@International_Pen
((( Sena )))
Susundin sana ni Cecile ng kinuha ko yung pingan sa Head chef na yun… saka ko malakas na ipinalo sa ulo niya.
Ohwww… pilak pala… kaya parang kampana na tumunog.
Saka ko na hinila patayo si Cecile.
"Maka rotten Maid ka dyan! Ano siya zombie!"
Kaya lang talaga… bigla silang napayuko. Nang marinig ko ngang may bumungisngis…lumingon ako… Nanay ni Sean na naglilisik ang mata… at ang kapatid niya na parang nanunuod ng comedy clip.
"Mr.Jay," kampanteng tawag nito…"Anong nangyayari dito."
"Madam Llona, your Daughter In Law Maid has been catch stealing a food a minutes ago."
Kaya ako itong napatitig kay Cecile,
"Totoo ba Cecile?"
Ngunit nagulat na lamang ako ng tumango ito.
"Well you need to take a punishment. Kneel down the whole day at that pave."
Luluhod na sana si Cecile ng pigilan ko Siya.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください