@International_Pen
((( Sena )))
Lumapit sa akin yung kapatid ni Sean... si Coy. Napa thumbs up ito sa akin.
Habang yung mag-asawa...
Parang sasayaw sila sa gitna.
Naupo si Coy sa upuan ni Sean.
Sa asawa ko yan... Kapag yun nagselos na naman.
"Alam mo ba yung pustahan ni Mom at Kuya?"
"Huh?"
"Kapag di ka nakaahon sa kilos mong garapal, di papatawarin ni Mom si Dad. Dahil kapag nagawa mo... papatawarin nga niya. Pero kapag hindi... makikipag divorce si kuya sayo... at magpapakasal sa ibang babae."
Na halos gusto ko na ngayon mahulog yung chandelier at mabagsakan ang nanay niya ngayon!
Bakit siya ganyan!
"Pero nagawa mo Sis! Apir naman dyan!"
Wala akong nagawa at inis na napa apir sa kanya.
"Paano yan, iyong iyo na si Kuya. Pero mas gwapo parin ako sa kanya."
Sabi niya ng tumayo na siya.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください