webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · 都市
レビュー数が足りません
51 Chs

Chapter 4

Nagtungo si Isabelle sa opisina ni Clary. Nagtataka ito kung bakit hindi na naman ito sumasagot sa tawag niya. Balak niyang yayain si Clary na kumain sa labas upang mapagkwentuhan ang mga kaganapan sa kanila ni Jace.

"Hey.. Isabelle.." ani ni Clary

"Hey! Ano ang nangyari? Tinatawagan kita hindi ka rin sumasagot." Tugon ni Isabelle

"Pasensiya na, may mga iniisip lang ako." Ani ni Clary

"Hay nako mag early lunch na tayo. At doon na natin ituloy ang kwentuhan." Tugon ni Isabelle

"Mas mabuti pa nga. Gutom na din ako. Sa dati ba tayo?" Ani ni Clary

"Yup! Sa dati paborito mo doon at alam ko naman na hindi ka tatanggi." Tugon ni Isabelle

Lumabas na ang dalawa sa opisina. Samantala napansin ni Isabelle kung bakit tila seryoso ang kanyang mga empleyado.

"Anong nangyari? Bakit parang may kakaiba sa mga mukha ng empleyado mo?" Ani ni Isabelle

"Wag mo na lang silang pansinin." Tugon ni Clary

"Bakit nga??" Ani ni Isabelle

"Nakita nila kasi ako kanina sakay sa motor ni Jace so ayun, napagkamalang boyfriend ko." Tugon ni Clary

"Eh boyfriend mo na nga ba?" Ani ni Isabelle

"Hindi pa nga nanliligaw. Isa pa magkababata kami." Tugon ni Clary

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa restaurant. Umupo na sila at nag order, pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang kanilang pag-uusap.

"Teka lang paano ba kayo naging magkababata ni Jace?" Ani ni Isabelle

"Ganito kasi yan.." tugon ni Clary

Nagsimulang magsalaysay ng kwento si Clary tungkol sa kanila ni Jace.

🖤🖤 FLASH BACK 🖤🖤

🖤 Jace & Clary 🖤

Lumaki si Clary sa isang may kayang pamilya, hindi sila ang tunay na mga magulang ni Clary. samantala anak naman si Jace ni Mang Efren isang katiwala sa lupa kung saan siya ang nag iintindi sa kanilang mga lupain.

Minsan na silang nagkatagpong muli ng landas ng isama ni Mang  Efren sa bahay nina Clary si Jace. Mahiyain pa noon ang dalawang bata. Si Clary na napakaitim at kulot ang buhok. Si Jace naman ay sobrang dungis sapagkat ayaw nitong maligo mas mahilig pa itong maglaro.

"Bata anong pangalan mo?" Ani ni Jace

"Clary.. ikaw anong pangalan mo?" Tugon ni Clary

"Jace. Halika! Gusto mo maglaro tayo?" Ani ni Jace

"Ayaw ko. Baka mapagalitan ako nina mama at papa. Isa pa ang dumi dumi mo na." Tugon ni Clary

"Sobra ka naman. Ikaw nga ang itim itim mo tapos kulot pa ang buhok mo." Ani ni Jace

Umiyak si Clary at nadinig ito ni Mang Efren. Kaagad naman niyang tinungo ang dalawang bata.

"Oh anong nangyayari dito! Bakit ka umiiyak Clary?" Tanong ni Mang Efren

"Eh kasi po sinabihan niya akong maitim." Ani ni Clary

"Eh pano tatay sinabihan din naman niya akong ang dumi dumi ko at saka ayaw niya makipaglaro sa akin." Tugon ni Jace

"Hay nako kayo talagang mga bata kayo. Sige na Clary pumasok ka na sa loob. Ikaw naman Jace umuwi ka na sa bahay at maligo." Ani ni Mang Efren

Kaagad na nagtungo si Clary sa loob at nagmukmok sa kanyang kwarto. Nakita naman siya ng mama niya at napailing na lamang siya at napangiti. Samantala kaagad din umuwi si Jace sa kanila upang maligo.

Nag usap naman sina Mang Efren at Romina para sa planong ibenta na ang lupa. Aalis na sila sa bansa patungo sa Spain.

"Mang Efren nais ho sana namin ni Robert na mabenta na ang lupa bago pa man kami umalis patungo sa Spain."  Ani ni Romina

Si Romina at Robert ang tumayong mga magulang ni Clary. Nakita lamang nila si Clary sa isang bakanteng lote kaya naman naawa sila at inampon na ang bata. Itinuring nila si Clary bilang isang tunay na anak.

"Nakakalungkot namang isipin na kailangan na palang ibenta ang lupa. Sige magahahanap din ako baka sakaling may gustong bumili." Ani ni Mang Efren

"Salamat ho Mang Efren, pero kung wala naman ho talaga baka magbago na din ang isip namin ni Robert na huwag na munang ibenta ang lupa. Total nandito naman kayo para asikasuhin ito." Tugon ni Romina

"At alam din ho namin na Kayo lamang ang mapapagkatiwalaan namin dito." Dagdag naman ni Robert

"Nako makakaasa kayo sa akin. Eh napakalaking tulong na nga nito sa akin lalo na sa aking anak na si Jace." Tugon ni Mang Efren

Ilang saglit pa ay may narinig silang bata na sumisigaw. Hinanap nila ito at hindi nagtagal ay nakita ni Mang Efren ang kanyang anak.

"Si Jace pala." Ani ni Mang Efren

"Tatay! Tatay!" Sigaw ni Jace

"Ano ka ba namang bata ka! Kung makapalahaw ka ay napakalakas." Ani ni Mang Efren

"Nakaligo na po ako malinis na po ako. Pwede na po ba ako makipaglaro kay Clary?" Tugon ni Jace

"Ha nako aalis na tayo anak." Ani ni Mang Efren

"Sige Jace makipaglaro ka na sa aking anak. Halika pasok ka." Ani ni Romina

"Talaga po?" Tugon ni Jace

Isinama ni Romina si Jace patungo sa play ground ni Clary. Nakita naman niya kaagad doon si Clary.

"Clary.. sweetie maglaro kayo ni Jace huwag kayong mag aaway." Ani ni Romina

Lumapit naman kaagad si Jace kay Clary. Samantala umalis na si Romina at bumalik kina Robert at Mang Efren.

"Anong nilalaro mo?" Ani ni Jace

"Barbie.." tugon ni Clary

"Pwede ba kitang maging kaibigan Clary?" Ani ni Jace

"Hmmm Sige pero wag mo na akong tatawaging kulot at maitim." Tugon ni Clary

"Sige ba. At saka huwag mo din akong sasabihan na madungis kasi tumutulong din ako kay tatay kaya minsan madumi ako." Ani ni Jace

"Sorry ha.." tugon ni Clary

"Sorry din.. Friends??" Ani ni Jace

"Friends!" Tugon ni Clary

Iniaro ni Jace ang kanyang little finger at gayon din ang ginawa ni Clary. Pinag cross nila ito bilang tanda na ng araw na ito sila ay ganap na magkaibigan.

🖤 END OF FLASHBACK 🖤

"So ayun ang storya kung paano kami nagkakilala ni Jace noong bata pa kami." Ani ni Clary

"Interesting pala ang storya niyo. Kwentuhan mo pa ako." Tugon ni Isabelle

"Seryoso ka? Aalamin mo lahat ng buhay ko. Alam mo na nga ang lovelife ko." Ani ni Clary

Tumawa si Isabelle at napailing na lamang. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang inorder. Kumain na sila at pagkatapos ay bumalik na sa opisina si Clary.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Loveisjustashowcreators' thoughts