@International_Pen
((( SEAN )))
Nakayakap sa kanya ang pamangkin niya… habang nakaharap naman siya kay Tobby, ang anak ni George. Baby, parang gusto mo na ata makipaglaro sa mga batang to, bakit mo hinayaan na dito matulog ang Mama mo.
Sena, nagkakamali ka na di tayo magtutuos sa pinagyayabang mo. Wag kang duwag, harapin mo ako. Saka lumapit ako… at dahan dahan na binuhat si Sena, kunting ingat lang dahil nagpagitna lang naman siya. Napamulat yung sa kabilang katabi niya… yung pamangkin niya…
"Bayaw?"
"Shhhh…"
Ewan, bayaw ang tawag ng batang to sa akin.
"Saan mo dadalhin si Tiya Amasona?!"
"Shhhhhhhh…" saka pinanlakihan ko ng mga mata ko.
Dahil parang magigising si Sena dahil sa kanya.
"Matulog ka na, ibabalik ko lang siya kung saan karapatdapat na natutulog to."
Napahikab yung bata.
"Balik niyo na ba sa Puno?"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください