Nakatulog ng mahimbing si Maymay.
Habang si Juliana ay nagpatuloy sa paghahanap ng mga larawan.
Pagkatapos nya ay pinakuha nya ang mga ito sa kasambahay at tumungo sya sa kwarto ng pinsan.
Tok Tok Tok
Naalimpungatan naman si Maymay.
"May, wake up it's already dinner time! Kanina ka pa tulog!"
Ganun ba kasarap ang tulog nya at ginabi na sya?
Pinagbuksan nya ng pinto ang pinsan.
"Lapag mo na dun yung mga albums." sabi nito sa kasambahay na kasama.
Pagkalapag ay umalis na rin ito.
"Sorry Juls kung pinabayaan na kita sa paghahanap! Napasarap ang tulog ko!"
"Okay lang yun! Nag-enjoy din naman ako sa pagtingin sa mga lumang pictures!"
Umupo silang pareho.
"Okay na ba ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang ulo mo?"
"Okay naman na! Nakabuti yung pagtulog ko!" at ngumiti na sya sa pinsan.
"Ready ka na ba sa continuation ng love story nyo ni Dodong?" pang-aasar na naman nito sa kanya.
Tumango lang sya.
"If you are, then let's go! Puntahan na natin ulit si Nanay Remedios!"
At pinuntahan na nga nila ito.
"O anak, hindi na ba masakit ang ulo mo?" at hinaplos ulit nito ang kanyang ulo.
"Hindi na po Nay kaya pwede mo na ituloy ang kwento mo!"
Yumakap pa sya dito.
"O sya sige, doon na lang tayo sa sala!"
At tumungo na nga sila sa sala.
Umupo si Nanay Remedios at umupo sa may paanan nya si Maymay.
Nakapatong ang ulo nito sa kandungan nya.
Si Juliana naman ay umupo sa sofa.
"Saan ba tayo huminto?"
"Dun sa paghalik ni Dodong kay Maymay!" excited na sagot ni Juliana.
Nakaramdam naman ng konting hiya si Maymay.
Napangiti lang si Nanay Remedios.
"Alam mo bang hindi Maymay ang tawag nya sa'yo kundi Yamyam?"
Napaangat ang ulo ni Maymay sa sinabi nito.
Yun din ang tawag sa kanya ng binata kaninang umaga bago ito umalis!
"Yamyam? How cute!" si Juliana na tila pumupuso pa ang mga mata.
"Kahit na anong pagtatama ang gawin ni Catherine ay yun pa rin ang binabanggit nya!"
Napapangiti pa ang matanda ng maalala ito.
"Pero bakit yun na ang huling araw ng pagkikita nila Nay?" singit muli ni Juliana.
Bumuntong-hininga ang matanda.
"Pauwi na sila ng maaksidente ang sasakyan nila. Namatay si Kevin at Catherine at silang maglolo ay nagtamo ng mga sugat."
"Oh no!" si Juliana.
Si Maymay naman ay hindi makapagsalita sa gulat.
"Nagkaroon ng trauma si Edward sa aksidente kaya nagdesisyon ang lolo nya na dalhin sya sa Germany at doon magpagaling. Hindi na sila nakabalik ng bagong taon kaya naman iyak ka ng iyak noon at hinahanap sya. Simula noon ay tuwing Pasko at Bagong Taon ay umiiyak ka."
Yun ba yung dahilan kung bakit kahit masaya naman sya ay umiiyak sya kapag Pasko at Bagong Taon?
Kahit sya ay nagtataka sa sarili nya.
Hindi nya alam kung bakit parang palagi syang may hinihintay na dumating tuwing Pasko at Bagong Taon.
Si Dodong ba yung hinihintay nya?
"Pitong taon kayo ng bumalik sila Edward dito sa pag-aakala ng lolo nya na bumubuti na ang kalagayan ni Edward. Ngunit isang trahedya na naman ang naganap."
"Grabe! Pangtelenobela! Ano naman pong trahedya yon?" si Juliana.
"Pinagtangkaan ng yaya ni Edward na kidnapin sya! Nakita mo silang papaalis at sa takot na iiwan kang muli ni Dodong ay umiyak ka ng umiyak at kumapit sa kanya! Sa takot na mahuli ay itinulak ka ng yaya nya kaya nabagok ang ulo mo! Marahil ng makita ang dugo ay hinimatay si Edward!"
Napahawak naman sa ulo nya si Maymay.
Nakapa nya ang peklat doon.
Dun nya ba nakuha iyon?
"Bumalik ang trauma ni Edward at sa pangalawang pagkakataon ay nagdesisyon ang lolo nyang dalhin sya sa Germany at doon na sila mamuhay."
"What happened to Maymay?"
Hinaplos-haplos ni Nanay Remedios ang buhok ni Maymay.
"Nang magkaroon ng malay si Maymay ay wala na syang maalala sa nangyari! At tila nakalimutan nya na si Dodong at ang lahat ng may koneksyon dito!"
"Anong ibig mong sabihin Nay? Totoo ba ito?" naguguluhan na tanong ni Maymay.
"Ibig mong sabihin may amnesia si Dale?" si Juliana na gulat na gulat din.
Saktong dating ni Atty Ricardo ng sandaling iyon.
"Totoo ang lahat ng sinabi nya Mary Dale."