webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · セレブリティ
レビュー数が足りません
67 Chs

Chapter XXIII

Nakarating naman ng maayos si Mary Dale at Juliana sa hacienda.

Nagulat pa nga ang mga katiwala nila Maymay sa pagdating nito.

"Bukas ka na lang umuwi sa inyo Juls. Alam kong pagod ka na sa byahe."

"Thanks Dale!"

"Nanay Remedios pakihanda na lang po ang guest room para makapagpahinga na si Juls."

"Sige Maymay!"

Tumungo na si Maymay sa kwarto nya.

Nagpahinga na rin muna sya.

Bukas na lang siguro nya kakausapin ang tito Ricardo nya.

Kinabukasan ay maaga syang gumising.

Kahit ilang araw pa lang syang nawala ay namiss nya ang hacienda.

Tumungo sya sa kusina at dinatnan nya si Juliana na naroon na.

"Gising ka na pala Maymay! Tara at sabay na kayo kumain ni Juliana."

"Thanks Nanay!" at yumakap pa ito sa yaya Remedios nya.

"Naku at naglalambing ang alaga ko ah!"

"Syempre naman Nay kasi namiss kita! Kayong lahat dito sa hacienda!"

Natuwa naman ang yaya nya.

"Alam na ba ni Atty tito mo na nandito na kayo ni Juliana?"

"Naku Nay malamang hindi pa alam ni Dad kasi naman ito si May, bigla bigla na lang nagdecide na umuwi!"

"Aba bakit naman? Hindi ba kayo nag-enjoy sa Maynila?"

"Ako nag-enjoy ako! Ewan ko lang sa iba dyan!" ang pang-aasar ni Juls kay May.

"Hindi ka ba naging masaya doon anak?"

"Paano naman hindi mag-eenjoy yan si Juls doon eh nandoon si Marco!" ang pag-iiba nya ng usapan.

"Ikaw nga dyan nakipagdate ka pa kay Dodong maylabs mo eh!"

Sumimangot naman si Maymay sa sinabi ni Juls.

Nagpeace sign lang sa kanya si Juls.

"Aba! Sino yang Dodong na yan? May bumihag na ba sa pihikang puso ng alaga ko?"

Pinandilatan ni Maymay si Juls pero hindi sya pinansin nito.

"Ay naku Nay! Si Dodong lang naman ang pinakagwapong driver na nakilala namin!"

"Paano nyo naman nakilala yan?"

"Driver sya ni Marco. Pero sa tingin ni Maymay meron daw itong itinatagong sikreto!"

"Ganun ba? Ano naman sa tingin mo ang tinatago nya?" tanong nito kay Maymay pero si Juliana pa rin ang sumagot.

"Kasi nga Nay masyado syang gwapo para maging driver!"

"Tapos na akong kumain Nay! Mauna na ako!" at iniwan na nito si Juls na kausap ang Nanay Remedios nya.

Natawa na lang si Juls sa pagwalk-out nya.

"Ikaw talaga Juliana! Tingnan mo at napikon pa ata ang alaga ko!"

"Hayaan mo sya Nay! Kulang lang sa lambing yon!"

"Eh pero teka, kwentuhan mo pa nga ako sa sinasabi mong lalake na nakilala nya!"

"Naku Nay! Bagay na bagay sila ni Maymay! Parang Guy at Pip, Bobot at Vi, Sharon at Gabby, Richard at Dawn, isama mo na rin si Piolo at Juday!"

"Ganun ba? Eh anong nangyari?"

"Hindi ko nga rin po alam eh!"

"Aba'y bakit naman? Di ba kayong dalawa ang magkasama?"

"Nagulat na lang nga ako na pagkatapos ng date naming apat eh nagyaya na syang umuwi. Pero sa tingin ko talaga tinamaan sya dun kay Dodong Nay!"

"Eh yung Dodong na tinutukoy mo sa tingin mo ba may gusto din sa alaga ko?"

"Sigurado ako Nay! Natulala pa nga sya nung unang nakita nya si Maymay eh!"

"Ganun naman pala eh!"

"Kaya lang yun nga umuwi na kami dito! Sana lang talaga puntahan sya dito ni Dodong!"

"Sana nga at ng magkaroon na ng katuwang ang alaga ko! May balak pa yatang gumaya sa akin na matandang dalaga!"

Natawa naman si Juliana sa sinabi nito.

"Idol ka yata ni Dale, Nay!" at nagtawanan na silang dalawa.

Si Maymay naman ay pinuntahan ang katiwala nila para ipatawag ang tito Ricardo nya.

Pagkatapos ay tumungo sya sa opisina nya sa hacienda para doon hintayin ang abogado.

Samantala sa condo ni Edward...

Si Marco naman ang maagang gumising at naghanda ng almusal nila ni Edward.

Dinatnan sya ni Edward sa kusina.

"Kain na tayo! Mahaba pa ang byahe natin! Separate cars ba tayo or isa na lang?"

Dali-dali naman sa pagkain si Edward.

Hindi na nga ata nito nilulunok ang sinusubo.

Napapailing na lang si Marco sa kanya.

Maya-maya ay nabulunan na nga sya.

"Hinay hinay lang kasi sa pagkain!"

Ininom naman nya ang iniabot ni Marco na tubig.

"Kotse ko na lang ang dalhin natin tutal ako naman ang nakakaalam kung saan tayo pupunta."

Hindi na tumutol si Edward.

Ang importante ay sasamahan sya ni Marco kay Maymay.

"Okay!"