@ International_Pen
((( SENA )))
Ako itong nanghinayang sa pera ng mga kalaban namin ni Sean. Kasi kakambal ata talaga ni Sean ang swerte. Hangang sa hinamon na siya ng isa sa mga kalaban namin na muli pa silang maglaro.
"Aatras ka na porque panalo ka."
"Why, batas ba dito na di ka pwede umayaw kung ayaw mo na." Napahawak na ako sa braso ni Sean.
"Hindi naman pare, kailangan mo lang kami bigyan ng pagkakataon na bumawi."
"No." matikas na sabi ni Sean. Ngunit sa sinabi niyang yun, pinaliguran na kami ng mga gongs nito. Ngumisi si Sean. Upakan ko ang lalaking to! Wag niyang sasabihin na muli na naman kaming mapapahamak sa kagayang lugar na ito.
"Sean…" mahina kong tawag sa pangalan niya, para babaan din kayabangan niya.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください