge! Sorry, Dashiell!" paumanhin ko, tumayo naman siya at pinagpagan ang damit niya. The heck, I really need to control my Imperium.

"Nah, it's okay, at least alam na nating dalawa na nailalabas mo na ang Imperium mo. Kailangan mo lang talagang malaman kung paano mo kontrolin 'yan. Malakas ka, Ally, pero 'yang kalakasan mo, pwede ring maging kahinaan mo," sabi niya habang lumalakad papalapit sa akin, kinunotan ko naman siya ng noo at pumameywang.

"And what do you mean by that?"

"Kapag hindi mo 'yan na-control, marami kang masasaktan na tao. Ang pananakit mo ng ibang tao ay ang magiging kahinaan mo," seryoso niyang sabi habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. "Maganda ang mga mata ng isang tulad mo-isang Fortem, ngunit sa likod ng magagandang mata na 'yan ay ang isang nakakatakot na lakas."

Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa mga sinabi niya sa 'kin, bakit ako pa ang napiling maging Fortem? Ano ba talaga ang meron ako na wala sila?

"Dashiell, sabihin mo nga sa 'kin, bakit ako naging Fortem?" Hindi ko masiksik sa utak ko kung bakit sa akin pa nangyari 'to, sabi ni Vera sa akin dati, kaya ako ang napili dahil malakas ang loob ko. Maraming mga tao sa mundo ang mas malakas pa ang loob sa akin, at sa sitwasyon ko ngayon? Hindi ko masasabi na malakas talaga ako, pinanghihinaan ako ng loob, lalo na kapag naaalala kong nasa panganib ang pamilya ko. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ay 'yung sinabi ng kalaban na hindi nila sasaktan sina Mama at ang mga kapatid ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko kaya muli akong napatingin sa kan'ya, nagtama ang mga paningin namin.

"Hindi kami ang pumipili kung sino ang magiging Fortem at kung sino ang hindi. Alam mo ba kung paano ka naging Fortem?" tanong niya sa akin habang nakatitig pa rin sa mukha ko, umiling na lang ako bilang tugon. "Kailangan mong magkaroon ng dugo ng isang Prodigium at ng isang Virago o Bellator."

Lalo akong naguluhan dahil sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Sina Papa at Mama ay dating bahagi na ng mundong ito? Ibig sabihin... Fortem din ang mga kapatid ko?

"Paano 'yon nangyari? Wala namang kakaibang lakas ang mga magulang ko. Normal na tao sila!" Tiningnan lamang ako ni Dashiell, ilang segundo kaming nagtinginan hangga't sa napahinga na lamang siya nang malalim.

"Kaya nga kailangan nating pumunta sa lugar ni pinuno, para malaman natin ang buong nangyari," sagot niya, ikinalma ko ang sarili ko at bumuntong-hininga. Kung sino man ang pinunong tinutukoy niya, kailangan ko siyang makausap. Alam niya kung ano ang totoong nangyari sa mga magulang ko, alam niya rin kung ano ang totoong nangyari sa 'kin.

"Kailangan na natin siyang puntahan," sagot ko. Tumango na lamang si Dashiell at nagsimula na nga kaming tumakbo, pakalipas ng ilang minuto, natanaw ko na nga ang isang napakatangkad na kastilyo. Punong-puno ito ng ginto at iba pang mamahalin na bato.

Huminto na kami ni Dashiell nang makarating na kami sa tapat ng kastilyo. Bigla kong naramdaman ang hina at ang panginginig ng aking mga binti, ipinatong ko ang aking mga kamay sa magkabila kong tuhod habang hinahabol ang aking hininga. Nakaramdam ako ng matinding pagod, nakakadrain pala 'to ng lakas.

"At 'yan ang epekto ng paggamit ng kapangyarihan mo kahit na hindi pa handa ang katawan mo, uubusin nito ang lakas mo, at kapag hindi sapat ang lakas ng katawan mo, maaari mo itong ikamatay." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Dashiell, g*go pala ang lalaking 'to e!

Alam niya namang wala pa akong proper training sa ganitong mga bagay tapos hinayaan niya lang akong gawin 'yon?!

"Alam mo! Pwede bang i-explain mo muna ang lahat bago mo ipagawa sa 'kin? May plano ka bang patayin ako?!" Tumawa siya nang kaunti at tinapik ang balikat ko.

"Mas okay nga 'to e, alam mong delikado kaya hindi mo na uulitin. Kapag hindi mo pa naranasan, magiging curious ka, tapos susubukan mo rin naman pagkatapos. Pareho lang 'yon, inunahan lang kita. Tsaka kilala kita, Ally. You always let your curiosity drive you."

Tiningnan ko siya nang masama, magsasalita pa sana ako ngunit may lumapit sa aming isang lalaki na may suot-suot na gintong armor. Moreno siya at kulay itim ang kan'yang mga buhok, matangkad din siya at kulay turquoise ang kulay ng kan'yang mga mata. Ibig sabihin, A-rank din siya katulad ni Dashiell.

"Patrick," narinig kong tawag ni Dashiell sa lalaking nasa harapan namin.

"Siya ba ang Fortem, Dashiell?" seryosong tanong naman ng tinawag niyang Patrick, tumango na lamang si Dashiell bilang tugon at hinawakan na ang kamay ko.

Nagsimula na kaming lumakad papasok sa malaking kastilyo, may mga iilan na taong napapatingin sa amin, katulad din sila ni Patrick na nakasuot ng gintong armors. Napapansin ko rin na kapag nakikita nila si Dashiell, tumitingin sila sa ibaba, siguro mataas talaga ang estado ng lalaking 'to, pareho lang naman silang A-rank pero mukhang mas malapit si Dashiell sa pinuno nila.

"Dash," tawag ng isang lalaki na may blond na buhok, nang napatingin siya sa akin, namilog ang kan'yang mga mata tsaka dali-daling tumungo.

"Harry, nandiyan ba si Pinuno Ephraim?" tanong ni Dashiell d'on sa lalaki, ngumiti naman siya at tumango, sunod niyang itinuon ang pansin niya sa akin habang nakangiti pa rin.

"Siya ba ang Fortem?"

"Oo, kailangan niyang makita ang pinuno," sagot ni Dashiell, lumapit sa akin si Harry at kinuha ang aking kaliwang kamay para halikan ito.

"Nagagalak akong makilala ka, ika'y isang napakagandang nilalang, binibini." Namilog ang mga mata ko dahil sa ginawa niya, fudge, hindi ako sanay sa ganitong bagay.

Magsasalita na sana ako ngunit bigla na lang siyang binatukan ni Dashiell na naging dahilan kung bakit natawa bigla si Harry.

"H'wag mong idagdag si Ally sa mga babae mo kung ayaw mong suntukin kita." Lalong lumawak ang ngiti ni Harry, hinimas-himas niya ang batok niya at muling tumungo.

"I'm sorry for that, nandiyan si Pinuno Ephraim sa loob, kasama si Ma'am Marie." Hindi na sumagot si Dashiell at dumiretso na sa loob, isang napalawak na kwarto ang tumambad sa amin at sa gitna nito ay isang malaking gintong upuan, nakaupo rito ang isang lalaki at sa tabi niya ay ang babaeng nakasuot ng salamin.

"Dashiell, maligayang pagbalik." Binitawan na ni Dashiell ang kamay ko at lumapit do'n sa lalaki, nag-bow siya nang kaunti bago dumiretso do'n sa babae, bumeso sa kan'ya 'yung babae bago ibinaling ang tingin niya sa akin.

"Ally Anderson, right?" tanong ng babae, siya 'ata ang tinatawag nilang Marie, siya rin 'yung tinutukoy ni Vera no'ng una naming pagkikita.

Tumango na lamang ako bilang tugon, parang umatras ang lahat ng boses ko. Sobrang nakakatakot sila, parang ang lakas-lakas nilang tingnan, lalo na sa paraan ng kanilang pananalita at sa kanilang mga postura.

"Ally, lumapit ka," malalim na sabi ng tinatawag nilang Pinuno Ephraim, dahan-dahan naman akong lumakad papalapit sa kan'ya, nakita ko nang malapitan ang kan'yang mapungay at kulay gray na mata.

"M-Magandang araw po," pagbabati ko, ngumiti siya at hinawakan din ang kamay ko.

"Ito nga ay isang napakagandang araw para sa Alhesia, sa wakas, nakilala na namin ang taong magbibigay ng kapayapaan sa mundong ito," sagot niya, nginitian ko naman siya.

"Gagawin ko po ang lahat para iligtas ang anim na milyong tao na 'yon, pati na rin po ang pamilya ko at ang buong Alhesia," matapang kong sabi. Lalong lumawak ang ngiti niya at nagbabadya na ring lumabas ang mga luha sa kan'yang mga mata.

"Maligayang pagdating sa aking kaharian, Ally."

- - -

Romans 8:38-39

For I am convinced that neither death nor life, neither angels nor demons, neither present nor the future, nor any powers, neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God that is in Christ Jesus our Lord.