@International_Pen
((( SEAN )))
Nang di ko napigilan sarili ko na halikan ito sa labi.
Paano yan Sena, hahaha… nakapuntos na naman ako sayo. At ayan nga may trophy na ako. Baby, kaw na muna ang bahala sa nanay mong madrama, nagpapadala masyado… wala kasing tiwala. Ligtas kang ilalabas sa mundong to ng iyong ina, ako na lang bahala na sumanga sa taong gustong pumatay sa kanya.
Saka ko… binuhat siya…
Mabigat parin… baboy talaga.
Nang mahiga ko sa higaan… Inayos ko ang buhok na gumulo sa mukha niya. Dahil mamaya maglalaway na ito. Nang nagulat na lamang ako ng bigla siyang napayakap sa leeg ko… at hinila ako pahiga. Sa nagpahila naman kasi ako. Kaya ngayon para niya akong niyayakap.
I win Sena, again.
At may bumukas ng pinto.
((( LEO )))
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください