Sabado, unang araw ng team building nina Jace, dumating na siya sa venue at nadatnan na niya doon si Alec. Dala ang kanyang mga gamit para sa camping team building.
"Bro! Ang aga mo!" Ani ni Jace
"Ano pa nga ba. Baka mamaya tawagan mo pa ako." Tugon ni Alec
"Haha. Malamang gagawin ko yun. Ikaw ang pinaka star ngayon dito. Ikaw ang magiging daan ng kasiyahan ng lahat." Ani ni Jace
"Lakas mo Bro! Lakas mong mambola!" Tugon ni Alec
Sa madaling salita, hindi maiwasan ni Alec ang paggiging sobrang saya sa mga salitang sinabi ni Jace para sa kanya.
"Sana pati ikaw mapasaya ko.." sambit ni Alec sa kanyang sarili
"So! Darating ba si Clary?" Ani ni Alec
"Not sure! Hindi siya nagbigay ng sagot kahapon. Pero sana dumating." Tugon ni Jace
Nalagyan ng kaunting lungkot ang mukha ni Jace ng sabihin niyang hindi sigurado kung makakarating si Clary. Napansin ito ni Alec, kaya naman iniba niya ang usapan.
"Nasaan na pala ang team mo? Bakit wala pa sila?" Ani ni Alec
"Siguro darating sila on time. Maaga pa naman, alas nueve pa naman ang call time." Tugon ni Jace
"Maganda ang view dito, at isa pa safe talaga tayo." Ani ni Alec
"Yuph kaya dito ko napili. Isa pa, para sa dobleng security may darating dito na pulis na makakasama natin habang naandito tayo." Tugon ni Jace
"Wow! Hindi ko ata alam iyan. Ang akala ko tayo lang." Ani ni Alec
"Siempre kargo ko kayong lahat, kaya humingi na ako ng backup para naman mas sure ang kapakanan ninyo. Kahapon ko lang din sila nilakad pagkatapos kong kitain si Clary." Tugon ni Jace
Napangiti si Alec, hindi niya maiwasang isipin kung bakit kumuha pa si Jace ng magbabantay na pulis gayong may pinaka guard naman sa area na ito.
"Isesecure ba talaga niya lahat? O kailangan lang ma madouble secured dahil darating si Clary? Oh come on Alexander! Ano ba iniisip mo!" Sambit muli ni Alec sa kanyang sarili
Hindi nagtagal ay nagdatingan na ang team ni Jace. Hinanap niya kaagad si Cassandra, nang makita niya ito nagulat siya ng masilayan ang malaking pasa nito sa may mukha. Naisip na lamang niya na baka gawa ito ng lakas ng sipa ni Clary.
"Hi Cassandra." Ani ni Jace
"Hello TL." Tugon ni Cassandra
Hindi maintindihan ni Jace kung paano niya kukumustahin si Cassandra. Gayong alam niya ang nangyari.
"So ok na ba ang mga gamit mo para sa camping?" Ani ni Jace
"Oo ok na." Tugon ni Cassandra
Lumapit si Cassandra patungo sa may tenga ni Jace at bumulong.
"Madami kang member, bakit ako lang ang tinanong mo" ani ni Cassandra
Napakamot ng ulo si Jace. Wala siyang nagawa kung hindi ang magtanong sa buong team.
"Attention everyone! Ok na ba ang lahat ng gamit niyo para sa camping? Hintayin lang natin ang iba at tayo ay magsisimula na" ani ni Jace
"Yes TL ok na.. nakahanda na!" Tugon nila!
Lumapit si Alec kay Jace. Tinanong niyang muli kung nasaan si Clary.
"Jace. Si Clary ba darating?" Ani ni Alec
Aksidente naman itong narinig ni Cassandra.
"What? Dadating si Clary? Hindi pa for team lang ang camping?" Ani ni Cassandra
Hindi nakasagot si Jace. Kaya naman si Alec na ang nagpaliwanag.
"Ganito kasi yan. Si Clary ang nagpondo para sa camping na ito. Kaya bilang ganti naisip namin na imbitahin siya bilang guest." Tugon ni Alec
Namangha si Jace kay Alec sa pag gawa ng dahilan upang mapagtakpan si Clary. Napalunok na lamang siya at saka umimik.
"Hindi ko na nasabi sa grupo. Naging busy kasi ako. Pero ganun na nga ang nangyari." Ani ni Jace
"Diba may pondo naman ang company natin? So bakit kailangan pa magpondo ni Clary? Tugon ni Cassandra
"It's me! Ako ang nag suggest kay Jace, oo may pondo pero kung tutuusin kulang iyon kaya lumapit ako kay Clary." Ani ni Alec
"Ok! Kung ganun eh di welcome Clary." Tugon ni Cassandra
Tumalikod si Cassandra at naglakad papalayo sa dalawa. Nang malayo na ito nagpasalamat naman si Jace kay Alec.
"Thanks bro. Sinagip mo ako.." ani ni Jace
"Hay nako! Ayaw ko kasing magkaroon ng gulo hindi pa nga nakakapagsimula." Tugon ni Alec
"Basta salamat. Oh ayan na sila.. makakapagsimula na tayo." Ani ni Jace
"Ok punta na ako sa unahan." Tugon ni Alec
Nagtungo si Alec upang magsalita sa unahan ng mga team ni Jace. Nagpahayag siya ng mga proseso para sa magiging daloy ng kanilang activities.
Habang nagsasalita si Alec, palingon- lingon naman si Jace, hinahanap niya si Clary. Napapansin naman siya ni Alec kaya tinawag niya ito sa bandang unahan.
"Ok guys Lets welcome our Leader to give some message" ani ni Alec
Nagulat si Jace sapagkat wala sa script nila na magsasalita siya sa harap ng team. Wala siyang nagawa kung hindi ang magpunta sa harap at magsalita.
"Ok guys... thank you for coming.. sana mag enjoy tayong lahat at sana ito ang maging daan upang mas makilala pa natin ang bawat isa." Ani ni Jace
"Thank you TL." Tugon ni Alec
Nang pababik na si Jace sa likuran, napatingin siya ng may dumating na itim na kotse. Tumigil ito at lumabas ang isang lalaki. Nagtungo naman ito sa kanang bahagi at binuksan ang pintuan.
Pagkabukas, lumabas ang isang makinis na binti, naka short lamang ang babae. Maya maya pa ay unti unti ng nasilayan ang anyo ng babae. Nakasuot ito ng puting sapatos, short at nakasando saka tinaas ang kanyang shades.
Namukhaan kaagad ito ni Alec kaya kaagad siyang nagsalita.
"Guys.. please! Let's welcome Ms. Clary owner of Clary's winery. Ang nagbigay ng sponsor para mas maging maganda ang ating team building." Ani ni Alec
Napalingon ang bawat grupo sa likurang bahagi at lahat ay namangha ng masilayan nila si Clary. Naging bulong bulungan naman agad na baka ito ay girlfriend ng kanilang TL.
Kahit si Clary ay nabigla sa sinabi ni Alec. Tumaas ang kilay nito kay Jace at kaagad naman siyang nilapitan.
"Dumating ka... thank you.." ani ni Jace
"Anong sinasabi niya ako ang nag sponsor?" Tugon ni Clary
"'Mamaya ko na ipapaliwanag sayo pumunta ka muna kay Alec sa unahan." Ani ni Jace
Nagtungo kaagad si Clary kay Alec. Pagdating niya doon pinalakpakan siya ng lahat. Binigay sa kanya ni Alec ang microphone para makapagsalita.
"Thank you for this opportunity sana maging successful ang event na ito. Thanks again.." ani ni Clary
Pagtingin ni Clary sa kaliwang bahagi, nakita niya si Cassandra. Tumingin siya dito at ngumiti, nag init naman si Cassandra sa pagkakangiting ito. Batid niya na may halo itong pangyayamot.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.