webnovel

The Healing Angel

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?

ManilaTypewriter · ファンタジー
レビュー数が足りません
46 Chs

ANG PAGSESELOS

Sa hallway ay pinag-uusapan ng mga nurse ang bagong doctor na si Raphael pati si doc Krystal.

"Ewan ko ba, bakit ang daming haters ni Doc Raphael, eh ang galing-galing niya tapos ang pogi pa!" sambit ng isang nurse.

"Totoo yan besh, inggit lang siguro sila. Tsaka tingnan mo nga ang face diyos ko day mukhang anghel! Mukhang model ng mabangong shampoo at brief!"

"Ayan na naman kayo sa chismisan niyo na yan ah, Ate Joan paawat na! kwarenta ka na ang bata-bata pa ni Doc!"

"Crush lang naman grabe ka!" ilang sandali pa ay dumaan sa harapan nila si Doc Raphael at Doc Krystal habang may hawak na kape at nag-uusap.

"Oh my God!" kapit-kapit ang uniform ng kasama habang nakatingin sa dalawa.

"Napaka-ahas talaga ng babae na yan! Lahat na lang ng doctor dito nilandi niyan tsk." ani ni Nurse Joan.

"Oy diyan ka nagkakamali. Sila yung lumalandi kay doktora!"

Sunday is not a busy day sa may PH.

"Ano saan tayo kakain?" tanong ni Krystal kay Raphael.

"Hmm." naisip ni Raphael ang ihaw-ihaw pero sa tingin niya, hindi ito kumakain ng ganitong klase ng pagkain. "Ikaw na lang siguro mamili. Sagot ko." nakangiti niyang sabi.

"Weh? Are you sure? Masyado ka namang galante I can pay my own--"

"Hindi, okay lang. Pasasalamat ko lang to sa tulong mo sakin yesterday." paliwanag niya.

"Ahhh" nakangiting sabi ng dalaga.

"Yung nangyari kahapon, I just want to say sorry sa mga kasamahan ko. Ganon talaga sila minsan, takot mag-handle ng mahihirap na case." paliwanag ni doktora.

"Its okay, di rin naman kami nag-eexpect."

"Pero bakit pala kasama mo yung dalawa na alalay mo? I mean, may mga nurse naman tayo diyan at anaesthesologist. Just why?" pagtataka nito.

"Comfortable lang siguro ako sa dalawa. Tsaka bago kami pumunta rito nagbasa kami ng maraming libro at nakasabak na sa mahihirap na operation. Besides, family ko sila." sagot naman ni Raphael.

"Ah. Can I ask you something, medyo personal okay lang?" nakangiti nitong tanong. Tumango lang si Raphael. "Where did you learn medicine?" nakakunot na noong tanong nito.

The question is quite hard for Raphael. Hindi niya masasagot ang ganitong klaseng tanong. Paulit-ulit lang na makwekwestyon ang kakayanan niya. Paano ka nga ba naman sasagot kung ikaw mismo ang the healing angel, ang nagpapagaling sa may mga karamdamang tao.

"Natuto lang." mahinahong sagot ni Raphael.

"Ah. So hindi ka talaga nag-take ng any related course sa may medicine?"

"Yes." ito na lang ang masasagot ni Raphael dahil bawal magsinungaling ang isang anghel. Pero anghel pa nga ba siyang maituturing?

Na sa Bikings na ngayon ang dalawa at dito sila kakain ng lunch. Maraming pagkain ang nakapalibot dito. May western, asian, desserts, authentic foods at iba pa. Sa gawing VIP Room pinili ni doktora na maupo para hindi na sila tumayo pa at kumuha ng pagkain. Dito ibibigay na lahat ng kailangan mong pagkain.

At ang interior sa loob, it feels like a romantic date dahil karamihan ng kasama nila ngayon ay mga couple. May mga tahimik lang, kabado siguro sa unang date, may ilan din namang hagalpak ang tawa at may mangilan-ngilam din na dito na minabuting tapusin ang relasyon.

"Are you surprise? Don't worry normal na yang mga umiiyak dito." ani ni Doktora.

"Ah hindi I'm fine hindi lang ako sanay--"

"Never ka pang nakipag-date?" nakataas na kilay na tanong ni doktora.

"Never. Wala lang time."

"Oh my! for real? I mean look at you, you're a good looking man, how come?" gulat na tanong ni doktora.

"Totoo nga. Paano ko ba i-explain?" nag-iisip si Raphael ng alibi because angels, hindi naman sila nakikipag-date dahil sa duty nila sa langit.

"I've dated many boys, pero wala I don't like them." tugon naman ni Krystal.

"Haha. Sa ganda mong yan?"

"Oo may karapatan akong magmaganda diba?" sambit nito habang naka wink ang kaliwang mata. She's really beautiful at her age at katulad ni Raphael na bata pa lang.

"Oo na lang." ito na lang ang nasambit ni Raphael habang binubuklat ang menu. "Order na tayo, nagugutom na ako."

"Steak and wine please!" nakangiting order ng dalaga sa may staff.

Si Raphael naman ay itinuro lang ang mga pagkain na hindi naman niya alam, basta kung ano maturo ng daliri, mukha namang masarap.

"You sure mauubos mo yan lahat?"

"Yata? ewan ko lang" nakatawa nitong sagot.

After an hour ay tapos na ring kumain ang dalawa.

"Grabe busog na busog ako!" sambit ni Raphael." Ikaw? Mukhang puro wine lang naman ininom mo."

"Yes! Medyo nahihilo nga ako. Can you hold my bag?" pakiusap nito dahil hindi na nga talaga diretso ang lakad ng dalaga. Kinuha niya ang bag nito at nilapat naman ng babae ang kamay niya sa may braso ng binata na para bang mag-jowa.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay nakasalubong ni Raphael si Faye kasama si Teacher Ji. Ilang minutong nagtama ang tingin ng dalawa. Si Raphael ay nanlaki ang mga mata, samantalang si Faye ay tumaray lang ang mata na parang walang nakita.

"Hoy diba si ano yan?" turo ni Teacher Ji kay Faye habang nakanguso

"Oo ! wag mo nang ipagkanguso-nguso pa ng ganito!" asar na sabi ni Faye.

"Nako Faye selos ka lang! Sino kaya yung kasama niya hmm? Intriga ako tara nga!" hinatak niya papunta kila Raphael si Faye na lumalaban ng kaunti.

"Oh Faye andito pala kayo. Hi!" bati ni Raphael habang humihigpit ang kapit ng doktora.

"Nag-iikot lang may bibilhin kasi kaming school supplies."

"Doc Raphael nakikita ko kayo sa tv at internet! Napakaganda naman ng girlfriend niyo!" nakangiting singit ni Teacher Ji habang kinikilig ng patago.

"Excuse me?" tanong ni Raphael.

"Ha ha ha! Ang funny mo maam! we're not a couple pero why not gwapo naman tong si doc at mabait!" ani ni Krystal na ikinatawa ng lahat maliban kay Faye na akala mong nasabuyan ng bleach at ampalaya sa bitter ng mukha.

"Sige na Faye, Maam mauna na kami napasobra ng wine yung kasama ko. Ingat!" paalam nito habang papalayo sa dalawa ay nakatalikod pa rin siya at tinitingnan ang paalis na si Faye.

"Napakababaero talaga akala mo gwapo!" ani ni Faye habang nagngingitngit kay Faye.

"Nagseselos ka ba? Anong karapatan te ghorl?"

"Wala! Kala mo kasi kung sinong gwapo tsk!"

Drop your comments here! Usap tayo guys how are you???

ManilaTypewritercreators' thoughts