webnovel

TFE 5: Class Picture

"M--May ibang tao ka pa bang nakita no'ng nandoon ka?" Mell asked.

"Sa tingin mo ba sisigaw ako ng sisigaw kung may iba pa akong nakitang tao do'n? Duh!" Sagot naman ni Rejielyn.

Kasalukuyang nasa loob ng kanilang classroom ngayon ang tatlong magkaka-klaseng sina Ian, Rejielyn at Mell.

Hinintay muna no'ng dalawang binata na makapag-bihis ang dalaga bago sila muling bumalik sa classroom na kung saan magaganap ang kanilang class picture.

And they're currently talking about the incident that have happened just a few minutes ago.

Base sa mga nangyari, it wasn't just some sort of accident.

Someone tried to drown her.

Sa ngayo'y nakapag-bihis na ng panibagong damit ang dalaga, at abala lamang mula sa kanyang pag-mi-make up habang naka-harap pa sa hawak-hawak niyang maliit na salamin.

She had to re-do her make up. Lalo na't na-wash out ito sa nangyari kanina.

Ngunit gayo'n pa ma'y nagpapasalamat pa'rin ang dalaga't iyon lamang ang natangay no'ng tubig mula sa kanya at hindi ang kanyang sariling buhay.

"Someone tried to take my own life! Whether it was a prank or not, kailangan ko pa'rin itong mai-report sa principal mamaya. And if they can't help me, ako na mismo ang mag-rereport nito sa mga pulisya!" Muling wika ni Rejielyn. "Bakit ba kasi wala manlang katao-tao ngayon sa mga hallways? And where the hell are all the school staffs!?" Aniyang muli.

Ian sighs.

"Nasa gym na ngayon ang lahat ng mga estudyante, guro at iba pang mga staff dahil sa isang campus orientation.

Ang section na nga lang natin ang hinihintay nila eh. But sadly, it's our class picture day, kaya tayo-tayo nalang ang natitira sa buong building," pag-eexplain ni Ian. "At malayo ang photograph room mula sa rest room kaya paniguradong kung hindi ako lumabas eh wala talagang may makakatulong sa'yo. You should thank me, you know," aniyang muli.

Ngunit bahagya lamang na napa-irap si Rejielyn.

"Whatever! Thank you, I guess?"

"Ba't parang hindi naman yata sincere?"

"Uh... Guys?" Sumingit muli si Mell sa kanilang pinag-uusapan.

"Na...Napa-isip lang ako..."

"Oh?" Rejielyn raised an eyebrow, waiting for whatever Mell's trying to tell them.

"W--What if... konektado ang nangyari ngayon sa... sa pagkaka-paslang kay Darwin?" Tanong na nabuo mula sa mga bibig ng binata, dahilan upang parehong mapa-tingin mula sa kanya iyong dalawa.

Both wearing a worried expression.

"Si--Sinasabi mo bang... gusto akong patayin ng kung sino man ang pumatay kay Darwin?" Kinakabahan at halos hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. "Pe--Pero bakit ako? Sa pagkaka-tanda ko, wala pa akong may tinatapakang kung sino mang tao!"

She saw what happened to their friend's body.

It was so brutal.

Too brutal to be precise!

At hindi ma-imagine ng dalaga na makita ang sarili nasa sitwasyon noong napatay na kaklase.

"Hindi lang sa inyo. W--What if... whoever it is, he or she wants to get rid of us all?" Mell said. "I mean... Th--Think about it! May bigla nalamang pumatay kay Darwin. A--At kamuntikan ka nang malunod. For sure naman hindi lang yo'n basta-basta isang coincidence o prank diba? May gustong pumatay sa'yo. Kung nangyari ang bagay na iyon, pwedeng-pwede rin iyong mangyari sa kahit na sino mula sa klase na'tin. Someone's probably holding a huge grudge between all of us," Mell said in monologue.

"Ibig mong sabihin, kagaya no'ng sinabi ni Rosario sa'tin kanina?" Ani Ian.

"N--Naisip ko lang yo'n kasi... Ang sabi ni Rej, bago bumukas ng sabay-sabay yo'ng mga gripo kanina, eh may nakita muna siyang sulat diba? At base sa naaalala kong mga news reports, a--after maimbistigahan no'ng mga pulisya iyong crime scene ni Darwin ay meron rin silang nakitang sulat. And behind these two letters, parehong may naka-ukit na pangalan... Love, Jarface," pag-eexplain ng binata. "K--Kaya... Iisa lang ang ibig-sabihin nito. He won't stop until he could kill another one of us! Si--Siguro tama nga si Rosario."

"Pero bakit?" Muling tanong ni Rejielyn, dahilan upang muling mapa-tingin sa kanya iyong dalawang binata.

"Huh?" Mell asked.

"I--If what you're saying is true... Bakit naman may mag-tatangkang pumatay sa buong klase na'tin?" Aniya.

Sa puntong iyon ay mag-sasalita na sanang muli si Mell.

Ngunit pare-parehong natigilan lamang iyong tatlong mag-kakaklase nang makita nila ang biglaang pag-bubukas ng pintuan ng kanilang classroom.

And in goes Mark.

Mahahalata sa buong mukha nito ang sobrang pagka-galit.

"Anak ng tokwa naman oh! Nandito lang pala kayo!? Time is running you guys! What the hell are you three doing!? Pina-sundo ko na si Ian, pina-sundo ko na'rin si Mell, talagang hinintay niyo pang ako na mismo ang sumundo sa inyo noh? Anong gusto niyo, mag-party muna tayo dito gano'n!?" Sunod-sunod na mga pa-ratrat sa kanila ng class president, dahilan upang walang ibang magawa iyong tatlo upang magsi-labasan na.

Bukod doon ay marami pang mga sinabi sa kanila si Mark, hanggang sa tuluyan na ngang makarating iyong apat sa photograph room.

Dahil sa mga pangyayari ay halos hindi na namalayan noong tatlo na magkakaroon pa pala sila ng isang mahalagang gawain.

Ngunit gayo'n pa ma'y napag-pasyahan noong tatlo na huwag na munang ipag-sabi sa iba pang mga kaklase iyong nangyari, they don't want them to be worried.

+++

"What took you guys so long? Kanina pa kami naghihintay sa inyo!" Pa-unang wika sa kanila ng dalagang si Fatima.

"S--Sorry... Uh-- N--Nagutom kasi ako kanina eh. Kaya kumain na muna ako sa canteen. That's why hindi ako agad nahanap nina Mell at Ian," pag-sisinungaling ng dalaga.

"Ako naman... Nalaglag kasi yung phone ko eh. Kaya inuna ko munang hanapin kaysa kay Rejilyn," wika naman ni Ian

Ngunit bahagyang napa-kunot lamang ng kanyang noo si Theresa nang makitang wari ba'y basang-basang buhok ni Rejielyn.

"Rej? Ba't parang, basang-basa naman yata yang buhok mo?"

"Huh? Ah eh... U--Umuulan kasi no'ng nasa labas ako kanina," muling pag-sisinungaling no'ng dalaga.

"Umuulan kanina?" Hindi makapaniwalang tanong naman ng dalagang si Kristine.

Dahil dito'y bahagya nalamang na napa-irap si Rejielyn dahil sa sobrang pagka-umay.

"Do I have to repeat myself? Nandito na kami diba? Mag-sisimula pa ba tayo sa class picture na toh o ano?"

"She's right," sabat ni Mark sa usapan. "Masyadong napaka-laking oras na ang naaksaya na'tin dahil sa kanila. Kailangan pa ba na'ting mag-aksaya nanaman ng mas marami pang oras dahil lang ulit sa kanila? They're not worth it, let's start this!"

"Wow ah. Okay," tanging naibulong nalamang ni Ian sa kanyang sarili habang naririnig ang mga katagang iyon mula sa kaklase.

"M--Mark! O--Okay lang ba kung isama ko tong si Red sa class picture?" Naka-ngiting tanong ni Lalaine sa binata.

"Red?" Takang tanong naman nito.

"She's talking about that dumb baby chicken of hers," bored na sagot ni Joyce. Halatang kanina pa nabo-bore dahil sa mahinang usad ng kanilang mahalagang oras.

"Red is not dumb. She's just innocent," seryosong pag-tatanggol naman ni Lalaine sa kanyang alaga.

"Whatever," aning muli ni Joyce.

Napa-iling-iling nalamang si Mark ng dahil dito sabay napa-face palm pa.

"Osige sige isama mo nalang yan. Basta pumosisyon na kayong lahat!"

Matapos iyon ay nagsi-ayusan na nga ang lahat sa kanila.

There were 21 chairs in total, at kada-upuan ay may mga naka-ukit na pangalan ng isang estudyante.

Kung saan man naka-ukit ang kanilang pangalan ay doon mismo umuupo ang mga ito, some of those who doesn't have any chairs were left standing altogether.

Mostly sa mga naka-upo ay mga babae, at mostly naman sa mga naka-tayo ay mga lalake.

Ngunit naka-depende pa'rin iyon sa mga height nila.

Some of the shortest boys were sitting, and some of the tallest girls choses to stand.

Meron ding isang empty chair ang naka-lagay sa may gitna nito. It was supposed to be teacher Zaira's seat, ngunit dahil sa kasalukuyan pa itong nasa orientation meeting ay napag-pasyahan ng lahat na saka nalang kuhanan ng litrato ang kanilang guro't gumamit nalamang ng isang photo-editing app upang i-insert siya mula rito.

Same thing that they've decided to do with Darwin.

Because even if he's already gone, the others knew that he was still once a part of their class.

Naisipan ng iba, na mag-cut out nalamang ng litrato ni Darwin mula sa nauna nilang class pictures noong sila'y sa grade 8 palamang, at i-insert ito mula sa magiging class picture nila ngayon. That's the least they can do to keep on treasuring the bond they once had with their fallen fellow classmate.

Makalipas ang ilang minuto ay dumadami na'rin ang mga shots na ginagawa nila mula sa harapan ng camera.

May mga nagpaka-poker faces, smily, sady, look ups at wacky.

Dahil dito'y para na'rin silang nagkakaroon ng class bonding.

If only they had known the bad things that were yet to come, paniguradong mas pipiliin nalamang ng mga magkakaibigan na manatili sa ganoong pangyayari. Ang hindi na muling mawala pa ang mga nginiting namumuo mula sa kanilang mga labi.

"Okay, class last na toh ah! Gawin niyo na ang mga best smiles niyo! Dahil baka ito na ang gamitin nilang litrato sa magiging future year book na'tin," wika ni Mark sa mga kaklase habang sini-set nang muli ang timer ng ginagamit nilang camera.

"Okay!" The whole class said in chorus.

Matapos iyon ay kaagad nang bumalik mula sa kanyang posisyon si Mark at inayos ang sarili.

"You guys ready? Pag-count kong tatlo, dapat naka pose na kayo sa pinaka good lookinh face niyo ah, am I making myself clear?"

"Clear as crystal Mark!" Ani Justin.

"Okay! --One..."

Habang nag-bibilang ang binata, kasabay nito ay ang pag-sisimula rin ng countdown-timer noong camera.

"Two..."

Everyone was making their greatest smiles.

May mga naka-ngiti lamang, at meron namang ibang ipinapakita maging ang malilinis nilang mga ngipin.

"Three..."

It was supposed to be one of their greatest moments, ang magkaroon sila ng litrato habang kompleto't sama-sama.

"Four..."

But something was off...

Theresa can feel it.

And she know that she was supposed to smile.

Ngunit wari ba'y may isang bulto ng tao siyang nakikita mula sa likod noong camera'ng tahimik na naka-tayo lamang mula roon.

Not making a sound, not making any movement.

Just standing still.

"Ang tagal naman!" Reklamo ni Richard.

Isang bagay na hindi nakikita ng iba niyang mga kasama, dahilan upang kunot-noo siyang mapa-pokus ng tingin mula roon.

A familiar figure of someone who's been long gone...

"Darwin?" Ani Theresa mula sa kanyang pag-iisip.

"Five! --Say cheese everyone!" Pag-papatuloy ni Mark mula sa kanyang countdown, at kasabay nito ay ang pag-flash noong camera mula sa kanilang harapan, catching Theresa off guard.

Ngunit isang segundo lamang ang nakaka-lipas ay bigla nalamang kasunod na narinig ng lahat ang isang napaka-lakas na pagsabog mula sa buong kwarto ng photograph room.

It sounded like some kind of gun shot!

Dahilan upang pare-parehong mapa-sigaw ang lahat sa kanila ng dahil sa sobrang pagka-gulat at nag-simulang mag-panic.

At mas tumindi lamang iyon nang bigla nalamang sunod-sunod na nag-patay sindi iyong ilaw mula sa loob ng kwartong kanilang kinaroroonan.

Hanggang sa makalipas ang anim na segundo ay tuluyan na ngang nag-dilim ang buong kapaligiran, dahilan upang wala silang ibang makita kundi purong kadiliman lamang.

"Fuck! Anong nangyari!?" Sigaw ni Nicole.

"Oh my god! Was that a gun shot!?" Said the panicking Joyce.

"Shit! Everybody calm down!" Bulyaw ni Mark sa mga kaklase.

"Mark! Ano yo'n!?" Ani Heide.

"H--Hindi ko rin alam. Pe--Pero kailangan na muna na'ting kumalmang lahat!"

Halos hindi na maka-galaw si Theresa mula sa kanyang kinatatayuan, ngunit alam niyang dahil sa kanilang narinig kanina'y siya nalamang ang nananatili mula sa kanyang posisyon.

But what bothered her are the cold feeling running through her left cheek, like literally.

Pakiramdam niya'y may kung anong likidong tumalsik mula sa kanyang mukha.

Dahil dito'y dahan-dahang napa-himas mula roon ang dalaga, not knowing what it was. Although, she had a feeling that it's not just some kind of normal and transparent water.

Sa puntong iyon ay nag-simula na siyang makaramdam ng kaba, lalo na't halos nalalanghap niya na ang amoy na nanggagaling mula sa likidong nasa kanyang mukha.

"She--Sheena? M--Mark?" Makalipas ang ilang minuto ay dahan-dahan nang iginalaw ni Theresa ang kanyang mga binti papaalis mula roon.

Trying to search for her other classmates.

"G--Guys! S--Satingin ko may hindi nanaman magandang nangya- Ugh--!!"

Hindi naipagpatuloy ni Theresa ang sana'y kanyang sasabihin, dahil bigla nalamang siyang may naapakang kung ano, dahilan upang kaagad na mapa-dapa mula sa sahig iyong dalaga.

At habang naka-dapa ay bigla nalamang siyang may nakapang kung ano mula roon.

And it feels like, it was a person...

A person covered in some kind of liquid...

Makalipas naman ang ilang segundo ay laking pasasalamat no'ng iba nang bigla nalamang muling mag-balik iyong ilaw ng buong kwarto.

Ngunit kung ano man ang kanilang sunod na nakita'y sadyang ikinagulat ng lahat.

Lalo na ng dalagang si Theresa.

There was a dead body lying on the floor next to them.

And it wasn't just someone.

It was a dead body of one of their classmates.

Clariza Angelio... Nakahulandusay sa sagit, at halos naliligo na mula sa kanyang sariling dugo. Butas na'rin ang ulo nito't mahahalatang wala nang buhay.

Dahil sa biglaang nakita ni Theresa ay kaagad lamang siyang napa-sigaw ng sobrang lakas dahil sa gulat at pagka-hindik, na nasundan naman nang pag-papanik noong iba pa.

Halos mag-tulakan at mag-unahan pa ang mga ito makalabas lamang mula sa loob ng kwartong iyon.

Habang ang iba naman sa kanila ay panay na ang suka papalabas.

Maging ang mga class officers katulad nina Mark at Heide ay wala na ring ibang nagawa pa kundi ang kaagad na mapa-takbo nalamang papaalis mula roon.

One of them died with no apparent reason at pinangunahan na ang lahat sa kanila ng takot, gulat at sobrang pagka-gimbal.

Ngunit sa kalagitnaan ng lahat ay isa sa kanila ang nanatili lamang mula sa kanyang kinatatayuan.

Tahimik na naka-titig sa ngayo'y wala nang buhay nilang kaklase.

Wala nang ibang tao mula roon at tanging siya nalamang.

Mula roo'y dahan-dahan itong nag-lakad papalapit doon sa nakita niyang litrato mula sa duguang sahig. Marahil ito ay nalaglag ng camera kani-kanina lamang dahil sa biglaang nangyaring komosyon.

The student picked it up and stares back to the dead body of its fallen classmate.

Pasekreto itong napa-ngiti, sabay iling-iling pa at may ibinulong sa sarili.

"How unfortunate..."

Matapos noo'y mayroon itong kinuhang pulang marker mula sa kanyang bulsa at muling ibinaling ang tingin mula sa pinulot na litrato.

Minarkahan niya ng ekis ang mukha ni Clariza, pati na'rin iyong empty chair na sana'y para kay Darwin, at mahinang napa-tawa.

"Look who's next!" The student whispered to itself...

+++

"I am very disappointed, Ms. Escobedo," wika ng principal sa gurong si Zaira.

Natapos nalang kasi ang buong class orientation na walang may nagpapakitang ni-isa manlang na estudyante mula sa section gold, at sa ngayon ay walang ibang natanggap si Zaira kundi purong sermon mula sa kanilang principal na si Mr. Cobatcha.

"Naturingan ang buong klase mo bilang ang may mga pinaka-magagaling na estudyante sa buong Annex University, at ni-isa manlang sa kanila ay hindi nagpakita sa orientation?" Halos hindi makapaniwalang wika ng principal. "Sabihin mo nga Ms. Escobedo, hindi naman siguro lumalaki ang mga ulo ng mga estudyante mo dahil lamang sa titulo at atensyon ibinibigay sa kanila ng buong school tama ba?"

Dahil dito'y napa-buntong hininga nalamang ang guro.

"I am so sorry Mr. Cobatcha, I will assure you that this will not happened again," iyon nalamang ang mga salitang ibinitaw ng guro, dahil maging siya ay wala ring kaalam-alam sa kung bakit hindi manlang nagpakita ang kanyang mga estudyante mula sa gym.

She texted them alot of times, but none of her students made any response.

Alam niyang busy ang mga ito sa tight schedule ng kanilang late class picture, ngunit gayo'n pa man ay inaasahan ng guro at no'ng iba pa na matatapos agad ito't makakahabol sila sa orientation.

But that didn't happened...

++

Matapos ang ilang minuto ay tuluyan na ngang naka-labas mula sa loob ng principal's office ang guro, ngunit bago mangyari iyon ay nakatanggap muna siya ng mas marami pang sermon kanina, and all she could offer the principal were dozens of sorrys.

Sa ngayon ay tahimik na nag-lalakad na siya pabalik mula sa kanyang klase, suot-suot ang nag-sasalubong na mga kilay mula sa kanyang mukha, mahahalata ang sobrang pagka-inis.

At handa niya na sanang bigyan ng sermon ang kanyang mga estudyante, ngunit nag-bago lamang ang lahat, nang sunod niyang makita ang mga itong panay ang sigaw at nag-tatatakbo pa habang nag-sisilabasan sa isang pasilyo, na wari ba'y nakakita ang mga ito ng kung anong multo.

Some were crying, vomiting, habang iyong iba nama'y inaakay pa ang kanilang kaklaseng nahimatay dahil sa nangyari kanina.

Dahil dito'y lubusang nagtaka ang guro, kaya nama'y kaagad niyang sinundan ang mga ito't sinusibukang tawagin.

"Teka... Guys? A--Anong nangyari!? A--Angel! Angel!" Tawag niya do'n sa isa sa kanyang mga estudyante, sabay hawak sa may balikat, dahilan upang kaagad siyang lingunin nito.

At ang unang sumalubong mula sa guro ay ang halos napupuno nang luhang mukha ng kanyang estudyante.

"Anong nangyari!? Ba't ka umiiyak? A--At ba't ba kayo takbo ng takbo?" Sunod-sunod na tanong ng guro.

Hindi naman kaagad na nakapag-salita si Angel.

Nakatitig lamang ito deretso mula sa mga mata ng kanyang guro habang patuloy pa'rin sa pag-hikbi at panginginig.

"I--I need to know! Ano ba talaga ang nangyari dito?" Muling tanong ni Zaira.

"M--M--May... M--May bumaril sa kanya... M--May bumaril sa kanya..." Paulit-ulit na naisasambit ng dalaga, na nag-sanhi lamang ng mas maraming tanong sa maestra.

"Teka... Hindi kita maintindihan! Si--Sinong tinutukoy mong binaril? A--At sinong bumaril!?"

"S--Si Clariza... P--Patay na po siya! Patay na po s--siya!"

Nagulat ang kanilang adviser sa narinig nito mula sa kanyang estudyante at bahagyang natulala...

Hindi muna iyon nag-sink mula sa kanyang utak...

She doesn't want to believe it...

She never wants to believe it!

Gusto niyang isipin na marahil ay prank lang ito, at pina-prank lamang siya ng kanyang mga estudyante...

But that doesn't explain the looks on their faces whenever she stares at someone's eyes.

Agad namang nagtatakbo si Angel palayo.

"Please tell me i--it's not happening again..." Zaira murmured to herself.

"It will..."

Kaagad naman siyang napalingon sa nagsalitang estudyante mula sa kanyang likuran, at mula roo'y nakita niya si Rosario.

The young girl was standing next to her.

Smiling...

Habang naka-titig lamang sa kanyang mga kaklaseng kanina pa nagkaka-gulo.

"Once the game has started. It can never be stopped," wika pa nito, dahilan upang mag-taka lamang iyong guro.

"Rosario ano bang sinasabi mo?" She asked.

"He'll never stop until the last petal fell," wika nitong muli. "Until he shreds the blood of every single one of them... Until he's the only one left."

"Ano!? Wh--Who's 'he!?' Anong ba talagang nais mong sabihin Ms. Fusio!?"

"You're part of this game Ms. Zaira. Kung ako sa'yo, titingnan ko muna ng mabuti ang mga taong kaharap ko. Dahil hindi na'tin alam, baka ikaw na pala ang susunod," huling iniwika ni Rosario, sabay na tumitig ng deretso mula sa mga mata ng kanyang guro habang hindi pa'rin tinatanggal ang mga ngiting naka-kurba sa kanyang labi.

Dahilan upang makaramdam ng pangingilabot mula sa kanyang buong katawan iyong guro dahil sa mga sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga estudyante.

Matapos nito'y nakangiti namang iniwan ni Rosario si Zaira.

She knew...

That whatever's coming, is going to strike more tragedies than what she have already seen before...

+++

-END OF CHAPTER 4-

+++

PLAYERS LIST:

-- students --

1. Alexandra Sabusap

2. Angel Corritana

3. Angelou Postrero

4. [ D E C E A S E D ]

5. Daniel Daa

6. [ D E C E A S E D ]

7. Erron Mejico

8. Fatima Pagado

9. Florelyn Manadong

10. Heide Morillo

11. Ian Keech Fabi

12. Jaica Caballa

13. Janmil Daga

14. Jejelyn Basas

15. Johnrey Daga

16. John Lester Palejo

17. Joseph Araña

18. Joseph Dacatimbang

19. Joyce Anne Montaño

20. Justin Hijada

21. Juvy Ann Raagas

22. Kristine Delfin

23. Lalaine Navarrosa

24. Mark Noya

25. Mj Rabandaban

26. Mell Labita

27. Michelle Calope

28. Nelmark Pulga

29. Nicole Lepasana

30. Raynold Corritana

31. Reden Monton

32. Rejielyn Villablanca

33. Rejoy Pulga

34. Rezzie Reandino

35. Reymart Barca

36. Richard Piñeda

37. Rosario Fusio

38. Rosemarie Norriga

39. Sheena Morano

40. Theresa Maula

41. Vince Marga

42. Zyhra Badion

-- Teachers --

43. Zaira Escobedo

Alive: 41

Deceased: 02