webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · ファンタジー
レビュー数が足りません
31 Chs

Chapter 17: Stronger

Fleariza's POV

Pinagmamasdan ko itong lumilipad habang papunta ito sa palasyo. Maya maya pa ay lumapag na ito sa kalupaan at nagtungo sa direksiyon kong nasaan ako. Nagkatawang tao ito pagkalapit saakin.

"Kamusta? Anong balita?" bungad kong tanong dito. Mukha namang wala itong nakita sa matagal niyang pagkawala. Ito na ata ang pinakainutil na nilalang na nakasalamuha ko bukod sa kakambal ko. Lumapit ako dito atsaka ko hinawakan ang leeg nito.

"Anong balita sa ipinagagawa ko sayo?" mariin kong sabi dito.

"Mahal na Reyna."wika nito  ng may halong hirap sa pagsasalita dahil sa pagkakasakal ko sakanya. Inihagis ko ito at tumilapon ito sa isang malaking puno.

Pinuntahan ko muli ito at nasaksihan ko ito na nakahandusay sa lupa. Inapakan ko ang paa nito dahilan upang mapaaray ito sa sakit.

"Anong silbi ng pagpunta mo sa mundo nila kong wala kang magandang balita na maibibigay saakin?!"galit kong sabi dito habang tinititigan ko ito ng walang awa.

"Mahal na Reyna, ang anak niyo pong si Martha." nahihirapan nitong sabi saakin. Nakapagtataka at yaon ang unang sinabi nito saakin.

Patay na si Martha. Saksi ako sa pagkamatay nito dahil sa ginawa ni Mizore sakanya. Ano ngayong mayroon sa pinakamamahal kong anak?

"Anong mayroon sa anak ko?" mahinahon kong tanong dito at saka ko inalis ang aking mga paa mula sa pagkakatapak sakanya.

Dahan dahan itong tumayo sa harap ko at tumingin ito saakin.

"Buhay ang anak niyo mahal na Reyna. Buhay siya at kasama niya si Mizore." ani nito saakin. Paanong buhay ito?

"May kasama pa silang lalaki mahal na Reyna."dagdag pa nito dahilan upang mapakunot noo ako. Sino iyong lalaking yaon? Paanong buhay ang aking anak?

Ngayon, lalo kong nanaising pumunta sa mundo ng mga tao para sa pinakamamahal kong anak at kay Mizore.

Nakakaramdam ako dito na may kakaiba. May mali. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kakaiba talaga.

Nilapitan ko ito atsaka ko ito tinignan mata sa mata atsaka ko muling inapakan ito.

"Gusto kong alamin mo kong anong ginagawa niya kasama si Mizore." utos ko dito. Ano ka ba talaga, Mizore? Sino ka ba talaga?

Tinitigan ko muli ito ng masama dahil sa titig nito saakin.

"Ano pang hinihintay mo?!" pasigaw kong sabi dito. Aba, tinititigan lang ako at hindi nalang kumilos para magawa nito ang aking ipinagagawa.

"Mahal na Reyna, nakaapak ka parin." wika nito saakin. Ngayon ko lang napansin na, oo nga, nakaapak pa ako sakanya.

Inihakbang ko ang aking paa upang maalis ko ito sa pagkakaapak sakanya.

"Umalis ka na." utos ko dito pagkatapos kong alisin ang aking paa mula sa pagkakaapak sakanya. Agad naman itong nagpalit ng anyo at naging ibon sa harapan ko saka lumipad papalayo saakin.

🌺🌺🌺

Kevin's POV

Pumasok ako sa bahay niya at naabutan ko ang kasambahay nito na nililinisan ang kulungan ng tigre ni Sam.

Napansin naman ako agad nito at saka ako nginitian.

"Manang, si Sam?" tanong ko dito. Napahinto naman ito sa ginagawa niya dahil sa tanong ko.

"Akala ko sinundo mo siya kanina?"pagtataka nitong tanong saakin dahilan upang mapakunot noo ako. Paanong susunduin ko eh na-late naman ako ng gising.

"Ah, sige po. Mauna na po muna ako." pagpapaalam ko dito. Nauna na pala siya. O thought she will wait for me here kasi yaon yung usapan.

Kung yung brutal na Sam yaon pakiramdam ko oorasan niya nanaman ako ng 30 minutes. Nakakamiss rin pala siya.

Papaalis na ako ng bahay niya ng makasalubong ko ito sa labas.

"Protektahan mo siya." wika nito saakin. Napakunot noo ako. Anong ibig nitong sabihin?

"Sir!" dinig kong tawag saakin ni Manang dahilan upang mapalingon ako sa diteksiyon nito.

"Naiwan po pala ni Ma'am itong libro niya, pakibigay nalang po." wika ni manang habang tumatakbo papunta sa direksiyon ko.

Napangiti naman ako dahil dito. Basta ba hindi si Mel ang gusto niyang ibigay ko kay Sam, okay lang saakin kahit ano pa yan.

"Sige po." tugon ko dito saka ko kinuha ang libro na iniaabot nito saakin.

"Maraming Salamat, Sir." wika nito saakin saka tumakbo pabalik sa loob ng bahay ni Sam. Mukhang maraming pang gagawin si Manang kaya iyon lang talaga ang inihabol niya saakin.

Napalingon naman ako sa direksiyon ng lalaki kanina sa harap ko. Wala na ito kaya naman nagsitaasan ang mga balahibo ko.

Sino ka ba? Bakit mo ba parating sinasabing ingatan ko siya? At saka, sino ba iyang siya na yan?

"Kevin!"sigaw saakin ng babaeng papalapit sa direksiyon ko. Agad naman akong napangiti ng makita ko ito.

Kumuway naman ito saakin habang papalapit ito. Ganoon din naman ang ginawa ko dito.

"Bakit ka bumalik?" tanong ko sakanya. Ngumiti naman ito saakin.

"Kinuha mo na pala."wika nito.

"Ang alin?" tugon ko dito ng may halong pagtataka sa mukha. Hindi ko naman kasi alam kong ano iyong tinutukoy niya.

"Iyang libro." wika nito sabay turo sa hawak hawak kong libro.

"Ah heto ba, itinakbo kanina saakin ng kasambahay mo, nakalimutan mo daw kasi."tugon ko dito saka ko iniabot dito ang libro.

"Maraming Salamat."wika nito. Agad naman itong tumalikod at saka naglakad papalayo.

Hindi niya talaga ako aayaing sumabay sakanya? Seryoso ba, Sam? Ah, oo nga. Hindi pa ba ako nasanay? Hindi si Sam yung nakakasalamuha ko ngayon kundi ang kakambal nito.

"Sam!" tawag ko dito kaya naman napalingon ito saakin. Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay.

Laking gulat ko naman ng bigla nitong inihampas saakin ang librong hawak hawak nito.

"Thank you." sarkastiko nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong sikmuraan nito.

Ito si Sam.

Nagalaw ko ba yung purselas niya?

Paanong nangyari yun? Sigurado akong ang ginalaw ko ay ang kamay nitong walang nakakabit na purselas.

"Wondering how?" wika nito saakin. Kakaiba siya. Nakakatakot ang aura nito kumpara noon. Sam? Ano na bang nangyayari sayo?

Kwenelyuhan ako nito at saka dahan dahan ako nitong iniangat habang hawak hawak nito ang kwelyo ko.

"I am stronger than before." wika nito saakin bago ako nito ibaba. Inilipat nito ang kamay nito sa pagkakahawak saakin.

Ngayon ay sa likuran na sya ng damit ko nakahawak.

"Anong akala mo? Maiiwan ka dito? No way. You're going with me." ani nito saakin saka ako nito hinila.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil ito naman talaga ang gusto ko.

Ito ang namiss ko. Ang brutal na Sam na nakilala ko.

A/N: A morning update for this day. Happy Mothers Day sa lahat ng mga mamshies. Keep safe everyone! Don't forget to vote and give some comment. Thank you!