webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · ファンタジー
レビュー数が足りません
31 Chs

Chapter 23: Choosing her

Sam's POV

"Puta! Anong ginagawa niyo doon?!" sinigawan ko silang dalawa nang magising sila. Aba! Sino ba namang matutuwa sa ginawa nila. I mean, okay naman saakin iyon kaya lang KATAWAN KO PARIN ANG KASA-KASAMA NUNG BABAENG IYON.

Una sa lahat hindi mapagkakatiwalaan iyon.

"Teka... Paanong?" nagtatakang tanong ni Kevin saakin. Akala ko rin hindi ko magagawang makalabas sa katawang iyan pero dahil sa kagustuhan kong makalabas, sinubukan ko talaga hanggang sa makalabas ako.

"Talaga nga namang napakalakas ng kapangyarihan mo kapatid ko." sabi naman nung kapatid ko. So, papaano? Sino ang kasama ni Kevin na papasok sa Academy? Ako o siya? Tang ina! Bakit ba ganito?! Ngumisi ako dito.

"Anong mangyayari sa katawan mong yan, Morioka?" tanong ko dito. Tumayo naman ito at saka tinitigan ang katawan nito sa salamin.

"Buhay na ulit ang katawan ko." sabi nito saakin. Mapapanganga ka nalang talaga. So anong balak mo? Aagawin mo lahat ng mayroon ako? Ganun ba iyon?

"Mabuti yan." malamig kong sabi dito saka ako lumabas ng kwarto ko para puntahan si Mel.

Kinuha ko si Mel at ang Tigre kong si Mao at dinala ko sa bakuran. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kakambal ko. Para bang ayaw kong mayroon siya. Ewan ko ba!

Maya maya ay napansin ko ang paligid ko tila ba unti unting namamatay ang mga halaman.

"Sam."tawag saakin ni Kevin. Hindi ko siya nilingon. Pinagpatuloy ko lang ang paghaplos ko kay Mao habang nasa balikat ko si Mel.

Ibinigay saakin ni Kevin ang isang papel.

"Sam. Ganito nalang schedule niyo ni Morioka. MWF ikaw sa TTH." ani nito. Bullshit!  Sige! Mas gusto niya palang kasama si Morioka eh kesa saakin. Magsama nga kayo.

"K." matipid kong sabi dito at saka ako tumayo at dirediretsong naglakad papalayo sakanya.

Hindi ko man lang ito tinitigan sa mata. Si Morioka naman kasi ang gusto niyang kasama eh, sabagay BRUTAL NGA PALA AKO. Maybe, I deserve not to be choose.

Sanay naman ako mag isa eh. Kayang kaya ko naman. Andiyan naman si Maverick.

Maya maya pa ay ibinalik ko na si Mao at Mel sa kanilang mga kulungan at saka ko kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko.

23 missed calls galing kay Maverick.

Wow ha! Talaga bang siya ito? Maya maya pa ay tinawagan ko na ito.

"Good Morning, Sam." bati nito. Napataas naman ang kilay ko sa masigla nitong bati saakin. Anong mayroon kagabi? Wait! May naaalala ako. Bago ako makalabas sa katawan ko kagabi, yung babaeng iyon may ginagawa saakin. Hindi ko siya gusto, pakiramdam ko may tinatago siya.

"Woy!"dinig ko sakanya dahilan upang makabalik ako sa realidad.

"What's good in the morning?" pagtataray ko rito.

"Ikaw. Labas ka sa bahay mo."utos nito saakin. Naglakad naman ako papunta sa pintuan at binuksan ko ito. Nakita ko siyang may dala dalang bulaklak bago ito lumapit saakin.

"May patay ba dito?" tanong ko sakanya. Aba, bakit nga ba may pabulaklak na nalalaman? Patay na ba ako?

"Wala naman. Para sayo." ani nito saakin saka iniabot ang bulaklak na dala dala nito. Kinuha ko ito at saka ko binitawan sa lupa at saka ko inapakan.

"Hindi ako patay, okay. Kung wala kang matinong magawa sa buhay mo. Please lang ha! Huwag mo na akong guluhin!" pagsusungit ko dito saka ako pumasok sa loob ng bahay ko at ibinalibag ang pinto pagkasara ko.

Pagkasara ko ng pinto ay nakita ko naman agad si Morioka.

"Bakit ba ang aga aga, napakasungit mo?" tanong nito saakin dahilan upang mainis ako. Una palang, bwisit na bwisit na ako sakanya. Hindi ko alam kong bakit. Tang ina!

Linapitan ko ito at saka ko ito tinitigan mata sa mata.

"Matagal na akong ganito bago ka pa dumating kaya huwag mo akong pakialaman." malamig kong sabi dito. Hindi ba dapat matuwa ako na may kapatid ako? Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko dahil sa kanya mawawala lahat ng mayroon ako.

"Hindi ka ba natutuwang nandito ako?"tanong nito saakin. Hindi ko alam bakit kulong kulo ang dugo ko sakanya.

"Hindi. Ginugulo mo ang buhay ko. Ginugulo niyo ang buhay ko!" nagtaas na ako ng boses sakanya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Mukha namang napikon ko narin ito at naging kulay pula at berde  na mga mata nito.

"So anong balak mong gawin saakin?"pagmamaldita kong sabi sakanya. Maya maya ay naglabas ito ng mga bolang apoy sa magkabilaan nitong mga kamay atsaka idinikit sa balat ko dahilan upang mapaso ako at masipa ko siya.

Tumalsik ito sa kulungan ni Mao. Nilapitan siya ni Mao dahilan upang magkaroon siya ng pagkakataong sunugin ito.

Putang ina lang talaga! Alaga ko si Mao mula noong bata ako tapos susunugin niya lang?

Hindi ako natutuwa sakanya.

Maya maya ay nilabas ko narin ang kapangyarihan ko. Sa bolang apoy na hawak hawak ko ay may maliliit pang mga bolang apoy na nakapalibot dito, iba't ibang kulay pa saka ko ito ibinato sakanya dahilan upang mawalan siya ng malay.

"Sam!" sigaw ni Kevin ng makita niya ang nangyari sa kakambal ko. Agad niya namang pinuntahan si Morioka at saka binuhat papunta sa sofa.

"Kakambal mo siya, bakit ganyan ang trato mo sakanya?" tanong nito saakin dahilan upang mainis ulit ako sakanya.

"Wala kang pake!"sigaw ko dito saka ako umakyat papunta sa kwarto ko.

Okay, sa kwento ko. Oo na! Ako na ang masama! Tang ina lang!

Maya maya pa ay may lumabas sa harap kong isang babae. Napakaganda niya.

"Shakira."sabi nito saakin saka ito lumapit at hinaplos ang buhok ko.

"Anak, natatandaan mo ba ang nais ko para sainyo ng kapatid niyo noong mga bata pa kayo?" tanong nito saakin.

"Bitawan mo ako." malamig ko sabi sakanya. Hindi naman nito sinunod ang aking sinabi.

"Anak, alam kong sa puso mo ay may natatago ka paring kabutihan." sabi nito saakin. Ano bang akala ng mga tao dito putang ina talaga!

Porket nananakit ako ng kapatid ko masama na ako?

Porket ba mura ako ng mura, masama na ako? Tang ina!

Porket ba mainitin ako at mapanakit, masama na ako?!

It really sucks when the society sees you as a bad person just because of that. Putang ina!

Tinitigan ko ang aking ina at saka ko inisip na mawala siya sa harap ko at nagkatotoo naman ito. Nawala naman ito sa harap ko.

A/N: Hahahaha! Ano? Kamusta na kayo sa story ko? Hahahaha Sana okay pa kayo.