webnovel

The First Move

作者: Nekohime
都市
連載中 · 4.4K ビュー
  • 1 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Behind The Lies Spin-off Novel. Mikael's Story

タグ
2 タグ
Chapter 1Prologue

Love at first sight! Tinamaan agad ako ni kupido, unang beses ko palang siyang nakita.

Kaso, suplado. Ang hirap magpapansin. No girlfriend, since birth. Mailap sa babae.

Pero paano kaya kung ako na lang ang gumawa ng unang hakbang para mapansin niya? At ako na rin ang manligaw? Well, wala naman sigurong masama doon?

Ang sabi kasi ng lola ko, kung mahal mo dapat gumawa ka ng paraan para mapasaiyo ang puso niya. Huwag daw dapat iasa sa tadhana ang mga bagay bagay. When it comes to love, you must learn how to take a risk.

Kaya heto ako, handa nang magtapat sa iniirog ko.

"Mikael Romualdez, I like you! Mag-date tayo."

Lakas loob kong sigaw nang maharang ko siya. Hindi ko na pinansin kung pagtinginan pa ako ng mga estudyanteng dumadaan sa hallway. Ganito talaga kapag pumapag-ibig. Walang hiya-hiya. Ang mahalaga, masabi ko rin sa kanya ang totoong nararamdaman ko.

Aba! Dapat ma-flatter siya. Simula first year college pa lang kami, deads na deads na ako sa kanya.

Napatingin ako sa gwapong mukha niya. Halos lumuwa ang mata niya sa labis na pagkagulat. Bahagya ring umawang ang bibig niya. Para nga rin siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Hindi siya gumagalaw.

Napangiti na lang ako sa reaksyon niya, siguro kinilig 'to.

Ilang sandali pa, nahimasmasan na rin siya. Napabuntong-hininga siya ng malalim sabay himas sa kaliwang sentido niya. At nang tapunan niya ako ng tingin, para na akong mahihimatay dahil sa nakakatunaw na titig niya. So I stared back at him, kulang na lang magheart shape na ang mga mata ko habang nakatitig lang sa kanya at hinihintay ang isasagot niya.

"I'm sorry, Miss. Wala akong panahon sa ganyang bagay," walang emosyong saad niya saka ako nilampasan.

At para akong pinagbagksan ng langit at lupa ng mga sandaling 'yon.

Wait! Did he just reject me?! Ako, si Janice Marquez, the Campus Queen! Nilayasan niya lang? How dare him?!

Sa sobrang inis ko, dali-dali kong hinubad ang sapatos ko at ibinato sa direksyon ni Mikael. Tumama sa likod niya ang sapatos ko, dahilan para saglit na tumigil siya sa paglalakad. Akala ko lilingunin niya akong muli, pero sinipa niya lang ang sapatos ko palayo.

Ugh! I hate you, but I love you!

Akala niya ba, susuko na lang ako sa kanya ng ganun ganun na lang? Pwes! Nagkakamali siya.

I will make him fall for me, by hook or by crook!

あなたも好きかも

Adik Sa’yo

Napagkamalang adik at na-inlove sa isang adik! Ito ang dilemma ni Nadia. Dahil sa inggit at galit ng kanyang stepmother matapos ipamana sa kanya ang malaking inheritance ng daddy niya, na-frame up si Nadia at pinasok sa Love and Hope Rehabilitation Center. Adik daw siya at lulong sa bisyo, susmaryosep! Ni yosi nga never niyang nahithit, bato ni Darna pa kaya? No choice si Nadia kung hindi makisama sa mga adik at sumunod sa mga patakaran upang makaalis siya after six months. Pero paano magiging at peace ang pamamalagi niya sa loob ng center kung may isang Jace Devenecia ang gumugulo ng sistema niya? Dahil utang na loob naman, si Jace nang pinakagwapo at pinakaseksing adik sa balat ng lupa! Pakitaan ba naman siya ng nagtitigasang abs. Eh, talaga naman kahit sinung babae ang mahuhulog sa katawan nito. Lalo na at ubod nang sarap lang naman nitong humalik; malululong ka na, mapapaungol ka pa! Hay... paano na? Marupok is real! “Ano ba ang pinatira mo sa’kin at bakit baliw na baliw ako sa’yo?” “Huwag mo nga akong pagbintangan dahil matagal ng may tama ‘yang utak mo!” “Oo, adik talaga ako, adik na adik sa’yo at hinding hindi kita pakakawalan hangga’t hindi ka nagiging akin, dahil Nadia mas matindi ka pa sa kahit anung droga natikman ko at wala ng gamot dito.” Nalintikan na dahil sa kauna-unahang pagkakataon, totoong na-adik si Nadia… na-adik sa makapantindig-balahibong halik, nakakatirik-matang mga haplos at nakakabaliw na pag-ibig. Ito ay kwentong pang-adik… sa kilig! Adik ka ba? Genre: Contemporary Romance, Comedy, Drama TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, nudity, loss of a loved one, emotional abuse, self-harm, drug & alcohol use ”Anj Gee Novels” Grim Reapers Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Strawberry Bite- Completed Diary ng Birheng Maria- Completed ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · 都市
5.0
18 Chs

レビュー結果

  • 総合レビュー
  • テキストの品質
  • リリース頻度安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界観設定
レビュー
ワウ!今レビューすると、最初のレビュアーになれる!

応援