webnovel

Chapter 31. "Stop my heart's beating"

Chapter 31. "Stop my heart's beating"

Laarni's POV

Ang tagal naman ng dalawang 'yon. Di ko na yata makakayanan pang makasama ng mas matagal ang isang 'to. Tahimik lang naman siya, wala naman siyang ginagawa sa akin. Ay mali, meron pala. At inis na inis na ako sa kanya kanina pa. Kung anong ginagawa niya? Yun yung titigan ako at panuorin. Nakakailang ang ginagawa niya. At nadi-distract ako 'don. Nakakainis talaga siya.

"Pwede ba? Magbasa ka kaya ng libro at wag yung tingin ka ng tingin sa akin!" sigaw ko rito. Pero kalmado lang 'tong nakatingin sa akin. And that is one of the most annoying face I've ever seen. "Ugh! Bahala ka sa buhay mo!"

Nag-type ako ulit at nag-focus sa harap ng loptop. Nang dahil sa inis ko, napindot ko ang Ctrl-A at na-backspace ko lahat.

"Ugh! Ano ba 'yan!" agad ko namang pinindot ang Ctrl-Z para i-undo ang lahat ng na-type ko and I took a deep breath, mahirap kayang mag-type. Tapos mauuwi lang sa wala. Salamat sa Ctrl-Z.

Napalingon ako sa kanya, and now he's lying on the sofa at napikit ang mga mata. Tulog na siya? Di pa nga siya nagre-review. Hmp! Bahala siya sa buhay niya. Binaling ko ulit ang tingin ko sa loptop, pero may kung anong puwersa ang humihila sa mata ko na titigan siya. Kusa na lang na, napalingon ako tingin ko sa kanya. At muli, nakikita ko ang natutulog niyang mukha.

Napaka-gwapo naman talaga kasi ng isang 'to. No wonder kahit na suplado at malamig siyang makitungo sa mga tao o sa mga babae, marami pa ring may gusto sa kanya. Hindi ko alam ang tototong dahilan kung bakit siya ganyan. Trauma? Nalaman ko na na-kidnapped siya 5 years ago at dahil 'don, namatay ang Mommy niya, 5 years ago? Ang bata niya pa para maranasan ang ganoong bagay.

Tumayo ako at kumuha ng kumot sa kwarto, nilagay ko naman 'to sa kanya. Kahit naman na may kasalanan sa akin ang isang 'to. Di ko naman pwedeng pabayaan na lamigin siya. Tinignan ko muli ang mukha niya. He's sleeping peacefully, pero magdadalawang isip ka kung makikita mo ang mukha niyang natutulog. You'll see his angelic face but behind that face, you'll also see the pain inside his thoughts. Na kahit sa panaginip na dala dala pa rin niya.

"I—I think, I like you...too." Mahina kong nasabi at dahan-dahan na inilapit ang labi ko sa noo niya. I kissed his forehead at paglayo ng mukha ko sa kanya. Nakita ko naman ang dilat na mata nito. Nagulat ako at biglang napaurong dahilan para mahulog ako sa sofa.

"Aww, ang sakit...Mama ko po..." angal ko habang pinipilit na tumayo. Narinig ko naman siyang nagpipigil ng tawa at nakita kong anytime, he'll burst to laugh. I give him a dark glare pero sige pa rin siya sa pagpigil ng tawa.

Ugh! Look! Hind man lang ako tulungan na tumayo. Tinawanan pa ako. Akala ko tulog na ang kolokoy pero, Ugh! Narinig niya kaya ang sinabi ko?

Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko. Nakalimutan ko ang sakit ng pagbagsak ko, at hinarap siya.

"N-Narinig mo?" gulat kong tanong dito habang tinuturo siya.

"Oo." Natatawa nitong sagot.

"Ha? Wah! Hindi 'yon totoo! I—I was—"

"Don't deny it." Bigla naman ako nitong hinila papunta sa kanya kaya napayakap ako. Nanglaki na lang ang mata ko dahil sa ginawa niya. Para rin akong naghina at hindi ko makuhang pumalag sa kanya. Ang dila ko ay tila umurong at di ko makuhang magsalita. Ang lalaking 'to, bakit ba nato-tolerate niya ako. "I know that this may look so weird, but the very first time I saw you, I felt like, you're the girl destined for me. Noong niligtas mo naman ako sa ilog, alam kong nasungitan kita, pero after that. Para bang isa kang bangungot sa isip ko at di ka maalis."

Ang boses niya, bakit parang isang musika para sa akin. Gustong gusto kong nagsasalita siya. Gustong gusto kong naririnig ang boses niya. Ang higpit ng yakap niya sa akin. Para bang, hindi na kami maghihiwalay.

"Di ba, sabi ko. Landi lang 'yan."

"Hindi. Hindi Laarni."

"Will you please stop calling me 'Laarni', Arni na lang."

"Ayaw ko. Gusto ko ang pangalan mo."

"Edi sayo na." inis kong sabi rito, pero narinig ko lang siyang bumungisngis. "May nakakatawa ba?"

"Ikaw kasi. Alam mo bang, ngayon na lang ako naging ganto, 5 years ago, nakulong ako sa sarili kong madilim na mundo. Pero noong dumating ka, you—you lighten up my world."

Ang lalaking 'to. Bakit parang, unti-unti na akong bumibigay? Gusto ko na ba talaga siya?

"Ah—eh, Hahaha. Tara na nga, mag-review na tayo." Humiwalay na ako sa pagkakayakap niya.

"Sandali, galit ka pa ba saken?" tanong nito.

"Hindi na po Master! Haha." Pang-aasar ko at tsaka naupo sa harap ng loptop.

"Wag mo nga akong tawaging Master!" singhal nito, napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nakanguso siya at napipikon.

"Oh? Bakit naman? Haha. Prince Abrylle na lang. Your highness." Tumayo ako at umarte pa akong prinsesa na nagbigay pugay sa kanya.

"Hay nako. Wag din 'yon!"

"Hmmm, edi Mr. Cold na lang. Pfft."

"Wag din. Ayaw ko kahit ano!"

"Eh? Ano na lang?" tinignan ko naman 'to at para siyang batang hindi maiihi. Nahihiya yata at hindi makatingin sa akin.

"D-di ba, t-tinatawag k-ka ni Lexter na, uhm, Arnibabes?" nauutal niyang tanong.

"So?"

"Gusto ko tawagan natin babes!" aniya.

Ako naman ang natawa dahil sa mukha niya. Para siyang ewan. Hiyang hiya siya ngayon at iwas ang tingin sa akin. Nagpipigil ako ng tawa at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay at nagpameywang sa harap niya.

"Babes your face! Loko loko lang 'yon si Lexter, tapos gagahin mo? Hay nako..."

"Nililigawan ka ba niya?" gulat na tanong nito.

"Hindi. Bakit?" nakita ko naman ang malalim na paghinga. "Oh? You feel relief?"

"Oo, di ba nililigawan kita?" sabi nito sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Nililigawan niya nga ba ako? Parang nasabi niya na nga 'yon sa akin. Pero nakalimutan ko kung pumayag ba ako o hindi.

"Pumayag ba ako?"

"Yes."

"Ah, okay." Naupo ako sa sofa at hinarap ulit ang loptop, pero naka-lagay lang ang mga daliri ko sa keyboard at hindi gumagalaw. Napapaisip kasi ako eh, hmmm mabuti pa itanong ko na lang. "Abrylle," tawag ko rito, paglingon ko nakatingin na siya sa akin. He's now sitting in the sofa and there's a blanker covering his legs. Nagtataka naman 'to at hinihintay ang sasabihin ko. "Ilang na ba ang naging girlfriend mo?" bigla naman 'to nasamid kahit na walang iniinom. Para bang gulat na gulat sa tanong ko. "Oh? Okay ka lang?"

"Ah—oo, ayos lang."

"So ano? Ilan na?" pag-uulit ko. Tinignan ko naman 'to. Mayamaya, titingin siya tapos bigla naman iiwas. Hindi nagsasalita at parang may tinatago sa akin. "Oy? Answer me? Ilan na?"

Ginagawa niya pa rin 'yon. Paulit-ulit. Lilingon, iiwas, lilingon, iiwas. Parang sirang makina.

"Isa pang lingon at iwas ibabato ko 'tong loptop sayo." Banta ko rito habang naniningkit ang mga mata.

"Fine, sasabihin ko na. I never had a girlfriend. Ever since."

"What?" iniwas ko ang tingin rito.

Ano daw? Wala? Sa gwapo niyang 'yan? Bakit? Torpe? Strict ang parents? O baka naman gay?

Binalik ko ang tingin sa kanya.

"Bakit naman?"

"Ewan."

"So? Di ka pa nangliligaw?"

"Hindi pa."

"Eh paano mo ako liligawan?"

"In mens instinct, normal na ang tactics nila to court a girl."

"Weh?"

"Yes."

"Wait, may isa pa akong tanong." Itatanong ko na sana ng maisip ko baka tanungin niya rin ako, kaya naman hindi na lang. "Ay wag na lang pala."

"Ano 'yon?" tanong nito. Naging interesado tuloy ang kolokoy.

"Wala." Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagta-type.

"Hey Laarni! Ano 'yon?"

"Wala nga." Narinig ko namang tumayo siya mula sa kabilang sofa at lumapit sa akin. Pagdating niya sa puwesto ko, sinara nito ang loptop at iniharap ako sa kanya.

"Ano 'yon?" tinitigan ako nito sa mata ko. Pilit ko naman iniiwas sa kanya ang tingin ko, pero his eyes, parang magnet kusang napapatitig ang mata ko sa kanya.

"I just wanna ask if sino ang first kiss mo."

"Ikaw."

"Eh?"

"Sabi ko ikaw ang first kiss ko."

Whoosh! Akala ko ang pagkakasabi niyang "ikaw" ay patanong. Hay nako, paranoid.

"Ah, okay."

"Ikaw?"

"Oo na, ako na nga ang first kiss mo."

"Hindi, I mean, ikaw? Sino ang first kiss mo?"

Para naman akong bloke ng bato na biglang nagkanda warak-warak ng marinig ko ang tanong niya. Sasabihin ko ba? Damn Lexter! Oo, siya ang first kiss ko. 'Dun sa elevator.

"Ah—eh..." huminga ako ng malalim at nagbibilang sa isip ko. Nakatingin naman siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. "Hmmm, sandali? Bakit wala ka pang naging girlfriend?"

"Binabago mo ang usapan." Inis na sabi nito.

"Eh kasi napapaisip lang ako, torpe ka ba? Strict ang parents? O baka naman bakla ka."

"What?" he asked in pissed. "Ako bakla?" bigla naman ako nitong hinila patayo. Nakatingkayad ako habang yakap niya sa beywang ko. At nakatingala sa kanya. Inch by inch, ang lapit ng mukha namin. "Bakla ba ang gagawa nito?" he was about to kiss me ng bigla kaming mapalingon sa bumukas na pinto.

"We're he—"

Natigil at natulala ang dalawa sa nakita nila. Napatingin naman kami ni Abrylle sa kanila. Gulat na gulat ang bawat isa.

"Hay, our hotel is not suitable for sex okay? Get your own room guys." Inis na sabi ni Lexter habang nakaupo na kami sa sofa. "We're for review! Sa Friday na ang exam, and if I remembered wala tayong subject na sex education." Sermon nito sa amin.

Para siyang kuya kung maka-sermon. Iwas naman ang tingin ko sa kanya dahil sa hiya. Pati si Leicy tahimik habang nagse-sermon si Lexter.

"Hay nako, buti na lang dumating kami ni Leicy, baka kundi—"

"Oy, grabe ka naman Lexter, hindi ko naman gagawin 'yon."

"Shut up! Di ka pwedeng magsalita." Sigaw nito. Tiklop ako rito, para talaga siyang kuya. Wala nga akong kuya, pero pakiramdam ko may kuya ako ng mga oras na 'to.

"Hay nako, ikaw naman John Abrylle De Mesa! Nako nako, bro! pigil pigil din!"

"Wag mo kong pagsabihan." Supladong sagot ni Abrylle sa kanya.

"Fine! Pero nako, mag-review na nga tayo."

Tulad ng sinabi ni Lexter, nag-review na lang kami ng mga lessons na lalabas na exam. Maganda 'to at nagkakaroon kami ng brainstorming. Meron din kaming strategy para mag-review. Kinalimutan na lang namin ang mga awkward na nangyari kanina. Pero nahahalata kong si Lexter ay panay ang tingin kay Leicy at panay ang asikaso dito. May nangyari ba nong magkasama sila?

Habang nagsusulat na lang kami ng reviewer namin, na babasahin na lang namin bukas. Tinanong ko si Lexter.

"Lexter, ilan na naging girlfriend mo?" sa tinanong kong 'yon. Bigla namang napaubo si Abrylle kaya napatingin kami sa kanya.

"Ako? Hahahaha, syempre marami. Sa pogi kong 'to?" mayabang na sabi nito.

"Talaga? Chickboy ka pala?" natatawa kong sabi kay Lexter.

"Hahah medyo, at tsaka sila naman ang lapit ng lapit sa akin. Pero di ko siniseryoso 'yon. Noong 10th grade pa ang last relationship ko, tapos 'non nag-trabaho na ako sa hotel Masyadong busy kaya naman, no time for commitments."

"Ah, ikaw Leicy? Ilan na naging boyfriend mo?" nagulat naman si Leicy sa tanong ko.

"Ako? Uhm...bilang lang eh, pero 'yung puppy love lang ang tawag 'don."

"Eh, yung seryoso?"

"Wala pa Arni, Haha ano ka ba." Nakita ko namang nagkatinginan sila ni Lexter pero agad ding iniwas 'to.

"Ah, ako? Wag niyo na tanungin. I never had a boyfriend. Allergic kasi ako sa lalaki dati. Pero ngayon may nangliligaw." Malandi na yata ang tono ng boses ko.

"Ako ba 'yon?" tanong ni Lexter.

"Tse! Di ikaw, tsaka di kita sasagutin. Alam kong may nararapat pa sa puso mo. Hahaha" tinignan ko naman si Abrylle, tahimik lang siya habang nagsusulat.

"Ikaw Abrylle? Ilan na—" di ko pa man natuloy ang pang-aasar ko. Tumigil 'to sa pagsusulat at tumingin sa akin.

"Ako ang nangliligaw sayo di ba? Ako ang lalaking wala pang naging girlfriend." Mukhang galit na yata 'to.

"Oh, bakit ka galit?"

"Di ako galit." Nagsulat ulit 'to.

"Ang arte mo." Inirapan ko naman siya.

"Uyyy, LQ?" pang-aasar ni Leicy.

"Hindi 'no." sagot ko kay Leicy.

Kinabukasan. Sabay sabay kaming pumasok ng school. Tulad kahapon, kasabay ko pa rin si Abrylle sa sasakyan. Pagbaba namin ng sasakyan. Ang daming taong nagkukumpulan sa ground. At mukhang may tinitignan sa bulletin board. Lahat sila nagtatawanan at parang nae-excite sa nalaman nila sa bulletin board.

Pumunta rin ako para mabasa, at pagdating ko 'don. Nagulat ako sa nabasa ko. May nakapaskil na isang announcement tungkol sa foundation day ng school na gaganapin next week. Sa first week ng August.

"Muntik ko na makalimutan." Napatingin ako sa katabi ko. Si Leicy. "Next week na nga pala ang school fest."

"Eh?"