Lumingon si Damon sa akin.
"Mabuting tao si Bea at mahal na mahal ka nya kaya sigurado akong mapapatawad ka ng kakambal mo!"
"Sana nga..."
Pagkalabas ni Damon ay dumating si Klaus.
Si Klaus na sa kabila ng lahat ay hindi ako iniwan.
I smile at him.
Bea POV
Nakaramdam ako ng kamay na humahaplos sa buhok ko.
I must be dreaming kasi ramdam kong kay Mommy ang kamay na yon.
Mom used to do it to make me fall asleep.
That was before Bella pretended to be me.
Napangiti ako sa panaginip ko.
Nagising ako na nakayakap sa akin si Damon.
I felt a slight disappointment na panaginip nga lang talaga yung paghaplos ni mommy sa buhok ko.
"Ang aga naman na nakasimangot ng asawa ko...what's wrong?" tanong ni Damon na nagising na rin pala.
"Ah wala! Akala ko lang kasi..never mind!"
"Hey come on tell me! Ngayon ka pa ba maglilihim sa akin?"
Humarap ako sa kanya habang nakahiga pa rin kami.
"Okay...I dreamt of my mom last night...hinahaplos nya yung buhok ko. She used to do that before."
Ngumiti sya sa akin.
"It wasn't a dream. She was really here last night and also your dad."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
"What do you mean?!? Paano nangyari yun?!?"
"Alam na nila ang totoo about you and the real Bella."
"I know you have a lot of questions on your mind pero set them aside first. Kumain ka na muna ng breakfast. The doctor will be here any minute to conduct some tests. You'll have plenty of time to talk with them later."
I nod happily.
I couldn't contain my happiness.
I'm like a kid waiting for Santa on Xmas eve.
Kumakain na kami ni Damon when my parents arrived.
Halata ang pag-aalangan sa kanila na pumasok ng kwarto ko.
Lalo na si Dad.
Si mommy ang unang nagsalita.
"Bea anak..."
That's it!
That's all it took and I came rushing into my mom's arms.
Umiiyak kaming pareho ni mommy habang patuloy na hinahaplos nya ang buhok ko.
"I'm sorry anak..." paulit-ulit na sabi nya.
"Bea...anak...mapapatawad mo pa ba ako sa lahat ng nasabi at nagawa ko sa'yo?"
Napatingin ako kay dad sa sinabi nya.
"Kung alam ko lang na ikaw si Bea...I wouldn't have done and said those things to you!"
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko para kay Bella.
"Dad...are you just saying sorry because I'm Bea?"
He looks at me confused.
"Whether I am Bea or Bella, it doesn't matter! Anak mo ako and that should be enough reason for you to say sorry!"