@ International_Pen
((( SENA )))
Dahil nga basa na ako at naisuka ko yung ininom ko kanina… nahimasmasan na ako… at wala na akong rason para harapin na may lakas ng loob itong si Sean. Dinig na dinig ba ako sa pagbaback stab ko sa kanya. Totoo naman eh. Ano ngayon Sean?!
Ngunit dapat pala, stay lasing lang… dahil sa nakikita ko kay Sean sa mga mata nito. Muli ko na naubos yung pasensya niya. Ang aga pa Sean, para maubos yun. Iyak Sena….
" Kaya kong banlawan sarili ko nga, kahit wala sila, Sean."
Ngunit nakatayo lang siya… napasandal sa dingding… suot niyang roba na tuyo ngunit parang walang pakialam kung mabasa man ito ulit.
" Sean… pwede ka nang lumabas. Magbabanlaw na talaga ako."
Ano gusto niya maghubad ako sa harapan niya. In your dreams Sean, taas na kaya ng araw.
"Within a minute Sena."
Napatitig ako sa kanya.
"Your time start now."
Walang "s" ibig sabihin isang minuto lang. Magrereklamo sana ako kaya lang…
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください