@international_Pen
((( SENA )))
Ang hirap mag-isip ng pangalan… yung tipong ma-aapreciate nila ang binigay na pangalan ng kanilang magulang…
Keane, Ken, Sen…. Ahahaha… parang pen pen desarapen eh!
Sa paglalakad ko… di ko alam nakalabas na ako. Ang ganda sa labas… tinalo pa yung bakuran ni Sean… pero halata talagang matagal na ang Mansion na ito… parang ninuno pa ni Jose Rizal ang pinaki-usapan na maging engineer at architect ng bahay na ito. Namumukadkad ang bulaklak na parang spring lang ngayon sa Pilipinas. Sabagay may oras din na napapalagas talaga ang ilang halaman at puno … since dalawa lang panahon natin… Tag-ulan at tag-init. Patanghali na… mataas ang araw… pero sariwa parin ang hangin dahil sa nagdaang tag-ulan.
Habang nakatingala sa langit… at sa mga arko ng halaman… parang ikakasal lang ako… na naglalakad. Ahahaha… ang feeling ko. Sayang di natuloy kasal namin ni Sean. Sa totoo lang… ang tatlong kahilingan ko…
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください